You are on page 1of 1

Ang Kasiyahan ng Isang Titser sa Baryo

ni Nimitr Bhumithaworn

Salin ni Ben Medina Jr. mula sa Ingles ni Chamronzi Rutnim “KRU DEJ” ang tawag sa akin ng mga
tagabaryo. Hindi nila gusto ang Viradej Bangyom, ang tunay kong pangalan. Oo, karaniwan akong ganu-
ganoon lang na titser sa eskuwelahang munisipal sa probinsiya. Ang pagiging prinsipal ko – o kru yai
(malaking maestro) sa tawag nila –ang nagbibigay sa akin ng kaunting angat. Aba, “malaki” talaga, sa
dami ng mga trabaho ko sa eskuwelahan – prinsipal, titser, diyanitor. Hindi sa ginagawa ko ang
karaniwang pag-agaw ng lahat ng trabaho para sa mga kamag-anak ko. Ang totoo niyan, walang may
gusto sa kanila. Bakit? Aba, eh siguro napakaliit at kulang sa keso ang mga tinapay, kaya hindi nag-
uunahan ang mga daga! Malungkot magtrabaho nang nag-iisa, pero mabuti rin kung minsan; natututo
kang umasa sa sarili, walang nanggugulo, at hindi na kailangang marunong ka pa ng pamamalakad at
pagmamaneho ng opisina. May matamis at masarap na tunog ang pangalan ng eskuwelahan ko – Ban
Don Prai. . . tila Don Muang, Don Wang at mga tipong ganoon.

You might also like