You are on page 1of 2

Submitted By: Angeline Nicole E.

Dimaano
Grade 10-Resilience

1. “Ang Kuwento ng Isang Oras” ang naging pamagat nito dahil nangyari ang buong
kwento sa loob ng isang oras sapagkat ang buong pagkasunod-sunod nang
pagkaalam ni Ginang Mallard ay patay na si Brently Mallard at nalaman niya din
sa huli na buhay pa pala siya sa loob ng isang oras.

2. May sakit si Ginang Mallard sa puso. Kaya kinailangan sabihin ito sa unang
bahagi pa lang nang pagsasalaysay dahil isa itong malaking paktor sa akda at sa
kabuuan ng kuwento.

3. Ang mag-asawang Mallard ay mapagmahal sa isa’t isa. Kaya sinabi sa kuwento


na “nagkulong siya sa kanilang silid” ay dahil grabeng lungkot at saket ang
kanyang nararamdam nang malaman niya na patay na ang kanyang asawa.
Hindi siya makapanilwala na nawala na ang kaniyang minamahal.

4. Sa aking palagay, si Brently ay isang mapagmahal na asawa kay Ginang


Mallard. Kaya ibinubulong ni Ginang Mallard ang mga salitang “ Malaya, Malaya,
Malaya” dahil napaisip niya na magkakaroon na siya ng karapatan para maging
malaya sa mga bagay na gusto niyang gawin bilang isang babae. Ngunit, naisip
din niya na “ang mukhang tanging titig ng pag-ibig ang inuukol lng sa kanya” Ito”y
nagsasabi na ang tunay na pag-ibig ni Brently Mallard kay Ginang Mallard ay
kitang-kita sa kanyang mga mata.

5. Sa aking palagay, may kinalaman ang kultura at kaugalian sa samahan ng mag-


asawa sa panahong iyon dahil noong 1894, ang mga papel ng mga kababaihan
ay dapat lang na sa loob nang bahay at nagluluto o nagawa nang trabahong
bahay. Kaya siguro may oras na napaisip din si Ginang Mallard na kung patay na
ang kanyang asawa, makakalaya na siya. Magagawa na niya ang kanyang mga
gustong gawin bilang isang babae.

6. Ang sinisimbolo nang pagsasara ni Louise sa pintuan at ang pagbukas ng


kanyang bintana ay dahil gusto niyang mapagisa dahil sa nalaman niyang
masamang balita. Napaisip siya kung dapat nga ba siyang maging masaya dahil
Submitted By: Angeline Nicole E. Dimaano
Grade 10-Resilience

patay na ang kanyang asawa at dahil dito ay magiging malaya na siya o dapat
ba siyang malungkot dahil ang asawa niyang nagmahal sa kanya ng buong-buo
ay patay na. Gulong-gulo siya sa kanyang nararamdaman.

7. Para saakin, maiuugnay ko ang mga pangyayari sa sinulat niyang kuwento sa


naging karanasan niya sa buhay dahil sa panahon niya noong 1894, walang
kalayaan ang mga kababaihan noon. Naranasan niyang maging isang alipin sa
pinagtatrabauhan niyang plantasyon. Wala sila karapatan gawin ang mga bagay
na gusto nilang gawin bilang isang babae. Nakakulong lang sila sa bahay para
magluto, maglinis at gawin ang mga trabahong bahay.

8. Kaya sinasabing ang akdang ito ay kinakikitaan ng isang feminismo dahil sa


pagkakaalam ko na si Kate Chopin ay may malaking interes sa kanyang
kapaligiran kaya isinulat niya etong kuwentong ito basay sa kanyang mga
obserbasyon noong panahon niya. Binigyan niya ng pansin ang buhay ng mga
kababaihan at ang kanilang mga naranasan nilang mga pagsubok sa loob ng
pagmumuno ng mga kalalakihan.

9. Sa tingin ko ang tunay na naging sanhi ng pagkamatay ni Louise Mallard ay


dahil sa sobrang saya dahil nabanggit pa lang sa unang bahagi pa lamang ng
pagsasalaysay na may sakit na siya sa puso. Masama sa kanya ang pagiging
sobrang masaya, sobrang lungkot, sobrang tensyon, sobrang stress. Kaya siguro
siya pumanaw sa ganong paraan dahil sa halong-halong emosyon na
naramdaman niya.

You might also like