You are on page 1of 3

School LINGUNAN ELEMENTARY SCHOOL Grade Level FIVE

DAILY Teache Mrs. LINA R. CALVADORES Learning Area Araling Panlipunan


LESSON r
LOG Date and August 29, 2023 Quarter FIRST
Time 2:00-2:40, 3:00-3:40, 3:40 -4:20, 5:20-6:00

I. LAYUNIN:
A. Pamantayang Naipamamalas ang mapanuring pag-unawa at kaalaman sa kasanayang
Pangnilalaman : pangheograpiya, ang mga teorya sa pinagmulan ng lahing Pilipino upang
mapahahalagahan ang konteksto ng lipunan/ pamayanan ng mga
sinaunang Pilipino at ang kanilang ambag sa pagbuo ng kasaysayan ng
Pilipinas
B.Pamantayan sa Naipamamalas ang pagmamalaki sa nabuong kabihasnan ng mga
Pagganap : sinaunang Pilipinogamit ang kaalaman sa kasanayang
pangheograpikal at mahahalagang konteksto ng kasaysayan ng
lipunan at bansa kabilang ang mga teorya ng pinagmulan at pagkabuo
ng kapuluan ng Pilipinas at ng lahing Pilipino
C. Mga kasanayan sa Natutukoy ang katangian ng Pilipinas bilang isang archipelago.
Pagkatuto:
II. Nilalaman: KATANGIAN NG PILIPINAS BILANG ISANG ARCHIPELAGO
III.Kagamitang Panturo:
A. Sanggunian:
1. Mga pahina sa MELC pp. 39
Gabay ng Guro
2. Mga pahina sa LM pp. 5-17
Kagamitang Pang
Mag-aaral

3. Mga pahina sa
Textbuk
4. Mga Karagdagang PIVOT
kagamitan mula sa
Portal
B. Iba pang globo, mapa, larawan, powerpoint
kagamitang Panturo

IV. Pamamaraan
A. Pagsasanay/Balik- Anong kontinente ang Pilipinas?
aral
B.Paghahabi ng layunin ng Magpakita ng mapa ng Pilipinas.
aralin

C.Pag-uugnay ng mga Katangian ng Pilipinas Bilang Isang Archipelago


halimbawa sa bagong Ang Pilipinas ay isang kapuluan na tinatawag na ARCHIPELAGO.
aralin Binubuo ito ng7,107 na pulo. Ayon sa NAMRIA (National Mapping and
Resource Information Authority)ito ay binubuo ng 7,641 pulo.

300,000 kilometrong parisukat – ang lawak ng lupaing ng


Pilipinas o 30,000,000 ektarya. 1,840 milya ang haba at 688 milya ang
lapad. 17,462 kilometro ang haba ng baybayin ng Pilipinas.

Pulo ng Y’AMI- pinakadulong pulo sa hilaga na may layo lamang na


124.8 kilometro sa Taiwan.
Pulo ng SALUAG – pinaka- dulong pulo sa timog na may layo na 32
kilometro sa Borneo.

Ang tatlong malalaking pulo ng Pilipinas ay ang Luzon, Visayas at


Mindanao. Ito rin ay may sampung malalaking pulo gaya ng Luzon,
Mindanao, Samar, Negros, Palawan, Panay, Mindoro , Leyte, Cebu
at Bohol.

1
School LINGUNAN ELEMENTARY SCHOOL Grade Level FIVE
DAILY Teache Mrs. LINA R. CALVADORES Learning Area Araling Panlipunan
LESSON r
LOG Date and August 29, 2023 Quarter FIRST
Time 2:00-2:40, 3:00-3:40, 3:40 -4:20, 5:20-6:00

Ang Bundok Apo sa Davao- ang pinakamataas na bundok, ito ay


may taas na 9,690 talampakan.
Ang Bundok ng Sierra Madre- ang pinakamahabang bulubundukin.
Sagana din ito sa mga bulkan. May humigit kumulang limampu’t
dalawa ang mga bulkan sa bansa.
Bulkang Mayon sa Albay- ang kinikilalang pinakamagandang bulkan
sa Pilipinas.
Bulkang Taal sa Batangas- ang pinakamaliit na bulkan sa daigdig.
Ang iba pang kinikilalang bulkan ay Banahaw sa Quezon, Bulusan sa
Sorsogon, Hibok-hibok sa pulo ng Camiguin at bundok ng Pinatubo sa
Zambales.
Sa buong kapuluan ay matatagpuan din ang matataba at malalawak
na kapatagan at lambak. Ang Gitnang Luzon ang pinakamalaking
kapatagan. Lambak ng Cagayan ang pinakamalaking lambak.

