You are on page 1of 13

Edukasyong Pantahanan

at Pangkabuhayan 4
Home Economics
E P P – Ikaapat na Baitang
Ikalawang Markahan – Modyul 2: Wastong Paraan ng Paglilinis ng Bahay
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala
at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito
ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Dibisyon ng Lungsod ng Pasig

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Marlyn T. Sarceda
Editor/ Tagapagsuri: Ruth D. Cabrera
Tagaguhit: Edison P. Clet
Tagalapat: Leny V. Abong
Tagapamahala: Ma. Evalou Concepcion A. Agustin
OIC – Schools Division Superintendent
Carolina T. Rivera EdD
OIC - Assistant Schools Division Superintendent
Victor M. Javena, Ed. D.
Chief – School Governance & Operations
Division & OIC – Chief Curriculum Implementation Division

Education Program Supervisors


1. Librada L. Agon, Ed. D., EPP/TLE
2. Liza A. Alvarez, Science
3. Bernard R. Balitao, Araling Panlipunan
4. Joselito E. Calios, English
5. Norlyn D. Conde, Ed. D., MAPEH
6. Wilma Q. Del Rosario, LRMS
7. Ma. Teresita E. Herrera,Ed. D., Filipino
8. Perlita M. Ignacio, Ph. D., ESP/SPED
9. Dulce O. Santos, Ed.D., Kinder/MTB
10. Teresita P. Tagulao, Ed. D., Mathematics

Department of Education – Dibisyon Ng Pasig City


Office Address: Caruncho Avenue, San Nicolas, Pasig City
Telefax: 6418885/6282819 E-mail Address:divisionofpasig@gmail.com
EPP
Home economics 4
Ikalawang Markahan
Modyul para sa Sariling Pagkatuto 8
Pangangalaga sa sariling kasuotan
Paunang Salita

Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang EPP 4 - Home Economics ng
Modyul para sa araling Pangangalaga sa sariling kasuotan !

Ang modyul na ito ay pinagtulungang idinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig na
pinamumunuan ng Nanunuparang Pinuno-Tanggapan ng Pansangay na
Tagapamanihala, Ma. Evalou Concepcion A. Agustin, sa pakikipag-ugnayan sa
Lokal na Pamahalaan ng lungsod sa pamumuno ng butihing Punong Lungsod, Kgg.
Victor Ma. Regis N. Sotto, upang matulungang makamit ng mag-aaral ang
pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan
ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Inaasahan na sa pamamagitan ng modyul na ito, ang mga mag-aaral ay


makauugnay sa pamamatnubay at malayang pagkatuto ng mga gawain ayon sa
kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral
na makamit ang mga kasanayang pang-ika-21 siglo lalong-lalo na ang 5 Cs
(Communication, Collaboration, Creativity, Critical Thinking and Character) habang
isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa pangunahing teksto, makikita ang pinakakatawan ng


modyul sa loob kahong ito:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala at
estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang


mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan
at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.
Para sa mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa Home Economics 4 Modyul ukol sa Wastong Paraan ng
Paglilinis ng Bahay.

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong
madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

MGA INAASAHAN
Sa bahaging ito malalaman mo ang mga dapat mong matutuhan
pagkatapos mong makympleto ang Modyul.
PAUNANG PAGSUBOK
Dito masusukat ang dati mo nang kaalaman at mga dapat mo pang
malaman sa paksa.
BALIK-ARAL
Dito masusukat ang I iyong matutuhan at naunawaan sa mga na
unang paksa.
ARALIN
Tatalakayin sa bahaging ito ang paksa sa Modyul na ito.

MGA PAGSASANAY
Pagbibigay ng guro ng ibat ibang pagsasanay na dapat sagutan ng
mga mag-aaral.
PAGLALAHAT
Sa bahaging ito ibunuod ang mahahalagang konsepto na dapat
bigyan halaga
PAGPAPAHALAGA
Sa bahaging ito ay titiyakin kung ang mga kasanayang psmpagkatuto
ay naiuugnay nailalapat sa inyong mga pagpapahalaga..

PANAPOS NA PAGSUSULIT
Dito masusukat ang mga natutuhan ng mga mag-aaral
MGA INAASAHAN

Sa pagtatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay


inaasahang naisasagawa ang wastong paraan ng paglilinis
ng bahay.

PAUNANG PAGSUBOK

Panuto:Lagyan ng tsek ( ) kung sang-ayon sa isinasaad sa


pangungusap at ekis ( x ) naman kung hindi.

______ 1. Maayos ang pagkakalagay ng mga kagamitan sa loob


ng tahanan.
______ 2. Makintab at walang alikabok ang mga sahig, pati
mga kagamitan tulad ng mesa, mga upuan at mga
palamuti.
______ 3. Maganda, malalaki at mahal ang mga kasangkapan.
______ 4. Maaliwalas ang loob ng tahanan.
______ 5. Mabango at maginhawa ang pakiramdam.
BALIK-ARAL

Panuto :Tukuyin ang ilang kagamitan sa paglilinis ng


bahay . Paano at saan ito ginagamit.
Halimbawa:

Walis tingting - Ginagamit sa pagwawalis


ng magaspang na sahig at bakuran.

Kagamitan sa Paano ginanagamit? Saan ginagamit?


