You are on page 1of 15

LEARNING ACTIVITY SHEET

QUARTER 1

Pangalan:____________________________Baitang/Seksyon: ______Iskor:______
Asignatura: FILIPINO 7 Guro: ________________Petsa: ______
I. Pamagat ng Gawain: Mga Akdang Pampanitikan: Salamin ng Mindanao

I. Uri ng Gawain:  Pagpapaunawa ng konsepto

Pangkalahatang Pagsusulit ( Gawaing Pasulat Gawaing Pagganap)

III. MELC: Naisasalaysay nang maayos at wasto ang buod, pagkakasunod-sunod ng


mga pangyayari sa kuwento, mito, alamat, at kuwentong-bayan. (F7PS-Id-e-4)

IV. Layunin ng Pag-aaral:


1. Natutukoy ang katangian ng mga uri ng panitikang Mito, Maikling kuwento,
Alamat, at Kuwentong-bayan.
2. Napagsusunod-sunod ang mga pangyayari sa mga kuwentong “Ang Reynang
Matapat” at “Alamat ng Mindanao”.
3. Naibubuod ang isang halimbawa ng panitikang nasaliksik.
V. Sanggunian:

Printed Resources:

Aklat

 Kayumanggi, Perla Guerrero et. al, pp. 29-38

Online Resource/s:
 (https://rexinteractive.com/UserFiles/IM/PointersFilipino2/Supplemental
%20Filipino%20High%20School%20Grade%207%203rd%20Q.pdf)
Hunyo 29-30, 2020
 https://images.app.goo.gl/S928tbokT3rTb1ou8 Hulyo 3, 2020
 https://images.app.goo.gl/L9w4BVsCRUPrJbL56 Hulyo 3, 2020
 https://images.app.goo.gl/gR8sfcFyahNnPzvw7 Hulyo 3, 2020
 https://images.app.goo.gl/HDGxtVvBKj6Ew2Ls9 Hulyo 4, 2020
 https://images.app.goo.gl/4doTYGNzyzft4HqZA Hulyo 4, 2020
 https://images.app.goo.gl/NSLKCssNXYVMwJU57 Hulyo 4, 2020
 https://images.app.goo.gl/boP7gdXfoQzndzMb7 Hulyo 4, 2020

1
 https://clipartion.com/free-clipart-17953/ Hulyo 13, 2020
 https://www.gintongaral.com/mga-alamat/ang-
alamat-ng-mindanao/ Agosto 18, 2020

VI. Pagpapaunawa ng konsepto:

Isaisip M o!

Ito ay talaan ng buhay sapagkat dito isinisiwalat ng tao sa


malikhaing paraan ang kulay ng kanyang buhay, ang buhay ng kanyang
daigdig, ang daigdig na kanyang kinabibilangan o pinapangarap.
(Arogante, 1983)

Uri ng Panitikan

 Pasalin-dila – ang panitikan ay naisalin sa ibang henerasyon sa


pamamagitan ng bibig ng tao. Ito ay paraan ng pagsasalin ng
panitikan noong unang panahon nang ang pasulat ay hindi pa
natutunan ng mga tao.
 Pasulat – paraan ng pagsasalin ng panitikan magmula nang
matutunan ng tao ang sistema ng pagsusulat. Kung gayon, ang
mga dating panitikang inaawit, ikinukuwento, tinutula, o binibigkas
lamang ay naisatitik na.

May dalawang uri naman ang panitikan ayon sa anyo: Patula at Tuluyan o
Prosa.

 Patula – panitikang naisusulat sa taludturan at saknungan. Ang


taludtod ay maaaring may sukat at tugmaan o malayang taludturan
na nangangahulugang walang sukat at tugma.

Mga Halimbawa ng Akdang Patula:

Awit - may mga taludtod na lalabindalawahing pantig tulad ng sa Florante


at Laura ni Francisco Balagtas.

Korido – wawaluhing pantig ang bawat taludtod tulad ng sa Ibong Adarna.

2
 Tuluyan – panitikang naisusulat sa karaniwang takbo ng
pangungusap at sa patalatang paraan.

Mga Halimbawa ng Akdang Tuluyan o Prosa:

Maikling Kuwento – isang salaysay ng isang mahahalagang pangyayaring


kinasasangkutan ng isa o ilang tauhan at may isang kakintalan o
impresyon.

