You are on page 1of 6

1

Suriin
Sa araling ito, maipaliliwanag ang pananaw at paniniwala ng mga Muslim sa kanilang
relihiyong kinaaniban. Mahalagang malaman at matukoy kung bakit naging matatag ang
mga Muslim na ipagtanggol ang kanilang relihiyon at mapanatili ang kanilang kalayaan
laban sa mga mananakop.

Mga Katangian ng Sultanato at mga Pananaw ng mga Katutubong Muslim

Ang Sultanato ay ang pamahalaan ng mga Muslim sa Mindanao. Higit itong malaki kaysa
sa pamahalaang barangay. Pinamumunuan ito ng sultan. Organisado ang Sultanato. Ito
ang tumakot sa mga Espanyol na agad sakupin ang mga Muslim sa Mindanao. Matatapang
ang mga Muslim. Hindi sila basta nakikipagkasundo sa mga dayuhan. Malaki ang
pagmamahal nila sa kanilang pamahalaan at teritoryo. Ang pagsakop sa kanilang teritoryo
ay nangangahulugan ng malaking digmaan hanggang kamatayan. Malaki rin ang
pagpapahalaga ng mga Muslim sa kalayaan.

Ang Paglaban ng mga Muslim


Mula sa pagdating ng mga Espanyol hanggang sa sila ay umalis, naging malaking hamon
ang mga Muslim sa kanila. Maraming matapang na Pilipinong Muslim ang lumaban sa mga
Espanyol upang hindi sila masakop ng mga ito. Sila ay gumawa ng sariling armas na
kanilang ginamit laban sa mga dayuhan. May gobernador na nagpadala ng mga kawal
upang sakupin ang Mindanao. Nakapagpatayo sila ng mga pamayanan at kuta sa
Zamboanga, ngunit hindi nagtagumpay ang mga Espanyol na lupigin ang mga Muslim at
masakop ang buong Mindanao. Hindi nila nasakop ang lugar na ito dahil hindi nila napasuko
ang mga Muslim. Bilang paghihiganti, sinalakay ng mga Muslim ang mga pamayanan sa
may baybayin ng Luzon at Visayas. Tinangay nila ang maraming mamamayan at ipinagbili
sa ibang bansa. Gumugol ang pamahalaang Espanyol ng malaking halaga upang matigil
ang gawaing ito ngunit hindi nila ganap na nasupil ang mga Muslim. Noong 1851,
nakipagkasundo ang mga Espanyol sa Sultan ng Jolo upang mahinto ang labanan. Binigyan
nila ng kalayaang manampalataya sa Islam ang mga Muslim. Binigyan din ng pension ang
mga sultan at datu at hinayaan ang karapatan sa pagmamana ng mga anak at apo ng
Sultan sa trono ng Jolo. Bilang kapalit ng mga ito, kikilalanin ng mga Muslim ang
kapangyarihan ng Espanya, ihihinto na ang pananalakay ng mga Muslim at hindi
makikipagkasundo sa ibang bansa. Bagamat nagkaroon ng kasunduan ang mga Espanyol
at mga Muslim, kalian ma‘y hindi nila napasuko ang mga Muslim.

Pagtutol ng mga Katutubong Muslim


Noong 1565, may tatlong teritoryong Muslim - Maguindanao, Buayan, at Sulu. Mayroon
silang mga kaalyadong Muslim sa labas ng bansa. Unang sinalakay ng mga Espanyol ang
Sulu, bagamat natalo ay hindi tuluyang nasupil. Isinunod na sinalakay ang Maguindanao, sa
pamumuno ni Datu Dimasancay, napilitang umurong ng mga Espanyol. Ipinagpatuloy ng
mga Muslim ang pagtatanggol sa kanilang lupain laban sa Espanya. Noong 1597, natalo

2
ang mga taga-Maguindanao sa pamumuno ni Datu Buisan. Bunga nito, nakipagkasundo sila
sa mga Espanyol.

Pananalakay ng mga Muslim


Panandalian lamang ang pananahimik ng mga Muslim. Sila naman ang sumalakay sa Luzon
at sa Visayas bilang sagot sa kanilang pagkatalo. Hindi naging ligtas ang mga Espanyol sa
pananalakay ng mga Muslim kaya nagpasya silang lusubing muli ang Mindanao. Dito
nakilala ang kagitingan ni Sultan Kudarat ng Maguindanao. Tinawag sa kasaysayan na
Digmaang Moro ang pakikipaglaban ng mga Muslim sa mga Espanyol.