Paglilinis
1.Walis tambo
2.Basahan
3.Pandakot
4.Bunot
5.Eskoba

ARALIN

Bilang isang mag aaral sa ikaapat na baitang, malaki ang


magagawa mo upang makatulong sa paglilinis. Kasapi ka ng
mag- anak at may tungkulin kang ginagampanan upang
mapanatiling malinis at maayos ang bahay at bakuran ninyo.
Ang pagiging malinis sa bahay o sa inyong tahanan maging
sa inyong bakuran ay susi din para makaiwas sa mga virus na
kumakalat sa pamayanan at sa ibat-ibang panig ng mundo ang
tinatawag nilang Corona Virus.
Basahin at unawain ang wastong pamamaraan ng paglilinis
at tignan kung nasusunod ang mga ito kapag naglilinis ng inyong
bahay.
Ang mga Wastong Pamamaraan Paglilinis ng Bahay.
1. Pagwawalis - Gumagamit ng walis-tambo sa pagwawalis ng
sahig. Dahan-dahan ang pagwawalis upang hindi lumipad
ang alikabok. Simulan sa mga sulok at tabi ng mga silid
patungong gitna ang pagwawalis. Gumamit ng pandakot at
dakutin agad ang naipong dumi.
2. Pag-alis ng alikabok- Ang mga kasangkapan ay madaling
maalikabukan. Kailangan punasan ito araw- araw. Ang
lumang damit o lumang kamiseta ay mainam gamitin kung
malambot at hindi nag iiwan ng himulmol. Sa pagpupunas,
simulan lagi sa mataas na bahagi ng kasangkapan.
Maging ang mga palamuti ay kailangan punasan din.
3. Paglalampaso ng sahig - Ang paglalampaso ng sahig na
gamit ang mop ay ginagawa pagkatapos walisan ang
sahig.Basain at pigain ang mophead. Ilampaso ito sa sahig
sa mga pagitan ng mga muwebles, sa sulok ilalim ng mesa
at sa mga cabinet.
4. Pagbubunot - Binubunot ang sahig upang kumintab.
Punasan ang sahig bago maglagay ng floorwax. Gawin
manipis at pantay –pantay ang paglalagay .Patuyuin muna
bago bunutin.Punasan ng tulong basahan upang lalong
kumintab.
Ang paglilinis ng bahay ay karaniwang ginagawa
araw-araw. Mayroon ding gawain na isinasagawa nang
lingguhan at paminsan- minsan lamang. Sa inyong bahay
ano-ano ang mga gawaing paglilinis na ginagawa?
MGA PAGSASANAY
A. Panuto: Markahan ng tsek ( ) kung alin ang inyong
naisasagawa nang Araw-araw , Lingguhan,
Paminsan minsan.

Paminsan-
Araw- minsan
Mga Gawain/ Pamamaraan Lingguhan
araw
1. Pagwawalis ng sahig

2. Pag-aalis ng mga agiw

3. Pagbubunot ng sahig

4. Paglalagay ng floorwax sa sahig

5. Pagpupunas ng mga alikabok sa


mga kasangkapan.

B. Panuto: Isulat ang Tama kung mga sumunsunod ay


nag lalarawan ng malinis na tahanan at Mali kung hindi.

_______1. Mabango ang pakirandam.

_______2. Maayos ang mga pag kalagay ng kagamitan sa loob ng


Tahanan.

_______3. Makintab at walang alikabok ang sahig.

_______4. Nagkalat ang mga laruan.

_______5. Nakasampay ang mga damit sa mga kagamitan.


PAGLALAHAT
Ano- ano ang mga wastong pamamaraan ng paglilinis ng
bahay?
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________

PAGPAPAHALAGA

Bakit kinakailangan panatilihing malinis ang bahay?


__________________________________________________________
___________________________________________________________________
__________________________________________________________________

PANAPOS NA PAGSUSULIT
Panuto: Isulat sa patlang ang Tama kung naisasagawa ang
wastong paraan ng paglilinis ng bahay Mali naman kung
hindi.
_____ 1. Ang mga kasangkapan ay madaling maalikabukan
kailangang punasan ang mga ito lumang damit o lumang
kamesita araw- araw.

_____ 2. Ang bahay na malinis ay nagpapakita ng may


pagtutulungan.

_____ 3. Pagkatapos walisin ang sahig,ilagay ito sa gilid.

_____ 4. Ang pagwawalis sa sahig ay ginagawa nang lingguhan.

_____ 5.Gamitin ang pandakot sa mga winalis na dumi o kalat.

_____ 6. Ang sahig ay binubunot upang Kumintab.


_____ 7. Sa pag – aalikabok, simulan sa mababa na mga
kasangkapan.

_____ 8. Ang pagwawalis sa sahig ay sinisimulan sa mga gilid


patungo sa gitna.

_____ 9. Maglagay ng Floorwax pagkatapos magbunot.

_____10. Ang pagwawalis ay ginagawa lamang ng minsan sa isang


linggo.

SUSI SA PAGWAWASTO

10. Mali
5. 9. Tama
5. Mali 5. Lingguhan
4. 8. Tama
4. Mali 4. Paminsan-minsan
3. x 7. Mali
3. Tama 3. Lingguhan
6. Tama
2. 2. Tama 2. Paminsan –minsan
5. Tama
1. 1.Tama 1. Araw-araw
4. Mali
PAGSUBOK B. A.
3. Mali
PAUNANG PAGSASANAY
2. Tama
1. Tama

PAGSUSULIT
PANAPOS NA

Sanggunian

Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan.


pp.280 – 283
PAGKILALA

EDISON P. CLET
Tagaguhit

ELINETTE B. DELA CRUZ


Project Development Officer II (LRMDS)
Tagalapat

Naglapat Ng Video

Video Editor

Tagapagsuri Ng Video

Gurong Tagapag-Ugnay

Helen C. Jagmis
Punong Guro

Sofia J. Papio
Pandistritong Tagapagmasid Ng Mga
Pampublikong Paaralan
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Division of Pasig City

Caruncho Avenue, San Nicolas, Pasig City

Telephone No.: (632) 8641-8885

Email Address: divisionofpasig@gmail.com

You might also like