You are on page 1of 8

HIGH SCHOOL DEPARTMENT

GRADE 10
Araling Panlipunan

PAGSUSURI NG MGA ASPEKTO NG ISYU

QUARTER: FIRST WEEK: 1

I. DIRECTIONS:
Tukuyin ang mga nagaganap na isyu sa iyong paligid at pumili ng isa na sa iyong
palagay ay dapat na bigyang pansin o priyoridad. Gamit ang mga gabay na tanong, ikaw
ay magsasaliksik ng mga impormasyon na may kaugnayan sa isyung napili at iyong
sisiyasatin ang mga aspekto ng isyu na ito. (Tukuyin ang mga sanggunian kapag
gagamitin ang kanilang pahayag at sa dulong bahagi nang naka-bullet format.)

Isyung Napili: Animal Abuse

Bakit mahalaga ito para sa iyo at sa pamayanan at/o bansa?

Mahalaga ang isyu ng animal abuse sa akin, sa pamayanan, at sa bansa sapagkat, tulad natin
ay may buhay at damdamin rin ang mga hayop sa ating paligid.Tulad ng mga tao, kailangan rin nila
ng maayos na matitirhan, proteksiyon, kundisyon. May karapatan rin silang dapat ay nirerespeto
nating mga tao. Parami nang parami at palala nang palala ang mga aso, at pusang nagugutom,
napapabayaan, may iniinda at pagala-gala at iba pang mga hayop tulad ng unggoy, mink,
kuneho, elepante, at mga endangered species na unti-unting nababawasan. Mahalagang malaman
ng bawat tao na may mga batas, patakaran, at parusang kaakibat ang pagtrato ng hindi tama sa
mga hayop sa paligid. Mahalaga ang isyung ito sa ating pamayanan at bansa sapagkat palala nang
palala ang over population ng mga aso at pusa, na siyang mga hayop na pinaka naaabuso taon-
taon. Ayon sa PetPedia.com, halos 65 porsyento sa lahat ng mga hayop na naaabuso ay mga
aso. Kanila ring isinaad na isang-daan at labing limang milyong hayop sa buong mundo ang
ginagamit sa mga experimento kada taon. Kanila ring isiniwalat na sa pagitan ng lima hanggang
anim na libong tigre sa Tsina ang kasalukuyang nakabihag upang magamit sa industriya ng
tradisyonal na medisina. Ipinapakita ng mga statistikong tulad ng mga ito na kailangan
na ng aksiyon ang isyung ito. Kailangang talakayin at bigyang solusyon ang isyung ito sapagkat
kung walang gagawin o itatama ay patuloy lamang na magaganap at mauulit ang mga maling
pamamaraan o kaganapang nararanasan ng mga hayop, hindi lang pang-lokal kundi sa buong
mundo.

Batay sa iyong nasaliksik, bakit nagaganap ito at paano ito nakaaapekto sa mga tao sa
pamayanan, bansa, at mundo?

Isa ang pagmamaltrato sa mga dahilan kung bakit may animal abuse. Ayon sa mga
eksperto, may dalawang kategorya ang pagmamaltrato; Ang passive at active. Ang
pagpapabaya, tulad ng pagdurusa ng hayop sa dehydration, pagkagutom, parasite infection,
pagka-abandona, at hindi maayos na kinalalagyan ay nasa ilalim ng passive na pagmamaltrato.
Samantala, ang active abuse naman ay ang pisikal na pang-aabuso sa mga hayop tulad ng
pamamaril, pamamato, o pambububog. Kadalasan ay ginagawa ito ng mga taong may
problema sa sikolohikal at sociopathic na pag-uugali. May kinalaman rin ang domestic
violence sa animal cruelty o abuse. Isang pananaliksik mula sa Massachusetts Society for the
Prevention of Cruelty to Animals and Northeastern University, ang nagpapatunay na may
kinalaman ang domestic violence sa mga taong nananakit ng mga hayop.

“animal abusers are in fact five times as likely to also harm other humans.”

