You are on page 1of 4

Yhasmen B.

Nogales
Gr.10-Beryl

ANG KWENTO NG ISANG ORAS


Ang kwentong isang oras na mag iiwan sa atin kung ano ba talaga ang tunay nangyare sa
magasawa at kung anong teoryang panitikan ito napapabilang
Ang kwentong ito ay naglalarawan sa ibat’ ibang damdaming dinanas ni Gng. Louise Mallard
Ang sakit na meron si Ginang Mallard ay sakit sa puso. Kinakailangan ito sabihin sa unang
bahagi ng storya upang malaman nito kung bakit hindi madali sabihin sakanya ang balita tungkol
sa kanyang asawa at para maunawaan natin ang mga posibilidad na mangyayari sa katapusan ng
kwento. Nagamit ito ng may akda sa pamamaraan sa kanyang asawa, ipinakita ang matinding
pagkalungkot ng tauhan sa kwento. Dahil sa problemang ito sa puso, mahusay na pag-aalaga ang
ginawa ni Josephine ay kinuha upang basagin ang mga balita nang marahan para hindi ito
mahirapan nang lubos, Ito ang balitang nakasama sa mga namatay mula sa isang aksidente sa
riles ang kanyang asawa…. Pagkarinig ng masamang balita, ang unang ginawa ni Ginang
Mallard pumunta sa kanyang kwarto at isinara ang pinto para mapag-isa. Dito na base na
malungkot tlaga siya nung akala niyang namatay ang kanyang asawa, dito niya napagisip isip na
ang buhay na meron siya kasama ang kanyang asawa ay biglaang magbabago, Dito ko den
napagisip na baka hindi naman abusive, at pangalawang ginawa nito ay pumunta sa may bintana
at narinig nito ang mga ingay ng mga ibon. Malaya!”na pinaniniwalaan niyang siyang mabuting
maidudulot ng pagkamatay ng kanyang asawa, pagkakaroon ng mga pangarap o ideya para
sakanyang sarili. Sa unang pagkakataon, natanto niya na isa sa mga resulta ng pagkamatay ng
kanyang asawa ay na siya ngayon ay mabubuhay para sa kanyang sarili sa halip na mabuhay para
sa kanya. Siya ay hindi repressed kahit na sa mga hindi kapani-paniwala paraan na maaaring
mangyari sa isang relasyon, lalo na sa isang patriarichal kultura, kung saan ang isang asawa ay
may higit na kapangyarihan kaysa sa babae, ay ipinagkaloob ng higit pang kapangyarihan, mas
legal na katayuan kaysa sa kababaihan. Ito ay isang panahon na ang mga kababaihan ay hindi
kahit na pag-aari ari-arian sa estado kung saan Nanirahan si Chopin. Ngayon ay
nangangahulugan na ba na hindi siya masayang ikinasal? Sa tingin ko mahal naman ni Mr.
Mallard ang kanyang asawa ngunit hindi niya lang mapigilan ang sarili na ipataw ang kanyang
kalooban sa kanya, at para sa aking opniyon ukol sa istorya wala nang makapangyarihang
nakabalot kay Ms. Mallard na hindi niya na kailangan isipin kung anong iisipin ng asawa sa
lahatt ng bagay tungkol sa kanya, wala nang kailangang sundín, Siya ay may kalayaan at wala na
sa ilalim ng awtoridad ng ibang tao, kahit mabait o mapagmahal na awtoridad kasi kahit anong
sabihin mo kung nasasakal mo ang iyong asawa dahil ayaw mo ang ginagawa niya asan ang
kalayaan? Kahit sino naman siguro ayaw yung ganun pero kasi tayong tao pinipili natin na mag
stay dahil hindi tayo nasanay na wala sila pero once na nakalaya ka mararamdaman mo ang
naramdaman ni Ms. Mallard “Malaya!” hanggang sa pinagdasal niya na sana tumagal pa ang
buhay nito ngunit nasira ang lahat ng ito, nang may bumukas noon sa pinto ng kanilang bahay,
Brently, ang asawa niyang buhay na buhay pa. Ang katotohanang buhay pa ang kanyang asawa
ang nagpasikip sa kanyang dibdib at naging dahilan ng kanyang pagkamatay—nang dahil sa
kaligayahang nakamamatay. Pero syempre mas alam naman natin na hindi ito ang tunay na
rason, siya ay namatay sa pagkagulat na buhay pa ang kanyang asawa at lahat ng kanyang
pinangarap na tumagal lamang ng isang oras at ang pag nanais ng panghabang buhay na
kalayaan lahat ng yon bigla nalang nag laho ng parang bula.

