You are on page 1of 4

ARALING PANLIPUNAN YUNIT II Aralin

15: Ang Kultura at Pagbubuo ng


Pagkakakilanlang Pilipino
56,500 views

 Share
 

 Like
 

 Download
 

 ...

EDITHA HONRADEZ
, super hero

 Follow

  

Published on Oct 8, 2016

Ang Kultura at Pagbubuo


ng Pagkakakilanlang Pilipino

...

Published in: Education

  9 Comments

  37 Likes
  Statistics
  Notes
Post

 Login to see the comments

 ARALING PANLIPUNAN YUNIT II Aralin 15: Ang Kultura at Pagbubuo ng


Pagkakakilanlang Pilipino
1. 1. Y unit II Aralin 15 Ang Kultura at Pagbubuo ng Pagkakakilanlang Pilipino Editha T. Honradez
Pasolo Elementary School Pasolo Valenzuela City
2. 2. Balik-aral: Paano nagsumikap ang mga Pilipino upang mapaunlad at maisulong ang ating kultura?
3. 3. Pag-aralan ang mga larawan:
4. 4. Sagutin: Anong tradisyon ng mga Pilipino ang ipinapakita sa mga larawan? Anong tradisyon ng
mga Pilipino ang ipinapakita sa mga larawan? Tukuyin ang mga katangian at mga tradisyon ng mga
Pilipino. Ano ang nais ipahiwatig ng mga larawan?
5. 5. ALAMIN MO Kilala ang mga Pilipino sa iba’t ibang kaugalian, tradisyon, at pagkain. Alam mo ba
ang iba pang mga katangian ng isang Pilipino? Subukin ang iyong kaalaman sa pamamagitan ng
pagbilog sa mga katangian na makikita sa palaisipan sa susunod na pahina. Maaaring pahalang o
patayo ang ayos nito.
6. 6. S I S T E M A N G M A Y P A D R I N O E G E N E A O U C B A Y A N I H A N M A W F A A
PPYOARRKLABWRMASDFGHJJKKUYIOAMAYALKJHGFSADRTY
KSPMUBPLMYDEBEVANCPIDEASDAOPOHPIOUEIGESALGHJGV
MAAWAINEHICAXOQWEBIOPSRACPAATTMBVYUIIMABUTING
PAGSASAMASIWAUERDUSSYMPNANPOYAPAGGALANGTOHPM
P G F A Y Bilugan ang mga katangiang Pilipino makikita sa palaisipan.
7. 7. Iba’t Ibang Katangian ng mga Pilipino
8. 8. Malapit na ugnayan ng Pamilyang Pilipino Binubuo ito ng mga lolo at lola, magulang, at kanilang
mga anak.
9. 9. Ama- pinuno ng pamilya, iginagalang siya at siya ang gumagawa ng huling pagpapasiya.
Nagtatrabaho siyang mabuti para sa kaniyang pamilya. Ina - tumutulong din sa paghahanapbuhay at
siyang namamahala sa gastusin ng pamilya. Minamahal din siya at ginagalang tulad ng ama. Lahat ng
mga miyembro ng pamilya – nagtutulungan din Lolo at lola - ang tagapayo. Mahalaga ang kanilang
opinyon sa bawat miyembro ng pamilya.
10. 10. Paggalang ng mga Anak sa kanilang mga Magulang Hindi tama para sa mga bata ang gumawa ng
desisyon nang hindi kumukonsulta sa kanilang magulang lalo na kung nakaasa pa sila sa mga ito. Ang
batang sumasagot sa kanilang magulang o sa nakatatanda sa kaniya ay itinuturing na kawalang-
galang. Dapat gamitin ang “po” kapag nakikipag- usap sa matatanda tulad ng lolo at lola.
11. 11. Maawain at Mapagbigay ang mga Pilipino Handa silang makiramay at magbigay ng suportang
emosyonal. Bukod dito, tumutulong din ang mga Pilipino sa pangangailangang pinansiyal, kahit pa
