You are on page 1of 13

PAGPAPAHALAGA SA PANITIKANG FILIPINO

PANITIKAN- ay isang payak na salitang nahihiyasan ng iba- ibang malalim na kahulugan.


Ito ay isang malinaw na salamin, larawan, repleksyon o representasyon ng buhay
,karanasan ,lipunan at kasaysayan.
Ayon kay Bro. Azarias sa kanyang Pilosopiya ng Literatura ,ang panitikan ay
pagpapahayag ng mga damdamin ng tao hingil sa mga bagay- bagay sa daigdig,sa
pamumuhay ,sa lipunan at pamahalaan,at sa kauganyan ng kaluluwa sa Bathalang
Lumikha.
Ayon kay Jose Villa Panganiban ang paraan ng pagpapahayag ay iniaayos sa ibat ibang
karanasan at lagay ng kalooban at kaluliuwa na nababalot ng pag –ibig o pagka poot,ligaya
o lungkot, pag- asa o pangamba.
Ayon kay Miguel Bernard, S.J. ang panitikan ay kaisipan at pagpapahayag; di
malilimot na kaisipan sa di malilimot na pagpapahayag.

MGA TUNGKULING GINAGAMPANAN NG PANITIKAN SA KULTURA AT KASAYSAYAN


1. Ito’y isang likhang isip ,bunga ng pagsasanib ng imahinasyon ng manunulat at ng
maraming bagay – ang panlabas na realidad at ang kinabibilangang sistema.ang
sistema ng sining at ng wikang ginagamit.
2. Sinasalamin ng panitikan ang mga karanasan ng indibdwal at ng kanyang
lipunan.
Mga Kaanyuan ng Pantikan
Anyong Tuluyan – ay maluwag na pagsama- sama ng mga salitasa karaniwang takbo
ng pangungusap.
Mga Anyong Tuluyan
1. Sanaysay – naglalahad ng mga kuro- kuro at pansariling kaisipan ng manunulat.
2. Alamat – Mga salaysay na itinuturing na katotohanan ,ipinahahayag nito ang
kasaysayan ng mga tao.
3. Anekdota – Ito ay maaaring maikling bahagi ng buhay ng tao lalo na sa bayani ng
bayan na nakapag bibigay –aral sa mga mambabasa.
4. Balita- Isang uri ng paglalahad ng mga pang araw- araw na kalgayan at pangyayari
sa lipunan, sambayanan,pamahalaan ,mga bansa at ibayong –dagat,at sa buong
sanlibutan.
5. Salaysayin – Ito’y mga pang aliw o libangan na nagangahulugang mabisang
pampalipas ng oras .
6. Talambuhay - Ang paglalahad ng mahahalagang pangyayari sa buhay ng
isang tao. Kapag ang talambuhay ay nauukol sa taong siyang sumulat ,ang
tawag dito ay pansariling talambuhay (autobiography) at pag ito ay sinulat
ng ibang tao ang tawag dito ay talambuhay na pang iba ( biography).
7.Editoryal o Pangulong Tudling - Isang sanaysay na naglalahad ng
opinyon o ideya ng patnugot ng isang pahayagan. Inilalahad niya angk
anyang opinyon batay nsa kanyang pananaw kaugnay sa mga pangyayari.
8. Talumpati – Pagpapahayag ito na binibigkas sa harap ng mga tagapakinig
Magbigay ng kuro- kuro, magpaliwanag at humikayat ang siyang mga
layunin nito.
9. Maikling Kuwento - Naglalahad ng isang mahalagang pangyayari sa
buhay ng isang pangunahing tauhan. Ang layunin nito ay aliwin o libangin
ang mga mambabasa.
10. Nobela - Naglalahad ng maraming pangyayaring kinasasangkutan ng isa
o dalawang pangunahong tauhan at iba pang katulong na mga tauhan. Ang
buong pangyayari ay sumasaklaw nang higit na mahabang panahon kaysa
maikling katha.
11. Dula – Isang kathang ang layunin ay ilarawan sa tanghalan,sa pamamagitan ng
kilos at galaw,ang isang kawil na mga pangyayaring nagpapahayag ng isang
kapana panabik na bahagi ng buhya ng tao.
12. Parabula - Mga salaysaying hango sa Bibliya na nagbibigay – aral sa mga nakikinig
o nagbabasa.

