You are on page 1of 36

ELEMENTO NG DISKURSO

ELEMENTO NG DISKURSO

1. NILALAMAN
May nilalaman ang isang pahayag kung nagtataglay ng mga
sumusunod:
a. May pabatid o mahalagang mensahe
b. May mahalagang impormasyon
c. May kaalamang mapapakinabangan
d. Kapupulutan ng magandang halimbawa
e. Makalilibang
MAAARING PANGGALINGAN NG NILALAMAN

KARANASAN. Ang karanasan ng isang tao ay hindi


ang naganap na pangyayari sa kanya kundi kung ano
ang ginawa niya sa pangyayari sa kanyang buhay
upang magtagumpay siya sa paglutas ng kanyang
suliranin, ng kanyang mga kasama at maaaring ng
sangkatauhan.
MAAARING PANGGALINGAN NG NILALAMAN

PAKIKIPANAYAM. Maaaring makakalap ng mga


impormasyon sa pamamagitan ng paglapit at
pakikipanayam sa mga dalubhasa sa kani-
kanilang larangan. Kinakailangang ihanda nang
maayos ang mga katanungan bago
makipanayam upang maiwasan ang pag-
aaksaya ng panahon.
MAAARING PANGGALINGAN NG NILALAMAN

PAGBABASA. Maaaring makatipon ng maraming


kaalaman tungkol sa mga karanasan ng iba sa
pamamagitan ng pagbabasa. May iba’t ibang
babasahing maaaring mapagkunan ng kaalaman
tulad ng mga aklat na naisulat ng mga dalubhasa,
mga sanggunian katulad ng mga diksyonaryo,
ensiklopedia, mga pahayagan, magasin, at lathalain.
ELEMENTO NG DISKURSO

2. PANANALITA

MADALING MAUNAWAAN. May tatlong bagay na


makatutulong upang madaling maunawaan ang isang
pahayag. Maaaring gumamit ng mga salitang may tiyak na
kahulugan. Kailangan din na may pagkakaugnay ang mga
salitang gagamitin at nararapat na wasto ang pagbigkas
kung pasalita at wasto ang baybay kung pasulat.
2. PANANALITA

PINANINIWALAAN. Masasabing ang isang pahayag ay may bigat


kung makatotohanan at ito’y hindi matutuklasang may
kasinungalingan sa paglipas ng ilang panahon. Hindi rin dapat
gamitin ng eksaherasyon o pagmamalabis ang pagpapahayag.
Ang pinanggalingan ay may awtoridad sa paksa. Kinakikitaan ng
katapatan. Binibigyan ng pagpapahalaga ang karansan at
pananampalataya ng tao.
2. PANANALITA

KAGANDAHAN NG PANANALITA. Ipinalalagay na may kagandahan


ang isang pahayag kung kaakit-akit ang pagtutugma ng mga
kahulugang ipinahahayag sa tunog ng mga salita. Wasto ang mga
bigkas ng mga salita. Matalinghaga ang diwang ipinahahayag at
kalugod-lugod sa pagsasama-sama ng mga salita sa pagbuo ng mga
pangungusap na nagdudulot ng pananabik sa nakikinig o bumabasa.
Gumagamit din ng mga salitang makahulugan, malarawan, at
maharaya.
TEKSTO AT KONTEKSTO NG
DISKURSO
Teksto

• (Wika) ito ay isang malawak na terminong tumutukoy sa


mahalagang bagay na kinapapalooban ng mga salitang
ginagamit sa pagpapahayag.
• (Lingguwistiks) ang teksto ay isang komunikatibong gawain.
• (Akademiks) ang teksto ay kadalasang ginagamit bilang isang
anyo ng teksbuk.
• Sa pangkalahatan, ito ay alinmang nakasulat na akda.
Konteksto

• (Komunikasyon at linggwistiks) tumutukoy sa kahulugan ng isang


mensahe (tulad ng isang pangungusap) at kaugnayan sa ibang
mga bahagi ng mensahe (gaya ng isang aklat) kaligiran kung saan
nagaganap ang komunikasyon, iba pang pananaw na maaaring
maiugnay sa komunikayson.
• Sa kabuoan, ang konteksto ay kuwadro kung saan natin tinitignan
ang isang mensahe. Ito ay kabuoang sitwasyon, karanasan o
kapaligrian na kaugnay sa isang partikular na pangyayari sa
alinmang akda.
PARAAN NG PAGSASAANYO NG
DISKURSO
(narrative o pasalaysay, diskriptive o palarawan, ekspositori o palahad,
argumentative o pakatwiran)
1. NAREYSON O PASALAYSAY

