You are on page 1of 9

Enclosure No. 3B to Regional Memorandum No. 181, s.

2020 – LAS Template for Learning Area using Filipino as medium of instruction

4
Activity Sheet sa EPP 4 (H.E)
Quarter 2 – HE 4 MELC 1.1
Naisasagawa ang Wastong Paraan ng Paglilinis ng
bahay at bakuran
(EPP4HE-0f-9)

REGION VI – WESTERN VISAYAS


Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan (EPP) 4
Learning Activity Sheet (LAS)
Unang Edisyon, 2020

Inilimbag sa Pilipinas
Ng Kagawaran ng Edukasyon,
Rehiyon 6 – Kanlurang Visayas
Duran St., Iloilo City

Isinasaad ng Batas Republika 8293, seksiyon 176 na “Hindi maaaring magkaroon ng


karapatang-ari (sipi) sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan muna
ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng gawain kung ito’y
pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda
ng kaukulang bayad.”

Ang Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan (EPP) 4 Learning Activity Sheet (LAS)


na ito ay inilimbag upang magamit ng mga Paaralan sa Rehiyon 6 .- Kanlurang Visayas,

Walang bahagi ng aklat na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anumang porma nang
walang pahintulot sa Kagawaran ng Edukasyon, Rehiyon 6 – Kanlurang Visayas.

Bumuo sa Pagsusulat ng Learning Activity Sheet – Edukasyong Pantahanan at


Pangkabuhayan (EPP) 4

Manunulat: Chona D. Pajarillo at Arnel Aguiron


Editor: Gorgonio A. Batilaran, Jr.
Tagasuri:
Tagaguhit: Arnel Aguiron, Glenda Rose B. Joren
Tagalapat:
Management Team: Ma. Gemma M. Ledesma
Dr. Josilyn S. Solana
Dr. Elena P. Gonzaga
ambungadMr.
naDonald T. Genine
Mensahe Mr. Gorgonio A. Batilaran, Jr.

Pambungad na Mensahe
MABUHAY!
Ang Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan (EPP) 4 Learning Activity Sheet
(LAS) na ito ay nabuo sa pamamagitan ng sama-samang pagtutulungan ng Schools Division
of Roxas City sa pakikipagtulungan ng Kagawaran gn Edukasyon, Region 6 – Kanlurang
Visayas sa sa pakikipag-ugnayan ng Curriculum and Learning Division (CLMD). Inihanda ito
upang maging gabay ng learning facilitator, na matulungan ang ating mga mag-aaral na
makamtan ang mga inaasahang kompetensi na inilaan ng Kurikulum ng K to 12.
Layunin ng LAS na ito na gabayan ang ating mga mag-aaral na mapagtagumpayan
nilang masagot ang mga nakahanay na mga gawain ayon sa kani-kanilang kakayahan at
laang oras. Ito ay naglalayon ding makalinang ng isang buo at ganap na Filipino na may
kapaki-pakinabang na literasi habang isinasaalang-alang ang kani-kanilang pangangailangan
at sitwasyon.

Para sa mga learning facilitator:

Ang Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan (EPP) 4 Activity Sheet (LAS) na


ito ay binuo upang matugunan ang pangangailangan ng ating mga mag-aaral sa larang ng
edukasyon, na patuloy ang kanilang pagkatuto kahit na sila ay nasa kani-kanilang mga
tahanan o saan mang bahagi ng learning center sa kanilang komunidad.
Bilang mga learning facilitator, siguraduhing naging malinaw ang mga panuto sa mga
gawaing iniatas sa kanila. Inaasahan din na patuloy nating masubaybayan ang pag-unlad ng
mga mag-aaral (learner’s progress).

Para sa mga mag-aaral:

Ang Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan (EPP) 4 Learning Activity Sheet


(na ito ay binuo upang matulungan ka, na mapatuloy ang iyong pagkatuto kahit na wala ka
ngayon sa iyong paaralan. Pangunahing layunin ng LAS na ito na mabigyan ka ng
makahulugan at makabuluhang mga gawain. Bilang aktibong mag-aaral, unawain nang
mabuti ang mga panuto ng bawat gawain.