sapat lamang ang kita nila. Para sa mga hindi makapagbigay ng tulong pinansiyal, tumutulong sila sa
pamamagitan ng pagbibigay ng kanilang serbisyo.
12. 12. May Pakikisama Nagpapakita sila ng pagtutulungan sa paggawa at mabuting pagsasamahan.
Karaniwang umaayon ang mga Pilipino sa pananaw ng pangkat at iniiwasan niyang magsalita ng
nakasasakit tulad ng pagsasabi ng “hindi” nang walang pasubali. Ito ay upang hindi makasakit ng
damdamin ng kasama. Ang katangiang ito ay nakapagpapaunlad ng samahan ng isang grupo.
13. 13. Bayanihan Nangangahulugan na handa ang Pilipino sa oras ng pangangailangan, krisis, o
kalamidad. Hindi lamang sa pagbubuhat ng kubo o sama-samang pagtatanim o pag-aani nakikita ang
bayanihan. May iba’t ibang anyo ito sa kasalukuyang panahon. Halimbawa nito ay ang rescue
operation, kusang-loob na serbisyong pangkalusugan, at pagbibigay ng relief goods.
14. 14. Maagap ang mga Pilipino sa pagtulong sa mga taong nangangailangan nang hindi naghihintay ng
anumang kapalit. Sa pangkalahatan, mapagmahal sa kapayapaan ang mga Pilipino . Hangga’t maaari,
umiiwas sila sa pakikipag-away.
15. 15. Tradisyon
16. 16. PAMAMANHIKAN >Isa ito sa mga mahahalagang tradisyong Pilipino. Kalimitang ang pamilya
ng babae ang nangangasiwa nito. >Ang ikakasal na lalaki at ang kaniyang mga magulang ay dadalaw
sa pamilya ng babae para pormal na hingin ang kamay ng dalaga bilang mapapangasawa at para
mapag usapan ang darating na kasalan. >Kaugalian nang may dalang regalo ang bumibisitang
pamilya. >Isang magandang daan ito para sa dalawang partido na magkakilala.
17. 17. PAMAMANHIKAN
18. 18. PAGSAMA-SAMA NG PAMILYA • Karaniwang sa mga pagtitipon nagkakasama-sama ang
pamilya gaya ng Pasko, kasalan, pagkamatay ng isang mahal sa buhay, Bagong Taon, at araw ng
kapanganakan. • May mga pamilya namang nagtitipon-tipon kahit walang espesyal na okasyon. •
Layunin ng pagtitipon-tipon na mapanatili ang malapit na pag-uugnayan ng mga kasapi ng pamilya na
lubhang pinahahalagahan ng mga Pilipino.
19. 19. PAGSAMA-SAMA NG PAMILYA
20. 20. >Karaniwang may handaan tuwing pista sa isang lugar. >Maliban sa salo-salo ng pamilya at bisita,
may misa, parada, at iba-iba pang programa tuwing pista. PAGKAHILIG SA PISTA
21. 21. Iba’t ibang Pagdiriwang sa Ating Bansa
22. 22. Pagdiriwang Petsa Lugar ng Pista Paglalarawan Pista ng Sinulog Ikatlong Linggo ng Enero
Lungsod ng Cebu Panlalawigang patimpalak tungkol sa kahulugan ng pagdating ng mga mananakop
na Kastila para mapalaganap ang Kristiyanismo. Pista ng Sinulog
23. 23. Pista ng Sinulog
24. 24. Pagdiriwang Petsa Lugar ng Pista Paglalarawan Araw ng Cabanatuan Pebrero 3 Cabanatuan
Binibigyang diin ng parada ang paglago ng Nueva Ecija at pag-unlad ng Cabanatuan mula noong bago
dumating ang mga Espanyol hanggang sa pananakop ng mga Hapon at hanggang sa kasalukuyan.
