You are on page 1of 4

Ang Boses ng Kababaihan

sa mga Nobela ni Lualhati Bautista

Noong nagdaang Abril 22, nagkaroon ng book discussion sa libro ni Lualhati Bautista ang

grupong Pinoy Reads Pinoy Books. Ang aktibidad ay bahagi ng programa at sponsored ng

Cultural Center of the Philippiines. Isinagawa ang discussion sa libingan ng manunulat sa Holy

Cross Memorial sa Novaliches. Naimbitahan rin sa aktibidad ang doktoradong klase ni sir Vim

Nadera. Nakakatuwa na may grupo pala ng mga mambabasa ang dinadayo pa ang libingan ng

mga manunulat na kanilang tinatalakay at kung buhay pa ang otor ay iniimbitahan naman

nilang sumali sa kanilang pagtalakay. Mabuti ang ganitong aktibidad dahil nabibridge ang

ugnayan ng mambabasa at manunulat.

Tampok sa naging diskusyon ang mga babaeng tauhan sa mga naisulat ni Bautista. Ang

mga babae niyang tauhan ay taliwas at naiiba sa inaasahan sa kanila ng lipunan. Sa lipunang

patriyarka, tinitignan ang mga babae bilang mahina, tinitrato bilang sex object, hindi nabibigyan

ng patas na oportunidad sa trabaho, at sa pangunahin ay itinatalaga sila para mangasiwa sa

bahay at magsilbi sa asawa at magpalaki ng mga anak.

Sa kasaysayan ng bansa at ng daigdig, masalimuot ang pinagdaanan at pinagdadaanan

ng mga kababaihan. Ang karapatang mag-aral at karapatang bumoto ay kinailangan pa nilang

ipaglaban para makamit. Araw-araw rin silang nakararanas ng pang-aabuso sa iba’t ibang

pamamaraan at anyo. Halimbawa nito ay sa simple nilang paglalakad sa daan ay masusutsutan

sila at ma-cat call. Mas marami pang malalang insidente ang nangyayari. Dahil sa palagian silang
under attack ng mga pwersang bumibiktima sa kanila, ang natural na patunguhan nila ay ang

maging kimi at manahimik.

Dito pumapasok ang mga karakter ni Bautista. Ipinapakita niya sa mga tao ang

posibilidad ng pagkakaroon ng bagong uri ng babae na lumalaban at tumutunggali. Ang

maganda pa sa kaniyang paglikha, hindi lamang niya sinasabi na ang mga babae ay naaabuso,

ipinapakita niya kung paano ito kongkretong nangyayari.

Sa nobela niyang Dekada `70 halimbawa, si Amanda Bartolome ang eksaktong larawan

kung paano tinatrato ang kababaihan ng patriarkang lipunan. Siya ay house wife na nagpapalaki

ng limang anak. Gusto niyang kumawala sa buhay na nakakulong sa loob ng bahay. Gusto

niyang magtrabaho pero pinagbawalan siya ng asawang si Julian dahil sobra-sobra naman ang

kaniyang kinikita at pinuprovide para sa pamilya. Ngunit para kay Amanda at hindi maunawaan

ni Julian ang punto, hindi iyon usapin ng i-uuwing salapi para sa materyal na pangangailangan at

luho. Para iyon sa sense of fulfillment ni Amanda, para mahanap niya ang purpose ng kaniyang

buhay, at para magawa ang mga ginugusto at hilig.

Makikita rin sa nobela kung paano tinitignan si Amanda bilang sex object ng asawa. Kung

paano tinitignan ni Julian, ang head ng bahay at simbolo ng patriyarka ang mga kababaihan sa

pangkalahatan. Maraming eksena sa nobela na ipinapakita si Julian na nagbabasa ng magazine

na pornograpiya. Karaniwang nakalugar ang pagbabasa niya ng porno sa pribadong opisina at sa

sariling silid, na para bang sinasabing sa pinakaloob-loob niya at ng mga kalalakihan ng

patriyarka ay sex lang ang tangi nilang iniisip.


