You are on page 1of 5

Pormat ng PIVOT 4A Lesson Exemplar para sa Baitang 5

Paaralan Baitang 5
Guro Antas
ARALING
Petsa Markahan UNANG MARKAHAN- W4
PANLIPUNAN
Oras Bilang ng 5
Araw

I.LAYUNIN Sa araling ito, ang mga mag- aaral ay inaasahang:


a. Natatalakay ang mga uri ng lipunan sa iba’t ibang bahagi ng
Pilipinas.
b. Naipaliliwanag ang ugnayan ng mga tao sa iba’t ibang antas
na bumubuo ng sinaunang lipunan.
c. Natatalakay ang papel ng batas sa kaayusang panlipunan.

A. Pamantayang Pangnilalaman Ang mag-aaral ay naipamamalas ang mapanuring pag-unawa


at kaalaman sa kasanayang pangheograpiya, ang mga teorya
sa pinagmulan ng lahing Pilipino upang mapahahalagahan
ang konteksto ng lipunan/pamayanan ng mga sinaunang
Pilipino at ang kanilang ambag sa pagbuo ng kasaysayan ng
Pilipinas.

B. Pamantayan sa Pagganap Ang mag-aaral ay naipamamalas ang pagmamalaki sa


nabuong kabihasnan ng mga sinaunang Pilipino gamit ang
kaalaman ng kasanayang pangheigrapikal at mahahalagang
konteksto ng kasaysayan ng lipunan at bansa kabilang ang
mga teorya ng pinagmulan at pagkabuo ng kapuluan ng
Pilipinas at ng lahing Pilipino.

C. Pinakamahalagang Kasanayan Nasusuri ang paraan ng pamumuhay ng mga sinaunang


sa Pagkatuto (MELC) Pilipino sa panahong Pre-kolonyal. Week 4 (MELC)Q1

D. Pagpapaganang Kasanayan Naipagmamalaki ang lipunan ng sinaunang Pilipino


Natatalakay ang mga uri ng lipunan sa iba’t ibang bahagi ng
Pilipinas
Naipaliliwanag ang ugnayan ng mga tao sa iba’t ibang antas
na bumubuo ng sinaunung lipunan.

E. Pagpapayamang Kasanayan

II. NILALAMAN Mga Sinaunang Lipunang Pilipino


III. KAGAMITAN PANTURO
A. Mga Sanggunian
a. Mga Pahina sa Gabay ng
T.G. pahina 23-27
Guro
b. Mga Pahina sa Kagamitang Learner’s Material
Pangmag-aaral “Pilipinas Bilang Isang Bansa” pahina 62-67
c. Mga Pahina sa Teksbuk

d. Karagdagang Kagamitan
mula sa Portal ng Learning
Resource
B. Listahan ng mga Kagamitang Mga Larawan, Balangkas ng Aralin,
Panturo para sa mga Gawain sa
Larawan ng mga unang gamit, batayang aklat
Pagpapaunlad at
Pakikipagpalihan
IV. PAMAMARAAN
A.Panimula ( I ) Alamin:
Payak ang kapaligiran ng Pilipinas na naging tahanan ng mga
unang Pilipino. Ibang-iba ito sa ating kapaligiran ngayon. Ang
mga unang Pilipino ay naliligiran ng mayamang kakahuyan at
halamanang nagbibigay sa kanilang kapasyahan ang
paggamit ng mga ito, ngunit hindi nila agad nalamanang
kahalagahan ng mga ito sa kanilang buhay. Ang aralin na ito
ay idinisenyo at isinulat upang magbigay ng dagdag sa iyong
kaalaman batay sa pagpapahalagang nakasaad sa
pinakamahalagang kasanayan sa Araling Panlipunan. Sa
araling ito, malalaman at mauunawaan mo ang iba’t ibang
paraan ng pamumuhay ng mga sinaunang Pilipino. Gayundin
naman sabay-sabay nating tuklasin kung paano sila namuhay
sa panahong ito.

Suriin
(Tingnan sa pahina 17)

Gawain sa Pagkatuto Bilang 1:


Pagmasdan ang mga larawan sa ibaba. Gamit ang iyong
sagutang papel ilarawan ang pamumuhay ng mga sinaunang
Pilipino.

B.Pagpapaunlad ( D) Subukin
(Tingnan sa pahina 17-18)

Gawain sa Pagkatuto Bilang 2:

Alam mo ba na ang mga unang Pilipino ay sa kweba


naninirahan? Sa yong palagay ano anong mga kasangkapan
ang ginagamit nila sa pang araw araw nilang buhay maging sa
kanilang hanapbuhay. Iguhit ito sa iyong kawaderno.

