You are on page 1of 6

Pangalan: _____________________________________________ Date: _____________

WEEK 5

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO
Pasasalamat sa mga Kakayahan/Talinong Bigay ng Panginoon

Gawain sa Pagkatuto Bílang 5: Isulat ang TAMA kung ang sitwasyon ay nagpapakita ng pagtulong
sa kapwa. MALI naman kung hindi.

1. Inaalalayan ni Gelai ang kaniyang lolo sa paglalakad.


2. Pinapanood lámang ni Ben ang kaniyang ina habang nagbubuhat ng mabigat
3. Hindi tinuturuan ni Christian ang kapatid na si Ryan sa pagba-bike.
4. Tinutulungan ni Lawrence ang mga batang umiiyak.
5. Inaaway ni Karen ang mga nanghihingi ng tulong sa kaniya.

Gawain sa Pagkatuto Bilang 7: Isulat sa loob ng bituin ang iyong kakayahan. Isulat naman sa mga
bilog ang mga paraan kung paano mo ito ginagamit o ibinabahagi.

ENGLISH
Preposition

Learning Task 1: Match each picture. Write the letters of your answers.
Learning Task 4: Complete each sentence with the correct preposition as seen in the picture.
Choose from the list of words inside the box.

1. The ball is __________________ the table.


2. The books are __________________ the table.
3. The plant is __________________ the pot.
4. The table is __________________ the cabinet.
5. The clock is __________________ the picture frame.

FILIPINO

Pagbibigay ng Angkop na Pamagat sa Binasang Teksto, Talata at Kuwento

Gawain sa Pagkatuto Bílang 1: Basahin ang kuwento. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.

Nagdiwang ng kaarawan si Betty. Dumalo ang kaniyang dalawang kaibigan na sina Mary at Ana.
Tuwang-tuwa ang magkakaibigan sa paglalaro ng “parlor games”. Habang naglalaro, nakita ni Mary
ang masarap na cake at spaghetti na nakalapag sa mesa at agad na niyaya ang dalawa para
kumain. Nang makatapos sila sa pagkain, niyaya ni Betty ang dalawang kaibigan upang magbukas
ng mga regalo. Napansin ni Betty na nawawala ang isa sa kaniyang mga regalo.

Hinalughog ng tatlo ang kusina, sala at tatlong kuwarto para hanapin ito. Nakita ni Betty ang nilalaro
ni Kimi, ang kaniyang alagang pusa, ang isang di-kalakihang kahon sa ilalim ng kama niya. Lubos
ang galak ni Betty nang makita ang nilalarong kahon ng kaniyang alaga. Ito ay ang hinahanap niyang
nawawalang regalo.

__________ 1. Sino ang may kaarawan?


A. Betty
B. Ana
C. Miki

__________ 2. Piliin ang letra na maaaring pamagat ng maikling kuwento.


A. Ang Kaarawan
B. Ang Nawawalang Regalo
C. Regalo ni Betty
Gawain sa Pagkatuto Bilang 2: Isulat ang pamagat ng teksto sa sagutang papel.

_________________________________________________

Ipinanganak si Jose P. Rizal noong Hunyo 19, 1861 sa Calamba, Laguna. Ang kaniyang mga
magulang ay sina Ginoong Francisco Mercado at Ginang Teodora Alonzo. Ang kaniyang ina ang
naging unang guro niya. Maaga siyang nagsimula ng pag-aaral sa kanilang tahanan. Ipinagpatuloy
niya ang kaniyang pag-aaral sa Biñan, Laguna. Nakapagtapos siya ng Batsilyer sa Agham sa Ateneo
de Manila na may mataas na karangalan.

Ang “Noli Me Tangere” at “El Filibusterismo”, ang kaniyang dalawang nobela na naglalahad ng
mga pang-aabuso ng mga prayle sa mga Pilipino at mga katiwalian sa pamahalaan ng Kastila. Dahil
dito ay pinaratangan siya ng sedisyon ng mga Espanyol. Nakulong siya sa Fort Santiago at
ipinatapon sa Dapitan. Isinulat din niya ang “Mi Ultimo Adios” o “Ang Huling Paalam”.

Si Jose P. Rizal ay binaril sa Bagumbayan na ngayon ay Luneta, noong Disyembre 30, 1896.

