You are on page 1of 4

Mga Katangian ng mga Panitikang Pilpino

1. Panahon ng katutubo

(2) Dalawang uri ng Panitikan:

 Pasalita at pasulat

Negrito – unang dumating sa pilipinas.

Mga Unang Tula

 Bugtong – isang pangungusap o tanong na kadalasang nilalaro ng mga batang pinoy


at ng mga nakakatanda. Ito ay may nakatagong kahulugan na nilulutas bilang isang
pala-isipan.
Hallimbaw:
 kung kalian mo pinatay, saka pa humaba ang buhay.
Sagot: Kandila

 Salawikain at Kasabihan – ito ay naglalayong magbigay ng payo at patnubay sa


pang-araw-araw na pamumuhay. Ito ay kadalasang tumatalakay din sa mga
karanasan ng ating mga ninuno at naglalayong ituwid ang ating pamumuhay ng
naaayon sa kanilang mga naging karanasan.
Halimbawa:
 Kahit saang gubat, mayroong ahas saa
Sagot: Saan man sa ating lipunan ay may mga taong traydor na gumagawa ng mga
bagay na nakakalason o nakakasira sa samahan ng bawat isa.
 Tulang Pambata - ay mga tula, berso, kanta, o awiting kinawiwilihan ng mga bata
dahil sa pagkakaroon ng mga ito ng nakasisiyang mga tugmaan at tunog, tinig at mga
salita.
 Awiting Bayan- ito ay tinaguriang matandang sining ng pilipinas.
 Talindaw - pamamangka
 Suliranin - paglalakbay
 Diona – panliligaw / kasal
 Oyayi – pagpapatulog ng bata
 Dalit – papuri kay maria
 Kumintang – pakikidigma
 Sambotani – tagumpay
 Kundiman – pag- ibig
 Tanaga – tulang may (7) pitong pantig sa bawat taludtod at (4) apat na taludtod.
 Epiko – tungkol sa kabayaihan, katapangan at pakikipagsapalaranng isang
pangunahing tauhan sa gitna ng mga pangyayri na hindi kapanipaniwala.

Mga Unang Tuluyan

 Mito – maikling kwento na mayroong aral


 Pabula – mga salaysaying kinasasangkutan ng mga hayop, halaman maging ng mga
bagay na walang buhay na kumukilos at nagsasalita na wari’y ba’y tunay na mga tao.
 Kuwentong kababalaghan – isang uri ng kwento tungkol sa mga kaganapang hindi
maipaliwanag nang maayos o mahirap intindihin dahil kakaiba at hindi
kapanipaniwala ukol sa hindi normal na pangyayari.

Mga Unang Dula

 Ritwal – mayroong “mediator”


 Sayaw – tugtog lamang

II. panahon ng Kastila

 Alpabeto : Alibata > Abece Dario > Titik Romano.


 Panrelihiyon – pang kagandahang asal at pangwika.
 Alpabetong Romano
 Wikang kastila

Mga Kantahing Bayan

 Kundiman (tagalog)
 Paghehele ng bata
 Balitaw (bisaya) – paghaharana

Kurido

Tema: katapangan, kabayanihan, pananampalataya

Kilalang manunulat: jose delacruz, Ananaias Zorillar

Mga Dulang Patula:

 Duplo
 Tibag – paghahanap ng krus ni kristo.
 Panunuluyan – panganganak ni Maria.

Pananapatan:

 Panubong – araw ng pagkabuhay


 Karilyo – dulang anino lamang ang ipinapakita
 Senakulo – isang dulang patungkol sa buhay ni HesuKristo
 Moro – moro o komedya
 Sarsuela – isang dulang may kantahan at sayawan, na mayroong isa hanggang
limang kabanata, at nagpakita ng mga sitwasyon ng Pilipino na may kinalaman sa
mga kuwento ng pag-ibig at kontemporaryong isyu.

III Panahon ng Himagsikan

Katangian ng panitikan:

 Hayag na sa panitikan noon ang paghahatid ng mga aktwal na pangyayari sa


kapaligiran.
 Ang karaniwang paksa ay tungkol sa bayan.
 May sensura noon na naglilimita sa mga lathalain.

IV Panahon ng Amerikano

 Ipinalasap sa mga Pilipino ang demokrasya


 Edukasyon
 Naging masigla ang mga manunulat lalo na sa tagalog
 Dula – kauna- unahang anyo ng panitikan

Katangian ng panitikan:

 Tatlong wika ang ginamit sa panahong iyon


 Naging popular ang malayang taludturan
 Masyadong mabulaklak ang maikling kwento
 Naging artipisyal ang daloy ng mga akda
 Ang paksa ay hindi limitado

Iba pang Panitikan:

 Sarswela
 Bodabil
 Pelikula
 Nobela
 Maikling kwento
 Tula

V Panahon ng Hapon:

 tagalog ang ginamit na wika sapagkat bawal ang kastila/ ingles


 gintong panahon ng panitikan

(3) Tatlong Uri ng Tula

 Haiku – may labimpitong pantig sa bawat taludtod na (5-7-5)


 Tanaga – may pitong pantig sa bawat taludtod
 Karaniwangg Anyo

Katangian ng Panitikan:

 Namayapag ang wikang plipino dahil ito ang wikang gamit sa panitikan
 Gintong panahon ng panitikan
 Limitado ang mga paksa

Mga Katangian ng Panitikang Pilipino


 Isang paglalantad ng panitikan ng mga katotohanang panlipunan at ang mga
kathang- isip na guni – guni.
 Hinaplos nito ang sensorya ng tao: ang pantanaw, pandinig, pang – amoy, panlasa, at
pandama.
 Noong 2000, binigyang katangian ito ni Villafuerte bilang isang buhay ngunit payak
na salitang dumadaloy sa katawan ng tao. May buhay ang panitikan sapagkat may
sarili itong pintig at dugong mainit na dumadaloy sa mga arteryo at bena ng bawat
nilalang at ng isang buong lipunan.
 Kapag binasa ang panitikan, pinagmumulan ito ng madamdaming emosyon sa isang
tao o pangkat ng mga tao, sapagkat sinulat ang mga ito ng kapwa tao.
 Madali at magaan ang pamamaraan ng pagkalat at pagpapamudmod ng panitikan sa
pilipinas. Dahil ito sa mga makabagong mga kaunlaran sa larangan ng teknolohiya.
 Bukod sa mga nasusulat saa mga aklat, radyo, at telebisyon, kumakalat din ang
panitikan sa pamamagitan ng mga kagamitang elektronika, katulad ng grabador ng
tinig at tunog (tape recorder),disking kompakto (compact disk), plaka, mga tape ng
VHS, at mga kompyuter .
 Dahil sa internet o makabagong teknolohiya ay maginhawa at madali ang pagkuha ng
impormasyon pampanitikan. Isa nang instrumento ito para sa mga mambabasang
pilipinong may pagpapahalaga at pagmamalaki sa kanilang pinagmulan, kasaysayan,
at kalinangan o kultura.

You might also like