Negosyo. Pera. Napakaraming mga negosyo ang kinakailanganan ng hayop para kumita.
Ang mga negosyo tulad ng mga sakahan na nagkakatay ng mga manok, baboy, baka, at
kambing na siyang ibinebenta sa mga pamilihan upang maging pagkain nating mga tao.
Nagaganap ang mga pang-aabuso sa ganitong negosyo sapagkat ang mga hayop na inaalagaan
rito ay tinuturukan o pinapasukan ng mga kemikal upang mapabilis ang produksiyon at
paglaki na siyang susi sa mabilis na kita ng mga negosyante. Biktima rin ang mga hayop ng mga
negosyong panlibangan tulad ng mga sabong, circus, bullfighting, maging sa mga zoo at
beauty industry. Ang ilang mga hayop na may talento ay karaniwang sinasaktan tuwing sila ay
na sa trainings tulad na lamang sa mga elepante mula sa Thailand na tinuturuang mag-pinta
upang ipakita sa mga bisita ng zoo. Sila ay ikinakadena, at ibinabaon sa kanilang ilong ang mga
paintbrush, hihilan ang tainga at trunk ng elepante. Nasaksihan ito ng isang zoologist na si
Desmond Morris. Sa kabilang dako, ang kilalang brand ng mga pampaganda, ang Sephora, ay
patuloy pa rin sa pagbebenta ng mga fake eyelashes na mula sa balahibo ng mga mink na
kinakalbo para mabuo ang produktong nasabi. Ang iba pang popular na make-up brands tulad ng
Maybelline, NARS, MAC, L’Oreal, Estée Lauder, at Revlon ay nagsasagawa ng animal-testing
sa mga hayop upang payagan sila na magmanufacture sa Tsina upang sila ay mapayagang
magbenta sa kanilang bansa. Dito pumapasok ang animal cruelty na nagaganap sa mga
experimento sa mga laboratoryo. Ginagamit ang mga hayop tulad ng aso, daga at kuneho sa
product testings, paglikha ng mga medisina, at iba pang mga imbensiyon na kailangang
masubukan sa mga hayop upang malaman lung ligtas o may ibang epekto ba ang isang
partikular na nalikha.

Pagkain. Ayon sa SentientMedia.org, halos tatlong milyong hayop, mula lupa o ilalim ng
dagat, ang pinapatay para sa pagkain araw-araw. Pati ang mga exotic na mga hayop tulad ng
wild cats, aso, pawikan, buwaya at paniki ay nakikitaan ng ibang mga tao ng interes bilang
pagkain na siyang nagiging dahilan rin ng animal extinction at iba’t ibang sakit na
nakamamatay.

Kung hindi bibigyan ng atensiyon ay maaaring mauwi sa extinction ang mga hayop, na siyang
patuloy na nangyayari ngayon. Mahalaga ito sapagkat ang maling pagtrato sa mga hayop ay
paraan na rin ng pag-sira sa ating kalikasan na siyang kailangan ng balanse upang tayo ay
mabuhay. Ang balanseng ito ng kalikasan ay masisira kung hindi bibigyan ng pag-aalaga ang
mga hayop. Kapag nasira ang balanse sa kalikasan, tayong mga tao rin ang maaapektuhan. Ang
pagkain, pagpatay o pananamantala sa mga hayop na ipinagbabawal at di pangkaraniwang
kinakain ay maaaring magdulot ng mga sakit na maaaring nakamamatay. Tulad na lamang ng
virus na Ebola na siyang nanggaling sa mga paniki, HIV na nanggaling sa mga chimpanzee,
MERS na nanggaling sa camel, African Swine Fever na nanggaling sa mga baboy, at CoVid-19
na hindi pa tiyak kung saan nanggaling, ngunit namiminsala sa kasalukuyan.

Ano-ano ang mga pananaw ng mga tao hinggil sa isyu na ito? Sa iyong palagay, paano
nahubog ang mga ang kanilang pananaw tungkol sa isyu?

Kinokonsidera ng FBI ang animal abuse bilang pinagmumulan ng karahasan ng mga serial
killers na kanilang nahuhuli.

Ayon kay PAWS Chief Anna Cabrera, dapat nang magwakas ang animal cruelty. Dapat pa ring
itrato nang makatao ang mga stray na hayop, kahit na sa loob ng mga pound. Kaniya itong
isinaad sa isang interview tungkol sa kanilang pagsampa ng kaso sa mga opisyal at
beterinaryong mga namamahala sa Manila City Pound, nitong mga nakaraang araw lamang.
Kanilang inireklamo ang City Pound dahil naisiwalat na kanilang pinagkasya ang anim na pung
pusa sa isang 2 by 3 feet na cage. Namamatay ang mga aso at pusa roon dahil sa
kapabayaan, di dahil sa euthanasia.

