You are on page 1of 5

Gawaing Pagkatuto sa Araling Panlipunan 5

Pangalan: __________________________________________________________
Antas: 5 Kwarter: 4 Aralin: 4

Naipapaliwanag ang pananaw at paniniwala ng mga sultunato (Katutubong


Muslim) sa pagpapanatili ng kanilang kalayaan (AP5PPKB-IVe-3)
Ang mag-aaral ay inaasahang:
1. nasusuri ang mga pananaw at paniniwala ng mga sultunato (Katutubong
Muslim) sa pagpapanatili ng kanilang kalayaan;
2. natutukoy ang anim na digmaang moro sa pagpapanatili ng kalayaan ng mga
Katutubong Muslim;
3. nakasusulat ng sariling kaisipan hinggil sa Digmaang Moro sa pagpapanatili
ng kalayaan ng mga Katutubong Muslim.

Basahin ang pahina 213-216 na nakapaloob sa aklat sa Araling Panlipunan 5,


Pilipinas Bilang Isang Bansa.

Mga Pananaw at Paniniwala ng mga Sultunato tungkol sa Kalayaan

Sa araling ito maipapaliwanag ang pananaw at paniniwala ng mga sultunato


(Katutubong Muslim) sa pagpapanatili ng kanilang kalayaan.

Noon pa man batid na natin ang katapangan at paninidigan ng mga Muslim


lalo na aspektong relihiyon. Sa mahabang panahon napanatili nila ang kanilang mga
pananaw at paniniwala sa kabila ng mahabang pananakop ng Espanyol sa ating
bansa. Ang masidhing pagtupad at pagyakap ng mga Muslim sa relihiyong Islam
ang dahilan kung kayat napanatili nila ang kanilang kalayaan sa kabila ng
pagpapalaganap ng mga Espanyol sa relihiyong Kristiyanismo. Sa kanilang
pagtatanggol sa kanilang relihiyon nagkaroon ng serye ng labanang tinawag na
“Digmaang Moro”. Anim na digmaan ang sumiklab sa pagitan ng mga Muslim at

1
Espanyol. Sa ika-apat na Digmaang Moro inilunsad ang kauna-unahang jihad o
banal na digmaan laban sa mga Espanyol.

Gawain A. SMILEy NAMAN DYAN!

Panuto: Lagyan ng masayang mukha ang mga pangungusap na


tumutukoy sa mga pananaw at paniniwala ng mga Katutubong Muslim at malungkot
na mukha naman kung hindi. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

________1. Malaki rin ang pagpapahalaga ng mga Muslim sa kalayaan.


________ 2. Ang relihiyong Islam ay ang paraan din ng pamumuhay ng mga Muslim
kung kaya ito ay kanilang ipaglalaban.
________ 3. Ang pagsakop sa kanilang teritoryo ay nangangahulugan ng malaking
digmaan hanggang kamatayan.
________ 4.Tinalikuran nila ang kanilang relihiyon at tinanggap ang relihiyong
Kristiyanismo.
________ 5. Ang pakikipaglaban ay pagpapakita ng kanilang pagtatanggol sa
kanilang kinagisnang relihiyon.
________ 6. Madali silang nakipagkasundo sa mga dayuhan.
________ 7. Ang kanilang pang-araw-araw na pamumuhay ay umiinog sa
pagsamba kay Allah.
________ 8. Ang kanilang panrelihiyong paniniwala ay hindi mawawala kapag sila
ay sumailalim sa kapangyarihan ng mga Espanyol.
________ 9. Ang mga Muslim ay walang pagpapahalaga sa kanilang kalayaan.
________ 10. Mataas ang pagpapahalaga ng mga Muslim sa kanilang pinuno.

Gawain B. PILLAR AH MAZE….

Panuto: Hanapin ang sagot sa caterpillar, sa mga pangungusap na


naglalarawan sa anim na digmaang moro na nasa kaliwa. Isulat ang iyong sagot sa
sagutang papel.

