You are on page 1of 9

1st Quarter Araling Panlipunan 4

Week 3
Aralin: Hangganan at Lawak ng Teritoryo ng
Pilipinas gamit ang Mapa

I. Panimulang Nilalaman

A. Pamantayang Pangnilalaman:
Ang mag-aaral ay naipamamalas ang pag-unawa sa konsepto ng
bansa. Naipamamalas ang pag-unawa sa pagkakakilanlan ng bansa
ayon sa mga katangiang heograpikal gamit ang mapa.

B. Pamantayan sa Pagganap
Ang mag-aaral ay naipapaliwanag na ang Pilipinas ay isang bansa.
Naipamamalas ang kasanayan sa paggamit ng mapa sa pagtukoy ng
iba’t ibang lalawigan at rehiyon ng bansa.

C. Pamantayan sa Pagkatuto
- Natatalakay ang hangganan at lawak ng teritoryo ng Pilipinas gamit
ang mapa
- Nalalaman ang mga hangganan ng teritoryo ng Pilipinas gamit ang
mapa
- Nailalarawan ang hangganan at lawak ng teritoryo ng Pilipinas.

D. Pinakamahalagang Kasanayan sa Pagkatuto (MELC)


Natutukoy ang mga hangganan at lawak ng teritoryo ng Pilipinas
gamit ang mapa

II. Nilalaman: “Hangganan at Lawak ng Teritoryo ng Pilipinas gamit


ang Mapa”
1st Quarter Araling Panlipunan 4
Week 3
Aralin: Hangganan at Lawak ng Teritoryo ng
Pilipinas gamit ang Mapa

Konsepto ng Aralin

Konsepto ng Aralin
Ang Hangganan at Lawak ng Teritoryo ng Pilipinas

Lokasyon Hangganan at lawak ng Pilipinas Gamit ang Mapa


Ang lokasyon ay nagsasaad ng
permanenteng lokasyon ng isang
lugar sa ibabaw ng mundo.
Nabibigay ito sa pamamagitan
ng termino o paggamit ng latitud
(latitude) at longitud (longitude)

Matatagpuan ang tiyak na lokasyon


ng Pilipinas sa pagitan ng 4 digri
23’ at 21 digri 25’ Hilagang latitud at
sa pagitan ng 116 digri at 127 digri
Silangan longhitud.

Lokasyong Insular at Lokasyong Bisinal


Sa hilaga ang Babuyan Channel sa timog Celebes Sea, as kanluran ay West
Philippine Sea o South China Sea at ang Silangan ay Pasipiko o Karagatang
Pasipiko.
Ang lokasyong insular ay tinutukoy ang lokasyon sa pamamagitan ng
pag-alam sa mga anyong tubig na nakapaligid dito. Maaari ding sabihin na ang
lokasyong insular ay isang lokasyong maritima habang ang lokasyong bisinal ay
naitutukoy ang kinaroroonan ng isang lugar sa pamamagitan ng pag-alam sa
mga bansang katabi o hangganan nito.
Kahalagahan ng Lokasyon
Makikita ang istratigik na lokasyon ng Pilipinas [ara sa internasunal na ruta
ng mga sasakyang panghimpapawid at pandagat patungo sa iba’t ibang bansa.
Ang ganitong lokasyon ang nagibibigay sa Pilipinas ng kahalagahan sa larangan
ng kalakalan.

Ang Sukat ng Pilipinas


Ang Pilipinas ay may kabuuang sukat na 300,000 kilometro kwadraro.
Umaabot namn ito ng 300,000,000 ektarya. Ang bahaging dagat naman ito ay
may sukat na 438,957 milya kwadrado.

Ang 13 pinakamalaking pulo sa Pilipinas


Luzon – 105,708
Mindanao – 95,587
Samar – 13,271
Negros – 12,699
Palawan – 11,655
Panay – 11,520
Mindoro – 9,826
Leyte – 7,249
Cebu – 4,390
Bohol – 3,975
Masbate – 3,250
Catanduanes – 1,461
Basilan – 1,248

Ang Luzon at Mindanao ay kabilang sa 25 na pinakamalaking pulo sa buong


mundo. Luzon – nasa pang 14 at Mindanao – nasa pang 15 ranggo.

Kahalagahan ng Sukat
Ang sukat ng isang lugar ay mahalagang salik sa pagtaya ng
pangkabuhayan at pulitkal na potensyal ng bansa.

Kalimitan sa mga maliliit na bansa ay limitado ang kanilang yamang-lupa.

Ang pangangailangan para sa sapat na espasyo ay kailangan sa pagsuporta


ng malaking populasyon at pagbigay ng pagkakataon para sa ekspansyon at
kaunlaran.