Isa ring payak ngunit hindi malilimutang eksena sa nobela ay ang pagtitipon sa bahay

nila at nag-uusap si Julian at ang mga kaibigan niya tungkol sa pulitika at naisip ni Amanda na

sumali sa usapan ngunit mali-mali ang kaniyang nasabi. Pinagtawanan siya ng mga kaibigan at

nagalit si Julian. Sa eksenang ito mababatid na ayaw ng patriyarka na nakikialam ang mga babae

sa pulitika, sabihin pang sa pagpapatakbo ng bansa. Kaya kung titignan ang kasaysayan ng

bansa dalawang babae pa lamang ang naging pangulo ng bansa.

Ipinapakita ng mga personal na danas ni Amanda at ang mga pangyayaring panlipunan

noong dekada sitenta ang naging transisyon niya mula sa pagiging kimi at sunud-sunuran sa

asawa hanggang sa tuluyan nang pakikisangkot sa sigalot ng dekada. Tinatampok dito na hindi

kailanman maihihiwalay ang mga pangyayaring pambansa at makakaapekto ito sa indibidwal. S

Sa dulo ng nobela nakikisangkot na si Amanda. Natorture ang kaniyang panganay na

kasapi ng rebolusyonaryong kilusan. Nasalvage ang isa niyang anak at pinaratangang drug user.

Nakikipaghiwalay na rin siya kay Julian dahil para sa kaniya tumigil na ang buhay niya bilang

tagalinis ng bahay, taga-abot ng kape, taga-alaga ng mga anak, tapos nun wala na.

May linya sa nobela na tila isang paalala at panawagan ni Lualhati sa mga kabaibaihan:

“Pero ang babae, talian man ang katawan o suotan man ng chastity belt, ay may uri ng

kalayaang hindi mananakaw ng kahit na sino: ang kalayaan niyang mag-isip.”

Mag-isip at magsuri. Nailarawan ni Bautista ang kalagayan ng mga kababaihan sa

pinakatumpak sa katauhan ng karakter na si Amanda. Naipakita na rin niya ang posibilidad ng

pagtunggali sa mga pwersa at struktura ng patriyarka. Ang kaniyang mga nobela ay hamon hindi

lamang sa mga kababaihan kundi sa pangkalahatan ng mamamayan na baguhin ang lipunan.


Sabi nga ni Amanda sa wakas ng nobela, it’s a woman’s world too. O sa kasalukuyan ay

nagsanga-sanga na ang mga gender, at ganoon pa rin naman ang magiging pagtingin ni

Bautista, ang mundo ay para sa lahat ng ari.

Siguro kung mayroon mang manunulat na nararapat basahin ng lahat at kung maaari pa

nga ay gawing required subject tulad ni Rizal, iyon ay walang iba kundi si Bautista. Magiging

daan ang pag-aaral kay Bautista sa emansipasyon ng mga uri at ari. Mabisang paraan ang mga

libro niya sa pagbibigay ng tools for analysis sa mambabasa sa mga usapin gaya ng pemenismo

hanggang pyudalismo, burukratakapitalismo at pyudalismo. Ang kaniyang mga libro ay

nagbibigay laya at nagbubukas sa isip ng mambabasa para masuri ang personal at paambansang

mga usapin.

Ang mga karakter na nilikha ni Bautista ay kagaya niyang strong, independent at

nakikisangkot. Sa katunayan dinala ni Bautista ang katangiang ito hanggang kamatayan sa sense

na hindi niya ipinaalam sa publiko na mayroon siyang malubhang karamdaman. Siguro dahil

ayaw na niyang pagtapunan pa siya ng awa at pinili na lamang niyang magdusa at lumisan nang

tahimik.

Sanggunian

Bautista, Lualhati. Dekada 70: Ang Orihinal at Kumpletong Edisyon. Cacho Pub House, 1988.

Print.

You might also like