You are on page 1of 5

STORYBOARD DRAFT

● disclaimer

● Pagpapakilala ng guro

● Paglalahad ng topikong tatalakayin(maikling kwento)

● Pagbibigay ng motibasyon/pagganyak

● Pagbibigay ng depinisyon Kung ano ang maikling kwento

● Pagtatalakay sa limang bahagi ng maikling kuwento

● Pagbibigay ng isang halimbawa ng maikling kwento at susuriin ng mga


estudyante ang bahagi nito.

● Pagtatapos ng talakayan (provide answer)

● pagpapaalam ng guro (outro)

● Sanggunian

● Mga tao sa likod ng back

SCRIPT
INTRO:

Magandang araw sa lahat!

Panibagong araw, panibagong pagkakataon na naman upang tayo ay matuto

Ako si Mariel ang inyong magiging guro sa araw na ito

Paglalahad ng topikong tatalakayin(maikling kwento)w/ objectives:

Ngayong araw, ang paksang ating tatalakayin ay tungkol sa maikling kwento!

at sa pagtatapos ng talakayan inaasahang:

 Matalakay ang kahulugan ng maikling kuwento.

pangalawa,

 Maipaliwanag ang iba’t ibang bahagi ng maikling kuwento.

at panghuli,

 Masuri ang iba't ibang bahagi ng ibinigay na maikling kuwento.

Pagbibigay ng depinisyon Kung ano ang maikling kwento:

Simulan natin ang talakayan Kung ano ang iba't ibang bahagi ng MAIKLING
kwento!

Ngunit bago ‘yan. Ano nga ba ang maikling kwento?

Ayon kay Edgar Allan Poe, ang tinaguriang Ama ng Maikling Kuwento. Ang
maikling kuwento ay isang akdang pampanitikang likha ng guniguni at bungang-
isip na hango sa isang tunay na pangyayari sa buhay. (makita sa ppt)
: (Add on, nd makita sa ppt) ang maikling kwento ay nababasa sa isang upuan
lamang. Nakapupukaw ito ng damdamin, at mabisang nakapagkikintal ng diwa o
damdaming may kaisahan.

Pagtatalakay sa limang bahagi ng maikling kuwento:

Ang Maikling kuwento ay mayroong limang bahagi.

Una ay ang Panimula

Dito ipinakikilala ang mga tauhan sa kuwento gayundin kung saan at paano
nagsimula ang kuwento.

; (Add on on info) napakahalaga ng bahaging ito dahil ito nakasalalay kung


ipagpapatuloy ba ng mambabasa ang kuwento o hindi.

Pangalawang bahagi ay, Saglit na kasiglahan

Ito ay ang panandaliang pagtatagpo ng mga tauhang nasasangkot sa suliranin.

Pangatlo ay Kasukdulan

Ito ang pinakamataas at panapanabik na pangyayari sa isang kuwento. Dito


nagaganap ang tunggalian ng dalawang magkaibang pwersa.

Pang-apat ay Kakalasan

Ito ang tumutukoy sa parte kung saan unti-unti nang naaayos ang suliranin at
nagbibigay daan sa wakas. Dito malalaman kung magtatagumpay ba ang
pangunahing tauhan o hindi.

Upang mas lubos na maunawaan ang iba't ibang bahagi ng maikling kwento, ako
ay may inihandang isang halimbawa. Ito pinamagatang "Sandaang damit" na
isinulat ni Fanny Garcia. At atin itong susuriin batay sa iba't ibang bahagi ng
maikling kwento
Makikita ninyo sa inyong screen ang kwento. Maaari lamang na i-pause ang bidyo
upang magkaroon kayo ng sapat na oras para mabasa ng maigi ang kuwento.

At ang pang huling bahagi ay Wakas

Ito ay tumutukoy sa kung paano nagwakas o natapos ang kuwento kung saan ang
kahihinatnan ng kwento ay maaaring masaya o malungkot.

Sa uulitin, ang maikling kwento ay mayroong limang bahagi. Ito ay ang simula,
saglit na kasiglahan, kasukdulan, kakalasan, at ang wakas.

Pagbibigay ng isang halimbawa ng maikling kwento at susuriin ng mga


estudyante ang bahagi nito:

Upang mas lubos na maunawaan ang iba't ibang bahagi ng maikling kwento, ako
ay may inihandang isang halimbawa. Ito pinamagatang "Sandaang damit" na
isinulat ni Fanny Garcia. At atin itong susuriin batay sa iba't ibang bahagi ng
maikling kwento

Makikita ninyo sa inyong screen ang kwento. Maaari lamang na i-pause ang bidyo
upang magkaroon kayo ng sapat na oras para mabasa ng maigi ang kuwento.
[flash kwento sa ppt] (Pause)

Pagtalakay sa sagot:

Kung natapos na ninyong basahin, atin na itong suriin.


Batay sa kwento ang panimula ay

●Nagsimula sa paglalarawan ng may akda sa batang babae. Inilarawan niya ito bilang isang
batang walang imik, madalas na nag-iisa at mahiyain. Ipinahayag din ang panunuksong
nararansan nito.

Saglit na Kasiglahan
●Nang unti-unti nang nakakaunawa ang bata sa kalagayan ng kanilang pamilya. Pinili niyang
sarilinin ang kanyang pagdaramdam at hindi na siya nagsusumbong sa kanyang ina.

Kasukdulan
●Nang natuto ng lumaban ang batang babae. Sinabi niyang mayroon siyang sandaang damit sa
kanilang bahay at nang hindi siya pinaniwalaan ay inisa-isa niyang ilarawan ang kanyang mga
damit na ito.

Kakalasan

●Ang kakalasan ng kwento ay nang maging kaibigan niya na ang kanyang mga kaklase dahil sa
paniniwala nilang siya'y may sandaang damit. Dito ay binibigyan na siya ng kanilang baon at
nawala na ang kanyang pagiging mahiyain.

Wakas

●Nagwakas ang kwento nang isang lingo ng lumiliban ang batang babae. Nag-alala ang kanyang
guro at mga kaklase kaya dinalaw nila ito sa kanyang bahay. Nakita nila ang bata na may sakit at
ang mga papel na nakadikit sa pader, natagpuan nila ang sandaang damit ng bata na pawang mga
drowing lamang .

OUTRO:

sana ay may natutuhan kayo sa paksang tinalakay natin sa araw na ito. kung
mayroon, paki-click naman ng like button at pa-share na rin sa inyong mga
kaibigan. Hanggang sa susunod na talakayan. Paalam!

Reference:
https://www.youtube.com/watch?v=r_rmcKPH2ZY&ab_channel=TeacherScel

You might also like