Anyong Patula – Anyo ng Panitkan na naglalahad ng piling kaisipang malimit ay sa


pamamagitan ng salitang may sukat at tugma at kung minsan naman ay walang
sukat at tugma. Ang tulang walang sinusunod na sukat at tugma ay tinatawag na
malayang taludturano free verse.
Tatlong Kaanyuan ng Tula
12. Tulang Pandamdamin o Liriko - Nagpapahayag ng damdamin na kailangang
maging himig at matapat. Nagpapahayag ng sariling damdamin sa kaanyuang
mahimig o maaaring inaawit. Hal: elehiya., oda, kantahin ,soneto at pastoral
2. Tulang Pasalaysay – Nagsasalaysay ng mgs pangyayaring maaaring tunay o kaya

ay hango lamang sa guniguni o imahinasyon . Hal : epiko. Awit at kurido


3. Tulang Pandulaan– Ang kaanyuan at kayarian nito ay patula at masasabing ang
katangian nito at nabibilang sa dula.
Alamat – Mga salaysay na kahanga hangang pangyayayri na nagpasalin salin
mula sa mga naunang henerasyon at pinaniniwalaan sa dahilang ito’y may
mkasaysayang batayan.itinuturing na makasaysayan ang diwa nito,historikal.

Awiting Bayan - Ang oral na pagpapahayag nito na may kaalinsabay na himig


ng pag –awit ay tumutukoy sa damdamin at kaugalian ng mga katutubo.

Iba’t- ibang uri ng Awiting Bayan :


1.Kundiman – awit ng pag- ibig
2. Tagumpay/Kumintang – o Tikam - awit –pandigma
3. Solliranin o Talindaw – awit ng pag gaod
4.Diona o Ihiman – awit- pangkasal
5. Oyayi o Holoborin – awit pampatulog ng sanggol
ILAN SA MGA ETNOLINGWISTIKO NG PANGKAT SA PILIPINAS
Ang mga Ilonggo - Mga taong naninirahan sa Iloilo, sa Isla ng Guimaras,Negros Occidental at maging
sa kanlurang bahagi ng Isla ng Negros. Nagmula ang terminong Ilonggo sa Pilipino- Espanyol na
salitang irong- irong na ang pakahulugan ay kawangis ng ilong ,ito din ang pangalan ng maliit na Isla na
matatagpuan sa gitna nang Ilog ng Batiano.Hiligaynon ang tawag sa lengwahe ng Ilonggo na
sinasabing nagmula sa pariralang manog- ilig sang kawayan na ang ibig sabihin ay bamboo –floaters.

Ang mga Subanon – Ito ay tinatawag din ng Subanu,Subano at Subanen. Subanon ang lengwaheng
kanilang ginagamit.Sila ang pinaka malaking grupo ng Lumad o di – Muslim na mga katutubong
naninirahan sa Mindanao. Ang Subanon ay hango sa mga salitang saba o suba na ang ibig sabihin ay
ilog ,kung kaya ang pinaka kahulugan ng Subanon ay mamamayan sa ilog.
Ang mga Badjao - Ang terminong Badjao na nangangahulugang mga manigngisada ay tumutukoy sa
mga taong naninirahan sa karagatan o dalampasigan ng mga kapuluan sa Sulu na binubuo ng mga
probinsiya ng Tawi- Tawi, at katimugang Palawan. .ipinalalagay na bahagi sila ng Samal o Sama. Isang
etnikong grupong Muslim na nakabase sa lupa. Ang mga Badjao ay karaniwang nakatira sa mga
bangka.Sila ay mga hintano at hintana ng dagat,sila ay walang relihiyon at ang kanilang mga ninuno ang
kanilang sinasamba.
Ang Mga Yakan- Ang Yakan ay tumutukoy sa nakararaming grupong
Muslim sa Basilan,isang Isla sa bahaging timog ng Mindanao. Minsan
tinatawag silang mga kalaban ng taong bundok. May sinusunod na dasal o
ritwal sa pagtatanim hanggang sa pag- aani.
Ang Mga Tausug- Ang pangalang Tausug ay nagmula sa salitang “tau” na
ang ibi g sabihin ay tao at sug na ang ibig sabihin ay agos na kapag pinagsama
ay mga taong agos, Ito ay tumutukoy sa karamihan ng mga Muslim sa
kapuluuan ng Sulu,Nagmula ang pangalan ng salitang “Sulug o “Sug” na ang
ibig sabihin sa Tausug ay agos ng karagatan.
Ang mga Manobo – Ang Manobo o Minuvu o Manuvu ay
nangangahulugang tao na hinango sa salitan g Monsuba, na ang ibig sabihin
ng Mon ay tao at ang suba ay ilog ,,Ang mga Manobo ay nagsasagawa ng
pagkakaingin .ang ilang naninirahan sa lambak ay nagtatanim ng palay.Bigas
ang pangunahiong produkto ng mga Manobo.
Mga Maranao - tawag sa mga naninirahan sa Lanao na nasa kapaligiran
ng lawa o Lanao,na siyang pangalawang pinaka malaking lawa sa Pilipinas. ang
naging huling pangkat na naging Muslim ,mayaman sa kulturang Pilipino at sila
ang maituturing na may pinaka matingkad at makukulay na kultura.