Alamat – isang uri ng panitikan na nagkukuwento tungkol sa mga


pinagmulan ng mga bagay-bagay sa daigdig. Karaniwang nagsasalaysay
ang mga ito ng mga pangyayari hinggil sa tunay na mga tao at pook, at
mayroong pinagbatayan sa kasaysayan. Kaugnay ang alamat ng mga
mito at kuwentong-bayan. Ang salitang alamat ay panumbas sa salitang
legend ng ingles

Mito – isang kuwentong nagpasalin-salin na sa dila mula sa katutubo


hanggang sa kasalukuyan, masasabing halos ipinakikita rin nito ang
tradisyon ng isang lahi. Karaniwang tinatalakay ng mga kuwentong mito
ang mga diyos at nagbibigay ng mga paliwanag hinggil sa mga likas na
kaganapan. Halimbawa na ang kung paano nagkaroon ng hangin o mga
karagatan. May kaugnayan ang mitolohiya sa alamat at kuwentong-bayan
ayon sa mga mananaliksik. Ilan sa mga sikat na tauhan sa mitolohiya ng
mga Griyego ay ang mga diyos na sina Zeus, Aphrodite, Athena, at iba
pa.

Kuwentong-bayan – mga salaysay hinggil sa mga likhang-isip na mga


tauhan na kumakatawan sa mga uri ng mamamayan, katulad ng
matandang hari, isang marunong na lalaki, o kaya sa isang hangal na
babae. Karaniwang kaugnay ang kuwentong-bayan ng isang tiyak na
pook o rehiyon ng isang bansa o lupain. Kaugnay nito ang alamat at mga
mito. (https://rexinteractive.com/UserFiles/IM/Pointers-Filipino-
2/Supplemental%20Filipino%20High%20School%20Grade%207%203rd
%20Q.pdf)

3
Gawain 1: Kaya Mo Ito

Panuto: Hanapin at bilugan ang mga salitang may kaugnayan sa panitikan at sa


mga uri nito mula sa Word Search. Maaaring ito ay nasa anyong pahalang,
pataas, pababa, at pabaliktad.

4
Gawain 2:

Panuto: Isulat sa patlang ang uri ng panitikang tinutukoy ng bawat larawan. Piliin
ang sagot sa loob ng kahon.

alamat mito epiko

kuwentong-bayan maikling kuwento pabula

1. 2.

________________________ ________________________

3. 4.

________________________ ________________________

5.

5
___________________________

Gawain 3:
Panuto: Tukuyin ang katangian ng bawat akdang pampanitikan na nasa loob ng
kahon.

Kuwentong-bayan Mito

Katangian
Uri ng Panitikan
Alamat
Maikling kuwento

Basahin at unawain ang isang halimbawa ng maikling kuwento.

“ANG REYNANG MATAPAT”


Itinuturing na isa sa pinakamalaking lalawigan sa Mindanao ang Cotabato. Mula
ito sa salitang Kutang-bato na pinamumunuan ni Reyna Sima na kilala sa katalinuhan,
katapatan at kaayusan sa pamamalakad at panunungkulan.
Maraming mangangalakal na mula sa Tsino, Hindu at Arabo ang nakikipag-
ugnayan na sa kaharian ni Reyna Sima bago pa man dumating ang mga Espanyol.
Sa mahusay na pamumuno ni Reyna Sima, umunlad at mapayapa ang
mamamayan ng Katung-bato. Kapag pinasunod ang batas at naging matapat ang
sinasakupan, maayos ang pangangalakal. Resulta ito ng matapat na panunungkulan ng
Reyna.

6
Naiwan ng isang negosyanteng Tsino ang isang supot ng ginto sa isang mesa sa
palasyo. Maaaring kunin at maging bahagi ng kaban ng yaman ngunit mahigpit ang
utos ni Reyna Sima na hindi ito gagalawin at ibabalik sa may-ari.

Naging tanyag sa katapatan ng paglilingkod at sa mahigpit na pagpapatupad ng


kautusan sa katapatan ang Reynang Matapat. Kung nagpatukso sa kinang ng ginto si
Reyna, hindi daranasin ang pagtingala at paghanga ng ibang bansa.

Gawain 4: Marami Ka Pang Magagawa

Panuto: Iguhit ang sa patlang kung ang salitang nasalungguhitan sa


pangungusap ay wasto ang pagkakagamit sa pangungusap at naman kung
mali. Kung mali ang ginamit na salitang nasalungguhitan ay palitan ito sa
pamamagitan ng pagsulat muli sa pangungusap gamit ang wastong salita.

