You are on page 1of 3

SINING NG KOMUNIKASYON

ANYO NG PAKIKIPAGTALSATASAN

 Sa pakikipagtalastasan, dapat kawili-wili at kaakit akit ang paraan ng paglalahad.


 Ang paglalahad ay isang pamamaraan sa pakikipagtalastasan na naglalayong magpaliwanag, magbigay kaalaman
o tumugon sa pangangailangang pangkarunungan.
 Layunin nito ang pumukaw ng damdamin.

A. PAG-IISA-ISA – kapag ang mga detalye ay malinaw na nakaayos ayon sa bahagi o mula una hanggang huli ayon
sa pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari.
Halimbawa: Pag-iisa-isa ng mga larong mangyayari sa student’s fest.

B. PAGBIBIGAY-HALIMBAWA – Malimit gamitin upang mapangatwiran ang isang paniniwala o paninindigan


upang ito’y maging kapani-paniwala.

C. PAGBABAHA-BAHAGI - sa pamamaraang ito, ang paksa ay pinagbubukod-bukod ayon sa mga bahaging kung
pupunahin ay tulad din ng kaisipang binibigyang paliwanag.
Halimbawa: Limang Elemento ng Maikling Kwento
Tauhan – ang mga gumagalaw sa kuwento.
Tagpuan – ang lugat at panahon na pinangyarihan.

D. PAGHAHAMBING AT PAGTUTUMBAS – Angkop gamitin sa pagpapahayag ng kahigitan o kalamangan ng


isang bagay sa iba.
E. SANHI AT BUNGA – Ang paliwanag na ito ay ang tinatawag na paraang pagpapakilala ng pinagmulan, sanhi at
bunga.
F. PAGSUSURI – PAGHIHIWALAY ng mga sangkap o bahanging bumubuo ng isang bagay, konsepto, palagay,
teorya at iba pa. Layunin nitong ganap na maliwanagan ang kasalimuutan ng mga bagay-bagay, sanhi, o layunin.

URI NG PAGLALAHAD
A. PAGBIBIGAY-KATUTURAN - isang paraang-paglalahad na tumatalakay sa isang bagay o salita. Inilalahad din
dito ang mga pagkakatulad o mga pagkakaiba ng mga katangian nito sa ibang bagay. Hindi dapat maligoy ang
katuturan upang ito’y madaling maunawaa.

URI NG KATUTURAN
1. MAANYO – Sa pagbibigay ng katuturang maanyo, ibigay muna ang (a) Salita, (b) sundan ng kaurian ng bagay o
kaisipang kinabibilangan ng salita, at oibigay ang (k) kaibahan o mga katangian ng salita.
Halimbawa ng maanyong katuturan:
 Ang dula ay isang katha na ang tanging layunin ay ilarawan sa isang tanghalan sa pamamagitan ng kilos
o gawa ang isang kapana-panabik na bahagi ng buhay.
 Ang edukasyon ay isang paraan ng pagpapaalam sa isang tao o pangkat ng kanilang kultura kasama ang
mga kaugalian, mga institusyong nakaraan at mga bagong kaalaman.
 Ang batas ay mga prinsipyo o mga patakarang nagbubuhat sa isang pamahalaan, ipinalaganap sa mga
mamamayan, sa anyo ng lehislasyon o kaugalian at isinasakatuparan ng mga natatag ng korte.

2. SANAYSAY NA PANGKATUTURAN (ESSAY DEFINITION) -Ang pagbibigay ng maikling katuturan tulad


ng una ay tinutugon sa mga patakaran ng anyong nasa talatinigan o diksyonaryo. Subalit kung minsan, ang isang
salita ay humihingi ng karagdagang pagpapaliwanag.
Halimbawa:
 Ang pag-ibig ay isang damdamib kapag nasa puso ninuman ay nakagagawa ng di-kapanipaniwalang
bagay. Maraming uri ang pag-ibig: pag-ibig ng ina, pag-ibig ng anak at kapatid, pag-ibig ng kaibigan.
Subalit ang higit na makapangyarihan ay ang pag-ibig ng kasintahan.

ANG SANAYSAY
Isang maanyong uri nga paglalahad na pasulat na nagpapahayag ng mga kuro-kuro at palagay ng isang tao
tungkol sa isang paksa. Kahit ito’y maiksi o mahaba, kailangang ito’y ilahad ng maliwanag at kawili-wili.
Paraan ng pagsulat ng sanaysay

1. MAANYO O PORMAL – Sa paraang ito kailangan ang maingat, maayos at mabisa ang paglalahad.
Pinakapipiling mabuti ang mga pangungusap, at ang paksa ay di-pangkaraniwan.
Halimbawa: “Ang Pag-ibig” ni Emilio Jacinto.
2. MALAYA O DI-PORMAL – ito ay may paksang kawili-wili. Ito’y ipinahahayag sa paraang nakikipag-usap,
masigla, magpatawa ngunit kababanaagan ng magandang kalooban kaya’t napapalapit sa mambabasa. Malayang
pamamaraan ang ginagamit dito.
Halimbawa: “Pananabik-Dalaga at Binata”
ni Aurora Tiangco

PAGLALAHAD - Ito ay isang pamaraan sa pakikipagtalastasan na naglalayong magpaliwanag, magbigay kaalaman o


tumugon sa pangangailangang pangkarunungan. Layunin nito ang pumukaw ng isipan.

