You are on page 1of 3

SIBIKA AT KULTURA

Unang Pasulit
Pangalan: _____________________________________
___________

Baitang/Seksyon:

I. Panuto: Isulat ang titik ng tamang sagot.


1. Ang pamayanan ay binubuo ng ____________.
a. hayop
b. mag-anak
c. bakuran
2. Ang mga parke ay nasa bahaging ___________.
a. paaralan
b. pasyalan
c. simbahan
3. Ang mga opisina ay matatagpuan sa pook __________.
a. pasyalan
b. kalakalan
c. minahan
4. Ang pulo ng Mactan ay nasa ___________.
a. Davao
b. Maynila
c. Cebu
5. Si Sultan Kudarat ay pinuno ng mga _________.
a. Amerikano
b. Hapon
c. Muslim
6. Sa Luneta binaril si ___________.
a. Dr. Jose Rizal
b. Andres Bonifacio c. Emilio Aguinaldo
7. Ang residensyal ay isang _____________.
a. bahay
b. sinehan
c. pasyalan
8. Mataba ang lupa sa pamayanan na _____________.
a. kabundukan
b. kapatagan
c. burol
9. Ang araw ay sumisikat sa ____________.
a. kanluran
b. silangan
c. timog
10. Ang Aparri ay nasa ____________.
a. timog
b. hilaga
c. silangan
II. Panuto: Ibigay ang mga sumusunod.
Dalawang uri ng pamayanan.
11.
12.
Ang pamayanan sa ibat ibang kapaligiran.
13.
16.
14.
17.
15.
18.
Apat na pangunahing direksiyon sa mapa
19.
21.
20.
22.
III. Panuto: Sagutin sa tama o mali ang mga sumusunod na mga tanong.
23. Magmamano sa kamay ng nakakatanda. ____________
24. Naglilinis lamang kapag may bisitang darating. _____________
25. Tinatawag na Ginoo, Ginang o Binibini ang ating mga guro.
___________
26. Tumutulong sa nangangailangan. _____________
27. Itapon ang basura sa tamang basurahan. _____________
28. Ang pamayanan ay isang pook na binubuo. _____________
29. Ang mapa ay ginagamit sa paghanap ng mga lugar at bagay sa
pamayanan. ____
30. Ang mga tao sa pamayanan ay dapat magtulungan upang umunlad.
__________
Unang Markahang Pagsubok

Makabayan II
Pangalan: _____________________________________ Baitang/Seksyon: ___________
I. Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang isinasaad sa bawat aytem. Letra lamang
ang isulat sa patlang ang tamang sagot.
_____ 1. Maraming pangkat ng Pilipino ang nakatira sa Pilipinas. Bawat pangkat ay may
sariling paraan ng pamumuhay. Aling pangkat ang matipid at mahilig sa
pakikipagsapalaran? a. Negrito
b. Ilokano
c. Cebuano
_____ 2. Sila naman ay masisipag at malilikhain. Tanyag ang hagdan-hagdang palayang
itinayo nila. Sino sila?
a. Ifugao
b. Waray
c. Manobo
_____ 3. Tahimik, nagkakalayo ang bahay at di gaanong maraming sasakyan sa ganitong
uri ng pamayanan. Ito ay pamayanang ___________.
a. rural
b. urban
c. pangisdaan
_____ 4. Isa sa mga pangunahing pangangailangan natin ang tirahan. Saan
nanggagaling ang mga produktong kahoy, tabla at torso na ginagawang bahay?
a. lungsod
b. kagubatan
c. kabundukan
_____ 5. Si Ferdinand Magellan ang namuno sa mga Espanyol na unang nakarating sa
Pilipinas. Saan matatagpuan ang krus na ipinatayo niya bilang simbolo ng
pagtanggap ng mga Pilipino sa Kristiyanismo?
a. Cebu
b. Bohol
c. Luneta
_____ 6. Makasaysayan ang lalawigan ng Bataan dahil dito matatagpuan ang Bundok
Samat na pinagtayuan ng Dambana ng _____________.
a. Kagitingan
b. mga Sundalo
c. Katapangan
_____ 7. Makasaysayan ang pook na ito dahil dito unang ipinahayag an gating kalayaan
at dito rin unang itinaas ang watawat ng Pilipinas. Ito ay matatagpuan sa _____.
a. Kawit, Cavite
b. Luneta Park
c. Mactan Park
_____ 8. Nagtataasan ang malalaking gusali, pabrika at bahay kalakal. Karaniwang
maraming tao at maingay sa ganitong uri ng pamayanan. Ito ay pamayanang
__.
a. komersyal
b. agrikultural
c. industriyal
_____ 9. Dito matatagpuan ang mga produktong tulad ng bigas, manok at baboy. Ito ay
pamayanang _________.a. minahan
b. sakahan
c. pangisdaan
____ 10. Matatagpuan sa lungsod ang pamayanang ito. Walang likas na yaman dito.
Umaasa lang ito sa mga produkto mula sa pamayanang rural. Karamihan sa
mga naninirahan dito ay mga mangangalakal at empleyado. Ito ay pamayanang
a. komersyal
b. industriyal
c. agrikultural
____ 11. Mahalagang tulong ito sa paghahanap ng lokasyon maging sa lugar na hindi pa
napupuntahan sapagkat ipinakikita nito ang tiyak na direksiyon o layo ng isang
lugar. Ano ito?
a. aklat
b. mapa
c. kalendaryo
____ 12. Upang mabilis ang pagtukoy sa isang pook, ang mapa ay gumagamit ng mga
a. mapa at globo
b. simbolo at pananda
c. compass
____ 13. Sagana sa likas na yaman ang Pilipinas. May ibat-ibang anyo ng lupa na
matatagpuan sa ibat-ibang lugar sa Pilipinas. Ano ang pinakamataas na anyong
lupa sa ating bansa? a. bundok
b. burol
c. bulkan
____ 14. Ang ating bansa ay mapalad sa pagkakaroon ng ibat-ibang anyong tubig. Ano
ang pinakamalaking anyong tubig sa ating bansa?
a. karagatan
b. look
c. talon
____ 15. Likas sa mga Pilipino ang palakaibigan lalo na sa kapitbahay. Maaari silang
makatulong sa panahon ng _________.
a. kagipitan
b. katahimikan
c. kasayahan
____ 16. Sinisikap nating umasa sa ating sarili upang mapaunlad ang ating kakayahan.
Gumagawa tayo ng paraan upang matugunan ang ating pangangailangan.
Tanda ito ng pagiging __________ ng mga Pilipino.
a. malikhain at mapamaraan
b. matapang at matalino
c. masigasig at masunurin
____ 17. Pinahahalagahan natin ang ating mga pamilya, mga kaibigan at lahat na malalapit sa atin. Ang pagdalaw sa kamag-anak o kaibigang may karamdaman ay
nagpapakita ng ating pagiging __________.
a. magalang
b. mapagmahal
c. madasalin
____ 18. Ang paggalang sa magulang ay dapat ugaliin sa araw-araw. Pinakikita nito ang
dangal ng pagkatao bilang __________ sa mga magulang.
a. paghigante
b. pagbayad ng utang c. pagtanaw ng utang na loob