25. 25. Pagdiriwang Petsa Lugar ng Pista Paglalarawan Semana Santa (Mahal na Araw) Marso 24–30
Buong bansa Pagpapakita ng paghihirap at pagkamatay ni Kristo Santa Cruz de Mayo o Santa Cruzan
Huling araw ng Mayo Lahat ng bahagi ng bansa Pista na nagtatampok ng magagandang dalaga ng
bansa na nakasuot ng magagarang tunika.
26. 26. Semana Santa (Mahal na Araw)
27. 27. Santa Cruz de Mayo o Santa Cruzan
28. 28. Pagdiriwang Petsa Lugar ng Pista Paglalarawan Pista ng Kalilang Abril 10– 15 Marawi City
Lanao del Sur Pista na nagpapaalaala ng anibersaryo ng charter ng Lungsod ng Marawi; pagpapakita
ng mga tradisyonal na awit at sayaw ng Muslim, eksibit ng kulturang Maranao, mga gamit, pagkain at
mga gawaing ukol sa relihiyong Muslim.
29. 29. Pista ng Kalilang
30. 30. Pagdiriwang Petsa Lugar ng Pista Paglalarawan Pista ng Maskara Oktubre 19 Bacolod City
Negros Occidental Pinakamalaking taunang pagdiriwang na nagpapa - kita ng pagmamahal at
kasayahan ng mga katutubong taga-Bacolod. Kasabay sa pagdiriwang ng charter ng lungsod ang mga
paligsahan sa isports, palatuntunang kultural, at pagsasayaw sa kalye ng mga nakasuot ng damit at
maskara tulad ng sa Mardi-Gras.
31. 31. Pista ng Maskara
32. 32. Pagdiriwan g Petsa Lugar ng Pista Paglalarawan Pista ng Gran Cordillera Nobyembre 17–25
Lungsod ng Baguio Pagdiriwang sa rehiyon na ginaganap sa Benguet taon-taon na nagtatampok ng
pagtitipon-tipon ng mga tribu na nagpa- pakita ng mga sayaw ng tribo at pagtatanghal ng mga ritwal
ng pasasalamat.
33. 33. Pista ng Cordillera
34. 34. Pagdiriwang Petsa Lugar ng Pista Paglalarawan Pista ng Higanteng parol ng San Fernando
Disyembre Paskuhan Village San Fernando, Pampanga Pista ng malahiganteng mga parol na may
iba’t ibang kulay. Sumusukat ng mula 10 hanggang 15 piye ang diyametro ng mga parol na ito.
35. 35. Pista ng Higanteng parol ng San Fernando
36. 36. Pagdiriwang Petsa Lugar ng Pista Paglalarawan Sayaw sa Obando Mayo 17–19 Obando, Bulacan
Tatlong araw na pagdiriwang ng pista ni San Pascual Baylon, Sta. Clara at Nuestra Señora de
Salambao. Ang mga mag-asawang walang anak, nagpapasalamat na mga magulang, nagpapasalamat
na mga magsasaka at mangingisda ay nagsasayaw sa kalye kasama ng mga babaeng may kasuotang
makukulay para ipagdasal ang mga bata at magandang ani.
37. 37. Sayaw sa Obando
38. 38. Pagdiriwan g Petsa Lugar ng Pista Paglalarawan Pista ng mga Pintado Hunyo 29 Tubod, Lanao
del Norte Isang kasiyahan sa kalye at paligsahan na nakasentro sa matatandang kaugalian ng pagta-
tattoo na nagpapahiwatig ng tapang at istatus sa isang pamayanan
39. 39. Pista ng mga Pintado
40. 40. Pagdiriwang Petsa Lugar ng Pista Paglalarawan Pista ng Sagayan Hulyo 3–5 Basco, Batanes.
Kakaibang pistang kultural na nagpapakita ng sayaw ng pakikidigma ng mga lalaking katutubo at ang
“Kasiduratan” ng mga babaeng Muslim na suot ang kanilang makukulay at kakaibang kasuotan.
