You are on page 1of 40

FI LI P I N O 8

SANAYSAY

•a sistematikong komposisyon na
naglalahad ng opinyon, obserbasyon, kuro-
kuro, o pananaw sa isang makatuwiran at
nakahihikayat na pamamaraan
WIKANG FILIPINO: ISULONG AT
PAYABUNGIN
•Sagutin natin
1. Ano ang isyu o paksang tinatalakay ng sanaysay?
2. Ano nga ba ang mga negatibong epekto ng pagtuturo ng wikang hangul sa
ating bansa ayon sa may-akda?
3. Sa hulihang bahagi ng sanaysay, ano ang mensaheng iniwan ng may-akda sa
mga mambabasa
ARALIN 1 T E M A A T
AH AL AG A NG K A ISI P A N NG
M
SANAYSAY
BATAYANG KONSEPTO TUNGKOL SA
SANAYSAY
SANAYSAY
•Hango sa salitang pranses na essayer na ang ibig sabihin
ay “sumubok” o “tangkain,” gayundin ito rin naman ay
galing sa salitang latin na exagium na nanggaling sa
pandiwa na exagere na nangangahulugang “gawin,
magpaalis, magtimbang at magbalanse.”
ALEJANDRO ABADILLA

•Ang sanaysay ay nangangahulugang


“nakasulat na karanasan ng isang
sanay sa pagsasalaysay
•Ang pangunahing katangian ng sanaysay ay ang
pagkasarili nito ng may-akda, naipahahayag ng
sumulat ang kaniyang sariling pananaw, kuro-kuro,
at damdamin sa kaniyang sariling estilo o
pamamaraan. Karaniwang hinahati ang kabuuan ng
sanaysay sa tatlo: panimula, katawan, at wakas.
KATANGIANG DAPAT TAGLAYIN NG
SANAYSAY
1. DAPAT ITO AY PARANG NAKIKIPAG-
USAP LAMANG SA MGA MAMBABASA
SA PARAANG MASIGLA ANG MAY AKDA
2. ANG PAKSA AY TIYAK NGUNIT
NATATANGI
3. ANG MGA SALITA AY PAYAK SUBALIT
MALAMAN
4. KAAKIT-AKIT ANG PANIMULA, HINDI
MALIGOY
5. HIGIT NA MAHALAGA ANG KAALAMAN
KAYSA PAGPAPAHAYAG
URI NG SA N A Y S A Y
MAANYO O PORMAL

• Impersonal na sanaysay sapagkat ang


anyong ito ay bunga ng maingat at mataas na
uri ng paglalahad ng kaisipan.
MALAYA O DI-PORMAL

•Palagayan na sanaysay sapagkat


magaan at maluwag ang paglalahad
ng mga kaisipan o mensahe.
KATANGIAN NG MALAYANG SANAYSAY
•A. Masaya at mapagpatawa
•B. Maliwanag na kababanaagan ng magandang kalooban
•C. Nagpapakilala ng malawak na kaalaman sa mga aklat, tao, kalikasan,
at bagaybagay
•D. Kaakit-akit at kawili-wili ang bawat paksang pinag-uukulan ng pansin
PAGLALAHAD

• Isang anyo ng pagpapahayag na


naglalayong mabigyang-linaw ang isang
konsepto o kaisipan, bagay, o paninindigan
upang lubos na maunawaan ng bumabasa.
MGA PARAAN UPANG MAGING
EPEKTIBO ANG PAGLALAHAD
1. GAWING MALINAW ANG PAKSA O
TEMA.
2. GUMAMIT NG MGA SALITA O
PANGUNGUSAP NA MADALING
MAUNAWAAN.
3. SIKAPING MAGING MAAYOS ANG
ORGANISASYON.
4. . PANATALIHING MAKATAWAG
PANSIN ANG PANIMULA, MAYAMANG
BAHAGI ANG KATAWAN, AT KAPANA-
PANABIK ANG WAKAS.
PARAAN SA PAGPAPAHAYAG NA
MAGAGAMIT SA PAGSULAT NG
SANAYSAY:
PAGIISA-ISA
•Ito ay isang paraan ng paglalahad ng isang kalagayan o
sitwasyon sa pamamagitan nang maayos na paghahanay-
hanay ng mga pangyayari at pagkakasunod-sunod nito.
Dahil sa paraang ito, naipakikita ang mga dahilan at bunga
ng mga pangyayari.
PAGHAHAMBING AT PAGSASALUNGATAN

•Karaniwang ginagamit ang paraang ito sa


paghahambing ng ideya. Ito ay malimit
gamitin sa paglalahad ng saloobin, kuro-
kuro, o pananaw ng manunulat.
PAGSUSURI
•Sinusuri ang mga salik o bagay-bagay na
nakaaapekto sa isang sitwasyon at ang
pagkakaugnay-ugnay ng mga ito. Mahalagang
magkakaugnay-ugnay ang mga kaisipan o ideyang
inilalahad sa isang sanaysay.
SANHI AT BUNGA

•Binibigyang-diin sa paraan ng pagpapahayag


na ito ang sanhi o dahilan at kung ano ang
kinalabasan o naging resulta ng isang bagay
o paksang tinatalakay sa sanaysay
PAGBIBIGAY HALIMBAWA

•ito ay nagpapatibay ng
isang paglalahad
P AP A H A YA G N G O PI N Y O N ,
PAG
SALOOBIN , O S A R I L IN G
PANANAW SA S A N A Y S A Y
OPINYON

•Sariling pagtingin sa isang bagay, tao, o


isyu. Ito ay pumapatungkol rin sa paniniwala,
paghuhukom o paraan ng pag-iisip ng isang
indibidwal ukol sa isang paksa o isyu
UPANG MAIPARATING NATIN ANG
ATING OPINYON NANG WASTO AT
EPEKTIBO, TANDAAN ANG MGA
SUMUSUNOD:
1. MAGSALIKSIK NANG MABUTI. MAKABUBUTI
KUNG TAYO AY MAY SAPAT NA KAALAMAN SA
PAKSANG PAG-UUSAPAN UPANG MASURI ANG
MGA BAGAY MAGING KATANGGAP-TANGGAP
ANG MGA OPINYON
2. GUMAMIT NG WASTONG SALITA.
MAHALAGANG MATUTUNAN NATIN ANG
WASTONG GAMIT NG MGA SALITA UPANG
MAGING KAPANI-PANIWALA O KAHIKA-
HIKAYAT ANG PAGPAPAHAYAG
3. GUMAMIT NG MGA PAHAYAG O
EKSPRESYONG NAGPAPAHIWATIG NG
IYONG OPINYON.
4. SIGURUHING MALINAW AT
MAGKAKAUGNAY-UGNAY ANG IYONG
MGA IDEYA NA NAGPAPAHAYAG NG
IYONG OPINYON
5. ANG IYONG OPINYON AY
KINAKAILANGANG BATAY SA MGA
MAKATOTOTHANANG PANGYAYARI O
ISYU SA PALIGID.
•Sagutin natin
1. Ano ang sanaysay?
2. Ano ang pinagkaiba ng dalawang uri ng
sanaysay?
3. Ano-ano nga ba ang mga katangiang dapat
taglayin ng isang sanaysay
IBA’T IBANG P AR A A N N G
PAGP AP A H A Y A G O
P A G L AL A HA D

You might also like