You are on page 1of 5

MGA TALATANUNGAN AT REVIEWER PARA SA FILIPINO 2

______________________________________________________________________________

A. MAGKAKASALUNGAT NA SALITA

Panuto: Bilugan sa loob ng pangungusap ang kasalungat ng mga salita ng


nakasalungguhit.
1. Ang mga puno ay may malalaking pakinabang sa ating paligid kahit walang ibinibigay na
tulong ang ilang mga tao.
2. Nakahiwalay na ang mga nakasahog na gulay sa nakahaing pagkain.
3. Ibinalik sa dating kinatitirikan ang inalis na puno.
4. Naalis sa katawan ng puno ang nakapulupot na sanga.
5. Giniba ang mga lumang bahay para tayuan ng gusali.

B. MAGAGALANG NA PANANALITA (Panawag sa Tao at Pakikipag-usap sa Matatanda)

Panuto: Salungguhitan ang angkop na panawag para makompleto ang pangungusap.


1. (Ginoo, Ginang) Gloria, kumusta na po kayo?
2. Si (Aling, Binibini) Lacson, ang dati kong guro.
3. (Mang, Aling) Ato, mamamasyal pa ba tayo?
4. Si (Mang, Aling) Tali ay kasama po ba natin?
5. Kasama rin si (Binibining, Kapitan) Bojyok sa pagsalubong sa atin.

Tandaan: Ang mga sumusunod ay mga panawag sa tao lalo na sa nakatatanda.


 Ginang
 Binibini
 Mang
 Aling

C. MAGKASINGKAHULUGAN

Panuto: Bilugan ang titik ng katanungan ng salitang makasulat nang madiin.

1. Sapat ang ibinigay niyang gatas kaya sila ay natuwa.


a. kulang b. tamang-tama
2. Sariwa ang binili niyang gatas kaya masarap.
a. bago b. panis
3. Walang makapagtangkang magnakaw dahil may asong nakabantay
a. makasubok b. makatakas
4. Ang gatas ay masustansya dahil nagpapalakas ito ng katawan.
a. mahal b. maraming bitamina
5. Nakasanayan na niyang tumilaok tuwing umaga.
a. bihirang gawin b. laging ginagawa

D. PAGMAMAHAL SA ALAGANG HAYOP


Panuto: Iguhit sa linya ang  kung ang nakasaad ay wastong pangangalaga ng alagang
hayop.
__________1. Paliguan ang alagang aso.
__________2. Bigyan ng panis na pagkain ang alaga.
__________3. Linisin palagi ang kulungan ng mga hayop.
__________4. Dalhin sa beterinaryo ang alagang hayop kapag may sakit ito.
__________5. Pabayaan sa kalsada ang alaga.
Tanong: Paano mo maipadama sa iyong alagang hayop na mahal mo ito?

______________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________

E. PAGPAPAHAYAG NG IBA’T IBANG REAKSYON

Panuto: Ano ang sasabihin mo kung ikaw ay nasa mga sumusunod na mga sitwasyon?
Isulat sa linya ang pahayag na nagpapakita ng iyong pag-aalala.

1. May pagsubok/pagsusulit at hindi ka nakapag-aral.


_________________________________________________________________________
2. Natanggap mo ang iyong report kard at marami kang mababang marka.
________________________________________________________________________
3. Sumama ka sa iyong mga kaibigan nang walang paalam sa iyong magulang.
_________________________________________________________________________
4. Naiwan mo ang proyektong dapat sana ay ipapasa mo sa iyong guro.
________________________________________________________________________
5. Nahuli ka sa iyong klase dahil natrapik kayo sa daan.
________________________________________________________________________

Tandaan: Maaaring gawing basehan ang mga sumusunod sa pagsagot ng mga kataungan sa
itaas.

 Naku, paano na kung…..


 Ano ang dapat kong gawin/sabihin…. upang
 Ano ang gagawin ko?
 Hayan, hindi ko na alam ang gagawin ko.

F. MAGAGALANG NA PANANALITA

Panuto: Lagyan ng √ ang linya ng wastong pananalita na gagamitin sa ibinigay na mga


sitwasyon.

