Isulat ang “T” kung ang pahayag ay nagpapakita ng “TAMA” at
“M” naman kung ito ay MALI. _____________1. Ang pag-ibig ay pagmamahal. _____________2. Ang teoryang realismo ay may kinalaman sa pag-iibigan ng dalawang nilalang. _____________3. Ang bansang Vietnam ay matatagpuan sa timog-silangang Asya. _____________4. Ang kuwentong bayan ay binubuo ng taludtod, pantig, mga talinghaga. _____________5. Ang pakikipanayam ay pag-uusap ng dalawang tao o ng isang maliit na grupo. _____________6. Ang teoryang feminismo ay may kinalaman sa pag-iibigan ng dalawang pangunahing tauhan. _____________7. Ang bansang Japan ay matatagpuan sa Hilagang Asya. _____________8. Ang Teoryang sosyolohikal ay may kinalaman sa mga pangyayari sa pamahalaan o lipunan. _____________9. Ang dula ay itinatanghal sa entablado na may diyalogo. _____________10. May siyam na uri ng pagpapaikli ng mga pangungusap at salita. Isulat sa patlang ang titik S kung simili, titik M kung metapora, o titik P kung personipikasyon ang isinasaad sa pangungusap. _____ 1. Ang kasipagan ay ina ng kayamanan at kaginhawahan. _____ 2. Nabuhay muli ang mga dahon ng halaman pagkatapos umulan. _____ 3. Ang mahabang buhok ni Kristina ay sinlambot at sindulas ng seda. _____ 4. Sabi nila na ang lungsod ng New York ay ang lungsod na kailanman ay hindi natutulog. _____ 5. Kagat lang ng langgam ang turok ng iniksiyon. _____ 6. Kawangis ng makahiya ang magugulating matanda. _____ 7. Parang ulan sa tuyong lupa ang musika sa konsiyerto. _____ 8. Lason sa iyong mga baga ang sigarilyo. _____ 9. Ang mga mamamayan na walang pinuno ay parang mga pasahero ng isang bus na walang tsuper. _____ 10. Ang susi sa tagumpay ay tiyaga.