You are on page 1of 1

Tula

- Ay isang pampanitikang naglalarawan ng buhay, hinango sa guniguni,


ipinararating sa ating damdamin at ipinahahayag sa pananalitang may angking
aliw-iw.
- Nangangailangan ng masusing pagpili ng mga salita, pagbilang ng mga pantig, at
paggamit ng mga magkakatugmang salita.

Mga paksa ng tula sa Asya

1. Tulang Makabayan
- Nagsasaad ng maalab na pagmamahal sa bayan
- Nagpapahayag ng damdaming nasyonalismo
- Nagbibigay diin sa mga natatanging kasaysayan, pook, tanawin, tema sa buhay
ng mga dakilang tao o pinuno sa bansa
- Hal. “Pahimakas” ni Dr. Jose Rizal
2. Tula ng Pag-Ibig
- Punumpuno ng damdamin
- May kinalaman sa pagmamahalan ng dalawang magsingirog
- Maalab na pagsinta ng isang lalaki sa babaeng kanyang minamahal
- Kasawian ng pag-ibig ay bahagi ng paksa ng tulang ito.
3. Tulang Pangkalikasan
- Kahalagahan ng kalikasan sa buhay ng tao
- Kadakilaan, kagandahan, at karilagan ng kalikasan
4. Tulang Pastoral
- Katangian ng buhay sa kabukiran
- Kagitingan at kadakilaan ng mga magsasakang matiyang nagbubungkal ng mga
lupa
- Maging ang kahalagahan ng pagsasaka sa ekonomiya ng bansa

Mga paksang malimit gamitin ng mga makata:

 Iba’t ibang uri ng pamumuhay at pag-uugali


 Dignidad sa paggawa
 Paksang may kinalaman sa pang araw-araw na buhay
 Paksang pangkaluluwa at pangkagandahang asal
 Paksa tungkol sa pagkabigo o paghihirap

You might also like