You are on page 1of 11

Bulacan State University

Kolehiyo ng Arte at Literatura


DEPARTAMENTO NG ARALING PILIPINO
dap@bulsu.edu.ph

PINAL NA KAHINGIAN SA LIT 202: INTRODUKSIYON SA TEORYANG PAMPANITIKAN

Ang Babae bilang Kumander: Isang Giyerera sa Pamantayan ng Lipunan

Suring Papel sa Akdang “Kumander” ni Jing Panganiban

ABSTRAK:

Hindi si Gabriela Silang o Maria Clara ang bida sa akdang ito, ngunit inihahambing ang kaniyang
katauhan sa taglay na karikitan at katapangan, inilalapit din siya sa bansag na "Kumander" marahil ang
mga tao ay may takot na kaniyang sugurin at labanan oras na kanilang kantiin ang kaniyang mga anak at
pamilya. Sa sanaysay ni Jing Panganiban na "Kumander" binibida si Andang Dela, ang kaniyang
karanasan bilang asawa sa Andang Simon, ina, at babae. Isinalaysay ni Jing kung paano maging tulad
ng isang tigre ang kaniyang Andang Dela nang magtagpo ito at ang kabit ng naturang asawa. Sa
kasamaan ng kalooban, hindi na umasa pang muli si Andang Dela sa kaniyang asawa upang itaguyod
ang kanilang buhay lalo ang mga anak, nagsumikap ito upang maaalagaan nang maayos at matustusan
ang kaniyang pamilya. Lahat ng pagkain na masarap ay pinalalasap niya sa kaniyang mga anak. Kahit pa
kakaunti lamang ang kinikita nito, hindi nito palalampasin ang pagkakataon na makatikim ang mga anak
ng masarap na pagkain. Lahat na ata ng klase ng gawain ay kinakaya ni Andang Dela, ultimo
responsibilidad ng kaniyang asawa ay inaako nito at hindi na inaasa pa sa kaniya. Isang araw, nang
mamayapa ang kaniyang asawa ay labis na kalungkutan ang nanahan sa kaniyang kalooban at noon
lamang nasumpungan ang paghagulgol ng kumander. Sa burol ng Andang Simon ay nagpakitang muli
ang kabit nito, sa halip na gilitan sa leeg ang babae ay kaniya itong niyakap nang walang pag-aatubili at
pinatawad, marahil wala naman nang dahilan upang sila ay magtalo pa kaya't mas nanaig ang
pagpapatawad sa kaniya. Nang hapong nanikip ang dibdib ng Andang Dela, nagawa pa rin nitong tapusin
ang kaniyang mga nais gawin ngunit pagbalik ay lulan na ito ng cadillac ng punerarya. Ang kumander ay
sumuko na sa unang pagkakataon, ngunit hindi pa rin mawawaglit ang kaniyang pagiging dominante
dahil sa taas ng nitso ng kaniyang asawa inilagay ang kaniyang ataul.

Katapangan, kagitingan, at katatagan, mga katangian na tinataglay hindi lamang

ng mga kalalakihan kung hindi pati na rin ng mga kababaihan. Hindi kinakailangang

sumabak sa giyera upang matawag na kumander ang isang babae, hindi baril ang

sandata upang katakutan ng nang-aalipusta. Kasapatan nang maituturing ang pagtindig

Pahina 1 ng 8
sa ipinaglalabang karapatan upang makuha ang takot at respeto ng bawat tao. Ito na

ang panahon upang puksain ang bulok na ideolohiya patungkol sa hindi balanseng

pagtanaw sa karapatan ng kababaihan at kalalakihan.

