You are on page 1of 3

ANG TULA

Ang Tula ay isnag akdang Pampanitikang naglalarawan ng buhay,


hinango sa guniguni, ipinararating sa ating damdamin at ipinahahayag sa
pananalitang may angkil aliw-iw. Ito ay naiiba sa ibang sangay ng panitikan
sapagkat ito ay nangangailangan ng masusing pagpili ng mga salita, pagbilang
ng mga pantig, at paggamit ng mga magkakatugmang salita upang madama
ang isang damdamin o kaisipang nais ipahayag ng isang manunulat. Ang Tula
ay isang mabisang paraan ng pagpapahayag ng mga kaisipan, damdamin,
imahinasyon, at mithiin sa buhay. Sa pamamagitan ng tula naipararating ng may
katha sa mga bumabasa o nakikinig ang kanyang nararamdaman at naiisip.
Bunga nito, taglay ng mga tula ang iba’t ibang mga paksa. Narito ang ilan sa
mga karaniwnag nagiging paksa ng mga tula particular sa Asya.

1. Tulang Makabayan

Maraming tulang Asyano particular sa Timog-Silangang Asya ang


nagsasaad ng maalab na pagmamahal sa bayan. Marami sa mga bayani
o kilalang Asyano ang nakasulat ng mga tulang nagpapahayag ng
kanilang damdaming Nasyonalismo. Ang iba naman ay nagbibigay-diin sa
mga natatanging kasaysayan ng isnag bansa, makasaysayang mga pook,
magagandang tanawin at maging ng temangmay kinalaman sa buhay
ng dakilang tao o pinuno ng bansa. Ilan sa mga tanyag na tulang may
paksang makabayan ay ang “Pahimakas” ni Dr. Jose Rizal na pinag-aralan
hindi lamang sa Asya kundi sa maging sa buong mundo.
2. Tulang Pag-ibig
Ang ganitong uri ng tula ya punumpuno ng damdamin. Ang paksa
ng tulang ito ay may kinalaman sa pagmamahalan ng dalawang
magsong-irog, maalab na pagsinta ng isang lalaki sa babaneg
kanyang minamahal. Maging ang kasawian sa pag-ibig ay bahagi
ng paksa ng tulang ito.

3. Tulang Pangkalikasan
Ang paksnag ito ay nagbibigay-diin sa kahalagahan ng kalikasan sa
buhay ng tao gayundin ang kadakilaan at kagandahan, at
karilagan ng kalikasan na nakaaakit sa mga makata na sumulat ng
mga tulang may ganitong paksa.

4. Tulang Pastoral
Ang paksang ito ay nagbibigay-diin sa mga katangian ng buhay sa
kabukiran, gayundin sa kagitingan at kadakilaan ng mga
magsasakang matiyagang nagbubungkal ng mga lupa, at maging
ang kahalagahan ng pagsasaka sa ekonomiya ng bansa. Kilala ito
lalo na sa mga bansang agricultural sa Asya particular sa Pilipinas,
Indonesia, at Vietnam.

Bukod sa mga nabanggit na paksa ay may ilan pang mga paksang malimit
gamitin ng mga makata sa paggawa ng tula. Ilan sa mga ito ay ang mga
sumusunod:

 Iba’t ibang uri ng pamumuhay at pag-uugali


 Dignidad sa paggawa
 Paksang may kinalaman sa pang-araw-araw na buhay
 Paksang pangkaluluwa at pangkagandahang-asal
 Paksa tungkol sa pagkabigo o paghihirap

Sanggunian:

Alma M. Dayag, et al. Pinagyamang Pluma 9

You might also like