You are on page 1of 27

MELC Quarter 1 Week 7

ARALING PANLIPUNAN 4
Nakapagbibigay ng konklusyon
tungkol sa kahalagahan ng mga
katangiang pisikal sa pag-unlad ng
bansa
Inihanda ni:
Bb. Jocelyn T. Salvador
Alalahanin
Panuto: Punan ng wastong salita ang patlang upang
mabuo ang mga pangungusap. Piliin ang titik ng tamang
sagot mula sa kahon.
1. Ang _____________ ay ahensiya ng pamahalaan na
namamahala sa pagkilos ng mga bulkan sa bansa.
2. Ang _____________ ay isang biglaan, at mabilis
na pag-uga ng lupa, na dulot ng pagbibiyak at
pagbabago ng mga batong nasa ilalim ng lupa.

A. lindol B. storm surge


C. bagyo D. PHILVOCS E. PAGASA
3. _____________ ang hindi pangkaraniwang pagtaas
ng tubig sa dagat o karagatan dulot ng lakas ng
hanging dala ng bagyo.

4. _____________ ang ahensiya ng pamahalaan na


nagbibigay babala sa mga paparating na bagyo.

5. Ang ______ ay isang halimbawa ng kalamidad na


may dalang malalakas na hangin at pag-ulan

A. lindol B. storm surge


C. bagyo D. PHILVOCS E. PAGASA
Suriin ang larawan
1. Ano-ano ang
katangiang pisikal
ang nakikita mo sa
mga larawan?

2. Paano ito
nakatutulong sa
pag-unlad ng
kabuhayan ng
bansa?
Katangiang Pisikal
ng Pilipinas
Anyong Tubig

1. Ilog- mahaba, makipot na


anyong tubig at tabang ang tubig.
a. Ilog Cagayan- pinakamahabang
ilog sa Pilipinas
b. Ilog Grande ng Mindanao
c. Ilog Pasig ng Maynila
Anyong Tubig
2. Talon- anyong tubig na
bumabagsak mula sa mataas na lugar
o bundok
a. Talon Ma. Cristina ng Lanao del
Norte- piunagkukunan ng lakas hydro
b. Talon ng Pagsanjan ng Laguna-
kilala sa kanyang mga “rapids” o bilis
ng agos at kagandahan nito
c. Hinulugang Taktak ng Antipolo
Anyong Tubig
3. Dagat- mas maliit kaysa sa
karagatan ngunit parehong maalat
ang tubig.
a. Dagat Sulu
4. Look- anyong tubig na karugtong
ng dagat at halos napapaligiran ng
lupa.
a. Look ng Maynila- pinakamainam na
likas na daungan sa silangang bahagi
ng Asya
b. Look ng Tayabas
c. Look ng Subic
Anyong Tubig
5. Lawa- anyong tubig na napaliligiran
ng lupa
a. Lawa ng Taal – sa gitna nito
matatagpuan ang Bulkang Taal
b. Lawa ng Laguna - pinakakamalaking
lawa sa Pilipinas
7. Bukal- tubig na nanggagaling sa
ilalim ng lupa o sa gilid ng mga
kabundukan.
Ang lalawigan ng Laguna at Albay ay
tanyag sa pagkakaroon ng tinatawag
na mga “hotsprings”.
Anyong Lupa
1.Bundok- pinaka mataas na anyong lupa.
a. Bundok ng Apo o Mt. Apo ng Davao - itinuturing na
pinakamataas na bundok sa bansa at may taas na 2,954
metro.
Anyong Lupa
2. Bulubundukin- mahabang hanay ng kabundukan na
magkakatabi o dikitdikit.
a. Bulubundukin ng Sierra Madre ang pinakamahabang
bulubundukin sa Pilipinas na bumabagtas mula lalawigan ng
Cagayan hanggang sa lalawigan ng Quezon;
b. Bulubundukin ngg Cordillera
Anyong Lupa
3. Bulkan- may anyo at hugis tulad ng bundok ngunit may
butas at nagbubuga ng mga abo, lava at iba pa kapag ito ay
pumuputok. Tinatayang may 200 bulkan sa Pilpinas at 22
dito ay mag aktibo.
a. Bulkang Mayon ng Albay- tanyag sa buong daigdig dahil
sa hugis nito.
b. Bulkang Taal ng Batangas- pinakamaliit na aktibong
bulkan na nasa gitna ng Lawa ng Taal
c. Bulkang Pinatubo ng Zambales
d. Mt. Kanlaon ng Negros
Anyong Lupa
4. Kapatagan- patag na lupain at mainam
sakahan o taniman.