Sa isa ring ekslusibong interview sa kaniya ng isang blogger na si Bani Logrono noong 2017,
kaniyang ipinahayad ang hangarin ng PAWS at kahalagahan ng animal welfare.

“What PAWS wants is for the Golden Rule to be extended, not only to our fellow human beings,
but to everyone, regardless of species. All animals deserve to be treated with kindness and
respect. Animal welfare is human welfare.”

“We have to work at the root of the problem. And the root of the problem is over-population.
Hanggat di natin natututunan na dapat tayong magpakapon ng mga pets, paulit-ulit lang nating
ita-tackle ang problemang ito. Dapat kapon lang.”

“If we live in a society that mistreats animals, ultimately makakakita tayo ng spike sa violence
sa individual. We want to foster a society where children are taught to be kind to animals.”
Sa isang speech ng isang Awstralyanong pilantropo na bahagi din ng animal rights movement na si
Philip Wollen, marami siyang isinaad na katotohanan tungkol sa mga nangyayari sa mga hayop
sa buong mundo.

“Well, Human beings comprise 30% of the mass of land animals. Slaughter farm
animals 66%. Wild animals decimated down to 4%. We have turned the Carl Sagan’s Pale
Blue Planet Earth into Bloodstained Planet Slaughterhouse. The oceans are dying in our time.
By 2048 all our fisheries will be dead. The lungs and the arteries of the earth. If any of my
algorithms are correct, it means no child under the age of 5 will ever reach retirement age.
10,000 entire species are wiped out every year because of the actions of one species.”

“We now face the 6th mass extinction in cosmological history. And the Meat Industry is killing
us too - with cancers, diabetes, and heart disease. It is deforesting the planet, poisoning the
oceans, draining the rivers and aquifers, and bankrupting global economies. If any other
organism did this a biologist would call it a virus. It is a crime against humanity of unimaginable
proportions.”

Sa kabilang dako, ang isang Youtuber na si Sojoo, ay kumuha ng panayam mula kay Marc, na
isang miyembro ni “Anonymous for the Voiceless” na siyang naglulunsad ng “Cube of Truth”
sa iba’t ibang lugar.

“What we’re doing is we are exposing, we are showing the truth behind meat,
dairy, egg industry and fur industry. So, we’re basically showing animal cruelty.
Fact is most people are against animal cruelty, but same time they are paying for
it. They buy meat, dairy, and eggs, but deep inside they’re against animal abuse.”

Nang tinanong siya kung ano ang puwedeng gawin upang mabago ang animal cruelty, ito ang
naging sagot ni Marc:

“The thing is we are the only one who can change (animal cruelty). So, it depends
on us, the consumers because these meat industries won’t stop. They don’t
care. They just care about money.”

Para sa kaniya, kung ititigil natin ang pagbili sa mga kompanya ng industriya ng mga hayop at
kung ikokonsidera natin ang Vegetarian option, malulugi ang mga kompanyang ito upang hindi
na maipagpatuloy ang kanilang Negosyo.

Si Dominika Piasecka, ang media at public relations officer ng The Vegan Society, ay nagsalasay
ng kaniyang mga sentimento tungkol sa “Vegan Beauty” at cruelty-free na mga produktong
pampaganda.

“It’s easy to pick a food item and decide if it’s vegan or not, but it’s more difficult with
beauty,” “There’s a huge need for it to be labeled.”
“People are starting to question and research what they’re buying, and I think that’s
empowering,”

Si Kathy Guillermo, ang senior vice president ng PETA, na siyang nangangampanya b


wakasan ang paggamit sa mga hayop sa mga laboratoryong mga experimento, ay nagbigay
rin ng kaniyang opinion.

“The future of the beauty industry is vegan and not animal-tested,”

“Not every company has realized this yet, but a lot of them have, and those are the ones
that are going to get ahead and stay in business. We’re in discussions with enough of
them to know that this is, without question, the trend.”