Ang buhay ng pagiging babae ay isang buhay ng pakikipaglaban. Namulat tayo

sa mundong patriyarkal kung saan lalaki ang tinitingala, nirerespeto, at namumuno sa

lahat ng bagay sa bawat panahon. Sa akdang "Kumander" ni Jing Panganiban,

bumalikwas ang karakter ni Andang Dela sa ideolohiyang mas mataas na uri ng tao ang

kalalakihan. Tinuldukan nito ang hindi balanseng pagtanaw sa kapangyarihan ng

kalalakihan at kababaihan. Makikita sa ilang bahagi ng akda ang pagtaguyod ni Andang

Dela sa kaniyang mga anak matapos mamayapa ang kaniyang unang asawa maging

sa panahon na siya ay nag-asawang muli. Hindi nito iniasa sa asawa o sa ibang tao

ang pag-aalaga at pagpapalaki sa mga anak.

Nang mamatay ang kabiyak niya dahil sa sakit sa baga, itinaguyod niyang mag-isa ang limang
anak na babae sa pamamagitan ng pamamakyaw at pagtitinda ng isda (Panganiban, IV).
Naging ibayo ang sigasig ng aking lola sa paghahanap-buhay sa ikalawa niyang pag-aasawa.
Hindi niya iniasa sa kanyang kabiyak ang pagbuhay sa limang anak niya sa una. Kumuha siya ng
puwesto sa Pamilihan ng Pritil sa Tondo at doon nagtinda ng kanyang mga kalakal na sariwang isda tulad
ng bangus, talakitok, ayungin, kanduli, biya at iba pa, pati ng mga alimango, alimasag, talangka at
alamang. Walang permanenteng trabaho ang lolo ko. Palibhasa’y bunso, matikas at magandang lalaki,
prente na ito sa paahe-ahente lalo’t mahusay namang kumita ang kanyang esposa (Panganiban, VI).

Sa mga bahaging ito, lantad na masisipat na may kakayahan ang babaeng

maghanap-buhay higit pa sa mga gawaing nakasanayan. Sumasabak ito sa hamon ng

buhay sa labas ng tahanan nang mag-isa. Umaangat ito mula sa mababang pagtingin

sa kapangyarihan bilang babae hanggang sa pagtanaw na pantay ito sa kalalakihan.

Naitataguyod ng babae ang kaniyang pamilya sa iba't ibang mga paraan hindi lamang

sa pagluluto sa kusina, paglilinis ng bahay, at pag-aasikaso sa kanilang kalusugan at

Pahina 2 ng 8
kinabukasan. Nagagawa ng mga babae ang mga trabahong nakintal sa ating isipan na

para sa mga lalaki lamang, ultimo pag-iisip ng sariling kapakanan ay isinasakripisyo ng

mga ito para lamang mabigyan ng magandang buhay ang pamilya. Hindi na palaging

dominante ang kalalakihan sa pagpapairal ng buhay ng isang pamilya, may kakayahan

din ang mga kababaihan na tustusan ang mga ito sa sariling pagsusumikap. Lubog sa

akda ang kaisipan na haligi ng tahanan lamang ang pundasyon ng isang matayog na

pamilya, makikita ito sa huling bahagi ng pangungusap kung saan prente na lamang

ang kaniyang asawa dahil mahusay kumita ang Andang Dela. Pumaiimbabaw ang

pagtingin sa kababaihan sa akdang ito dahil sa pagiging independiente ni Andang Dela,

hindi nito kailangang magpaalipin sa kaniyang asawa maging sa mga gawaing bahay

bagkus may sarili itong paraan upang maitaguyod ang pamilya.

Iginuhit ng lipunan ang kababaihan bilang mahina, walang laya, at mababa.

Bawat kilos ay minamata kung pasok ito sa pamantayan ng iba, mistulang manika na

minamanipula, binibihisan, at itatapon na lang sa oras na pagsawaan. Kumawala sa

paniniwalang ito ang karakter sa akda, mula sa paghahambing kay Maria Clara bilang

"mabini kung kumilos at malumanay kung magsalita" hanggang sa maikumpara ito kay

Gabriela Silang sa kaniyang pagiging matapang, palaban, at giyerera na nag-ugat sa

pananakit sa kaniyang anak.

