You are on page 1of 28

MELC Quarter 2 Week 2

Nasusuri ang kahalagahan ng


pangangasiwa at pangangalaga ng
mga likas na yaman ng bansa
Balik-tanaw

Panuto: Ilagay ang “A” -kung Pakinabang sa Kalakal


at Produkto, “B” -Pakinabang sa Turismo, at “C”-
kung Pakinabang sa Enerhiya ang mga sumusunod

__1. Taniman ng strawberry sa Baguio.

__2. Boracay

__3. Puerto Prinsesa Underground River


“A” -kung Pakinabang sa Kalakal at Produkto, “B” -Pakinabang sa
Turismo, at “C”- kung Pakinabang sa Enerhiya
__4. Matitibay na sapatos at bags sa Marikina

__5. Malitbog Geothermal Power Plant sa Malitbog,


Kananga Leyte
__6. Mga masasarap na pinya sa Bukidnon at
Cotabato

__7. Lungsod ng Cebu

__8. Ginto, pilak at tanso


Balik-tanaw

Panuto: Ilagay ang “A” -kung Pakinabang sa Kalakal


at Produkto, “B” -Pakinabang sa Turismo, at “C”-
kung Pakinabang sa Enerhiya ang mga sumusunod

A Taniman ng strawberry sa Baguio.


__1.

B
__2. Boracay

B
__3. Puerto Prinsesa Underground River
“A” -kung Pakinabang sa Kalakal at Produkto, “B” -Pakinabang sa
Turismo, at “C”- kung Pakinabang sa Enerhiya
A__4. Matitibay na sapatos at bags sa Marikina

C
__5. Malitbog Geothermal Power Plant sa Malitbog,
Kananga Leyte

A
__6. Mga masasarap na pinya sa Bukidnon at
Cotabato

B__7. Lungsod ng Cebu

A__8. Ginto, pilak at tanso


4 P’s (Pananagutan sa
Pangangasiwa
at Pangangalaga ng
Pinagkukunang
Yaman ng Bansa)
Ano ang ibig sabihin ng salitang
pananagutan?

Ang pananagutan ay itinuturing na


kasingkahulugan ng mga salitang
tungkulin, obligasyon at
responsibilidad.
Iba’t ibang kasapi ng
lipunan:
mamamayan
pamilya
samahang pribado
simbahan
paaralan
pamahalaan
Pananagutan ng Pamahalaan
Ang pamahalaan ay nagtalaga ng ahensiya na
siyang nangunguna sa kapaligiran. Ito ang
Department of Environment and Natural
Resources (DENR) o Kagawaran ng Kapaligiran
at Likas na Yaman Mula sa Artikulo II,
Seksyon 16 ng Saligang Batas ng 1987 “Dapat
pangalagaan at isulong ng Estado ang
karapatan ng sambayanan sa timbang at
kanais-nais na ekolohiya na tugma sa
kalikasan”
Pananagutan ng Pamahalaan
Mga Batas na naglalayong panatilihin at proteksyunan ang
mga likas na yaman ng Pilipinas.

1. Coral Resources Development and Conservation Decree.


(PD 1219/PD 1698) Ang batas na ito ay naglalayong
protektahan ang mga yamang koral sa katubigan ng
Pilipinas.
2. Republic Act 428-Ito ay isang batas na nagbabawal
sa pagbebenta o pagbibili ng isda o ibang yamang-dagat
na pinatay sa pamamagitan ng dinamita o paglalason.
3. PD 705 o Selective Logging -Ang pagpili lamang sa
kung anong puno ang maaaring putulin at kung ano ang
dapat iwanan.
Mga proyektong pinatupad ng pamahalaan
upang lalong mapaigting ang kampanya ng
pamahalaan para sa mga pinagkukunan-yaman.
Pananagutan ng Paaralan

• Bigyan ng mataas na uri ng edukasyon at


kaalaman ang mag-aaral sa lahat ng antas
ukol sa mga tamang paraan ng
pangangasiwa ng bansa at yaman nito.
Ang mga paaralan ay dapat manguna sa
pakikilahok sa mga proyektong inilunsad ng
pamahalaan tulad ng

”Eco Saver ng DepEd NCR”

