You are on page 1of 57

MGA KASANAYAN SA

AKADEMIKONG PAGBASA
Nakapaloob sa pagbasa
ang pag-unawa sa mga
detalye at mga konseptong
natamo mula sa pagbasa
Kapag nagbabasa ang isang tao ay
kailangang nakapaloob ang pag-unawa
sa mga impormasyong ibinahagi ng
mga manunulat upang masabi na siya
ay hindi lamang nagsayang ng
kanyang mga oras sa pagbasa.
Mahalaga ang lubos na pag-unawa
sa anumang tekstong binabasa.
Upang malinang ang malalim na
pag-unawa sa binabasa, nararapat
na sundin ang mga sumusuno na
kasanayan:
1. Pag uuri ng mga detalye/ideya

2. Pagtukoy sa layunin ng teksto

3. Pagtiyak sa damdamin, tono at


pananaw ng teksto
4.Pagkilala sa pagkakaiba ng
opinyon at katotohanan
5. Pagtukoy sa hulwaran ng
organisasyon ng teksto
6. Pagsusuri kung valid o hindi ang
ideya
7. Paghihinuha at pagkukuha
sa kalalabasan ng pangyayari
8. Pagbuo ng lagom at
konklusyon
1. Pag-uuri ng
pangunahing ideya at
detalye
Upang maunawaan nang lubos ang
binabasang teksto, nararap na
matukoy ng mambabasa ang
pangunahing ideya at ang mga
pantulor na mga detalye sa tekstong
binabasa
Sa paraang ito naiisa-isa
mambabasa ang mga
konseptong ipinahihiwatig ng
bawat ideya at detal ng
tekstong binabasa.
HALIMBAW
Ang A pagkakaroon ng
edukasyon ay isa sa mga
paraan upang guminhawa
ang buhay ng isang tao.
Kung ang isang tao ay makatapos ng
kurso, maaari siyang makapasok ng
trabaho na nakapagbibigay nan
mataas na sahod upang mabibili niya
ang sariling mga pangangailanga ng
pamilya.
Batay sa binasang talata,
alin dito ang pangunahing
ideya at ang mga
sumusuportang detalye?
Ang pangunahing ideya o
paksang pangungus ay
ang pinag-usapan sa loob
ng talata.
Ang mga sumusuportang deta ay
nagpapaliwanag din sa paksang
pangungusap na pinag-uusapan
talatang binasa, malinaw na ang
paksang pangungusap ay matatagp
sa unang pangungusap at ito at
Ang lahat ng mga pangungusap na
kasunod nito ay tumatalakay lahat sa
paksang pangungusap kaya tinatawag
ang mga ito bilang mga sumusuportang
pangungusap o mga sumusuportang
detalye.
2. Pagtukoy sa layunin
ng teksto
Sa pagbabasa, mahalaga na
maintindihan ng magbabasa kung
ano ang layunin ng manunulat sa
tekstong ibinahagi niya sa
kanyang mga mambabasa.
Kapag nabatid ng
mambabasa ang layunin ng
tekstong binasa, masasabing
nagkaroon siya ng kasanayan
sa pag-unawa
Basahin ang isang
halimbawang teksto sa
ibaba at alamin kung ano
ang layunin ng tekstong ito.
"Ang Tagumpay ni Juanito: Isang
Kwento ng Determinasyon at
Pag-asa."
Si Juanito ay isang matalinong
bata na puno ng pangarap at
ambisyon sa buhay. Ngunit, sa
kanyang paligid, maraming mga
hadlang at kahirapan ang
dumating sa kanyang buhay.
Sa kabila ng mga hamon na kinakaharap
ni Juanito, hindi siya sumuko. Sa halip,
pinili niyang harapin ang mga ito nang
may tapang at determinasyon. Sa bawat
pagsubok na kanyang hinaharap,
nagiging matatag siya at lalong
tumitibay ang kanyang loob.
Sa bandang huli, sa
pamamagitan ng kanyang sipag,
tiyaga, at matatag na
paninindigan, nakamit ni
Juanito ang kanyang mga
pangarap.
Siya ay nagtagumpay sa
kanyang mga layunin at
naging inspirasyon sa iba na
hindi mawalan ng pag-asa sa
harap ng mga pagsubok sa
Batay sa binasang teksto,
nakuha at natukoy ba ng
mambabasa ang layunin ng
tekstong ito?
Sa maikling kwentong iyon,
ipinapakita ang mensahe na ang
determinasyon, tiyaga, at
positibong pananaw ay mahalaga
sa pag-abot ng mga pangarap sa
buhay.
Sa kabila ng mga pagsubok na ating
kinakaharap, may kakayahan tayong
malampasan ang mga ito kung tayo
ay magtitiwala sa ating sarili at
patuloy na mananatiling matatag sa
pag-abot sa ating mga layunin.
3. Pagtiyak sa damdamin,
tono at panananaw ng
teksto
Sa pagbabasa, mahalagang malaman
ng mambabasa ang damdamin ng
manunulat. Minsan kasi sa