• Pagsasalaysay o pagkukuwento ng mga pangyayari sa isang tao o


mga tauhan, nangyari sa isang lugar at panahon o sa isang
tagpuan nang may maayos na pagkakasunod-sunod mula simula
hanggang katapusan. Pangunahing layunin ng ganitong uri ng
teksto ang makapagsalaysay ng mga pangyayaring
nakapanlilibang o nakapagbibigay-aliw o saya.
1. NAREYSON O PASALAYSAY

• Pinakamadalas na gamitin
• Ginagamit sa pagbibigay ng kaalaman tungkol sa isang usapin,
bagay o proseso.
• Ginagamit sa pagpapaliwanag upang mapalinaw ang isang
paraan.
• Sa pamamagitan nito, natutugunan ang mga tanong ukol sa
usapin.
ANG PANANAW SA NAREYSYON O PAGSASALAYSAY

• Punto de vista sa Kastila


• Nagsasaad ito ng personal na kaugnayan ng
tagapagsalaysay sa paksang kanyang tinatalakay o sa mga
pangyayaring kanyang ikinukuwento.
• Maaaring sa tatlong pananaw: unang panauhan, ikalawa, at
ikatlo
MGA KASANGKAPAN SA PAGSULAT NG ISANG MAGANDANG NARATIV O SALAYSAY

1. TEMA O PAKSANG DIWA


• Kaisipan itong nagsasaad ng katotohanang panlahat na nagigiging basehan ng
mga kalagayan ng tauhan o ng mga insidenteng pinagyayari sa salaysay.
• Kaisipan itong, kahit tapos nang basahin, pakinggan o panoorin ang kuwento ay
patuloy pa ring bumabagabag sa damdamin at bumabalik sa isip para
gunamgunaming paulit-ulit.
• Hindi ito isang abstraktong salita lamang, ito ay konkretong panlahat na pahayag
na nagsasabi ng katotohanang galing sa karanasan at pinagtibay na
pananaliksik.
• Dapat tandaan na ang tema ay hindi isang bagong tuklas na katotohanan, ito ay
dati na at palaging natutunghayan araw-araw. Kaya lamang nagmumukha itong
bago dahil sa kaibang pamamaraang ginamit ng tagapagsalaysay sa paglalahad
nito.
MGA KASANGKAPAN SA PAGSULAT NG ISANG MAGANDANG NARATIV O SALAYSAY

2. TAUHAN
• Nag-iisip at kumikilos sa kuwento kaya nagkakaroon ng mga
pangyayari
• Mabuti ang pagkakalikha ng tauhan kung taglay nito ang
sumusunod na katangian:
A. Ito’y kapani-paniwala
B. Madahilan kung kumilos
C. Hindi basta nagbabago o konsitent sa kalikasan
D. May kakanyahang sarili.
MGA KASANGKAPAN SA PAGSULAT NG ISANG MAGANDANG NARATIV O SALAYSAY

3. AKSYON O PANGYAYARI
• Ang sunod-sunod na pangyayari
• Tatlong uri:
A. Masanhi – simple itong dumadaloy sa isang patunguhan na ang
kinalabasan ay bunga ng mga kadahilanan.
B. Masalimuot – kung sa isang salaysay ay wala itong iisang
pangyayaring tinutunton
C. Masurpresa – kung isang pangkaraniwang insidente o sitwasyon
lamang na isinasalysay ay nakakatagpo ang tauhan ng isang
kamulatan.
MGA KASANGKAPAN SA PAGSULAT NG ISANG MAGANDANG NARATIV O SALAYSAY

4. TAGPUAN
• Pook at panahon ang ipinakakahulugan ng tagpuan sa
salaysay, kung saang espasyo nangyari at kung kailan
naganap ang aksyon.
• Dalawang kaparaanan: patiyak at papahiwatig
• Patiyak – kung tukuyang sinasabi ng tagapagsalaysay
ang pangalan ng lugar
• Papahiwatig – kung sa mga detalye lamang na
binabanggit hinihinuha ang pook.
MGA KASANGKAPAN SA PAGSULAT NG ISANG MAGANDANG NARATIV O SALAYSAY

5. HIMIG
• Pamamaraan ng pagsasalaysay
• Kung papaano isinasalaysay ang isang pangyayari o
ang anumang material para lumabas nang naaayon sa
kagustuhang mangyari ng tagapagsalaysay na siya
namang epektong gusto niyang maramdamn ng
tagapakinig o mambabasa.
MGA PAMAARAAN NG
PAGLALAHAD
MGA PAAMARAAN NG PAGLALAHAD

1. PAG-IISA-ISA. Ito ang maayos na paghahanay ng mga


detalye upang masuri ang mga bahagi ng isang bagay ayon
sa likas o natural na pagkakabuo nito.