Isang araw na umuwing umiiyak at namumula ang braso mula sa palo ng kanyang tiyahin ang
anak na bunso, umusok ang tainga ng Andang Dela at sumugod sa atrebidang nanakit ng anak niya.
Bitbit ang itak na panagpas ng panggatong, hinamon niyang lumabas ang hipag at harapin siya. Nang
makita niyang nagsilabasan ang angkan ng kanyang asawa mula sa kani-kanilang bahay, iwinasiwas
niya ang kanyang itak at nagbantang tapos na ang pananahimik niya. “Hindi ko kayo uurungan kahit
magsuson-suson pa kayo. Huwag kayong magkakamaling saktan pa ulit ang mga anak ko!” Walang
pumalag o kumibo. Wala na ring nagtangkang magbuhat ng kamay sa aking ina at sa kanyang dalawang
kapatid (Panganiban, V).

Pahina 3 ng 8
Matatapos ang pananahimik at pagtitimpi ng isang babae oras na kantiin ng

ibang tao ang mahal sa buhay, tulad na lamang ng sinalaysay ni Panganiban. Ayon pa

sa kaniya, "naghunos ang Maria Clara at naging makamandag na kumander" simula

nang dalhin siya ng Andang Simon sa lugar ng kaniyang pamilya. Ikinahon ng lipunan

ang ating isipan sa paniniwalang marupok ang isang babae, walang kakayahang

lumaban wari isang prinsesa na laging nililigtas ng prinsepeng may makintab na baluti.

Higit na sa kung ano pa mang pamantayan ang kakayahan ng isang babae at hindi na

nito kailangan ng tagapagligtas, kaya na nitong tumayo sa sarili nitong mga paa at

ipaglaban ang sariling karapatan. Binubuksan ng awtor ang isipan ng mambabasa sa

usapin tungkol sa kabuluhan ng kababaihan bilang isang nilalang at hindi kung sino

lang. Hindi bilang manika, laruan, basura o kung ano pa man na basta na lamang

mamatahin ng lipunan at huhubaran para sa pagsagot ng tawag ng laman ng mga

kalalakihan.

Mailalapat din ito sa bahagi ng sanaysay kung saan may tagpong waring isang

tigreng sinugod ni Andang Dela ang babaeng kalaguyo ng asawa. Inilarawan niya itong

"puta, mang-aagaw ng asawa, pakangkang sa may pera, at mangwawasak ng pamilya"

na tila nagkakaroon ng hidwaan sa dalawang panig ng babae bagamat ang puno't dulo

nito ay ang lalaking hindi makuntento sa buhay na mayroon siya sa piling ng kaniyang

unang asawa. Nagkaroon ng hindi magandang imahen sa kapwa babae dahil sa

ginawang panloloko ng lalaki. Ang mga babae ay biktima ng kauhawan ng mga

kalalakihan na tila hindi umaayon sa sinumpaang pangako sa kasal at

kinasasangkapan lamang ang mga ito upang mapunan ang libidong nararamdaman.

Pahina 4 ng 8
Hindi sa pagpapalugod naigagapos ang esensya ng kababaihan, sila'y minamahal,

pinakakasalan, at nirerespeto sa kahit na anong aspekto sapagkat sila ang daluyan ng

buhay.

Ang bahagi ng paglaban ni Andang Dela sa kamag-anak ng kaniyang asawa ay

metaporikal kung maituturing. Nagsisilbi rin itong hudyat sa kababaihan na wakasan na

ang pananahimik at magsimulang lumaban para sa sarili at kapwa babae. Ang

pagbalikwas sa norm ng lipunan ay pagkilos upang unti-unting matuldukan ang hindi

pantay na pagtingin at pagtrato sa mga ito, lalo ang pagpuksa sa hindi mawala-walang

karahasang nararanasan ng kababaihan. Akma ito sa tula ni Joi Barrios na "Ang

pagiging babae ay pamumuhay sa panahon ng digma" kung saan kaniya ring

minumulat ang masa sa tunay na kalagayan ng mga kababaihan sa lipunan at kung

paano ito humihingi ng pagkilos. Ang pagkilos ay paglaban at pagpuksa sa

materialistikong tingin ng lipunan na nagdudulot ng paniniil at pananakit sa mga

kababaihan. Ang mga akdang ito ay panawagan sa lahat. Labanan ang pandarahas.