MAIKLING KWENTO - Ito ay isang akdang pampanitikang nagpapahayag ng isang kawil na pangyayari lamang.
Inilalahad ang pangyayaring ito sa matipid na paggamit ng mga pananalita, sa mabilis na sulong ng pangyayari at sa
maingat at maayos na paglalahad.

Mga Sangkap ng Maikling Kwento

1. Paksa – dahil sa paksa, higit nating nauunawaan ang buhay matapos itong matunghayan sa isang kwento.
2. Banghay – Ito ang nagtataglay ng pagkakabuhul-buhol ng mga pangyayari na kinakailangan lutasin ng mga
tauhan.
3. Mga Tauhan – Ang mga nagsisiganap sa kwento. Sinasabing magaganda ang tauhan kung buo ang katauhang
kanilang ipinamamalas ayos na rin sa paglalarawan ng may katha. Kailangang sila’y larawan ng mga tunay na tao
sa tunay na buhay.
4. Tagpuan – Ito ay ang lugar at panahong pinangyayarihan ng kwento. Sa pamamamagitan ng tagpuan ang pagiging
makatotohanan ng kwento ay napahahalagahan.
5. Simbolismo – Ito’y isang salita, parirala, yugto o pangyayari na tumutukoy sa isang bagay subalit nagpapahiwatig
ng isang kaisipan.

TATLONG URI NG MAIKLING KWENTO


1. Kwento ng tauhan – kung ang binibigyang-kahalagahan o pangingibabaw sa akda ay ang tauhan o mga tauhan.
2. Kwentong banghay – kung ang binibigyang-diin sa kwento ay ang pagkakabuo ng mga pangyayari.
3. Kwento ng tagpuan – kung ang higit na pinahahalagahan sa katha ay ang tagpuan o ang pook na ginagalawan ng
tauhan o mga tauhan.

.Paglalarawan - Ito ay isang paraan ng paglalahad na ang layon ay ipamalas sa nakikinig o bumabasa ang hugis at anyo ng
kabuuan ng isang tao, bagay o pangyayari.

MGA KAILANGAN SA ISANG MABUTING PAGLALARAWAN


 Paksa
 Pagbuo ng pangunahing larawan
 Pagpili ng sariling pananaw
 Kaisahan

Dalawang Paraan ng Paglalarawan

1. Karaniwang Paglalarawan – Ito ay ang pagbibigay ng linaw ng mga karaniwan o palasak na katangian ng bagay
na inilalarawan. Hindi ito gumagamit ng mga salitang malalalim at ang mga sariling palagay ng naglalarawan.
2. Masining na paglalarawan – Ito ay ang paglalarawan ng isang bagay hindi lamang ng kanyang taglay na katangian
kundi pati na ang sariling pagpapalagay o kuru-kuro ng naglalarawan. Ginagamitan ito ng matatalinghagang salita
o mga tayutay upang higit na makapag-iwan ng kakintalan sa bumabasa o nakikinig.

Pagtatalo - ay ang pagbibigay ng gantihang pangangatuwiran ng dalawa o higit pang panig hinggil sa isang
makabuluhang paksa. Ito ay mahalaga sapagkat;
o Makapagbibigay kasanayan sa wasto at mabilis na pag-iisip.
o Nabibigayang kasanayan ang maayos at mabisang pagsasalita.
o Nabibigyang kakayahan ang pag-uuri ng tama at maling pagmamatuwid.
o Nabibigaynag kalinangan ang kagandahang asal tulad ng pagtitimpi o pagpipigil sa sarili.
Talumpati – isang anyo ng panitikan na inihanda na maaaring basahin o bigkasin sa harap ng madlang nakikinig. Layunin
din ng talumpati ang mailahad ng malinaw at maayos ang pangangatuwiran sa mabikas at lantarang paraan sa ganitong
paraan madaling makahikayat at mapaniwala ang mga nakikinig.

URI NG TALUMPATI
 Daglian -Ito ay uri ng talumpati na walang panahon sa paghahanda. Nalalaman niya ang paksang tatalakayin sa
oras ng kanyang pagtatalumpati.

 Maluwag - Sa uri namang ito ng talumpati, ang mananalumpati ay makapaghahanda lamang ng isang balangkas
upang maging patnubay sa kanyang pagtatalumpati. Maikli lamang ang nakalaang panahanon sa paghahanda.
 Handa - Ang pagatatalumpati ay nilalaanan ng mahabang panahong paghahanda. Siaya ay may panahon sa
pananaliksik hinggil sa paksang tatalakayin. Karaniwang ang ganitong uri ng talumpati ay nagaganap sa mga
pormal na pagtitipon.

MGA BAHAGI NG TALUMPATI


1. Panimula - Ito ang ginagamit na pangganyak upang mapukaw ang isipan ng mga nakikinig. Dito’y maaaring
gumamit ng mga pagkukwentong pampatawang may kaugnayan sa talakayan.

2. Paglalahad – Ginagamitan ito ng mga pananalitang kaakit-akit.

3. Paninindigan – Ito’y siyang pinakakaluluwa ng talumpati sapagkat ito ang bahaging pagpapatunay ng
nagtatalumpati. Inilalahad ditto ang kanyang mga ebidensiya sa mga katwirang binanggit.
4. Pamimitawan - to ang wakas na bahagi ng talumpati. Inilalahad ditto ang konklusyon sa mga katwirang nabanggit
upang maikintal sa isipan ang diwang kabuuan ng talumpati, ito’y ginagamitan ng mga maiindayog o maririkit na
pananalita.

You might also like