You are on page 1of 2

John Issiah M.

Manuel
BSTM

Ipaliwanag ang mga sumusunod:


1. Pag-uuri ng mga Ideya at Detalye - Ang isang teksto ay binubuo ng mga ideya,
pangungusap, at detalye. Ito ay binubuo ng pangunahing ideya at mga pansuportang ideya
o detalye. Nagagawang malinaw ang isang masalimuot na paksa sa pamamagitan ng mga
pangungusap na tiyakang sumusuporta sa pangunahing ideya.
Ang pangunahing ideya ay paksang pangungusap na batayan ng mga detalyeng inilahad sa
teksto. Ito ay maaaring matagpuan sa introduksyon, katawan o kongklusyong bahagi ng
teksto. May mga pagkakataon naman na ang pangunahing ideya ay hindi tuwirang
binangggit sa teksto.
Samantala, ang pansuportang ideya ay mga detalyeng may kaugnayan sa paksang
pangungusap upang lubusang maunawaan ang kaisipan ng teksto. Ang pagtukoy sa mga
pansuportang detalye ay malaking tulong upang matukoy ang paksa at pangunahing ideya
ng teksto.

2. Pagtukoy sa Layunin ng Teksto - Makikita ito sa mga salitang ginagamit sa teksto at sa


paraan ng pagkakaorganisa nito. Bawat manunulat ay may layunin sa pagsulat. kahit
klasrum aktiviti lang ito ay may layunin din. Isang pagtasa/pagtaya sa kakayahan ng mag-
aaral na magbasa tungkol sa leksyon at magsulat pagkatapos, ayon sa direksyon ng guro.
Tumutukoy ang Layunin ng Teksto sa kung ano ang nais mangyari ng awtor sa kanyang
mambabasa.

3. Pagtiyak sa Damdamin,Tono,at Pananaw ng Teksto - May kinalaman ito sa saloobin


ngmanunulat tungkol sa paksa. May kaugnayan din ito sa kanyang mga karanasan. Iba-iba
ang istilo o tono ng pagsulat. Depende sa paksa, samambabasa o sa kanyang interes.
Maaring pormal o di-pormal na istilo, obhetiboo subhetibo, at positibo o negatibo.

4. Pagkilala sa Pagkakaiba ng Opinyon sa Katotohanan - Ang katotohanan ay isang


pahayag na nagsasaad ng ideya o pangyayaring napatunayan at tanggap ng lahat na totoo
at hindi mapapasubalian kahit sa ibang lugar. Hindi ito nagbabago at maaaring i-verify ang
pagkamakatotohanan nito sa ibang sanggunian tulad ng mga babasahin at mga taong
nakasaksi nito. Ang opinyon naman ay isang pananaw ng isang tao o pangkat na maaaring
totoo pero puwedeng pasubalian ng iba. Ito rin ay isang paniniwala na mas malakas pa sa
impresyon, mas mahina sa positibong kaalaman na batay sa obserbasyon at eksperimento.

5. Pagsusuri kung Valid o Hindi Ng Ideya o Pananaw - Sa pagbabasa, hindi lahat ng


pananaw o ideya ay dapat tanggapin agad ng mambabasa. Kailangang kilatising mabuti
ang anumang pananaw o ideya kung ito ba ay balido (valid) o hindi. Sa pagsusuri ng teksto
kaugnay sa baliditi ng mga ideya nito, kailangang matukoy muna kung sino ang nagsabi
ng ideya at ang kanyang nagging batayan sa pagbanggit ng ideya. Kaugnay ng pagiging
interaktibo ng tao, karaniwan nang Gawain ang pagbibigay ng sariling pananaw o ideya
hinggil sa kanyang nabasa, narinig, napanood o naranasan. Sa pagbibigay ng tiyak na
pananaw sa mga ito, karaniwang humahantong sa pagsasang-ayon o pagtutol. Ang
konsepto ng pagtutol at pagsang-ayon ay maaaring mapagsama sa isang pangungusap sa
pamamagitan ng mga pang-ugnay tulad ng sumusunod: totoo, tinatanggap ko, tama ka,
talaga, tunay (nga) pero, ngunit, subalit, datapwat, totoo ang sinabi mo, sadyang, atbp.

6. Paghihinuha at Paghula - Kapag nagpapaliwanag o nagbibigay-kahulugan sa tulong ng


mga pahiwatig at ng sariling kaalaman, ikaw ay gumagawa ng paghihinuha o
pagpapalagay. Ang paghula ay isang kasanayang naglalayong hulaan ang kalalabasan ng
pangyayari o kuwento. Madalas itong gamitin sa pagbabasa ng kuwento o nobela. Ang
may-akda o manunulat ang nagbibigay ng implikasyon o mga pahiwatig sa akda na bumuo
ng paghuhula o prediksyon ang mga mambabasa.

7. Pagbuo ng Lagom at Kongklusyon - Ang PAGLALAGOM ay ang pagkuha ng


magkakatulad na ideya hango sa iba’t ibang sanggunian at pagsasama-sama ng mga
ideyang ito nang may kaisahan at kaayusan sa anyong pasalita o pasulat. Ito ay nagsasaad
ng pangunahing kaisipan ng anumang uri ng sulatin sa pinakapayak na pananalita. Hindi
lamang ito pinaigsing pahayag ng isang mahabang salaysay kundi isang maikling kabuuan
na masasabing isa ng sulatin. Ang KONKLUSYON ay ang posibleng kahantungan o
implikasyon ng isang pangyayari sangkot ang pagkilatis at maingat na pagsusuri sa mga
element o mga gawaing kaugnay ng pangyayari. Ito rin ay ang paggawa ng lohikal o
makatuwirang pahayag mula sa impormasyong nakuha sa akda

You might also like