You are on page 1of 2

Proseso ng Pagsulat

Sa katotohanan komplikado ang gawaing pagsulat sapagkat wala itong sinusunod na


tahasang proseso. Walang espisipikong pormulang sinsunod bilang gabay kundi bagkus
ang teknik o pormula ay paiba-iba depende sa kondisyon at mood ng manunulat, layunin,
genre, at iba pang salik. Bagaman at ito ang katotohanan sa kasanayang ito, itinatagubilin
pa rin ang mga sumusunod na hakbangin upang magkaroon ng direksyon ang pagsulat na
isasagawa.

1. Pag-aasinta (Triggering)

May direksyon ang gagawing pagsusulat kung matutukoy kaagad ang paksang nais
asintahin o talakayin. Sa pagtukoy ng paksang nais isulat magiging mahusay at epektibo ito
kung ito ay hindi napakalawak talakayin.

2. Pagtitipon (Gathering)

Matapos ang pagtukoy sa paksang isusulat, pagtitipon naman ng mga kaisipang isasama
sa talakay ang susunod na isasakatuparan ng magsusulat.

Ang dalawang naunang hakbangin ay kapwa kabilang sa prewriting stage ng pagsulat na


nasa ibaba ang talakayan.

3. Paghugis (Shaping)

Habang nangangalap pa lamang ng impormasyon, binibigyang hugis na ng magsusulat ang


mga kaisipang nais niyang isama sa kanyang sulatin. Binubuo na niya sa kanyang isipan
ang gagawin niyang panimula, ang ipopokus ng kanyang panulat at maging ang kanyang
magiging konklusyon. Nasa writing stage ang manunulat sa hakbanging ito ng pagsulat

4. Pagrerebisa (Revising)

Hindi nakukuha o napeperpekto ang sulatin sa isang upuan lamang. Nangangailangan ito
ng ilang ulit na pagbabasa upang mabago ang mga kakulangan, kamalian at kahinaan ng
pagkakatalakay. Matapos ito, isusulat ng muli ang final draft.

Sa pagsulat, baguhan o batikan man ang manunulat ang kanyang pagsulat ay


pumapaloob sa tatlong yugto ng pagsulat.: ang bago sumulat (pre-writing), ang
pagsulat (writing) at ang pagrerebisa (revising stage) na halos tumutugma na rin sa
isinagawa ng manunulat na mga hakbang bilang paghahanda sa gagawing pagsulat.

ANG PAGLALARAWAN NA PAGPAPAHAYAG

PAGLALARAWAN
-Isang uri o paraan ng pagpapahayag ng mga kaisipan o pala-palagay tungkol sa isang tao,
hayop, bagay, lugar o pangyayari sa pamamagitan ng makukulay, mahuhugis o maaanyo at
iba pang mapandadamang-naamoy, nalalasahan, naririnig at sinasalita.

KAHALAGAHAN:
-Nagagawa nitong maipakita sa mambabasa/tagapakinig ang daigdig sa pamamagitan ng
paningin at pandama. Maaaring ipinta ang mga tanawin at mga bagay-bagay na singkinang
ng mga kulay ng bahag-hari, ang maharlikang pagtatanghal ng isang dulang musikal o kahit
ang pinakadukhang pagkakatumpok-tumpok ng mga barong-barong na tirahan ng mga
iskwater. Magagawang maging konkreto ang mga bagay na abstrak at ang masaklaw ay
maging tiyak.

URI NG PAGLALARAWAN

Karaniwang Paglalarawan

 Ang damdamin at opinyon ng tagapaglarawan ay HINDI dapat isinasama.


 Nagbibigay lamang ng mga tiyak na impormasyon o kabatiran tungkol sa isang
bagay ayon sa pisikal o kongkretong katangian nito.
 Gumagamit lamang ito ng mga tiyak at karaniwang salitang panlarawan at itinatala
ang mga bagay o mga partikular na detalye sa payak na paraan.

You might also like