_____1. Magaling na pamunuan si Reyna Sima sa kanyang kaharian.

_____2. Mapayapa ang mamamayan ng Kutang-bato.

_____3. Walang gagalaw sa naiwang supot ng Tsinong negosyante.

_____4. Mahigpit na ipinatutupad ng kaharian ang paggalang sa mga batas.

_____5. Isa sa pinakamalawak na lalawigan sa Mindanao ang Cotabato.

7
Gawain 5:
Panuto: Isulat sa loob ng kahon ang hinihinging sagot ng bawat katanungang
nasa loob ng graphic organizer.

Ilahad ang katangian ng pangunahing


tauhan sa kuwento.

Saan ito naganap/nangyari?

Aling bahagi ang may saglit na


kasiglahan?

Aling bahagi naman ang may


tunggalian?

Paano ipinakita ang kakalasan?

Ano ang naging wakas ng kuwento?

Gawain 6:

Panuto: Ibuod ang binasang kuwento sa tulong ng mga kasunod na gabay.

Pamagat:______________________________________________________________

Nagsimula ang kuwento nang _____________________________________________


_____________________________________________________________________

8
Pagkatapos nito _______________________________________________________
_____________________________________________________________________
Sumunod dito __________________________________________________________
______________________________________________________________________
Bukod pa rito __________________________________________________________
_____________________________________________________________________
Nalutas ang suliranin ____________________________________________________
______________________________________________________________________
Naging wakas ng kuwento ________________________________________________
______________________________________________________________________

Tuklasin natin ang pinagmulan ng Mindanao. Halina’t samahan


niyo akong basahin.

Alamat ng Mindanao

Si Sultan Kumpit ay isa sa mga naging pinuno ng isang malaking pulo. Siya ay
matalino ngunit ang mga Muslim ay takot sa kaniya dahil sa siya raw ay masungit. Ang
sultan ay may kaisa-isang anak na dalaga. Ang pangalan niya ay Minda.

Si Minda ay ubod ng ganda. Dahil sa kagandahan ng prinsesa ay marami ang


nanliligaw dito. Kabilang na ang mga sultan, raha, datu at prinsipe ng iba't ibang pulo.
Bawat manliligaw ni Prinsesa Minda ay may kani-kaniyang katangian kung kaya't
nagpasiyang magbigay ng tatlong pagsubok si Sultan Kumpit. Ang mananalo sa tatlong
pagsubok na ito ang siyang mapalad na makakaisang dibdib ng kaniyang anak.

Ang unang pagsubok ay kung sino ang makapagsasabi ng kasaysayan ng


kaniyang angkan hanggang sa ikasampung salin nito. Ang ibig sabihin nito ay kung sino
at ano ang naging buhay ng ama, nuno, ama ng nuno, nuno ng nuno at mga
kanunununuan hanggang sa ikasampung salin.

Ang ikalawang pagsubok naman ay kinakailangang malagpasan ang kayamanan


ng hari upang maging daan patungo sa ikatlong pagsubok. Ngunit ang higit na
mayaman ang siyang magmamay-ari ng kayamanan ng natalo.

9
Marami ang nakipagsapalaran at natalo sa unang pagsubok. Isa na rin ang
kilalang si Prinsipe Kinang. Siya ay nakapasa sa unang pagsubok ngunit natalo sa
ikalawang pagsubok sapagkat ang kaniyang tatlong tiklis na ginto ay nahigitan ng apat
na tiklis na ginto ng hari. Lalong yumaman si Sultan Kumpit. Alam ng lahat na marami
pang ginto si Sultan Kumpit at ngayon nga ay nadagdagan pa ng tatlong tiklis na tinalo
kay Prinsipe Kinang.

Isang matalinong prinsipe ang nais na sumubok. Ngunit bago niya ito gawin ay
nag-isip siyang mabuti kung papaano niya matatalo ang kayamanan ng Sultan.
Nanghiram siya ng ginto sa kanyang mga kaibigang maharlika hanggang sa makatipon
siya ng labintatlong tiklis ng ginto.

Nagbihis at nag-ayos ng buong kakisigan si Prinsipe Lanao. Una niyang


nakausap si Prinsesa Minda. Sa unang pagkikita pa lamang ay sumang-ayon agad ang
prinsesa sa binatang prinsipe. Lihim na natuwa ang puso ni Prinsipe Lanao sapagkat
nasiguro niyang may pagtingin din sa kanya prinsesa.