Ang Pilipinas ay isang archipelago. Pinalilibutan ang mga isla nito ng


tubig. Ang ilan sa mahahalagang ilog sa Luzon ay Ilog Cagayan, Ilog
Agno, Ilog Pampanga, Ilog Abra, Ilog Pasig at ilog Sipokot sa Bicol. Ang
Ilog Hilabangan ang pinakamalaking ilog sa kabisayaan at Rio Grande
de Cotabato naman ang kilalang ilog sa Mindanao.Ang Ilog sa Ilalim ng
Lupa sa Palawan (Underground River of Palawan) ang pinakatanyag at
may pinakamalaking atraksyong ilog sa mga turista. Ang Lawa ng
Laguna naman ang siyang pinakamalaking lawa sa Pilipinas. May mga
tanyag din na talon tulad ng Talon ng Pagsanjan sa Laguna at Talon
ng Maria Cristina sa Lanao Dala rin ng pagiging archipelago ng
Pilipinas, marami itong anyong tubig na pinamumugaran ng yamang
tubig , dagat man o tabang. Pating Bulik o Whale Shark ang
pinakamalaking isda sa buong mundo. Pandaca Pygmaea ang
pinakamaliit na isda bago natuklasan ang sinarapan.
D.Pagtalakay ng bagong Panuto: Sagutin ang mga tanong.
konsepto at pag-lalahad ng 1. Bakit tinawag na archipelago ang Pilipinas?
bagong Kasanayan #1 2. Ano ang lawak ng lupain ng Pilipinas?
3. Ano ano ang mga katangian ng Pilipinas bilang isang archipelago?
E.Pagtalakay ng bagong Panuto: Ayusin ang mga titik upang mabuo ang salita
konsepto at paglahad ng 1. N O L Z U - (Ang pinakamalaking pulo sa Pilipinas.)
bagong kasanayan #2 2. S L A U G A – ( Pinakadulong pulo sa timog ng Pilipinas)
3. O Y A N M L N U K B A G – (Kinilalang pinakamagandang bulkan sa
Pilipinas)
4. C R H E P O G L A I – ( Binubuo ng maliliit at malalaking pulo na
napapaligiran ng tubig.)
5. R G A A A K A N T G K S I P A I P O – ( Pinakamalaking karagatan
sa mundo)
F.Paglinang sa Panuto: Sagutin ng FACT kung tama at BLUFF kung mali.
Kabihasaan (Tungo sa ___________1. Sa mapping na naisagawa ng NAMRIA nakapagtala sila
Formative Test) ng 7,641 bilang ng
pulo sa Pilipinas.
___________2. Ang Pasig ay nasa Pambansang Punong Rehiyon o NCR.
___________3. Tinawag na bansang archipelago ang Pilipinas dahil ito
ay binubuo na mga malalaking pulo lamang.
___________4. May pinakamahabang baybayin ang Pilipinas sa buong
mundo.
___________5. Ang pinakatimog na pulo ng Pilipinas ay ang Y’Ami sa
Batanes.
G.Paglalapat ng aralin sa Dumating ang kaibigan mo buhat sa ibang bansa. Gusto niyang
pang araw-araw na buhay malaman ang tungkol sa ating bansa? Paano mo maipagmamalaki ang
iyong bansa bilang isang bansang archipelago?
H.Paglalahat ng aralin Ang Pilipinas ay isang kapuluan na tinatawag na ARCHIPELAGO. Ito
ay binubuo na mga malalaki at maliliit na mga pulo na pinapalibutan
ng katubigan.
I.Pagtataya ng aralin: Panuto: Lagyan ng / kung katangian ng Pilipinas bilang isang
archipelagoang tinutukoy at x kung hindi

2
School LINGUNAN ELEMENTARY SCHOOL Grade Level FIVE
DAILY Teache Mrs. LINA R. CALVADORES Learning Area Araling Panlipunan
LESSON r
LOG Date and August 29, 2023 Quarter FIRST
Time 2:00-2:40, 3:00-3:40, 3:40 -4:20, 5:20-6:00

________1. May pinakamahabang baybayin ang Pilipinas.


_________ 2. Ang bansa ay nakakaranas ng dalawang uri ng panahon –
tag-araw at tag-ulan.
_________ 3. Mainam na magtayo ng negosyo kaya maraming
dumadayong mangangalakal..
_________ 4. Binubuo na hiwa-hiwalay na malalaki at maliliit na pulo.
_________ 5. Maraming yamang tubig na makukuha dito.
J.Karagdagang Gawain Panuto: Basahin at unawain mabuti. Piliin ang titik ng tamang sagot.
para sa takdang aralin at 1. Ang mundo ay may pitong kontinente. Saang kontinente
remediation. napapaloob ang Pilipinas?
A. Africa B. Asya C. Australia D. Europa
2. Ano ang kilalang pinakamagamdang bulkan sa ating bansa?
A. Bulkang Taal C. Bulkang Mayon
B. Bulkang Bulusan D. Bulkang Pinatubo
3. Saang direksyon sa Asya makikita ang Pilipinas?
A. Timog Silangan C. Hilagang Silangan
B. Timog Kanluran D. Hilagang Kanluran
4. Ang Pilipinas ay binubuo ng malalaki at maliliit na pulo.Ano ang
pinakamalaking
pulo sa bansa?
A. Visayas B. Luzon C. Mindanao D. Palawan
5. Saang sa mga pulo sa ating bansa makikita ang Pasig?
A. Samar B. Visayas C. Luzon D. Mindanao
V. Mga Tala Score Diamond Pearl Amethyst Emerald
5
4
3
2
1
0
VI.Pagninilay

You might also like