Sumasali sa pistang ito ang lahat ng mga bayan ng lalawigan.
41. 41. Pagdiriwang Petsa Lugar ng Pista Paglalarawan Pista ng Palupalo Agosto 4–5 Malaybalay
Bukidnon Pagtatanghal kultural ng iba’t ibang bayan ng Batanes na nagpapakita ng mga kakayahan ng
mga Ivatan.
42. 42. Pista ng Palupalo
43. 43. Pagdiriwang Petsa Lugar ng Pista Paglalarawan Pista ng Kaamulan Setyembre 5–7 Bukidnon
Kakaibang pista ng mga awit, sayaw at sosyo-kultural na gawain na nagsasama at pinag-iisa ang mga
tribo ng pamayanan at ang iba pang mga sektor ng lalawigan ng Bukidnon.
44. 44. Pista ng Kaamulan
45. 45. GAWIN MO Gawain A Isulat sa notbuk ang T kung ang pahayag ay tama at M kung ang pahayag
ay mali. 1. May malapit na ugnayan ang mga pamilyang Pilipino. 2. Sa isang pamilyang Pilipino, ang
ina ang namumuno. 3. Lubhang maawain at mapagbigay ang mga Pilipino, lalo na sa pagtulong sa
mga taong nawalan ng mahal sa buhay. 4. Ang pakikipag-away sa kaibigan at pananakit ng damdamin
ang kahulugan ng pakikisama. 5. Ang sistemang padrino ay ang paggamit ng tagapamagitan kung may
hindi nagkakasundo.
46. 46. GAWIN MO 6. “Bahala na” ang ginagamit na ekspresyon kapag ang tao’y naniniwala na ang
kaniyang tagumpay at pagkabigo ay nakasalalay sa suwerte o kapalaran. 7. Ang ugali ng mga Pilipino
na tapusin ang mga gawain sa oras ay tinatawag na mañana habit. 8. Ang amor propio ay tumutukoy
sa pagpuna sa sarili. 9. Ang panggagaya ay isang katangian ng mga Pilipino. 10.Taglay ng Pilipino
ang mga kanais-nais at di- kanais- nais na katangian.
47. 47. Gawain B Itugma ang mga salita o parirala sa hanay B sa mga inilalarawan sa hanay A. Isulat ang
letra ng sagot sa notbuk.
48. 48. GAWIN MO Gawain C Pangkatang Gawain: Lights, Camera Action Suriin ang iba’t ibang
katangian at tradisyon ng mga Pilipino. Isa-isahin ang epekto at bunga sa pagbuo ng pagkakakilanlan
ng Pilipino. Pangkat I - Pakikisama Pangkat II - Pagkahilig sa pista Pangkat III - Pagkakalapit-lapit ng
pamilya Pangkat IV - Pagiging matulungin
49. 49. TANDAAN MO Mayaman at makulay ang kulturang Pilipino. Mahalagang bahagi ng ating
kultura ang iba’t ibang tradisyong Pilipino. Ang mga tradisyong ipinamana ay katibayan ng yaman
ng kulturang Pilipino.
50. 50. Kopyahin ang mga bilang. Lagyan ng bituin ( ) ang bilang kung ito ay tumutukoy sa iyo bilang
isang Pilipino at buwan (‚ ) kung hindi. 1.Pagdalo sa mga pista 2.Pagwawalang-bahala sa oras
3.Malikhain 4.Madasalin 5.Magaling makisama 6.Matulungin 7.Nakikiramay 8.Mahilig magsimula ng
gawain ngunit hindi tinatapos 9.May pagtatangi sa sarili 10.Panggagaya
51. 51. TAKDANG GAWAIN Gumawa ng isang liham na nagpapamalas sa paghanga sa mga katangian
at tradisyon ng mga Pilipino.
52. 52. Sanggunian: AP LM: Aralin 15, LM, pp. 204–211 K to 12 – AP4LKE https://www.google.com

You might also like