MATHEMATICS

Pagsukat ng mga Bagay Gamit ang Angkop na Panukat at ang Measuring Units na Kilogramo

Gawain sa Pagkatuto Bilang 1: Isulat sa patlang ang simbolong g ng unit of mass kung ito ay
magaan at kg naman kung ito ay mabigat.

ARALING PANLIPUNAN

Tungkulin ko sa Aking Komunidad

Gawain sa Pagkatuto Bilang 4: Iguhit ang hugis puso (♥) sa iyong sagutang papel kung kaya mo
nang gawin ang mga nakatalang tungkulin at ekis (x) naman kung hindi.

_______ 1. Magbayad ng buwis.


_______ 2. Magtapon ng basura sa tamang basurahan.
_______ 3. Isumbong sa pulis ang mga masasamang tao.
_______ 4. Tumawid sa tamang tawiran kahit walang nakatinging pulis-trapiko.
_______ 5. Sumali sa kampanya laban sa ipinagbabawal na gamot.
_______ 6. Dumalo sa mga pagpupulong na ipinatatawag ng barangay.
_______ 7. Tumulong sa pagtatanim ng mga punongkahoy.
_______ 8. Pangalagaan ang mga kagamitan sa palaruan ng komunidad.
_______ 9. Makilahok sa mga proyekto at programa ng komunidad.
_______ 10. Tumulong sa pagdakip ng mga magnanakaw.
MTB-MLE

Paggamit ng mga Salitang Pang-uri

Gawain sa Pagkatuto Bilang 3: A. Bilugan mula sa panaklong ang salitang may kaugnayan sa
sumusunod na pang-uri. Isulat ang (S) kung ang nabuong pares ay magkasingkahulugan at (K) kung
magkasalungat.

Gawain sa Pagkatuto Bilang 3: B. Isulat ang kasingkahulugan ng mga pang-uri na nasa unang
hanay.

Gawain sa Pagkatuto Bilang 3C: Isulat ang kasalungat ng mga pang-uri na nasa unang hanay.

MAPEH
Music

Tekstura: Single at Multiple Musical Line

Gawain sa Pagkatuto Bilang 4: Isulat sa patlang ang T kung tama ang isinasaad sa pangungusap
at M naman kung mali.

___________ 1.Ang musical line ay maaring manipis o makapal ayon sa daloy ng musika at sa
paraan
ng pag-awit nito.
___________ 2.Ang single musical line ay may iisang melody lamang na inaawit ng lahat.
___________ 3.Kumakapal ang tunog kapag may isang melody lamang.
___________ 4.Tulad ng mga bagay sa paligid, ang musika ay nagtataglay din ng tekstura.
___________ 5.Sa pagkakaroon ng saliw ng instrumento ay kumakapal ang tekstura ng awit.
___________ 6.Kung minsan kahit maraming umaawit pero iisa ang tonong ginamit manipis pa ring
pakinggan.
___________ 7.Ang awit ay may manipis na tunog kapag isang melody lamang ang dumadaloy at
nagiging makapal naman kapag maraming tinig, tunog o melody ang magkakasabay.

ARTS

Paper Mache : Ang Ating Likhang Sining

Gawain sa Pagkatuto Bilang 2: Gawin ang pagsasanay sa paggawa ng paper mache.


Paggawa ng Paper Mache
(Ipasa ang output sa guro sa June 28,2021)

HEALTH

Alituntunin sa Ligtas na Paggamit ng Kemikal

Gawain sa Pagkatuto Bilang 1: sulat ang tsek (/) kung ang mga kemikal na nasa ibaba ay makikita
mo sa inyong tahanan. At ekis (X) naman kung hindi.

Gawain sa Pagkatuto Bilang 2: Gumuhit ng ♥ kung nagpapakita ng pagsunod sa mga tuntunin sa


paggamit ng kemikal ang bawat pangungusap at iguhit ang kung hindi.

_____ 1. Pababayaan kong nasa baba ang mga natirang sabon na ginamit ng aking nanay sa
kaniyang
paglalaba.

_____ 2. Gagamit kami ng aking mga kalaro ng gas sa aming pagluluto-lutoan.

_____ 3. Hihingi ako ng gabay sa aking magulang sa pag-inom ng gamot.

_____ 4. Aking itataas sa kabinet ang kemikal na ginagamit ng aking nanay sa paglilinis ng aming
banyo.
_____5. Pagsasamahin ko ang mga kemikal at ang mga gamit namin sa pagluluto.

You might also like