Nahuhubog ang kanilang mga opinyon tungkol sa animal cruelty dahil sa mga nababasa,
nakikita, at naririnig nila na mula sa mga nababalita sa mga telebisyon, radyo, aklat,
teksto, reports, at sa -mga simpleng pag-uusap rin. Dito nila nabubuo o napagtitibay ang
kanilang mga opinyon o pananaw tungkol sa animal cruelty.

Ano na ang mga ginagawa bilang pagtugon sa isyung ito? Para sa iyo ano pa ang maaaring
gawin upuang tugunan ito?

Sa ating bansa, mayroong mga batas na ipinatupad ang ating gobyerno para sa mga
negosyong may kinalaman sa hayop, at parusa para sa mga taong gagawa ng animal
cruelty. Isa dito ang Republic Act 10631 na mas kilala bilang "The Animal Welfare Act of 1998″.

“Ang RA 8485, na mas kilala bilang Animal Welfare Act, ang unang batas
na komprehensibong nagtadhana sa tama at makataong pangangalaga ng
mga mamamayan sa lahat ng hayop sa Pilipinas. Binuo ng batas na ito ang
Committee on Animal Welfare na siyang mamumuno sa pagpapatupad ng batas.”

Sa section 6 ng nasabing batas, ipinagbabawal ang pagmaltrato pag-torture, at pagpatay sa


mga hayop maliban sa mga hayop na ating kinakain tulad ng baka, baboy, kambing, tupa,
manok at iba pang poultry, kuneho, kalabaw, kabayo, usa at buwaya. Kasama rin dito ang
multa sa paglabag ng batas; mula sa dating P1,000 hanggang P5,000, ginawa itong P50,000
hanggang P100,000.

Isa pang batas, ang Republic Act No. 8550, kilala bilang "The Philippine Fisheries Code of
1998" kung saan nilalayong makonserba at mapangalagaan ang mga aquatic animals.

To ensure the rational and sustainable development, management and conservation


of the fishery and aquatic resources in Philippine waters including the Exclusive Economic
Zone (EEZ) and in the adjacent high seas, consistent with the primordial objective of
maintaining a sound ecological balance, protecting and enhancing the quality of the
environment. The Philippines shall pursue its commitment to international conventions and
cooperate with other states and international bodies, in order to conserve and manage
threatened, aquatic species, straddling and highly migratory fish stocks and other living
marine resources

Mayroon ding mga non-profit Animal Shelter at rescue teams tulad ng PAWS na hangaring
magsagip ng mga stray pets upang mabigyan sila ng mas maayos na buhay at mapanagot
ang mga taong nananakit at nagpapabaya ng mga alagang hayop. Mayroon ring mga non-
profit Animal Rights Movements na hangaring ipaglaban ang mga karapatan ng mga hayop
at nagsasagawa ng mga event upang makapagbigay alam sa mga tao para tayo’y maging
mulat sa animal cruelty.

Parami nang parami na rin ang mga produkto, lalo na ang mga pampaganda, na cruelty-free at
vegan, kung saan hindi nila sinusubukan ang kanilang produkto sa mga hayop at walang
sangkap na galing sa mga hayop.

Marami na ring tao ang pinipiling maging vegetarian, kung saan puro plant-based ang lahat ng
kanilang kinakain. Ayon sa Veganbits.com, sa kasalukuyan ay mayroong pitumpu't limang
milyon at tatlong daang libong vegetarians sa buong mundo.

Sa maliliit ngunit maraming mga pamamaraan ay maaaring makatulong sa pagbibigay


solusyon sa animal cruelty ang isang taong katulad ko. Sa simpleng pagmamalasakit, lahat
tayo ay puwedeng tumulong. Kung hindi mo kayang mag-alaga ng mga stray pets ay mas
mabuting huwag mo na lamang silang saktan o pagmalupitan. Huwag dapat magdalawang isip
na isuplong sa mga awtoridad ang sinumang iyong makita na mga indibidwal, grupo, o
establisimyentong nananakit o nagpapabaya ng kanilang mga alagang hayop. Magandang
paraan rin ang pag-donate sa mga organisasyong nangangalaga sa mga hayop kung iyong
nanaisin. Malaking tulong ang iyong donasyon upang masigurong magiging maayos ang
buhay ng mga hayop na nasasagip.