Pantal at maga, sugat sa balat, at sa kaloob-looban, pagkataong wasak. Walang dapat

manahimik, hangga't may biktima ng pananakit (Barrios).

Ang mga karanasang ito ang nagpapatatag at nagpapabago ng kaisipan ng

kababaihan. Mula sa pagtitiis na yurakan ang kanilang pagkatao ng iba, nakikintal na sa

kanilang isipan ang pagbalikwas at nagkakaroon na sila ng hangarin na lumaban at

protektahan ang sarili. Ang paniniwala ng mga babae ay nababago rin, hindi na lamang

nila nililimitahan ang kanilang gampanin sa loob ng tahanan bagkus kumakawala sila sa

Pahina 5 ng 8
pagkakahon ng lipunan at inaangkin ang malayang pamumuhay bilang babae.

Nilalantad ng akda ang talino ni Andang Dela sa buhay, ang pagiging madiskarte upang

matugunan ang pangangailangan ng kaniyang mga anak, at ang kontrast ng mga gawi

nina Andang Simon at Andang Dela. Madadalumat ang pagiging dominante ng babae

kaysa lalaki sapagkat bukod sa hindi inaasa ni Andang Dela ang pagbuhay sa kaniyang

pamilya ay nagagawa nito ang lahat ng bagay habang ang gampan ng kaniyang asawa

ay maging ahente at umasa sa kikitain niya sa pagbebenta. Maihahambing ang

katangian ni Andang Dela sa isang karakter mula sa pelikulang "Liway" ni Kip Oebanda

na si Inday, isa ring babaeng Kumander, ina, at asawa. Ang kaniyang anak ay sinilang

sa kulungan matapos silang madakip ng mga militar sa panahon ng administrasyong

Marcos. Si Inday ay si Kumander Liway na lumalaban para sa karapatan at kalayaan ng

bayan, tulad ni Andang Dela hindi sila naging sunod-sunuran sa kanilang asawa

maging sa ibang tao. Mayroon silang sariling desisyon sa kung paano tuturuan ng

mabuting asal ang mga anak na may pagkakaiba sa kanilang mga asawa na umaasa

sa kanila. Hindi nawaglit sa kanilang isipan ang responsibilidad sa sarili, anak, pamilya,

at sa bayan na pilit tinatakasan ng ibang tao.

Sa dulo ng sanaysay, kung saan namayapa si Andang Simon ay noon lamang

nakitaan ng kahinaan si Andang Dela. Sa matagal na panahon nitong pagpapakita ng

katatagan at katapangan, umagos ang kaniyang luha sa una at huling pagkakataon

nang masaksihan ang pagkawala ng asawa. Likas sa mga babae ang magtago ng

tunay na nararamdaman marahil ang tingin ng iba ay kahinaan ang pag-iyak. Sa kabila

ng lahat, mababanaag pa rin na ang pagluha ay tanda ng katapangan at katatagan sa

Pahina 6 ng 8
paglaban sa hamon ng buhay. Katapangan ang pagpapakita ng tunay na

nararamdaman. Katapangan din ang pagpapatawad, tampok ito sa tagpo kung saan

pumunta sa burol ng namayapang asawa ang kalaguyo nito at sa halip na balian ito ng

leeg ay iniabot niya ang kamay at pinagdaop ang kanilang mga palad. Lumilitaw rito

ang pagpapahalaga ng mga babae sa kanilang mga damdamin at mas pagpili sa

pagbibigay ng kapatawaran kaysa habambuhay na pagkakaroon ng kaalitan at bigat ng

kalooban. Hindi poot at galit ang nararapat na dalhin sa buhay kundi kabutihan at

kapayapaan ng puso. Pasan ito ng Andang Dela hanggang sa kaniyang huling hininga,

ang pagiging mabuting ina, asawa, lola, at kumander. Hanggang sa huling segundo ay

kapakanan ng ibang tao pa rin ang iniisip nito, simbolo ng pagiging mapagmalasakit at

hindi makasarili ng mga babae.