Learning Activity Sheets (LAS)


Pangalan ng Mag-aaral: _ Grado at Seksiyon:_ Petsa:

GAWAING PAGKATUTO SA EPP (H.E) 4


Naisasagawa ang Wastong Paraan ng Paglilinis ng Bahay at Bakuran

I. Kasanayang Pampagkatuto at Koda


Ika-4 na Linggo -Naisasagawa ang wastong paraan ng paglilinis ng bahay
at bakuran.
EPP4HE-0f-9

Panimula

Sinasalamin ng malinis na tahanan ang isang masayang pamilya. Mula sa mga


Magulang hanggang sa nakababatang kapatid ay dapat tulong-tulong sa
pagpapanatili ng masinop, maayos, at malinis na tahanan. Muli, pagmasdan nang
tahimik ang larawan at ilarawan ang isang malinis na tahanan.
 Basahin nang tahimik ang Wastong Pamamaraan ng Paglilinis ng Bahay at
tingnan kung nasusunod mo ang mga ito kapag ikaw ay naglilinis ng inyong bahay:
a. Pagwawalis – Gumamit ng walis-tambo sa pagwawalis ng sahig. Dahan-
dahan ang pagwawalis upang hindi lumipad ang alikabok. Simulan sa mga sulok at
tabi ng mga silid patungong gitna ang pagwawalis. Gumamit ng pandakot at dakutin
agad ang naipong dumi.

b. Pag-aalis ng alikabok – Ang mga kasangkapan ay madaling maalikabukan.


Kailangang punasan ang mga ito araw-araw. Ang lumang damit o lumang kamiseta
ay mainam gamitin kung malambot at hindi nag-iiwan ng himulmol. Sa pag-
aalikabok, simulan sa mataas na bahagi ng mga kasangkapan, pababa. Ang mga
dekorasyon at palamuti ay kailangang punasan din.

c. Paglalampaso ng sahig – Ang paglalampaso ng sahig na gamit ang mop ay


ginagawa pagkatapos walisan ang sahig. Basain at pigain ang mophead. Ilampaso
ito sa sahig sa pagitan ng muwebles, sa sulok, at ilalim ng mesa at cabinet. Kapag
marumi na ang mophead, banlawan sa isang timba na katamtaman ang dami ng
tubig o itapat ito sa gripo at yugyugin hanggang sa maalis ang dumi. Pigain at
gamiting muli.

d. Pagbubunot – Binubunot ang sahig upang kumintab. Punasan muna ang


sahig bago lagyan ng floorwax. Gawing manipis at pantay-pantay ang paglalagay.
Patuyuin muna ito bago bunutin. Punasan ng tuyong basahan upang lalong
kumintab.

Ang paglilinis ng bahay ay karaniwang ginagawa araw-araw. Subalit mayroon


ding mga gawaing paglilinis na ginagawa nang lingguhan at paminsan-minsan
lamang. Sa inyong tahanan ano-ano ang mga gawaing paglilinis na ginagawa araw-
araw? lingguhan? at paminsan-minsan?
Ang iyong Sagot: ______________________

II. Mga Sanggunian (Batayang Aklat ng DepEd at Educational Sites – posibleng


mga materyal para sa mga eksperimento/gawain/pagsasanay)

MELC p. 5

Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan 4 (Include the pahina)


https://www.slideshare.net/edithahonradez/q2-epp-he
https://www.yumpu.com/xx/document/read/62078765/02-paglilinis-ng-tahanan-at-bakuran

III. Mga Gawain

1. Mga Panuto (Nilalaman ng Asignatura at pedagohiya i.e Aklat at bilang ng


pahina na babasahin ng mag-aaral)
Basahin ang sumusunod na impormasyon.

Paraan ng Paglilinis

a.) Kisame- Gumamit ng walis tingling na may mahabang hawakm. Talpan ng diyaryo o
iurong ang mga kasangkapan sa silid bago alisin ang mga agiw. Walisan ang silid.

b) Dingding - Kuskusin ang dingding ng basahang basa na may sabon. Maaaring gumamti ng
eskoba. Banlawan ang basahan kapag marumi na ito. Kuskusin ang dingding hanggang
maging malinis. Pahiran ng basahang tuyo ang malinis na dingding.