GAWAING TAKDANG – ARALIN:


Magsaliksik sa Internet ; maghanap ng mga halimbawa ng mga tulang
pang damdamin, pasalaysay at pangdulaan at ipaliwanag nang maikli
ang nilalaman nito.
Magpangkat – Nang ilang kantahing pansarili at kantahing panlipunan
at awitin sa klase. (hindi bababa sa 5 miyembro ang bawat pangkat)
Sumulat - ng isang anyong tuluyan base sa inyong kinagigiliwan at
interes.
Ang Kulutra ng Mga Pilipino na Kaugnay ng Kanilang Paniniwala

1. Animismo - Ang paniniwalang ang mga ispiritu na laganap sa pagsasaka at


pangingisda. Nagaganap ito sa mga nayon kung saan iniaalay ang mga ritwal
para sa mga ispiritu upang matiyak na mabibiyayaan ng maganda at
masaganang ani,produkto at bunga ng mga magsasaka at mangingisda.
2. Patalismo - Nangangahulugan ng pananalig at pagpapaubaya ng kapalaran
sa swerte,tadhana,bwenas, malas – lahat ng paniniwala ukol sa kapalaran
,horoscope numero ,bilang at paghuhula. I
3. Eupenismo - Pagpapahayag ng di – kagiliw- giliw na katotohanan, opinyon o
pakiusap na masasabing pinapalabas na magiliw at kaaya ayang
pakinggan.ito ay ang paggamit ng mga white- lies para maging kasiya- siyang
pakinggan.
4. Pakikisama - Nangangahulugang sumasang- ayon sa kagustuhan at
kapasyahan ng nakararamio sa mga pinuno ng pangkat. Ang kahihinatnan
nito ay maaaring postitibo o negatibo.
5. Utang na Loob – Pang unawa at pagpapadama ng pasasalamat.
Nangangahulugan itop ng pagbabalik pabor bilang ganti o kabayaran.
6. Emosyunal na Pagkakalapit at kapanatagan ng Pamilya –May inaasahang
gantihang pagtutulungan at kaisahan ng sa pagitan ng mga miyembro ng
pamilya sa emosyunal at pinansyal na aspekto. Ang tahanan at ang pamilya
ang tinuturing na pook ng kaligayahan at kasiyahan .

7. Personalismo - Ipinakikiota sa paniniwalang ito ang paggamit ng pakiusap


,lagay at areglo,palakasan ,kapangyarihan ,impluwensiya ,nepotismo at
pagkiling.

8. Ningas Cogon – Tumutukoy ito sa pagpapakita ng interes at kawilihan sa


simula ng proyekto ng isang buong samahan .ngunit dumarating ang
pagkakataon o panahon na biglang naglalaho ang kasiglahan.

9. Manana Habit – Ang ugaling ito ay nangangahulugang pagpapabukas o


pagpapaliban ng isang gawain na maaari namaang gawin at isakatuparan sa araw
na iyon, Ito ay ugaling happy go lucky.
10. Pagkamagiliw sa pagtanggap ng panauhin - Tanyag ang mga Pilipino sa
kanilang ugali na pagiging mapagtanggap at mapagbigay sa mga panauhhin
sa kanilang tahanan .mahilig silang magbahagi ng anumang bagay na
maaari nilang ialok sa panauhin kahit mismong sarili nila ay napagkakaitan
ng mga pangagnailangan.

11. Pagdiriwang ng Kapistahan – May mahalagang layunin ang pagdiriwang ng


kapistahan na isinasagawa ng tradisyunal sa lipunan. Pinagtitibay nito ang
katapatan , katatagan ,at kaisahan ng pamilya. Nagbibigay daan ito upang
magkaroon ngb bagong kaibigan at kasamahan. Subalit pinupuna ang ganitong
pagdiriwang dahil nababaon sa utang ang mga Pilipino paral amang
makapaghanda sa panahon ng kapistahan.

12. Ekonomiko At Panlipunang Pag papaunlad- Hangarin ng bawat Pamilyang


Pilipino na maiangat ang pamantayan ng pamumuhay ng kanyang mag- anak at
maging ang kanyang pamayanan pangara ng Pilipino na magkaroon ng
magandang kinabukasan ang kanyang pamilya.

You might also like