Ilang mga natatanging akda pa ba ang dapat na mailathala para lamang

mapakinggan ang boses ng kababaihan? Ilang sigaw ng panawagan pa ba ang pilit na

bubusalan at puwersahang patatahimikin? Ang pagsulong ng pantay na karapatan para

sa kababaihan ay hindi pag-aalsa sa bayan. Ang mga bawat hinaing sa diskriminasyon

at karahasan ay hindi maliit na bagay upang balewalain. Wala tayo sa digmaan ngunit

may giyera at pakikipaglaban ang mga kakabaihan na sa una pa lang ay hindi dapat

maranasan. Mahalaga ang bawat tao sa mundo. Ang pagkilala at respeto ay hindi

eklusibo para lamang sa kalalakihan, panahon na upang puksain ang baluktot na

perspektiba tungkol sa kababaihan. Ang halaga ng babae ay hindi makikita sa

gampaning pang tahanan o digmaan. Karapat-dapat nilang makamtan ang

pagmamahal na tapat at totoo, mula sa kabiyak, pamilya, at maging sa bayan. Hindi sila

Pahina 7 ng 8
sagot sa uhaw, hindi manikang bibihisan at huhubaran kapag pinagsawaan, hindi

materyal na pupunahin, at lalong hindi sila BABAE LANG. Mayroon ding damdamin ang

mga babae na puno ng katatagan at hindi kahinaan. Ang pagiging babae ay higit pa sa

pamantayan ng lipunan dahil sa panahon ngayon at kahit noon, may halaga ang babae

hindi lamang sa apat na sulok ng tahanan, kundi maging sa bayan at lipunan.

SANGGUNIAN:

Oebanda, Kip, director. Liway. YouTube, YouTube, 8 Mar. 2017,


https://www.youtube.com/watch?v=tOKg1VfkAk4. Accessed 9 Dec. 2023.

“Ang Pagiging Babae Ay Pamumuhay Sa Panahon Ng Digma.” YouTube, YouTube, 8


Mar. 2017, https://www.youtube.com/watch?v=tOKg1VfkAk4. Accessed 9 Dec.
2023.

Pahina 8 ng 8
NAPOLES, MARY JOYCE D.

AB LITERATURA: MALIKHAING PAGSULAT 2A

PAMANTAYAN NG PAGMAMARKA SA PINAL NA KAHINGIAN: (Para sa


Pasalitang Presentasyon ng Kritika)

Kraytirya Deskripsiyon Puntos


Lagom ng Akda Malinaw ang inilahad na lagom 5
ng akda sa simulang bahagi
ng presentasyon

Konbiksiyon Kapani-paniwala ang paraan 10


ng pasalitang presentasyon
dahil sa taglay na tiwala sa
sarili at postura

Daloy ng Presentasyon Malinaw ang kabuoang presen- 10


tasyon

Mga Puntong Malinaw, mabisa at makabuluhan 15


Inilahad ang mga itinampok na highlights
ng kritika tampok ang napiling
teoryang pampanitikan
KABUOANG PUNTOS 40

PINAL NA KAHINGIAN SA LIT 202: INTRODUKSIYON SA


TEORYANG PAMPANITIKAN
Suring-basa sa isang teksto/ akda gamit ang isang partikular na teoryang
pampanitikan. Bubuuin ito ng 5 at higit pang pahina ng masinsing panunuri
ng partikular na akda.