1. PAGSUSURI. Nagpapaliwanag ng mga bahagi ng isang bagay


at ng kaugnayan ng mga bahagi sa isa’t isa.
MGA PAAMARAAN NG PAGLALAHAD

3. PAGBIBIGAY-KATUTURAN O DEPENISYON. May mga salita na


hindi agad-agad na maipaliliwanag sa isang pangungusap tulad ng
kaisipan kaya marapat na ipaliwanag nang husto ang kaurian,
kaantasan at kaibahan ng isang bagay o kaisipan.

4. PAG-UULIT. May mga bagay o kaisipan na dapat bigyan ng diin


upang maipakita ang kahalagahan o kawalang-kahalagahan nito.
Dito ginagamit ang pag-uulit.
MGA PAAMARAAN NG PAGLALAHAD

5. PAGAPAPALIWANG NG PINAGMULAN, SANHI AT BUNGA.

6. PAGHAHAMBING AT PAGTATAMBIS. May mga bagay na halos


magkakapareho. May mga bagay ring hindi naman magkakatutulad. Kung
gayon, ang mga bagay na magkakatulad ay pinaghahambing upang
mapalitaw ang kanilang tiyak na katangian, at ang magkakaiba ay
pinagtatambis naman upang maibukod ang isa sa isa.
MGA PAAMARAAN NG PAGLALAHAD

7. PAGPAPALIWANAG SA PAMAMARAAN. Kailangang malaman ang


pagkakasunod-sunod ng mga hakbang sa paggawa ng isang bagay upang
matagumpay na makalikha o Kagawa ng mga pisikal o abstraktong bagay
ang isang tao.
URI NG PAGLALAHAD
URI NG PAGLALAHAD

1.Pagbibigay-katuturan
- Paraan ng paglalahad na tumatalakay sa isang bagay o
salita. Inilalahad dito ang pagkakatulad o pagkakaiba ng
mga katangian nito sa ibang bagay, pagpapangkat-pangkat
at pag-uuri, at pagbibigay ng ilustrasyon. Upang maging
makabuluhan ang pagbibigay-katuturan, kailangang
magkaroon ng katiyakan at simpleng interpretasyon.
DALAWANG PARAAN NG PAGBIBIGAY-KATUTURAN

a. Denotasyon – kahulugang nakikita sa disyonanaryo at mga aklat


pampaaralan sa agham, batas at iba pa.

b. Konotasyon – kahulugang nakikita sa mga sanaysay sa magasin


o iba pang babasahin.
URI NG PAGLALAHAD

2. Sanaysay
- Maanyong uri ng paglalahad na nagpapahayag ng mga
kuro-kuro at palagay sa isang paksa.
DALAWANG PARAAN NG PAGSULAT NG
SANAYSAY

a. Maanyo o Pormal. Kailangan ang maingat, maayos, at


mabisang paglalahad. Pinakapilili ang mga pangungusap
at ang paksa ay di-pangkaraniwan.

b. Malaya o di-Pormal. Ipinahahayag sa paraang


nakikipag-usap kaya napapalapit sa mambabasa.
URI NG PAGLALAHAD

3. Tala – ito ay maikli at payak na pangungusap, mga parirala o salitang


tagapagpaalala ng mga bagay na nais matandaan. Sa pamamagitan nito,
madaling magugunita ang mga mahahalagang kaalamang nabasa, narinig o
naisip.

4. Editorial – pananaw ng isang pahayagan o magasin kaugnay ng isang


paksa. Karaniwang maikli, tuwiran at tiyak ang sinasabi. Ang pananaw ay
maaaring paliwanag, papuri, puna, pagpapahalaga, pagtuligsa, panukala at iba
pa.
URI NG PAGLALAHAD

6. Balita – pag-uulit ng pangyayaring katatapos maganap o


hindi pa alamng makaririnig o babasa. Tumutugon sa mga
tanog na ano, sino, kalian, saan, paano, at bakit sa isang
pangyayari.

7. Suring-basa – isang pagpapakilala sa isang aklat


sapagkat inilalahad ang mga mahahalagang kaisipan ukol sa
aklat na sinusuri.
URI NG PAGLALAHAD

7. Pagsunod sa Panuto – nagbibigay-patnubay direksyon


sa isang paraang malinaw, payak, maikli, at madaling
maunawaan.

8. Siyentipikong-ulat – paglalahad ng anumang


isinagawang bagay tulad ng resulta ng isang experiment.
MARAMING SALAMAT!
SANGGUNIAN

Zapico, M., et.al., Kontekstuwalisadong Komunikasyon sa Filipino Sanayang


Aklat sa Tersaryo. Jimczyville Publications. Malabon City. 2018

Arrogante, J., et.al., Sining ng Komunkasyon sa Akademikong Filipino. Nacional


Book Store. 2007

Casanova, A. at Rubin, L., Retorikang Pangkolehiy. Rex Book Store. Manila,


Philippines. 2001

You might also like