Sa pagtangkilik ng mga cruelty-free na mga produkto ay malaking pagtugon sa animal


cruelty. Kapag dumami ang mga taong tumatangkilik ng mga cruelty-free na mga produkto ay
malulugi ang mga kompanyang hindi cruelty free, at kung ayaw nilang mawalan ng
hanapbuhay ay mapipilitan silang baguhin ang kanilang mga pamamaraan upang may
tumangkilik sa kanilang produkto. Kung ikaw ay aking kagaya na may interes sa mga
pampaganda, ang Ellana, Colourette, Happy Skin, Human Nature, at BLK Cosmetics ay isa sa
mga napakaraming local brands ng mga pampaganda na totoong cruelty-free. Makikita naman
sa mga cruelty-free products ang logo ng kuneho bilang simbolo.

Maaari ring ikonsidera natin ang pagiging vegetarian na siyang malaking tulong upang
mawakasan ang animal cruelty, ngunit kung hindi man mapipigilan ang produksiyon ng mga
hayop para sa pagkain, sana ay i-monitor ng mga local na pamahalaan ang mga sakahan sa
kanilang mga lugar upang masigurong maayos ang produksiyon, hindi siksikan, at
sumusunod sa batas ang mga negosyante.

Malaking tulong rin kung susuportahan ng mga local na pamahalaan ang mga gustong
magtayo ng mga non-profit Animal Shelters upang mapabuti ang buhay ng mga alagang
pagala gala lamang. Imbis na patayin sa pamamagitan ng euthanasia, magkaroon sana ng
pagrescue, kapon, libre ngunit may prosesong pagpapaampon sa mga sinserong mga taong
gustong mag-alaga ng hayop. Malaking tulong ang pagkapon upang masolusyonan ang over-
population na siyang dahilan kung bakit laganapapa rin ang animal cruelty.

Disiplina sa sarili ay malaking tulong. Huwag sana nating pagkainteresan ang mga di
pangkaraniwang mga hayop na di dapat kinakain upang maiwasan ang mga virus na
nakamamatay kapag naipasa sa mga tao. Para sa akin, walang silbi ang pagsusumikap ng
napakaraming tao kung hindi naman pagtutuunan ng pansin ng lahat ang animal cruelty.
Kung walang pagmamalasakit ang mga tao sa hayop ay patuloy lang ang problemang ito.

Mga Sanggunian
 https://aldf.org/article/the-link-between-cruelty-to-
PRIMARYA: (interviews, speeches,) animals-and-violence-toward-humans-2/

 https://www.youtube.com/watch?v=uDGnTgA8yLs  https://www.treehugger.com/can-elephants-really-
paint-4864229
 https://www.youtube.com/watch?v=J9eqX2P8dVk
 https://life.gomcgill.com/major-cosmetic-brands-
 https://www.nytimes.com/2019/02/26/style/why- are-killing-minks-ruthlessly-to-make-fake-
you-should-care-about-vegan-beauty.html eyelashes#:~:text=Sephora%20continues%20to
%20sell%20real,already%20refuse%20to%20sell
 https://www.lcanimal.org/images/pdf/Philip %20fur.
%20Wollen%20LCA%20Transcript.pdf
 https://www.crueltyfreekitty.com/cruelty-free-
 https://www.gmanetwork.com/news/publicaffairs/i 101/makeup-brands-that-test-on-animals/
mbestigador/334614/mga-batas-na-nangangalaga-
sa-kapakanan-ng-mga-hayop/story/  https://sentientmedia.org/how-many-animals-are-
killed-for-food-every-day/
 https://www.lawphil.net/statutes/repacts/ra2015/ra
_10654_2015.html  https://www.peta.org/issues/animals-used-for-
food/factory-farming/

SEKONDARYA:  https://www.livescience.com/12951-10-infectious-
diseases-ebola-plague-influenza.html
 petpedia.co/animal-abuse-
statistics/#:~:text=Close%20to%2065%25%20of  https://newsinfo.inquirer.net/1328742/paws-sues-
%20all,abuse%20in%20the%20US 5-manila-city-pound-execs-for-alleged-animal-
%20alone.&text=On%20average%2C cruelty-2
%20250%2C000%20animals%20every,mills%20in
%20the%20United%20States.  https://veganbits.com/vegan-demographics/

 https://fabiosa.com/ctani-rsyhv-auyhv-pbolk-  https://primer.com.ph/beauty-
phesm-what-types-of-animal-abuse-are-there- fashion/2019/09/25/9-local-makeup-brands-that-
from-simple-owners-negligence-to-fur-farms-and- are-certified-cruelty-free/
dogfighting/

PANGALAN: (YOUNG, Nadaine V,)


BAITANG AT PANGKAT: (10 – Love)

Animal Cruelty: Malala na.