pagsusulat ay sadyang lumulutang
sa tekstong binasa ang damdaminin
at tono ng manunulat:
may damdamin at tonong galit,
malungkot, may pag-aalinlangan,
puno ng paghihinayang at mayroon
din namang damdaming masaya,
magaan sa loob, puno ng pag-asa at
pagkakaroon ng bukas na isipan at
damdamin.
4. Pagkillala sa pagkakaiba
sa opinyon at katotohanan
Ang pagbukod at pagtukoy sa
pagkakaiba ng opinyon at
katotohanan ay isa ring
kasanayan na dapat taglayin
ng mambabasa.
Ang mga pahayagan na katotohanan ay
may kalakip na mga ebidensya o mga
patunay gaya ng mga dokumento sa
ginawang pag- aaral o pananaliksik, mga
memoranda at iba pang mga katibayan
gaya ng sa investigation report, surbey at
panayam
Ang opinyon naman ay
nanggaling lamang sa sariling
pananaw ng manunulat o ng
tagapagsalita kung paano niya
naintindihan ang isang
sitwasyon.
Ang mga salitang maralita, isang
kahig-isang tuka, nagdildil ng asin,
aba, gasgas ang bulsa, dukha, anak-
pawis, hampas-lupa, pulubi at patay-
gutom. Marami ang mga salitang
maiuugnay sa sitwasyong kahirapan
dahil
tunay na nararanasan ang
mga ito sa bansa natin.
Marami ang naghihirap na
mga mamamayang Pilipino.
5. Pagtukoy sa hulwaran
ng organisasyon ng
teksto
Ang teksto ay tumutukoy sa
anumang babasahin gaya ng
kwento, balita, artikulo at iba
pa.
Nakapaloob dito ang mga konseptong
ibinabahagi ng manunulat kalakip na
ang wikang ginagamit at pati na rin
ang paraan ng paglalahad o ang estilo
ng manunulat sa pagpapaunlad ng
teksto.
6. Pagsusuri kung
katanggap-tanggap o
hindi ang ideya
Mahalaga sa pag-unawa ang
kasanayan sa pagsusuri kung
katanggap-tanggap (valid) o
hindi ang ideya (Garcia, et al.
2008:95).
Ang isang pananaw na nakabatay
lamang sa kung paano tinanggap
at naintindihan ng isang
manunulat ang paksa o isyung
tinatalakay ay isang
opinyon lamang at maari itong
hindi tatangapin o hindi
paniniwalaan ng ibang
mambabasa o tagapakinig, subalit
kapag ang isang ibinahaging
7. Paghihinuha at
paghuhula sa kalalabasan
ng pangyayari
Ang paghihinuha ay ang pagbubuo sa
isip ng sinuman tungkol sa anumang
bagay na nakabatay sa sariling kuro-
kuro at palagay (Mula sa
Diksiyonaryong Sentinyal ng Wikang
Filipino 2011)
Ang paghihinuha ay ang proseso
ng pagbuo ng mga kuro-kuro,
palagay, at akala batay sa
impormasyon na natanggap o
napansin ng isang tao.
Sa halimbawang ibinigay,
maaaring magkaroon ng iba't ibang
mga paghihinuha ang mga tao
batay sa kanilang sariling
karanasan at pananaw.
Ito ay mahalaga sa pag-unawa at
pagtanggap ng impormasyon,
bagaman mahalaga ring tandaan
na ang mga paghihinuha ay
maaaring mag-iba-iba at hindi
palaging totoo.
8. Pagbuo ng lagom
at konklusyon
Sa puntong ito ng pagbasa, ang
pangunahing layunin ng mga
mambabasa ay ang pag- unawa at
pagpapahayag ng mga kaisipan,
pangyayari, o diwa ng binabasang akda
sa isang maikli at malinaw na paraan.
Ang konklusyon ay naglalaman ng isang
maayos na paglalahad ng wakas o katapusan
ng akda, kung saan tinutukoy ang resulta o
kinahinatnan ng mga pangunahing tauhan
sa kanilang mga paglalakbay,
pakikipagtunggali, o pakikipagsapalaran sa
buhay.
Ang kasanayang pagbasa ay
nangangailangan ng buong
konsentrasyon at pag-unawa sa
mga mensahe at impormasyong
nakalap mula sa binabasa.
Mahalaga ang ganap na pag-
unawa sa teksto upang matukoy
ang layunin ng pagbasa at
maipahayag ang wastong
konklusyon.
Kailangan ding tiyakin na walang
anumang sagabal sa pagbasa tulad ng
ingay, kawalan ng bokabularyo, o mga
pisikal na karamdaman na maaaring
makaapekto sa konsentrasyon ng
mambabasa.
Sa ganitong paraan, ang pagbasa
ay nagiging isang mahalagang
kasangkapan sa pagpapalawak ng
kaalaman at pag-unlad sa
anumang larangan na pinili ng
isang tao.
MARAMING SALAMAT SA
PAKIKINIG

You might also like