PAMANTAYAN NG PAGMAMARKA SA PINAL NA KAHINGIAN: (Para


sa ipapasang hard copy)
KABULUHAN 30

KALINAWAN 20

ESTILO 10

KABUOANG MARKA 60
KABULUHAN

NAPAKAHUSAY MAHUSAY MAPAUUNLAD HIGIT PANG HINDI


27-30 23-26 PA 19-22 MAPAUUNLAD PUMASA
15-18 14-Pababa

▪ ▪ ▪ Naipapamalamas ▪ ▪ Kapos
Naipapamalamas Naipapamala ang Naipapamalamas ang
ang ibayong ma s ang katamtamang ang kakayahan kakayah
kahusayan sa kahusayan kahusayan sa sa paglalapat ng an sa
paglalapat ng tiyak sa tiyak na teoryang paglalapat
paglalapat ng ng
tiyak na
teoryang

na tiyak na paglalapat ng pampanitikan sa pampanitikan


teoryang teoryang tiyak na kabuoan ng sa
pampanitikan pampanitikan teoryang pagsusuri subalit kabuoan ng
sa sa pampanitikan nangangailan pagsusuri.
kabuoan kabuoan ng sa gan pa ito
ng pagsusuri. kabuoan ng
pagsusuri. ng pagsisinsin.
pagsusuri.
▪ Naipapamalas ▪ Kapos ang
▪ Naipapamalas ang kaalaman
▪ ang mataas na ▪ kaalaman hinggil
Naipapamalas kaalaman hinggil Naipapamal hinggil sa sa ugnayan
ang sa ugnayan ng as ang ugnayan ng ng
napakataas na panitikan at bahagyang panitikan at panitikan at
kaalaman lipunan. kaalaman lipunan. lipunan.
hinggil hinggil
sa ugnayan ng sa ugnayan
▪ Makabuluhan ▪ Manipis ang
panitikan ng
ang tinatalakay. kabuluhang ▪ Salat ang
at panitikan
lipunan. at naitampok. kabuluhang
lipunan. naitampok.
▪ ▪ May wastong ▪ Higit pang
datos, subalit ▪ Bahagya nangangai ▪ Higit pang
Napamakabulu
han ang hindi gaanong ang langan ng sapat nangangaila
tinatalakay. sapat kabuluhang at wastong ngan ng
datos sapat at
naitampok. wastong datos
▪ May sapat at
wastong ▪ Higit pang
mga nangangaila
datos ngan ng
sapat na
datos

KALINAWAN
NAPAKAHUSAY MAHUSAY MAPAUUN HIGIT PANG HINDI PUMASA
18-20 15-17 LAD PA 12- MAPAUUNLAD 9-Pababa
14 10-12

▪ Napakaayos ▪ Maayos ang ▪ Maayos- ▪ Hindi ▪ Nakalilito ang


ng organisasyon ng ayos maayos daloy ng
organisasyon mga idea ang ang mga
ng organisasyon organisasyon ng idea
mga idea ng mga idea
▪ Mabisa at
mga idea
malikhain ang ▪ Mapauunlad pa ▪ Higit pang
▪ Napakabisa at pagpapamagat ▪ Bahagyang ang mapauunlad
napakamalikh mabisa at pagpapama ang
ain malikhain gat pagpapamagat
▪ May mangilan
ng ang
ngilang salita at ▪ Maraming mga
pagpapamagat pagpapamag
bantas na hindi ▪ Marami-rami salita at
at
wasto ang gamit ang mga salita bantas
▪ Wasto ang ▪ May ilang at ang hindi
gamit ng salita at bantas ang hindi wasto
mga salita at bantas na wasto ang gamit ang gamit
mga bantas hindi wasto
ang
gamit

ESTILO

NAPAKAHUSAY MAHUSAY MAPAUUNLAD HIGIT PANG


9-10 7-8 PA MAPAUUNLAD
5-6 4-Pababa

May malikhain, natatangi May malikhain May Higit pang mapauunlad


at mabisang at pamamaraan ang pamamaraan upang
pamamaraan sa natatanging sa maging mabisa at
pagtalakay/ pagtatanghal pamamaraan pagtalakay/ malikhain ito
ng paksa sa pagtalakay/ pagtatanghal
pagtatanghal ng paksa,
ng paksa, subalit
subalit mapauunlad
mapauunlad pa upang
pa upang higit na
higit na maging
maging mabisa at
mabisa ang malikhain ang
paglalahad paglalahad

You might also like