You are on page 1of 6

Pangalan: _____________________________________________ Date: _____________

WEEK 6

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO

Pasasalamat sa mga Kakayahan/Talinong Bigay ng Panginoon

Gawain sa Pagkatuto Bílang 8: Iguhit sa iyong sagutang papel ang hugis na heart  kung tama ang
sinasabi sa sitwasyon at hugis na dislike naman kung mali.

1. Mahusay sumayaw si Dan kaya malimit siyang sumasali sa mga paligsahan.


2. Magaling kumanta si Lucille ngunit mahiyain siya kaya itinatago na lámang niya ito.
3. Matulunging bata si Arjie. Palagi niyang tinutulungan ang kaniyang ina sa mga gawaing-
bahay.
4. Magaling maglaro ng basketball si Darren. Kapag hindi siya abala, tinuturuan niya ang
kaniyang nakababatang kapatid sa paglalaro nito.
5. Paborito ni Merlet ang adobo kaya naman ipinagluto siya ng kaniyang ina. Pagkatapos
kumain, iniwanan lámang niya sa mesa ang kaniyang pinagkainan, at hinahayaang ang
kaniyang ina ang magligpit ng mga ito.

Gawain sa Pagkatuto Bilang 10: Isulat ang iyong mga kakayahan sa loob ng kahon. Sa ibaba ng
kahon, sumulat ng isang maikling liham para sa Diyos na nagpapakita ng pasasalamat sa iyong talino
at kakayahang ipinagkaloob Niya sa iyo.

ENGLISH

Medial Vowels

Learning Task 1: Write the missing medial vowel to form the word that names the pictures.
Learning Task 4: Change the middle vowel to make new words.

FILIPINO

Gamit ng mga Pang-ukol na Ni o Nina, Kay o Kina, Ayon sa, Para sa at Ukol sa

Gawain sa Pagkatuto Bílang 1: Guhitan sa loob ng panaklong ang tamang pang-ukol sa


pangungusap.

1. Ginamit ( ni, nina, kay ) Nina ang bagong tsinelas.

2. ( Ayon sa, Para sa, Ukol sa ) tanghalian ang ulam sa mesa.

3. Bawal pa ring lumabas ang mga batang may edad sampung taon ( ukol sa, para sa, ayon

sa ) IATF.

4. ( Ukol sa, Ayon sa, Para sa ) UK-Variant ang usapin ng Kagawaran sa Kalusugan ngayon.

5. Papunta kami ( ni, kay, kina ) tiyo at tiya dahil kaarawan ni Nene.

Gawain sa Pagkatuto Bilang 2: Punan ang patlang ng tamang pang-ukol upang mabuo ang
pangungusap.

1. ______________ sa balita, maari nang magbukas ang mga sinehan.

2. Kumain kami ______________ Angela at Angelo sa kantina.

3. ______________ mga kasali sa rondalla ang miting kanina.

4. Sumabay ka ______________ Rey sa pagsisimba.

5. Iniipon ______________ Ace ang mga bigay na papasko sa kaniya.


MATHEMATICS

Paglutas sa Suliraning Routine at Non-Routine Gamit ang Pagpaparami, Pagdaragdag, at


Pagbabawas sa Mass o Timbang

Gawain sa Pagkatuto Bilang 1: Basahin at unawain ang suliranin sa ibaba. Sagutin ang mga
tanong gamit ang angkop na pamamaraan ng paglutas ng suliranin.

1. Ang katumbas ng bawat guhit na may bilang sa weighing scale ay 10kg. Ang timbang ni Aling
Nena ay nasa ika -9 na guhit. Ano ang timbang ni Aling Nena sa kilogramo?
Mga tanong:
a) Ano ang tanong sa suliranin? ________________________

b) Ano-ano ang datos na ibinigay? ______________________

c) Ano ang operasyong gagamitin?______________________

d) Ano ang tamang sagot? ____________________________

2. Nagpunta si Sol sa isang pamilihan malapit sa kanilang bahay. Bumili siya ng 5 kg ng karne ng
baboy at 3 kg na karne ng baka. Samantala, bumili naman si Alvin ng 3 kg na karne ng baboy at 4
kg na karne ng baka.
Mga tanong:
a) Ilang kilogramo (kg) lahat ang biniling karne ni Sol? _____________

b) Ilang kilogramo (kg) lahat ang biniling karne ni Alvin? ____________

c) Sino kina Sol at Alvin ang mas marami ang biniling karne?________

d) Ilang kilogramo (kg) lahat ang nabiling karneng baboy?___________

e) Ilang kilogramo (kg) lahat ang nabiling karneng baka?____________

ARALING PANLIPUNAN

Tungkulin ko sa Aking Komunidad

Gawain sa Pagkatuto Bilang 6: Karapatan mo ang magkaraoon ng isang ligtas at malinis na


kapaligiran. Iguhit sa papel ang tungkulin mo sa pangangalaga sa kapaligiran ng iyong komunidad.
Lagyan din ito ng dalawang pangungusap na paliwanag.