C.) Bintana - Para sa bintanang salamin, gumamit ng basang diyaryo. Kuskusin ang salamin
hanggang maging malinaw. Para sa mga bintanang yari sa kapis, gumamit ng basahan.
Alisin ang alikabok at agiw.

d) Sahig - Walisan ang sahig simula sa mga sulok patungo sa gitna ng silid. Magwalis nang
marahan upang di lumipad ang alikabok. Hakutin ang dumi sa pamamagitan ng pandakot.
Kung ang sahig ay may putik o mantsa, punasan ito ng basahang basa. Alisin ang mantsa o
putik. Patuyuin ang sahig bago lagyan ng floorwax. Para sa sahig na kawayan, kuskusin ito
ng dahon ng saging. Bunutin ang sahig kapag tuyo na ang floor wax. Walisang muli ang
sahig matapos magbunot. Punasang muli ito ng malinis na basahan.

2. Pagsasanay/ Aktibidad

A. Piliin ang wastong karugtong ng pangungusap sa loob ng kahon. Isulat ang titik nito sa patlang:
1. Ang mga kasangkapan aymadaling maalikabukan. Kailangang punasan ang mga ito ng _____
araw-araw.
2. Ang sahig ay ______upang kumintab.
3. Ang pagwawalis ng sahig ay ginagawa nang ______ upang hindi lumipad ang alikabok.
4. Sa pag-aalikabok, simulan sa mataas na bahagi ng mga kasangkapan _______. 5. Ang
pagwawalis sa sahig ay sinisimulan sa mga _________ patungo sa gitna.

B. Sipiin sa iyong kuwaderno at lagyan ng tsek (/) ang patlang ng bilang kung ang isinasaad ng
pangungusap ay wastong paraan ng paglilinis ng bakuran at ekis (X) naman kung hindi.
____1. Linisin ang daanan ng tubig o kanal upang maiwasan ang pamamahay ng mga daga at iba
pang mga hayop.
____2. Ang mga damong ligaw na tumutubo ay kailangang bunutin kasama ang ugat nito.
____3. Ang bakurang malinis ay nakatutulong sa pagkakaroon ng malinis na pamayanan.
____4. Kinakailangang walisin ang mga tuyong dahon at ibang kalat sa loob at labas ng bakuran.
____5. Ang mga basurang nabubulok ay kailangang ilagay sa compost pit.
____6. Ang mga basurang hindi nabubulok ay kailangang itapon sa malayong lugar. ____7. Bunutin
ang mga ugat ng mga ligaw na damo upang hindi na tumubo muli. ____8. Pagkatapos
walisin ang mga tuyong dahon, sunugin ito.
____9. Ang mga nabubulok na basura ay pampataba sa mga halaman.
____10. Gamitin ang pandakot kung ilalagay ang mga tuyong dahon sa basurahan.

C. Pagtambalin sa pamamagitan ng guhit ang larawan ng kagamitan sa paglilinis at kung


saan ito ginagamit. Isulat ang titik ng tramang sagot.
Pang-ipon ng alikabok at dumi

Pang-alis ng agiw sa dingding

Pampakintab ng sahig

Lalagyan ng tubig

Pandakot sa alikabok at dumi

IV. Repleksiyon``````````````````````````````````````````````````````````````````````````

Ang tulong-tulong na paggawa ng mag-anak ay kailangan upang maging malinis at


maayos ang tahanan. Ang pagsunod sa wastong paraan ng paglilinis ng tahanan ay may
malaking maitutulong upang makatipid sa oras, salapi, at lakas.
Ang malinis na bakuran ay nakapagpapaganda ng tahanan at ng pamayanan. Ito ay
nagdudulot ng kasiyahan sa buong mag- anak. Nasasalamin din sa malinis na bakuran
ang pagtutulungan ng bawat kasapi ng mag-anak.
_______________________________________________________________________
V. Susi sa Pagwawasto (Nakabaliktad)

A.
1. lumang damit/lumang kamiseta
2. binubunot
3. marahan
4. pababa
B. 5. sulok C.
1. √
2. √
3. √
4. X
5. √ 1.
6. x - Lalagyan ng tubig
7. √
8. x
9. √
10. √
2. - Pandakot sa alikabok at dumi

3. - Pang-alis ng agiw sa dingding

4. - Pampakintab ng sahig

5. - Pang-ipon ng alikabok at dumi

You might also like