1. Nagsimula nang muling itatag


at buksan ang kuta ng mga
Espanyol sa Zamboanga at Unang Digmaang Moro
nagwakas nang salakayin ng mga
British ang Maynila.
2
2. Nagsimula nang salakayin ng
mga Espanyol ang tatlong
sultanato sa Visayas at nagwakas
Ikalawang Digmaang Moro
sa pagkakatatag ng himpilang
pangmilitar ng mga Espanyol sa
Zamboanga.

3. Nagsimula nang gawing


kolonya ng Spain ang Pilipinas sa
pamumuno ni Miguel Lopez de
Legazpi at nagwakas nang Ikatlong Digmaang Moro
salakayin ng mga Espanyol ang
Brunei.

4. Nagsimula nang tangkaing


sakupin ng mga Espanyol ang
Mindanao at nagwakas nang
magsara ang kutang itinatag ng Ika-apat na Digmaang Moro
mga Espanyol sa relihiyon.

5. Nagsimula nang magpadala


ng ekspedisyong military ang
mga Espanyol sa Sulu at Ikalimang Digmaang Moro
nagwakas nang mapasailaim ng
United States ang Pilipinas.

kanilang relihiyon at paraan ng


6. Nagsimula nang itatag ang
pamumuhay.
kuta ng mga Espanyol sa Ika-anim na Digmaang Moro
Zamboanga at nagwakas sa
pagkakasara nito.

Gawain C. SIKLAB NG PAGPAPAHAYAG

Panuto: Sumulat ng isang sanaysay na may sampung pangungusap na


nagpapahayag ng iyong pananaw sa Digmaang Moro upang mapanatili ang
kalayaan ng Katutubong Muslim. Ilagay ito sa short size bond paper.

3
Rubrik sa Pagsulat ng Sanaysay
Katangi-tangi (10) Mahusay (8) Nalilinang (6) Nagsisimula (4)

Naglalaman ng Naglalaman ng Naglalaman ng Hindi sapat ang


makabuluhan at malinaw malinaw na kalidad malinaw na impormasyon tungkol
na kalidad ng na impormasyon impormasyon sa paksa.
impormasyon tungkol sa tungkol sa paksa. tungkol sa paksa.
paksa.
May wastong daloy May lohikal na Hindi maayos ang
Detalyado, maayos at ng kaisipan at organisasyon impormasyong
madaling maunawaan ang madaling ngunit hindi sapat inilahad.
daloy ng mga maunawaan ang upang
kaisipan at impormasyon. impormasyon. mailahad ang
paksa.
Makabuluhan, malinaw at May malinaw na Limitado ang Malabo at limitado
malawak na mensahe. mensahe. mensahe. ang mensahe.

Ang natutunan ko…….

___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
__________________________________________________________________

 Gabuat, Maria Annalyn P., Mercado, Michael M., Jose, Mary Dorothy dL.,
Boncan, Celestina P. PhD, Villan, Vicente C. PhD., Araling Panlipunan 5,
2016, pahina 213-216.
 Most Essential Learning Competencies (MELC Based AP5 Quarter 4, Week 3
p.42)
 Prototype and Contextualized Daily Lesson Plan (DLP), Araling Panlipunan 5,
pahina 115-117

Inihanda ni:

KAIZZER MAE M. RECACHO


Castillo Elem. School/ Cabusao District

4
Gawain A.

1. 6.

2. 7.

3. 8.

4. 9.

5. 10.

Gawain B.

1. Ikalimang Digmaang Moro


2. Ikatlong Digmaang Moro
3. Unang Digmaang Moro
4. Ikalawang Digmaang Moro
5. Ika-anim na Digmaang Moro
6. Ikaapat na Digmaang Moro

Gawain C.

Ang sagot ay nakadepende sa gawa ng bata.

You might also like