You are on page 1of 23

Cabilangan,

Norvando BSED

"Ang inyong lingkod sa


araw na ito!" 2D
Paglalarawan
Pagsasalaysay
Pangangatwiran
Paglalahad
ANG PAGPAPAHAYAG
Pagpapahayag
• Ang pagsisiwalat ng tao ng kanyang mga
nasasaloob, ng kanyang mga paniniwala, ng lahat ng
kanyang mga nalalaman.
Dalawang Anyo ng Pagpapahayag
1. Pasalita
Maaaring isagawa nang harapan o lantaran at
malapitan, dili kaya ay hindi at malayuan.
2. Pasulat
Ibinabahagi ang mga kaalaman, paniniwala, mithiin at
saloobin sa pamamagitan ng pagsasaakda,
mapalimbag man ang mga ito o hindi.
Mga Salik ng Pagpapahayag
Nilalaman:
• Ang pahayag ay may nilalaman kapag ito
ay may mahalaga at kinakailangang
kabatiran, may aral na itinuturo at
nagbibigay kaaliwan
• Isinasaad ang nilalaman sa pamamagitan ng
pananalitang malinaw, mabigat at
nakalulugod; subalit ano mang nilalaman ay
kailangang ibatay sa katunayan at
katotohanan
Mga mapagkunan ng nilalaman:
• Karanasan
• Pakikipanayam
• Pagbabasa
• Balita
Pananalita
• Ito ay kakayahang makapili ng mga
salitang nagpapahayag ng kurukuro at
damdamin na may kalinawan,
kapamigatan at kagandahan ng
pagpapahayag.
• Kailangang maging malinaw upang
madaling maunawaan, mabigat upang
madaling paniwalaan at maganda upang
kalugdan.
Malinaw na Pahayag
• Gumagamit ng magkakaugnay na mga
salita, bawat salita’y may tiyak na
kahulugan:
1. Iwasan ang mga salitang nagbibigay ng
pag-aalinlangan.
2. Kailangang may wastong bigkas kung
sinasalita at wastong baybay kung
sinusulat.
Mabigat na Pahayag

• Nababatay sa katotohanan, hindi


kakikitaan ng kasinungalingan.
• Ang mga pahayag na may pagmamalabis,
kadalasan ay ipinalalagay na kabulaanan.
• Ang marangal na tao na kilala sa kanyang
katapatang-loob ay madali ring
paniwalaan ng iba.
Magandang Pahayag
• Isinasaad sa pamamagitan ng
magkakatugon na mga kahulugan at tunog
ng salita, maluwag at matayog na kaisipan
• Ang mga matalinghagang mga salita ay
nakatutulong sa pagpapaganda ng
pananalita
• Maganda rin ang pahayag kung maayos ang
pagsasama at pagkakasunud-sunod ng mga
salita, parirala.
PAGLALARAWAN
Ito'y isang anyo ng
pagpapahayag na
naglalayong bumuo ng
isang malinaw na larawan
sa isip ng mga
mambabasa o nakikinig.
MGA KATANGIAN NG ISANG
MAHUSAY NA PAGLALARAWAN
1. May tiyak at kawili-wiling paksa
2. Gumagamit ng wasto at angkop na
pananalita.
3. Malinaw na pagbuo sa mga larawang
nais ipakita.
4. Isinasaalang-alang ang pagpili ng
sariling pananaw sa paglalarawan.
Iba't Ibang pananaw na magagamit:

a. distansya sa bagay na inilalarawan gaya ng


agwato layo nito
b. Ang nasa loob o labas
c. Ayon sa sariling palagay o damdamin ng
naglalarawan bunga ng kanyang karanasan o
ng
karanasan ng ibang tao.
d. Ayon sa sariling palagay batay sa kanyang
narinig o nabasa.
5. Pumupukaw ng higit sa isang
pandamdam: Paningin;
pandinig; pang-amoy; panlasa at
panalat.
6. May kaisahan sa paglalahad
ng mga kaisipang inilalarawan
7. May tiyak na layunin sa
paglalarawan.
Dalawang uri ng Paglalarawan

1. Karaniwan
Naglalayon na makabuo ng malinaw
na larawan sa isipan ng nakikinig o
bumabasa.
2. Masining na paglalarawan
Sa paraang ito napupukaw ang guni-guni
ng mga tagapakinig o mambabasa.
PAGSASALAYSAY
Ang manunulat ay nagkukwento.
Ito ay mahusay na paraan upang
mas maunawaan ng tao ang
kanyang sariling buhay.
May
tauhan,tagpuan,panahon,sulirani
n, at solusyon.
PANGANGATWIRAN
hinihikayat ng manunulat na
baguhin ang pananaw ng
mambabasa tungkol sa paksa
o pinapanigang paniniwala.
Sa pamamagitan ng pangangatwiran,
nagagamit ng manunulat ang kanyang
estratehiya upang madevelop ang mga
punto at kanyang argumento:

* sanhi at bunga
* paghahambing
*kontrast
* paglalarawan, pagsasaysay at depenisyon.
PAGLALAHAD
•nagbibigay impormasyon,
nagpapaliwanag,at nag lilinaw ng
kanyang mga ideya at naiisip.
•Naglalayong gumawa ng isang
malinaw na pagpapaliwanag
tungkol sa mga bagay-bagay.
• Ginagamit ang paglalahad sa
paglilinaw ng mga sumusunod:
- diksyunaryo, manwal at ensyklopedya
• Ginagamit ang paglalahad upang
himay-himayin ang; Istruktura ng
pilosopiya, teorya at iba't ibang
pangkaisipan.
• Ginagamit sa mga panunuri; sa
diyaryo, komposisyon, programa,
radyo at telebisyon.
Mga Uri ng Paglalahad
1. PAGBIBIGAY KATUTURAN

SALAMAT
MGA
CHONG!

You might also like