a. Ang Gitnang Luzon ay kilala bilang “Kamalig
ng Palay” o “Rice Granary” ng Pilipinas dahil
dito matatagpuan ang pinakamalawak na
kapatagan sa buong bansa.
5. Lambak- patag na lupa sa pagitan ng
dalawang bundok o burol.
a. Lambak ng Cagayan- pinakamalaking lambak
sa Pilipinas.
b. Lambak ng La Trinidad- tinaguriang “Salad
Bowl” ng Pilipinas.
Mga Kahalagahan ng
Katangiang Pisikal
sa Pag-unlad ng
Bansa
1. Ang pangunahing hanapbuhay ng mga Pilipino ay
pagsasaka, pangingisda at pagmimina sa iba’t- ibang
anyong tubig at anyong lupa ng bansa.
2. Ang mga hilaw na sangkap o materyales na
ginagamit ng iba’t ibang industriya ay nanggagaling sa
mga anyong lupa at anyong tubig .
3. Ang mga anyong lupa gaya ng mga kapatagan,
lambak ay pangunahing taniman ng palay, mais, tabako,
prutas, gulay at iba pa.
4. Ang Pilipinas ay mayaman sa iba’t ibang uri ng
mineral na namimina sa mga kabundukan gaya ng ginto
sa Paracale, nikel sa Surigao, chromite sa Zambales,
marmol sa Romblon na iniluluwas natin sa ibang bansa.
5. Ang mga bulkan, bukal at talon ay napagkukunan ng
lakas heotermal at lakas hydro na nakatutulong sa
suplay ng kuryente
a. Ang mga anyong tubig at lupa ay pangunahing
napagkukunan ng pagkain ng mga Pilipino. Pangunahing
pagkain ng mga Pilipino ang bigas at mais. Ang Gitnang
Luzon na may malalawak na kapatagan ay tinaguriang
“Rice Granary ng bansa at ang; ang Estancia sa
rehiyon ng Visayas ay kilala bilaang “fishing ground”
ng Pilipinas.
6. Ang mga anyong tubig gaya ng dagat, ilog at look ay
nakatutulong upang mapabilis ang paglalakbay o
ginagamit sa sistema ng transportasyon. Ang RORO
(Roll on, Roll off) ay higit na nakatulong sa
paglalakbay ng mga tao at pagbibiyahe ng mga
produkto sa iba’t ibang lugar ng bansa.
7. Ang mga tubig mula sa mga ilog at batis ay
nakatutulong sa pang-araw araw na pangangailangan ng
tao gaya ng tubig panlaba, panligo, pandilig at iba pa.
8. Ang mga natatanging anyong tubig at anyong lupa
gaya ng Boracay, dagat ng Siargao, Hundred Islands
sa Pangasinan, Bulkang Mayon, Bulkang Taal,
Underground River ng Palawan ay malaking tulong para
sa industriya ng turismo sa bansa.
PAG-USAPAN NATIN

1. Bakit kailangan ang wastong pangangalaga sa mga


katangiang pisikal ng bansa?

2. Paano ka makatutulong sa wastong pangangalaga


sa mga katangiang pisikal sa iyong pamayanan?

3. Alin sa mga natatanging anyong lupa o tubig ang


nais mong pasyalan? Bakit? Sa pamamasyal mo dito,
paano ka makatutulong upang ito ay mapangalagaan?
PAGTATAYA
Panuto: Isulat ang salitang TAMA sa patlang kung
wasto ang kaisipang ipinahahayag at MALI kung hindi
wasto

1. Ang Pilipinas ay isang arkipelago na binubuo ng mga


malalaki at maliliit na pulo. _________

2. Ang kabundukan ay may malaking kapakinabangan


sapagkat hinaharang nito ang mga malalakas na bagyo
na paparating sa bansa. __________
3. Maliit lamang ang pakinabang ng mga anyong tubig
sa industriya ng pangingisda sapagkat kakaunting isda
lamang ang mahuhuli rito. __________

4. Malaki ang naitutulong ng industriya ng agrikultura


sa bansa dahil nakakapagluwas ito ng mga hilaw na
produkto. __________

5. Ang industriya ng turismo ay may malaking ambag


sa paglago ng ekonomiya ng bansa.

You might also like