PAGSUSURI

Batay sa aking pagsusuri, nakapabilang ang kwento ng isang oras sa iba’t ibang teoryang
pampanitikan, ito ay mga teoryang Feminismo at ang sikolohikal. Pero ang ibang teoryang di ako
sigurado ukol dito

FEMINISMO
FEMINISMO- Ang layunin ng panitikan ay magpakilala ng mga kalakasan at
kakayahang pambabae at iangat ang pagtingin ng lipunan sa mga kababaihan. Madaling matukoy
kung ang isang panitikan ay feminism sapagkat babae o sagisag babae ang pangunahing tauhan.
Ang mga babae ng panitikan ay inilarawan ng ilang manunulat bilang mahina, sunod-sunuran,
maramdamin, emosyonal, at pantahanan. Ang kwento ng isang oras ay sa tingin ko tinutuligsa
ang patriyarkal na lipunan kagaya ng aking nabanggit sa itaas ng kwento Ito ang sistemang
pangkababaihan bilang mga indibidwal na di-kapantay ang kalalakihan
Sa kadahilanan na madali kong natukoy na Si Ms. Mallard ay pangunahing tauhan na babae sa
kwento at ang akda ay inilarawan siyang may sakit sa puso at kailangan maging maingat ang iba
sa kanilang mga sinasabi kundi baka atakihin ito sa puso kumbaga parang mahina sa paningin ng
iba
Sa aking palagay may kinalaman ang kultura noon dahil ang istorya ay nirerepreseanta ng
dalawang mag asawa ang di maayos na pagsasama, at nung unang panahon ang mga kababaihan
ay may limitadong Kalayaan at Karapatan at dahil yun siguro ang dahilan kung bakit ganito ang
nararanasan ni GInang Mallard sa kanilang pagsasama
Sikolohikal
Sa akin palagay, Si Brently Mallard ay isang di maalagang asawa at nililimitahan niya
ang kanyang asawa sa pagiging Malaya. Ibinulong sakanya ang mga salitang “Malaya” dahil
siguro wala na siyang pproblemahin na asawa dahil hindi siya tinatrato ng maayos at di maayos
ang kanilang samahan.
At naipakita ng may akda ang pagbabago o pagkakaroon ng panibagong pag uugali dahil may
naging dahilan o nag udyok na mabago o mabuo ito, katulad ng traumang/di maalagang asawa
binigay ni Mr. Mallard dahil dito nung nalaman ni Louise ang balita imbis na magluksa ng
tuluyan napalitan ito ng kalayaan sa kadahilanan kung paano itrato ni Mr. Mallard napagtanto ni
Louise Mallard na hindi niya talaga mahal ang kanyang asawa. Iyan ang diwa ng kuwentong ito.
Nakadarama siya ng kalayaan at kapansin-pansing masaya noong nalaman niya ang nakakagulat
na balita ng kamatayan ng asawa. Dito sa teoryang ito mapapalawak natin ang ating isipan kung
ano ng aba talaga ang nangyari sa panitikang ito.
Makikita mo talaga ang takbo ng isip ng may katha, paninindigan, pinaniniwalaan,
pinapahalagahan at mgga tumatakbo sa isipan at kamalayan ng may akda

Humanismo
Para sa akin maari ito mapabilang dahil sa kakayahang mag isip ni Ms. Mallard like ang
creative ganun at yung intellectual niya. Kakayahang maging matapang sa buhay

Eksistensyalismo
Sa kadahilanan na nagkaroon ng konting oras ng Kalayaan si Ms. Mallard noong mga
panahong wala ang kanyang asawa, na gawa niyang mag desisyon sa sarili niya, dito niya na
hiniling na sana tumagal pa ang kanyang buhay para magawa lahat ng iniisip o pinapangarap
niya. Ngunit bago niya matamo ang lahat ng kanyang pinangarap para sa mga susunod na araw
ito ay napawi sa harapan ng kanyang mga mata kaya ito namatay.

Maari ko sanang ilagay ang imahismo sa aking pag susuri dahil sa kagandahan ng mga salita na
ginamit, nakapagbigay at nakapag iiwan ng malinaw at tiyak na larawan sa isipan ngunit na alala
ko na umusbong ang imahismo noong 1900 at ang isang kwento ng isang oras ay 1894
Marxismo
Dahil naman sa paglalaban ng dalawang pwersa makapangyarihan/kalalakihan kung
tawagin at naaapi naman ang kababaihan

At yon lamang po ang aking opinyon sa pagsusuri ng Maikling kuwento ng isang oras.

You might also like