You are on page 1of 1

Ang dulang Pikit Mata 

ay maihahalimbawa sa isang sarsuwela na isang komedya at melodrama


sa kadahilanang simula pa lamang ay kitang kita dito ang pagiging masining na nagbigay buhay sa bawat
tauhan sa dula. Ito rin ay nagpapakita ng masidhing damdamin ng tauhan tulad ni Ligaya na labis ang
pighati at pagkasuklam sa nang abuso sakaniya nang walang kalaban laban. Marami din ang teorya na
pampanitikan ang naipakita sa kuwento. Isa na ang teoryang Feminismo na patungkol sa kalakasan at
maging ang kahinaan na ipinakita ng tauhan na sina Aling Selang at Ligaya dahil sa labis na pighati na
sinapit ng dalaga dahil sa kalagayan na nararamdaman nito. Ang tanging nais lamang niya na makamit
ang nararapat na hustisya sa nangyari sa kanya. Ang bawat tagpo ng mga pangyayari ay nangyayari pa
rin sa ating kasalukuyang panahon na kung saan ang mga walang kalaban-labang mamayan na may
kapansanan ay nararanasan ang pang-aapi. Nakakaranas sila pangungutya ng ibang tao dahil sa kanilang
kapansanan maaaring sila ay bulag, pipi at bingi o dili naman kaya’y dahil sa mapangtuksong mundo
dahil sa mga taong nakapaligid sa tauhang si Ligaya na nangingibabaw ang teoryang Realismo. Sa pagitan
naman ng tauhan na lalaking nagpakilala sa katauhan ni Doktor Raphael ay nagpakita at nagparamdam
na ito ng kaniyang tapat na paghanga at pag-ibig sa dalagang si Ligaya noong una pa lang niya itong
nakita. Hindi matatawaran ang pag-ibig na nangibabaw sa inang si Aling Selang sa kaniyang anak na si
Ligaya lalo na may mabigat itong pinagdaraanan dahil sa karahasan na maaaring iugnay sa teoryang
Romantisismo. Halos lahat ng tagpo ay nararanasan pa rin hanggang sa ngayon. Pati na ang aral sa
katapusan ng dula ay nangibabaw, naipakita na ang bawat isa maging ikaw man ay may kapansanan,
walang kakayahan sa buhay, mahirap at nakakaranas ng pangungutya at pang-aapi mula sa ibang tao sa
tamang panahon ay makararanas ng wagas na kaginhawaan dahil sa moral na ipinakita ng katha sa mga
manonood ang teoryang Moralistik.

You might also like