You are on page 1of 3

SEPTEMBER 2021 • FILIPINO 103

PAGPAPAHALAGA SA
PANITIKANG FILIPINO
Beautiful and Affordable Secondhand Items for Your Home

Kaligirang kasaysayan nang


Panitikan noong panahon ng
Ang kaligirang pangkasaysayan ay
naglalarawan sa rason o
pangyayari na sinaunang naganap
mga Katutubo o kaya ay ginawa na siyang
tumuloy sa kung ano o bakit ganito
ang isang bagay, tao, pangyayari,
at iba pa.
Nalalaman ng mga tao ang
pangkasaysayan na pinag-ugatan ng
Ang paraan ng pagsulat ng ating mga katutubo ay
isang bagay, tao, pangyayari, o lugar, na
tinatawag na Alibata o Baybayin, ito ay sinasalooban ng
hanggang ngayon ay nakakaapekto o mga sagisag na mayroong pantig na may kaukulang mga
naapektuhan ng isang bagay. Isa sa tunog at kalaunay pinalitan ng mga Kastila ng Alpabeto.
pinakamagaling na halimbawa nito ay ang Ang baybáyin ang sinaunang alpabeto ng mga Filipino
bago pa dumating ang mga Español at maituro ang
ating Panitikan.
alpabetong Romano. Mula ito sa salitâng “baybáy” ng
Bago paman dumating ang mga mga Tagalog na nangangahulugan ng lupaing nása gilid
Kastila sa Pilipinas ay mayroon nang ng dagat at ng “pagbaybáy” na nangangahulugan ng
sariling panitikan ang ating mga katutubo. ispeling.
Ang paraan ng kanilang pagsalin ng
Ang baybayin ay nása anyong pantigan na may
panitikan ay ang paggamit ng "Dila". tatlong patinig (a,e-i,o-u) at umaabot sa 14 katinig.
Isinulat lamang ang panitikan sa mga Makikita ang mga halimbawa ng baybayin sa Doctrina
dahon, sa makikinis na mga bato, at sa Cristiana (1593), ang pinakaunang aklat na nalathala sa
Filipinas na isinulat ng mga misyonerong Español.
mga piraso ng kahoy ngunit madali itong
nawala sa kadahilanang ito man ay Sinasabing lahat ng mga katutubo ay marunong
sinunog. magbasá at magsulat sa baybayin.

Iba’t-ibang migrasyon sa Pilipinas -Negrito o Ita, Indonesyo, Malay, Intsik, Bumbay, Arabe at Persiyano, atbp.
Anyo at Uri ng Panitikan nang Matandang
Panahon
Introduksyon
Sa paglipas ng maraming dekada ng pag-aaral ng panitikan, ating nabatid na ito ang tawag
natin sa lahat ng uri ng pahayag. Higit pa ito ay nagsasabi o nagpapahayag ng mga
kaisipan, mga damdamin, mga karanasan, hangarin at diwa ng mga tao.
ANYO NG PANITIKAN
A. Akdang Tuluyan- nagpapahayag ng kaisipan na isinusulat ng patalata.
Mga Halimabawa:
1. Anekdota – Ito ay maaaring maikling bahagi ng buhay ng tao lalo na sa bayani ng bayan
na nakapag bibigay –aral sa mga mambabasa.
2. Alamat – Mga salaysay na itinuturing na katotohanan ,ipinahahayag nito ang kasaysayan
ng mga tao.
3. Sanaysay – naglalahad ng mga kuro- kuro at pansariling kaisipan ng manunulat.
4. Balita- Isang uri ng paglalahad ng mga pang araw- araw na kalgayan at pangyayari sa
lipunan, sambayanan,pamahalaan ,mga bansa at ibayong –dagat,at sa buong sanlibutan.
5. Salaysayin – Ito’y mga pang aliw o libangan na nagangahulugang mabisang pampalipas
ng oras
6. Sanaysay – naglalahad ng mga kuro- kuro at pansariling kaisipan ng manunulat.
Kasali rin sa anyong akdang tuluyan ang Nobela, Pabula, Parabula, Maikling Kwento ,
Dula, Talambuhay , Talumpati ,Kwentong bayan.

B. Akdang Patula- Ito ay nagpapahayag ng damdamin na isinusulat ng pasaknong.


Tulang Pasalaysay - Epiko, Awit at Korido Uri ng tula na nagsasaad ng kuwento. Ito’y
kadalasang ginagamitan ng boses ng tagapagsalaysay at ng mga tauhan
Tulang Pandamdamin o Liriko - Awiting Bayan, Soneto, Elehiya, Dalit, Pastoral, Oda
May paksang nauukol sa matimyas na pagmamahal, pagmamalasakit, at pamimighati ng
isang mangingibig
Tulang Padula o Pantanghalan - Senakulo, Moro-moro, Sarsuwela, Tibag, Panuluyan,
Salubong Dulang pantanghalan ay ang dramang sinulat bilang isang berso para wikain.
Ang kaanyuan at kayarian nito ay patula at masasabing ang katangian nito at
nabibilang sa dula.
Tulang Patnigan - Karagatan, Duplo, Balagtasan, Isang uri ng pagtatalong patula na
ginagamitan ng pangagatwiran
URI NG PANITIKAN
Piksyon- ang mga akda mula sa imahinasyon ng manunulat ( Pabula, tula, dula, nobela,
epiko)
Di-Piksyon- ito ay mga akdang batay sa tunay na pangyayari (Sanaysay, talambuhay,
anekdota, editoryal, kasaysayan)
ANYO NG PANITIKAN
Pasalin-dila- ang mga panitikang nagpasalin-salin hindi sa pamamagitan ng pagsulat
kundi sa pamamagitan ng dila o pagkukuwento.
Pasulat- paraan ng pagsasalin ng panitikan mula nang matutuhan ng mga tao ang sistema
ng pagsulat.
Pasalintroniko- pagsasalin ng isang panitikan sa tulong ng elektroniko na produkto ng
teknolohiya.
Ang panitikan ay kaisipan at pagpapahayag; di
malilimot na kaisipan sa di malilimot na
pagpapahayag. -Bernard S.J

Sanggunian:
https://www.academia.edu
https://www.geocities.ws
https://philippineculturaleducation.com.ph/bayanihan-2/
https://www.google.com/search?
q=Ang+kaligirang+kasaysayan+nang+Panitikan+noong+pa
nahon+ng+mga+katutubo&oq=Ang+kaligirang+kasaysayan
+nang+Panitikan+noong++panahon+ng+mga+katutubo&a
qs=chrome..69i57j0i10i22i30j0i22i30l3.242j0j7&sourceid=c
hrome&ie=UTF-8

You might also like