You are on page 1of 2

Alamat Kung Bakit Matinik ang Bangus

Noong unang panahon, may isang angkan ng sirena na naghahari sa karagatan ng Alegria.
Tanyag dito ang isang prinsesang ubod ng rikit. Mahaba at kulot ang dulo ng kaniyang itim na buhok,
kumikinang ang kaniyang mga matang sing-asul ng karagatan, matangos ang korte ng ilong at may
mapupulang labi. Isama mo pa akong kumikislap-kislap niyang buntot na kulay kalawakan kaya gayon na
lamang ang paghanga ng iba pang mga likhang dagat sa sirena. Mula pagkabata ay nakaugalian na
niyang languyin ang landas patungong dalampasigan upang pagmasdan ang mga bituin sa madilim na
gabi at masilayan ang mga tao. Sari-sari ang mga tanong na nag lalari sa kaniyang isipin. Ano kayang
pakiramdam ng maging tao? Ng magkaroon ng kaibigang tao? Naniniwala ba sila sa mga katulad naming
mga sirena? Ano kaya? Sumapit ang isang gabi at habang siya'y dumudungaw mula sa baybayin, napako
ang kaniyang tingin sa isang makisig at maginoong binata na naglalakad sa buhangin. Hindi inaasahan ng
sirena na mababalingan siya ng binata at magtatagpo ang kanilang mga mata. Nabighani ang binata sa
kaakit-akit na sirena kaya nama'y nilapitan niya ito at binati. "Magandang gabi, binibini. Hindi ka ba
giniginaw? Malamig ang simoy ng hangin, panigurado'y ganoon rin ang tubig," Bungad ng binata. Hindi
makasagot ang sirena. Nanatiling tikom ang kaniyang bibig sapagkat nagdadalawang isip siya kung
ilalahad ba niya ang totoo niyang anyo o lalangoy na lamang palayo. Subalit, hindi na siya hinintay ng
panahon na makapagdesisyon dahil naaninag ng binata ang kakaibang balot sa kanyang ibabang bahagi
ng katawan. "B-buntot? Totoo ang mga sirena?" 'Di makapaniwalang sambit ng binata. Agad namang
nangamba ang sirena sa maaaring maging negatibong reaksyon ng binata. Tila'y napana na ang puso
niya sa binata kaya't ayaw niya itong madismaya sa kaniya. "Huwag kang matakot!" Tugon ng sirena."
Mabubuti naman kaming likha. Hindi kita sasaktan." Napanatag agad ang loob ng binata nang marinig
ang mala-anghel na boses ng sirena. "Sige, nagtitiwala ako sa'yo. Ako nga pala si Bang. Maaari bang
malaman ang iyong pangalan?" Ani Bang at inilahad ang kamay sa sirena. Tumatalon ang pusong
tinanggap ng sirena ang kamay nito. "Ako naman si Estel. Ikinagagalak kong makilala kita," Wika ng
sirena. Mula noon ay naging madalas na ang pagkikita ng dalawa sa baybayin. Hindi naging mahirap na
mahulog ang loob nila sa isa't isa. Abot langit ang kanilang mga ngiti sa tuwing kapiling ang isa't isa. Nag-
uumapaw ang kanilang pagmamahalan. Hanggang sa isang gabi ay namulat sila sa katotohanang hindi
maaaring magsama ang sirena at ang tao. Tinik sa kanilang lalamunan ang suliraning ito. "Hindi ko
kayang lisanin ka, Estel," madamdaming pahayag ni Bang. "Kung kinakailangan kong sumama sa iyo sa
inyong kaharian, walang pag-aatubili kong gagawin iyon." "Sigurado ka ba, Bang? Ikapapahamak mo
'yan! Mas tatanggap ka sa mundo ng mga tao!" Nag-aalalang tugon ni Estel. "Mula noong nakilala kita
Estel, sigurado na ako sa'yo. Labis kitang iniibig." At sumama nga si Bang kay Estel patungo sa kailaliman
ng karagatan sa pamamatnubat ng kapangyarihan ni Estel. Natuklasan ng hari na siyang ama ni Estel ang
tungkol sa relasyon ng dalawa at nagalit ito nang husto. Tinutulan niya ang pag-iibigan ng dalawa at
siniraan ang sariling anak sa kanilang mga kapwa likhang tubig. "Lumayo ka sa tao! Hindi ka nababagay
sa kaniya, anak. Alam mong laban 'yon sa ating batas!" Galit na bulyaw ng ama ni Estel. "Mawalang-
galang na Ama, subalit hindi ikaw ang makakapagsabi kung sino ang nararapat para sa akin!" Singhal ni
Estel. "Ang puso ko mismo! At si Bang ang itinitibok nito!" Halos sumabog na sa poot ang ama ni Estel.
Bunga nito ay nabitawan niya ang mga salitang makakapagpabago nang husto sa dalawa. "Kung gayon
ay isinusumpa kong hindi kayo mamumuhay nang masaya!" Umalingawngaw ang sigaw ng hari sa buong
karagatan. Magkahawak ang mga kamay ngunit masama ang loob na lumayo sina Estel at Bong. Nang
makalayo ay napili nilang magpahinga sa bato dulot ng ng pagod. "Kahit anong sabihin nila, hinding-hindi
kita bibitawan, Bang." Bulong ni Estel. "Ganoon din ako. Mahal na mahal kita," tugon ni Bang. Kapwa
nakatulog ang dalawa dahil sa pagod. Pagkagising ni Estel sa isang mahimbing na tulog ay nakaramdam
siya ng gutom. Laking gulat ni Estel nang hindi niya matagpuan si Bang sa kaniyang tabi. Nilibot niya ang
buong karagatan, maging ang bawat sulok nito ngunit hindi niya nakita si Bang. Nanghihina at humihikbi
siyang lumangoy pabalik sa batong pinagpahingahan nila at nakatagpo siya ng isang isdang kulay pilak na
bago sa kaniyang paningin. Dahil sa gutom ay niluto niya ito at nang kainin ay naalala niya ang tamis ng
pag-ibig nila ni Bang. Habang binabalikan sa isip ang kanilang mga pinagsamahan ay nakaramdam siya ng
tinik na tila ba'y sumisimbolo sa mapait nilang kapalaran. May iniwang mga itlog ang nasabing isda sa
bato. Inalagaan ito ni Estel at nang maging mga isda ay tinawag niya itong Bangus, hango sa pangalan ni
Bang. Malinamnam ngunit matinik, katulad ng kanilang pag-iibigan — masaya ngunit may pait.

You might also like