Sa simula pa lamang ng aking pananaliksik ay akin nang nararamdaman na mabigat at malala na


talaga ang isyu na aking napiling talakayin. Kahit nagsisimula pa lamang ako ay marami na akong
nakikitang kahalagahan ng pagtalakay sa animal cruelty sapagkat marami na itong naaapektuhan.
Napakaraming buhay na ang nasayang ng animal cruelty, na tayong mga tao ang may sala.

Bunga lamang ng kapabayaan ng mga tao ang paglobo ng populasyon ng mga aso at pusa ngunit
ang mga inosenteng nilalang na katulad nila ang nagdurusa. Walang magawa kapag sinasaktan,
pinapaglaruan, pinapalayas, at walang mahanap na makakain at maayos na matitirhan. Hindi naman
kasi nila tayo kasinglakas, na dahilan kaya maraming manhid at walang pusong mga taong kayang
manakit ng mga hayop. Napakaraming naitulong sa atin ng mga hayop ngunit ating sinusukli ay
karahasan, pagiging makasarili at pagkagahaman. Naging mas importante sa ating mga tao ang pera
at kaunlaran kaysa sa pagpapahalaga ng mga buhay na biyaya ng kalikasan. Nabulag ng kinang ng
pera at tagumpay ang mga negosyante na umaabuso ng mga hayop para sa mga pagkain, medisina,
panlibangan, produkto, at mga experimento. Marami sa atin ang hindi alam ang nagaganap na
karahasan sa likod ng mga negosyo, serbisyo, at produktong ating tinatangkilik.

Idagdag pa riyan ang mga taong nais kumain ng “exotic”. Ang mga nananahimik na mga hayop na
hindi naman dapat kinakain at endangered na rin ay napag-iisipan pang kainin ng ilan. Hindi pa ba
tayo sawa sa mga malalang sakit na ating nakukuha mula sa pagkain ng mga hayop? Napakaraming
statistiko at pag-aaral ang nagpapatunay na malala na talaga ang animal cruelty sa buong mundo.
Kailangan pa bang bansagang “malala” ang isang bagay para ito ay bigyang-pansin o
masolusyonan? O kahit “malala” na ay wala pa ring pakialam ang nakararami? Kapag nagpatuloy
ang animal cruelty sa buong mundo, lubos itong makaaapekto sa ating mga tao sapagkat mawawala
ang balanse ng kalikasan kung patuloy ring mangyayari ang exctinction at overpopulation.

Napakaraming tao na ang nakakapagtanto ng kamaliang ito. Napakarami na ring mga organisasyon
ang gumagawa ng paraan. Marami na ring mga personalidad ang nanghihikayat upang mamulat
tayong lahat sa animal cruelty sa pamamagitan ng mga speech, interview, balita, social media
platforms upang mas madali ang pagkalat ng lehitimong naidudulot ng animal cruelty hanggang
ngayon. Napakarami ring paraan na ginawa at ginagawa upang masolusyunan ang isyung ito na
nangyayari sa buong mundo. Sa maliliit na paraan ay maaaring makatulong ang bawat isa upang
mawaksi na ang animal cruelty. Aking hinihiling na sana ay kumilos ang bawat isa sa sariling paraan,
maliit man o malaki. Hindi naman sa lahat ng pagkakataon ay kailangan ng pera para makatulong sa
pag-ayos ng mga problema.

Dahil sa nagging pagtalakay ko sa isyu ng animal cruelty ay mas lalong nag-iigting ang aking pag-asa
na sana, balang araw ay wala nang hayop na nasasaktan. Mas lalo kong mapapatunayan na
kailangan ng mga hayop ng tulong, na tayong mga tao lamang ang may kayang magbigay kaya’t
kailangan na talagang magtulong tulong at baguhin ang mga maling gawain.

You might also like