Ang ating bansa ay halos hugis tatsulok. Kung babaliktarin naman ay katulad
ng letramg Y. Pahaba at hiwalay-hiwalay ang mga pulo sa ating bansa. Mahaba
ang baybayin ng Pilipinas ito ay may kabuuang sukat na 17,450 kilometro.
Konsepto ng Aralin

Saklaw ng Pambansang Teritoryo Ayon sa Kasaysayan

Disyembre 10, 1898 – Ang hangganan at limitasyon ng kapuluan ng Pilipinas


ay nasusulat sa kasunduan sa Paris sa pagitan ng Estados Unidos at Espanya

Nobyembre 7, 1900 – Kasunduan sa pagitan ng Estados Unidos at Espanya

Hulyo 2, 1930 – Kasunduan sa pagitan ng Estados Unidos at Britanya.

Artikulo II ng Kasunduan ng Paris 1898 - Ibinigay ang Espanya sa Estados


Unidos ang kapuluan ng Pilipinas.
Binayaran ng Estados Unidos ang Espanya ng dalawampung milyong dolyar
(20,000,000).
Di napasama sa Kasunduan sa Paris ang ilang porsyon ng kapuluan ng Sulu.
Nobyembre 7, 1900 – Idinadagdag ang mga kapuluan ng cagayan, Sulu, at
Sibutu pati na ang maliit na pulo na nakalatag sa baybayin ng Borneo.
Nagbayad na muli ang United States ng halagang isang daang libong dolyar
(100,000) sa Espanya.
Hulyo 2, 1930 – Nadagdagan na naman sa ikatlong pagkakataon ang
kapuluan ng Pilipinas.
Nakasaad sa kasunduan ang hangganan sa pagitan ng Pilipinas at Hilagang
Borneo.
1st Quarter Araling Panlipunan 4
Week 3
Aralin: Hangganan at Lawak ng Teritoryo ng
Pilipinas gamit ang Mapa

Konsepto ng Aralin

MGA DAPAT TANDAAN!


ANG HANGGANAN AT LAWAK NG TERITORYO NG PILIPINAS
 Lokasyon
Matatagpuan ang tiyak na lokasyon ng Pilipinas sa pagitan ng 4 digri 23’ at 21
digri 25’ Hilagang latitud at sa pagitan ng 116 digri at 127 digri Silangan
longhitud.

 Lokasyong Insular at Lokasyong Bisina


Sa hilaga ang Babuyan Channel sa timog Celebes Sea, as kanluran ay West
Philippine Sea o South China Sea at ang Silangan ay Pasipiko o Karagatang
Pasipiko.

KAHALAGAHAN NG LOKASYON

Ang 13 pinakamalaking pulo sa Pilipinas


 Luzon – 105,708
 Mindanao – 95,587
 Samar – 13,271
 Negros – 12,699
 Palawan – 11,655
 Panay – 11,520
 Mindoro – 9,826
 Leyte – 7,249
 Cebu – 4,390
 Bohol – 3,975
 Masbate – 3,250
 Catanduanes – 1,461
 Basilan – 1,248
1st Quarter Araling Panlipunan 4
Week 3
Aralin: Hangganan at Lawak ng Teritoryo ng
Pilipinas gamit ang Mapa

Pagsasanay 1
Magtala Ka!

Panuto: Kumuha ng mapa ng Timog-Silangan Asya. Itala ang ang mga bansang
karatig ng Pilipinas na matatagpuan sa apat na pangunahing direksiyon.

Mga Karatig Bansa ng Pilipinas

Hilaga Timog Kanluran Silangan


Pagsasanay 2
Isagawa Mo!

Panuto: Basahin at sagutan ang mga sumusunod na tanong sa ibaba.

1. Saang bansa sa Timog Silangang Asya ang nais mong puntahan? Bakit?

_____________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
__________________________.

2. Ilarawan ang kinalalagyan ng Pilipinas sa pamamagitan ng lokasyong insular.

_____________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________

Pagsasanay 3

Pagkumparahin Natin!

Panuto: Gamit ang venn diagram ipaliwanag ang pagkakatulad at pagkakaiba ng


Lokasyong Insular at Bisinal
Pagsasanay 4

Alamin ang Ating Hanganan..

Panuto: Basahin at unawain ang tanong sa ibaba. Sagutan ito na may


pagpapahalaga.

Bilang isang mag-aaral mahalaga ba na malaman natin ang hangganan at


lawak ng teritoryo ng ating Bansa?

_____________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________

Pagsasanay 5
Ibigay Mo!

Panuto: Magbigay ng limang malalaking pulo sa Pilipinas at ibigay


ang sukat nito.

1.
2.
3.
4.
5.
\

1st Quarter Araling Panlipunan 4


Week 3
Aralin: Hangganan at Lawak ng Teritoryo ng
Pilipinas gamit ang Mapa

Repleksyon / Pagninilay
Gawain 3
Pagguhit

Panuto: Iguhit ang teritoryo ng Pilipinas at isulat ang mga hangganan


nito.

You might also like