"O, ano ang masasabi mo sa iyong angkan?" ang unang pagsubok ng Sultan kay
Lanao. Mabilis na isinalaysay ni Lanao ang kaniyang lahi ngunit muntik na itong
mabuko sa ikasampung salin. Nakaisip siya ng pangalan at nag-imbento ng kagitingan
nito. Laking pasasalamat niya nang siya ay makapasa sa unang pagsubok. Sa
ikalawang pagsubok ay, "Ilang tiklis na ginto ang dala mo, Mayroon akong pito, iyon ba
ay iyong mahihigitan? ang pagmamalaking tanong ng Sultan.
"Mayroon akong labintatlong tiklis ng ginto rito ngayon ngunit kung kulang pa ito
ay handa akong ilabas ang mga nakatago pa sa aming kaharian," ang tugon ni Prinsipe
Lanao.
"Hindi na bale, iyo na ang pitong tiklis ko. Ganito naman ang ikatlong pagsubok.
Ikaw ay tutulay sa isang lubid sa may malalim na bangin. ‘Pag ito'y nagawa mo ay
ikakasal kayo ng aking mahal na prinsesa sa pagbibilog ng buwan," ang sabi ng sultan.
"Ang ikatlong pagsubok ay kinabukasan na natin itutuloy."
Umalis si Lanao na punong-puno ng pag-asa. Nagsanay siyang tumulay sa
baging na sampayan. Ngunit lingid sa kaniya ay may masama palang balak ang Sultan
sa pagtulay niya sa lubid. Natunugan ito ni Minda at sa laki ng kanyang pag-ibig sa
binata ay gumawa siya ng paraan. Inutusan niya ang kaniyang katulong na putulin ang
matibay at manipis na sinulid na nakakabit sa tulay na tatawiran ni Lanao. Ang sinulid
palang ito ay hahatakin upang malaglag sa bangin si Lanao. Mabilis na natupad ang
ipinag-utos ni Minda sa kanyang katulong.
Kinabukasan ay maluwalhating nakatawid si Lanao sa lubid at ang kanilang
kasal ni Prinsesa Minda ay naganap. Namuno ang mag-asawa sa kaharian ni Sultan
pulong iyon ay pinangalanang Minda-Lanao na di nagtagal ay naging "Mindanao."

10
Gawain 7: Subukin ang Iyong Sarili

Panuto: Mula sa “Alamat ng Mindanao” ay isulat ang sagot na hinihingi ng Visual


Tauhan Tagpuan
Display of Texts Diagram.

Daloy ng
Pangyayari

Simula
Suliranin

Kasukdulan

Wakas

11
Gawain 8:

Panuto: Ilahad ang aral na napulot sa akdang “Alamat ng Mindanao” at isulat ang
bahagi ng akda na nagpapatunay dito.

Aral na napulot
Patunay na bahagi ng akda:

Gawain 9:

Panuto: Pagsunod-sunurin ang mga pangyayari sa “Alamat ng Mindanao” gamit


ang bilang 1-5. Ilagay ang sagot sa loob ng bilog.

1.
Bawat manliligaw ni Prinsesa Minda ay may kani-kaniyang katangian kung kaya't
nagpasiyang magbigay ng tatlong pagsubok si Sultan Kumpit.

2.
Isang matalinong prinsipe ang nais na sumubok.

3. Si Sultan Kumpit ay may kaisa-isang anak na dalaga. Ang pangalan niya ay


Minda.

12
4.

Kinabukasan ay maluwalhating nakatawid si Lanao sa lubid at ang kanilang kasal


ni Prinsesa Minda ay naganap.

5. Inutusan ni Prinsesa Minda ang kaniyang mga katulong na putulin ang matibay
at manipis na sinulid.

Gawain 10: Dagdagan mo Pa

Panuto: Tukuyin ang pinakatarget na pangyayari mula sa “Alamat ng Mindanao”


at ang implikasyon nito sa sarili at sa lipunan.

Gawain 11:

Panuto: Basahin ang sitwasyon at pagkatapos ay punan ang hinihingi ng tsart sa


ibaba.

Kung bibigyan ka ng pagkakataong maging kwentista at


sumulat ng iyong sariling kuwento para isali sa Gawad Palanca, ano
ang magiging paksa nito at daloy ng pangyayari?

Pamagat: _______________________________________________
Tagpuan:______________________________________________________
Tauhan:_______________________________________________________
Saglit na Kasiglahan:____________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
Tunggalian: ___________________________________________________

13
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
Kasukdulan: ___________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
Kakalasan: ____________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
Wakas: ______________________________________________________

Gawain 12:

Panuto: Magsaliksik ng isang halimbawa ng panitikan (Maikling kuwento, Alamat,


Mito, o Kuwentong-bayan) at pagkatapos ay isagawa ang tsart sa ibaba.

Pamagat
Akdang
at May- Maikling Buod Aral
Pampanitikan
akda

14
15

You might also like