You are on page 1of 3

Department of Education

National Capital Region


Division of City Schools-Las Pinas
Dona Manuela Elementary School
Orchids St. Dona Manuela Subd., Pamplona III, Las Pinas City
Tel. No. 875-11-71

Banghay Aralin sa Araling Panlipunan V

I. Layunin
Natatalakay ang ibat-ibang reaksyon ng mga katutubong pangkat sa armadong pananakop

II. Paksang Aralin


a. Paksa: Ibat-ibang reaksyon ng mga katutubo sa kolonyalismong Espanyol
b. Sanggunian: Araling Panlipunan 5; Pilipinas Bilang Isang Bansa, pahina 216, internet
c. Kagamitan: tsart, manila paper, larawan, powerpoint

III. Pamamaraan

A. Panimulang Gawain
1. Panalangin
2. Pagbati
3. Pagkuha ng Liban
4. Balitaan

5. Balik Aral
Talakayin ang mga katutubong pangkat na hindi napasailalim sa mga Espanyol.
1. Isa sa mga lugar na hindi napagtagumpayang sakupin ng mga Espanyol.
2. Natuklasan ng mga Espanyol ang mina ng ginto mula kay.
3. Ang misyong relihiyoso sa Cordillera ay pinamumunuan nina.
4. Itinatag ang ____ upang mabantayan mga Igorot at mga taga Pangasinan.
5. Ano ang tawag sa serye ng labanan sa Mindanao.

B. Panlinang na Gawain

1. Pagganyak/Paglalahad
Ang guro ay magpapakita ng isang maikling video.

2. Pagbuo ng Suliranin
Ano-ano ang reaksyon ng mga katutubong pangkat sa armadong pananakop ng mga Espanyol?

3. Pangkatang Gawain
Hatiin ang mga mag-aaral sa apat na pangkat. Ibigay ang rubrics bilang pamantayan ng
gawain.
Panuntunan sa Pagbibigay ng Marka sa Pangkatang Gawain
PAMANTAYAN PUNTOS

Nasagot ng mahusay ang halos lahat ng katanungan 2

Naipaliwanag ang mga kasagutan ng mabuti 2

Naipamalas ng halos lahat ng miyembro ang pagkakaisa. 2

Natapos ang Gawain ng buong husay sa itinakdang oras 2

Laging nakahanda ang mga kagamitan sa pangkatang Gawain. 2

KABUUANG PUNTOS 10

Unang pangkat: Gumawa ng maikling tula na nagpapakita ng pagsuway ng mga igorot sa


patakarang Espanyol.
Ikalawang pangkat: Gumawa ng maikling kanta tungkol sa pakikidigma ng mga Muslim.
Ikatlong pangkat: Talakayin ang paglagda ng kasunduan ng mga Muslim.
Ikaapat na pangkat: Gumawa na maikling dula tungkol sa Pangangayaw ng mga Igorot.

4. Pag-uulat ng bawat pangkat


Ipabanggit sa mga bata ang wastong pamantayan ng pag-uulat.

5. Pagsusuri/Pagtatalakay
Magpapalaro ang guro ng Jeopardy at sasagutan ng mga mag-aaral ang mga katanungan.

6. Paglalahat
Ano ano ang mga naging reaksyon ng mga katutubo sa kolonyalismong Espanyol.

C. Pangwakas na Gawain

1. Paglalapat
Panuto: Talakayin ang tinutukoy ng mga sumusunod na pahayag. Pumalakpak kung ito ay tama at
ipadyak ang paa kung ito ay mali.
1.) Ang Headhunting ay isang tradisyon ng mga Igorot ng pakikidigma.
2.) Inilunsad ang anim na Moro War sa pagitan ng ika-16 at ika-19 na siglo.
3.) Ang mga Igorot ay umayon sa lahat ng nais ng mga Espanyol.
4.) Noong ika-17 siglo, nagkaroon ng hidwaan ang mga sultanato ng Sulu at Maguindanao.
5.) Napilitang lumaga sa kasunduan ang mga Muslim.

2. Pagpapahalaga
Bilang isang mag-aaral paano mo maipapakita ang iyong pagpapahalag sa kalayaan na iyong
tinatamasa.

D. Pagtataya
Panuto: Talakayin ang ibat-ibang reaksyon ng mga katutubong pangkat at isulat sa papel ang letra ng
tamang sagot.
a. Pagsuway ng mga Igorot sa patakarang Espanyol
b. Pangangayaw ng mga Igorot
c. Pakikidigma ng mga Muslim
d. Paglagda ng kasunduan ng mga Muslim

1. Inilunsad ang anim na Moro War sa pagitan ng ika-16 at ikaw-19 na siglo


2. Nagkaroon ng magkaibang interpretasyon ang dalawang panig sa kasunduan.
3. Hindi pagsunod ng mga igorot sa mga patakaran ng monopolyo ng tabako.
4. Hindi pangingilag sa kabila ng pagtatag ng pamahalaang militar sa Cordillera.
5. Ang pangangayaw o headhundting ay isang tradisyon ng mga Igorot ng pakikidigma at pagpugot sa
kaaway.

E. Takdang-aralin
Pumili ng isang reaksyon ng mga katutubo sa kolonyalismong Espanyol at iguhit ito sa isang
bond paper. Isulat kung anong reaksyon ang iyong ginuhit.

Panuntunan sa Pagbibigay ng Marka sa Takdang-aralin.

PAMANTAYAN PUNTOS

Nagawa ng mahusay at malinis ang takdang aralin 10

Nagawa ng mahusay ang takdang aralin 8

Nagawa ang takdang aralin 6

Hindi nagawa ng maayos ang takdang aralin 3

You might also like