.
MTB-MLE

Paggamit ng mga Salitang Pang-uri

Gawain sa Pagkatuto Bilang 4: Piliin sa loob ng kahon ang angkop na pang-uri sa pangungusap.
1. ___________ ang bestida na suot ni Angela.

2. Nagluto si Aling Berta ng ___________ na adobong manok.

3. Si Reynero ay ___________ sa pagtugtog ng gitara.

4. ___________ ang simoy ng hangin kapag buwan ng Disyembre.

5. Ipinamana ni Lolo Jose ang kaniyang ___________ na relo sa kaniyang apo na si Jim.

Gawain sa Pagkatuto Bilang 5: Punan ng angkop na pang-uri ang mga sumusunod na


pangungusap.
1. Si Mang Pilo ay gumagawa ng ____________ na mga sapatos.

matibay matamis malamig

2. Nakatutuwang pagmasdan ang alagang pagong ni Ruben. __________ kung maglakad ang

mga pagong.

mabilis makinang mabagal

3. _______ ang mga huling isda ni Mang Ruben mula sa dagat.

Sariwa Mahusay Makitid

4. __________ ang mga mamamayan sa pakikiisa sa mga proyekto ng barangay.

Matamis Aktibo Malambot

5. Ang Kamias ay _________.

matigas maasim mabaho

MAPEH
Music

Tekstura: Single at Multiple Musical Line

Gawain sa Pagkatuto Bilang 8: Tukuyin ang awit na nagpapakita ng single musical line at multiple
musical line. Isulat ang SML kung single musical line at MML naman kung Multiple Musical Lines.

_____.1. Dinagyang
_____ 2. Ako ay May Lobo
_____ 3. Halleluyah Chorus
_____ 4. Bayan Ko
_____ 5. Twinkle, Twinkle.
ARTS

Paper Mache : Ang Ating Likhang Sining

Gawain sa Pagkatuto Bilang 3: Pasagutan sa mga kasama sa bahay ang Rubriks. Isulat ang sagot
sa sagutang papel. Kunin ang iyong likhang sining. Ipakita ito sa mga kasama sa bahay at pasagutan
ang sumusunod na tseklis. Iguhit ang puso kung nagawa niya nang maayos at tatsulok kung hindi
maayos.

Paggawa ng Paper Mache


(Ipasa ang output sa guro sa June 25, 2021)

P.E.
Gawain sa Pagkatuto Bilang 3: Sumayaw ng katutubong sayaw na Alitaptap. Ipakita ito sa iyong
mga kasama sa bahay at sagutan ang tsart sa pamamagitan ng pag tsek (/).
HEALTH

Tuntuning Pangkaligtasan sa Tahanan

Gawain sa Pagkatuto Bilang 4: Isulat ang tsek (/) sa iyong sagutang papel kung ang sumusunod ay
dapat mong sundin at ekis (X) naman kung hindi.

_____ 1. Itago sa kabinet ang matutulis na gamit sa kusina tulad ng kutsilyo.

_____ 2. Huwag tumikim o amuyin ang mga produktong hindi kilala.

_____ 3. Uminom ng gamot nang hindi nagpapakonsulta sa doktor.

_____ 4. Patayin ang ilaw kapag hindi ito ginagamit.

_____ 5. Huwag paglaruan ang mga gamit na maaaring pagmulan ng sunog.

Gawain sa Pagkatuto Bilang 5: Gumuhit ng  kung tama ang ginagawa ng bata at  kung mali ang
ginagawang pagsunod na isinasaad sa bawat pangungusap.

__________ 1. Kinakain ko parin ang pagkain kahit alam kong ito ay dinapuan na ng mga langaw.

__________ 2. Hindi ako nagsasaksak sa saksakan ng kuryente kung basa ang aking kamay.

__________ 3. Ako ay marahan na bumababa sa hagdanan.

__________ 4. Sinusunod ko ang mga babala sa aming tahanan.

__________ 5. Lagi akong tumutulong kay nanay sa pagwawalis sa aming paligid upang walang

mamahay na lamok.

You might also like