1. Pumasok ka sa paaralan ng ika-7 ng umaga. Ano ang sasabihin mo sa iyong guro?


_____Kumusta po _____Magandang umaga
_____Uuwi na po ako _____Mano po.
2. Pumunta ka sa kaarawan ng iyong kaklase. Ano ang sasabihin mo kapag nakita mo siya?
_____Ano ang handa mo?
_____Ang dami naming tao.
_____Maligayang bati
_____Pasalamat ka at dumating ako
3. Ipinakilala ka ng iyong nanay sa iyong ninang. Ano ang sasabihin mo?
_____Kumusta po? _____Bakit po?
_____Kilala ko na po kayo _____Sige po.

4. Nag-uusap iyong tatay at nanay sa iyong daraanan. Ano ang sasabihin mo>
_____Daraan ako
_____Magandaang umaga po
_____Ano po ang pinag-uusapan ninyo?
_____Makikiraan po.
5. Nang dumating ka ng bahay, nakita mo ang iyong lola sa sala. Ano ang sasabihin mo?
_____Nariyan pala kayo, Lola.
_____Mano po, Lola.
_____Lola, kakain ka na ba?
_____Maupo ka lang diyan, Lola.

G. IBA’T IBANG HUNI NG HAYOP

Panuto: Isulat sa linya kung anong hayop ang nagsabi ng bawat tunog at pahayag.

__________1.“Tik-ti-la-ok! “Tik-ti-la-ok! Gising, mga kaibigan”

__________2. “Me-ee, Me-ee, Me-ee! Magandang umaga, kaibigang Tandang.

__________3. “Ngiyaw! Ngiyaw! Kailangang sapat ang tulog”

__________4. “Twit-twit-twit”. Masayang umaga sa inyong lahat.

__________5. “Aw-aw-aw! Kailangang masaya at masigla”

Inihanda ni: JECKY A. KAGUI, LPT

TALATANUNGAN AT REVIEWER PARA SA INANG WIKA (Mother Tongue)

______________________________________________________________________________

A. PAGBIGKAS NG TULA

Basahin: Pahina 27-28

Mga Katanungan
1. Tungkol saan ang tula?
Sagot:
2. Sino-sino ang nabanggit na tauhan sa tula?
Sagot:
3. Alin sa mga pangngalang nabanggit ang halimbawa ng pantangi at pambalana?
Sagot:
4. Magbigay ng halimbawa ng mga pangngalan?
Sagot:
5. Paano ka magiging isang bayani tulad ni Rizal?
Sagot:

B. PAGLIKHA NG SARILING AWIT

Basahin: Pahina 30-31

Mga Katanungan

1. Sino-sino ang tinutukoy sa awit?


Sagot:
2. Madali ba ang kanilang ginagawa?
Sagot:
3. Ano ang damdaming pinapahiwatig ng awit?
Sagot:
4. Paano mo ilalarawan ang damdamin ng taong tinutukoy sa awit?
Sagot:
5. Ano ang mensaheng nais iparating ng awit?
Sagot:

C. CHANT AT RAP

Basahin: Pahina 33-35

Mga Katanungan

1. Tungkol saan ang rap?


Sagot:
2. Paano binibigkas ang rap?
Sagot:
3. Ano ang mensaheng ibig iparating ng rap na iyong narinig?
Sagot:
4. Ikaw, paano mo maipagmamalaki ang pagiging Pilipino mo?
Sagot:

D. MAGBUGTUNGAN TAYO

Basahin: Pahina 38-40

Mga Katanungan

1. Isang prinses, punong-puno ng mata?


Sagot:
2. May isang prutas, pito ang butas?
Sagot:
3. Tiningnan kita, tiningnan mo ako. Kapag itinaas ko ang kanang kamay ko, itaas mo naman
ang kaliwa mo?
Sagot:
4. Balatan mo ako at tiyak, ikaw ang iiyak?
Sagot:
5. Hindi tao, hindi hayop ngunit may dalawang kamay ito?
Sagot:

GAWAIN:

Panuto: Basahin ang mga salita sa kahon. Piliin ang mga sagot sa sumusunod na mga
bugtong.

paa anino uling

bibig kandila

__________1. Kasinlaki ng malaking gusali, o kasinliit ng daga, Walang bigat, ngunit hindi
mabubuhat. Ano ito?

__________2. Dalawang magkaibigan, laging nag-uunahan.

__________3. Ito’y itim nang binili mo. Naging pula nang ito’y ginamit mo.

__________4. Isang balong malalim, puno ng patalim.

__________5. Kapag pinapatay, lalong humahaba ang buhay.

Inihanda ni: JECKY A. KAGUI, LPT

You might also like