____ 19. Gusto mo ng bagong damit. Sinabi ng nanay mo na wala pa kayong pera. Ano
ang dapat mong gawin?
a. magmamaktol sa isang sulok
b. mangungutang sa kaibigan para makabili
c. maghihintay kung kailan may pera ang nanay
____ 20. Patuloy na gumagamit ng dinamita ang mga mangingisda sa paghuhuli ng isda
sa kabila ng babala ng pamahalaan. Ano ang mangyayari kapag hindi sila titigil
sa paggamit ng dinamita? a. mabubuhay ang mga isda
b. mamamatay ang
mga isda
____ 21. Malaking tulong na ibinibigay sa atin ang kagubatan. Nakatutulong din ito sa
pagpipigil ng baha at pagguho ng lupa. Iwasan ang pagsunog sa kagubatan at
___________ natin ang mga punong pinutol.
a. itapon
b. palitan
c. gamiting panggatong
____ 22. Tunay na maraming bagay ang natatanggap natin mula sa yamang lupa at
yamang tubig kayay dapat natin itong _________.
a. pangalagaan
b. pabayaan
c. ipagwalang bahala
____ 23. Sagana sa mga likas na yaman ang Pilipinas. Mahalaga sa ating buhay ang mga
likas na yaman ng bansa. Alin sa mga sumusunod ang maling kaisipan sa
pagpapahalaga sa likas na yaman?
a. Nagtatanim ng mga halaman sa gilid ng bundok ang mga batang iskawt.
b. Naglunsad ng Clean and Green sa inyong barangay.
c. Tinatapon ng mga tao ang basura sa ilog.
____ 24. Maraming magagandang bulaklak sa Rizal Park. Ito ay iyong ____________.
a. Pipitasin pag walang nakatingin. b. Titingnan at hahangaan na lamang.
c. Puputulin ang isang sanga lamang.
____ 25. Pinili kang lider ng pangkat na magsasaliksik o magtatanong pa sa may alam
tungkol sa mga makasaysayang pook. Ikaw ay ____________.
a. Masisiyahan at pagbubutihin ang paggawa.
b. Magtatago dahil mahirap ang gawain.
c. Iaasa ang mga gawain sa mga kasapi.
____ 26. Ang panandang ginagamit sa mapa ay makatutulong upang matukoy ang tiyak
na

____ 27. Nais dalawin ni Mario ang kanyang lola sa probinsiya. Medyo malayo ang
kanyang pupuntahan. Aabutin siya ng tatlong oras bago marating iyon. Saan
direksiyon siya tutungo?
a. kagubatan
b. palayan c. istasyon ng bus
____ 28. Ang pamilya ni Mang Rudy ay may sariling bahay at lupang sakahan sa
probinsiya. Nais nilang lumipat sa Maynila kahit na walang tiyak sa trabaho. Ano
ang mas mabuting gawin ni Mang Rudy?
a. luluwas ng Maynila at doon manirahan
b. magpunta sa ibang lugar
c. pagbutihin na lang ang buhay sa probinsiya
____ 29. Labis-labis ang produktong palay ng mga taga Baryo Luntian ngunit kapus
naman ito sa ibang produkto tulad ng isda. Sa kabilang dako, ang Baryo
Dalayap ay saganang-sagana sa produktong dagat ngunit kulang naman sa
bigas. Ano ang dapat gawin ng mga mamamayan upang matugunan ang
kanilang pangangailangan?
a. Magpalitan o magbenta ng produkto ang bawat baryo.
b. Humingi ng tulong sa pamahalaan.
c. Itago ang sobrang produkto.
____ 30. Ang mga tao ay nagtatapon ng basura sa mga kanal. Ano sa palagay mo ang
mangyayari kapag bumagyo?
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________

You might also like