You are on page 1of 3

Grade 9

Unang Markahan

Aralin 3-----Ang Tula

Ang tula ay isang akdang pampanitikang naglalarawan ng buhay, hinango sa


guniguni,ipinararating sa ating damdamin at ipimahahayag sa pananalitang may angking aliw-iw. Ito ay
naiiba sa ibang sangay ng panitikan sapagkat ito ay nangangailangan ng masusing pagpili ng mga salita,
pagbilang ng mga pantig, at paggamit ng magkakatugmang salita upang madama ang isang damdamin o
kaisipang nais ipahayag ng isang manunulat. Ang tula ay isang mabisang paraan ng pagpapahayag ng
mga kaisipan, damdamin, imahinasyon, at mithiin sa buhay. Sa pamamagitan ng tula naipararating ng
may-akda sa mga bumabasa o nakikinig ang iba’t ibang paksa. Narito ang ilan sa mga karaniwang
nagiging paksa ng mga tula particular sa Asya.

1. Tulang Makabayan---Maraming tulang Asyano particular sa Timog-Silangang-Asya ang nagsasaad


ng maalab na pagmamahal sa bayan. Marami sa mga bayani o kilalang Asyano ang nakasulat ng
mga tulang nagpapahayag ng kanilang damdaming nasyonalismo.Ang iba naman ay nagbibigay-
diin sa mga natatanging kasaysayan ng isang bansa, makasaysayang pook, magagandang
tanawin, at maging ng temang may kinalaman sa buhay ng mga dakilang tao o pinuno ng bansa.
Ilan sa mga tanyag na tulang may paksang makabayan ay ang “Pahimakas” ni Dr. Jose Rizal na
pinag-aaralan hindi lamang sa Asya kundi maging sa buong mundo.
2. Tula ng Pag-Ibig--- Ang ganitong uri ng tula ay punumpuno ng damdamin. Ang paksa ng tulang
ito ay may kinalaman sa pagmamahalan ng dalawang magsing-irog, maalab na pagsinta ng isang
lalaki sa babaeng kanyang minamahal. Maging ang kasawian sap ag-ibig ay bahagi ng paksa ng
tulang ito.
3. Tualang Pangkalikasan--- ang paksang ito ay nagbibigay-diin sa kahalagahan ng kalikasan sa
buhay ng tao gayundin ang kadakilaan, kagandahan, at karilagan ng kalikasan na nakaaakit sa
mga makata na sumulat ng mga tulang may ganitong paksa.
4. Tulang Pastoral--- Ang paksang ito ay nagbibigay-diin sa mga katangian gn buhay sa kabukiran,
gayundin sa kagitingan at kadakilaan ng mga magsasakang matiyagang nagbubungkal ng mga
lupa, at maging ang kahalagahan ng pagsasaka sa ekonomiya ng bansa. Kilala ito lalo na sa mga
bansang agricultural sa Asya particular sa Pilipinas, Indonesia at Vietnam.

Bukod sa mga nabanggit na paksa ay may ilan pang paksang malimit gamitin ng mga
makata sa paggawa ng tula. Ilan sa mga ito ay ang sumusunod:
a. Iba’t ibang uri ng pamumuhay at pag-uugali
b. Dignidad sa paggawa
c. Paksang may kinalaman sa pang-araw-araw na buhay
d. Paksang pangkaluluwa at pangkagandahang –asal
e. Paksa tungkol sa pagkabigo o paghihirap
Puting Kalapati Libutin Itong Sandaigdigan

Ni Usman Awang

Malayang Salin

Sa mga pangyayaring walang katiyakan,

Kung saan ang tao’y naghihinala’t tuwina’y may agam-agam

Lumipad ang kalapati upang lakbayin ang sandaigdigan

Sa kanyang putting pakpak na hanap ay kapayapaan

Habang sagisag ng pagkakasundo’y patuloy na pumapailanlang.

Putting kalapati, libutin mong sandaigdigan

Ang hanging panggabi’y iyong panariwain

Ang mga bulaklak iyong pamukadkarin.

Itong aming mga labi’y iyong pangitiin.

Pagkat sa iyo na ang pag-asa ay di nawala

Sa iyong hininga, hanging sariwa nagmula

Itong sandaigdigan,paniwalain mo sa kapayapaan

Habang puso’y pumipintig sa gabi ng katahimikan.

Ngunit ikaw na palamara

Tulad ng alabok,humayo ka’t mawala

Pagkat mundo mo’t bantayog ay gumuho na

Ngayon ay may bagong hinagap na kayganda

Bilang repleksiyon nitong buhay na mapayapa.

Sagutin Mo!

1. Sa kasalukuyan, ano-ano ang mga pangyayari sa mundong sumisira sa pandaigdigang


kapayapaan na masasabi mong likha ng kasamaan?
2. Ano-ano baa ng puwedeng gawin ng tao upang magkaroon ng ganap na kapayapaan sa mundo?
3. Bilang kabataan, paano ka makatutulong upang mapanatili ang kapayapaan sa inyong tahanan,
komunidad, bansa , at mundo.

Ipaliwanag Mo!
“Ang Kapayapaan ay hindi lamang makikita sa kawalan ng giyera o pisikal na labanan
kundi sa pagkakaroon ng kapayapaan, sa kalooban.”

You might also like