Mga Dahilan ng Digmaang Espanyol-Muslim (Digmaang Moro)


Gusto ng mga Espanyol na sakupin ang teritoryo ng mga Muslim subalit dahil sa
pagmamahal nila sa kanilang kalayaan, mas gugustuhin pa nilang mamatay kaysa magpa-
alipin sa mga dayuhan. Ang pakikipaglaban ng mga Muslim ay pagpapakita ng kanilang
pagtatanggol sa kanilang kinagisnang relihiyong Islam.

Pagyamanin

GAWAIN A
Panuto : Lagyan ng tsek (/) ang bilang kung ang pangugusap ay nagpapakita ng pananaw
at paniniwala ng mga Muslim at ekis (×) kung hindi.

______1. Malaki rin ang pagpapahalaga ng mga Muslim sa kalayaan.


______2. Hindi sila basta nakikipagkasundo sa mga dayuhan.
______3. Ang pagsakop sa kanilang teritoryo ay nangangahulugan ng malaking digmaan
hanggang kamatayan
______4. Tinalikuran nila ang kanilang relihiyon at tinanggap ang relihiyong Katoliko.
______5. Ang pakikipaglaban ay pagpapakita ng kanilang pagtatanggol sa kanilang
kinagisnang relihiyon.

3
Isagawa
Panuto: Sagutin ang sumusunod na tanong. Isulat ang mga sagot sa iyong
kwaderno.

1. Ano-ano ang mga katangian ng pamahalaang Sultanato?


_____________________________________________________________
______
2. Bakit naging matatag ang mga Muslim na ipagtanggol ang kanilang
relihiyon at mapanatili ang kalayaan laban sa mga Espanyol?
_____________________________________________________________
______

Tayahin
A. Panuto: Suriing mabuti ang tanong sa bawat bilang. Isulat ang titik
ng tamang sagot sa inyong sagutang papel.

1. Ano ang tawag ng mga Espanyol sa mga katutubong Muslim sa


Mindanao?
A. Minda B. Bisaya C. Cebuano D.
Moro

2. Ano ang relihiyon ng katutubong Muslim?


A. Buddhismo B. Kristiyanismo C. Islam D.
Sikhismo

3. Alin sa sumusunod na pangungusap ang nagpapakita ng paniniwala ng


mga Muslim?
A. Tinalikuran nila ang kanilang relihiyon at tinanggap ang relihiyong
Katoliko B. Ang relihiyong Islam ay ang paraan din ng kanilang
pamumuhay
C. Naniniwala ang mga Muslim sa iba’t- ibang relihiyon.
D. Gustong – gusto ng mga Muslim ang relihiyong Katoliko.

4. Alin sa sumusunod ang katangian ng pamahalaang Sultanato?


A. Ito ay pamahalaan ng mga Tagalog at Bisaya
B. Higit itong malaki kay sa pamahalaang barangay
C. Hindi ito organisado
D. Ang pamahalaang Sultanato ay pinamunuan ng isang kapitan.

5. Paano ipinakita ng mga katutubong Muslim ang pagmamahal sa


kalayaan?
A. nakigpaglaban
B. nakipagsundo
C. nakipagsabwatan
D. nagpanggap

4
B. Panuto: TAMA o Mali. Isulat sa inyong papel ang T kung tama
ang ipinahahayag ng pangungusap at M naman kung mali.
______1. Malaki ang pagpapahalaga ng mga Muslim sa kalayaan.
______2. Nakipagdigma ang mga Pilipinong Muslim laban sa mga
Espanyol upang ipagtanggol ang kanilang lupain laban sa
mananakop.
______3. Hindi naipagtanggol ng mga Pilipinong Muslim ang kanilang
lupain.
______4. Natakot ang mga Espanyol na kalabanin ang mga
katutubong Muslim dahil organisado ang mga ito.
______5. Ipinakita ng mga katutubong Muslim ang kanilang pagtutol sa
mga dayuhan sa pamamagitan ng pakikipagdigma.

SUSI SA PAGWAWASTO

ISAGAWA

1.pamahalaan ito ng mga Muslim sa Mindanao

2.higit itong malaki kaysa pamalaang barangay

3.pinamunuan ng sultan

4.organisado at matatapang

Tayahin
A. B.
1. D 1. TAMA
2. C 2. TAMA
3.B 3. MALI

4. B 4. TAMA

5. A 5. TAMA

Pagyamanin

Gawain A Gawain B
1. / 5./ 1. c 5.a

2. / 2. d

3. / 3. b

4. X 4. e

You might also like