Tuklasin
Gawain sa Pagkatuto Bilang 3:

Napatunayan ng mga pag-aaral ng mga antropologo na ang


mga unang Pilipino ay nanirahan sa mga kapatagan at lambak
na malapit sa Mga ilog, dagat, lawa at look. Ang iba ay
nanirahan sa mga burol at bundok upang makakuha ng
pagkain at kagamitan na kailangan nila sa araw-araw. Magtala
ng mga naging gawain ng mga unang Pilipino sa kwaderno.
Pagyamanin

Gawain sa Pagkatuto Bilang 4:

Gamit ang inyong kwaderno, iguhit ang mga kabuhayan ng


mga sinaunang Pilipino, mga pamamaraan at kagamitan at
ang mga produktong gawa sa particular na kabuhayan.

C.Pakikipagpalihan ( E ) Isagawa

(Tingnan sa pahina 18)

Gawain sa Pagkatuto Bilang 5:

A. Bago pa matapos ang panahon ng Bagong Bato nang


magsimulang magsaka ang mga sinaunang Pilipino. Ilarawan
mo ang dalawang paraan ng pagsasaka ng mga Filipino.
B. Gumawa ng maiksing sanaysay tungkol sa mga paraan ng
pamumuhay ng mga sinaunang Pilipino? Ilagay ang inyong
sagot sa kwaderno.

Linangin
(Tingnan sa pahina 18)

Gawain sa Pagkatuto Bilang 6:

Batay sa iyong mga natutunan sa araling ito, punan ang


pahayag na nasa ibaba.

Ngayong araw na ito nakadama ako ng __________


________________________________.

Iangkop
(Tingnan sa pahina 18)

Gawain sa Pagkatuto Bilang 7:

Iguhit ang mga bagay na ginamit ng mga unang Pilipino sa


kanilang pamumuhay ayon sa pagbabago ng teknolohiya at
sa tapat nito iguhit ang katumbas nito sa kasalukuyang
pamumuhay.

D. Paglalapat (A) Isaisip


(Tingnan sa pahina 18)

Gawain sa Pagkatuto Bilang 8:

Sagutin ang mga sumusunod na tanong;


1.Paano natugunan ng mga unang Filipino ang kanilang
pangangailangan sa araw araw?

2. Ano anong mahalagng bahagi ang ginampanan ng bawat


pangkat sa sinaunang lipunang Filipino?

3.Paano nabibigyan ng pagkakataon ang mga taong nasa


mababang pangkat na maingat ang antas ng kanilang
pamumuhay?

Tayahin
(Tignan ang Activity Sheet)

Gawain sa Pagkatuto Bilang 9:

Basahin ang mga pangungusap sa bawat bilang at isulat kung


Panahong Paleolitiko, Neolitiko at panahon ng Metal ang
isinasaad ng bawat pangungusap.

1. Nanirahan ang mga tao sa tabi ng dagat at ilog.


2. Gumamit ang mga tao ng magagaspang na kasangkapang
bato.
3. Natutong magmina ang mga tao sa mga kabundukan.
4. Nagkaroon ng espelisasyon sa paggawa ang mga tao.
5. Ang mga tao ay nakikipagkalakalan sa mga mangangalakal
sa Timog-Silangnang Asya.

V. PAGNINILAY
Ang mga mag-aaral, ay susulat sa kanilang notbuk, journal o
portfolio ng kanilang kanilang personal na kaalaman o
natutuhan tungkol sa aralin .

Naunawaan ko na ___________________________.

Nabatid ko na _______________________________.
Quarter 1 Week 4: Kabuhayan ng Sinaunang
Pilipino
ACTIVITY SHEET

Tayahin:

Gawain sa Pagkatuto Bilang 9:

Basahin ang mga pangungusap sa bawat bilang at isulat


kung Panahong Paleolitiko, Neolitiko at Panahon ng
Metal ang isinasaad ng bawat pangungusap.

1.Nanirahan ang mga tao sa tabi ng dagat at ilog.

2. Gumamit ang mga tao ng magagaspang na


kasangkapang bato.

3. Natutong magmina ang mga tao sa mga kabundukan.

4. Nagkaroon ng espesyalisasyon sa paggawa ang mga


tao.

5. Ang mga tao ay nakipagkalakalan sa mga


mangangalakal sa Timog-Silangang Asya.

You might also like