“Kabataan
Kontra
“Ilog KO, Irog Ko”
Basura”
Pananagutan ng Simbahan
• Ang simbahan ay may pananagutan na
manghikayat sa kanilang mga kasapi na
magkaroon ng mataas na pagpapahalaga sa mga
likas na yaman na siya nating pinagkukunan ng
yaman.
• Ipakita ang paniniwala sa pamamagitan
ng mga kilos, prinsipyo at mabuting gawa
lalo na para sa lahat ng may buhay
gayundin ang pagtatama sa maling gawa
ng mga kasapi.
Pananagutan ng Pribadong
Samahan
• Ang pangangalaga sa kapaligiran at likas na
yaman ay higit na pinalawak sa pamamagitan
ng pakikipagtulungan ng mga pribadong
samahan o ahensiya.
• Pananagutan din nila na maglunsad ng mga
programang pantelebisyon o panradyo na
maaaring magturo ng iba’t ibang paraan
ng pangangalaga sa ating mga
pinagkukunang-yaman
Pananagutan ng Pamilya

• Pananagutan ng bawat pamilya na simulan sa


kanilang sariling tahanan ang mga wastong
paraan ng pangangalaga sa ating likas na
yaman.

• Tungkulin ng mga magulang na hubugin ang


mga anak nang may pagpapahalaga sa
kalikasan.
Pananagutan ng mga Mamamayan

• Hikayatin ang bawat miyembro ng pamilya na


makiisa sa pagpapaunlad at pagliligtas ng
kalikasan.
• Isabuhay ang anumang natutuhan o
nalalaman ukol sa pangangasiwa ng kalikasan
at mga pinagkukunang-yaman.

• Tumulong upang mabawasan ang polusyon


sa hangin, sa lupa, at sa tubig.
Pananagutan ng mga Mamamayan
• Makibahagi sa mga proyekto ng pamayanan o
kaya ay bumuo ng samahan ng mga kabataan na
tutulong upang mabawasan ang mga suliranin sa
kalikasan.

• Kausapin ang mga kaibigan upang makiisa sa


gawaing pangkalikasan.

• Magkaroon ng sariling disiplina at gawin


ang tama para sa ikabubuti ng mundong
ating ginagalawan.
Bubble Map

Magbigay ng kahulugan ng salitang “pananagutan”

obligasyon
responsibilidad tungkulin
pananagutan
Panuto: Tukuyin kung kaninong pananagutan ang
ipinapakita sa bawat larawan at ipaliwanag.

Pananagutan ng
Pamilya
Pananagutan ng Paaralan
Pananagutan ng Pamahalaan
TANDAAN
• Ang pananagutan ay itinuturing na kasingkahulugan
ng mga salitang tungkulin, obligasyon, at
responsibilidad.
• Ang ating lipunan ay binubuo ng iba’t ibang
kasapi kabilang dito ang pamahalaan, paaralan,
simbahan, pribadong samahan, pamilya, at
mamamayan.
• May bahaging ginagampanan ang bawat kasapi
ng lipunan na pangasiwaan at pangalagaan ang
likas na yaman ng bansa upang maiwasan ang
tuluyang pagkasira ng mga ito.
PAGTATAYA:
Gamit ang mga simbolo, tukuyin kung sino ang
gaganap sa sumusunod na pananagutan. Iguhit sa
notbuk ang sagot.

1. Disiplinahin ang mga anak.

2. Magkaroon ng disiplina sa sarili.


3. Tinuturuan ang mga mag-aaral ng mga paraan
sa wastong pangangasiwa ng mga pinagkukunang-
yaman.
4. Gumagawa ng mga batas at programa para sa
kalikasan.

5. Maglunsad ng mga programang pantelebisyon


o panradyo na maaaring magturo ng iba’t ibang
paraan ng pangangalaga sa ating mga
pinagkukunang-yaman
PAGTATAYA
Panuto: Basahin ang mga pangungusap. Lagyan ng
tsek (/) kung ang pahayag ay wasto at ekis (x)
kung hindi.
/
__1. Dinarayo ang magandang tanawin
ngayon sa Manila Bay sa bansa.

x
__2. Ang Pilipinas ay hindi sagana sa
likas na yaman.
/
__3. Ang mga likas na yaman ay
nakapagdudulot ng maraming kapakinabangan
sa sa pag -unlad ng ating ekonomiya.

x
__4. Pinatatakbo ang mga planta ng
kuryente gamit ang mga ginto at tanso.

/
__5. Maraming bungang prutas, at gulay
sa Baguio na maaaring ibenta.

You might also like