You are on page 1of 12

5

PANGALAN:_____________________________________
BAITANG/SEKSYON:___________________________
____

ARALING PANLIPUNAN
Kwarter IV – Linggo 3 at 4
Pananaw at Paniniwala
ng mga Sultanato sa Pagpapanatili
ng Kanilang Kalayaan

CONTEXTUALIZED LEARNING ACTIVITY SHEETS


SCHOOLS DIVISION OF PUERTO PRINCESA CITY
Araling Panlipunan - Baitang 5
Contextualized Learning Activity Sheets (CLAS)
Kwarter IV – Linggo 3 at 4: Pananaw at Paniniwala ng mga Sultanato
sa Pagpapanatili ng Kanilang Kalayaan
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anumang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng pamahalaan o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda
kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o
tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
names, tatak o trademarks, palabas sa telebisyon, pelikula atbp.) na ginamit sa CLAS na
ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban
sa CLAS na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga
ito. Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa
anumang paraan nang walang pahintulot ng Kagawaran.
Inilathala ng Dibisyon ng Lungsod ng Puerto Princesa
Bumubuo sa Pagsusulat ng Contextualized Learning Activity Sheets

Manunulat: Josepha D. Esguerra-Antipuesto


Pangnilalamang Patnugot: Marites L. Arenio, Nora P. Mangasep, Mylene S. Talon

Editor: Nora P. Mangasep, Mylene S. Talon


Tagawasto: Nora P. Mangasep, Mylene S. Talon
Tagasuri: Marites L. Arenio, Fe O. Cabasal, Mylene S. Talon Maria Lea A. Magbanua,
Rodney M. Ballaran, Carissa M. Calalin, Jouilyn O. Agot

Tagaguhit: Gideon B. Cayubit


Tagalapat: Josepha D. Esguerra-Antipuesto

Tagapamahala:
Servillano A. Arzaga, CESO V, SDS
Loida P. Adornado PhD. ASDS
Cyril C. Serador PhD. CID Chief
Ronald S. Brillantes PhD. EPS-LRMS Manager
Marites L. Arenio, EPS – Araling Panlipunan
Fe O. Cabasal, PSDS
Eva Joyce C. Presto, PDO II
Rhea Ann A. Navilla, Librarian II

Pandibisyong Tagasuri ng LR:


Ronald M. Brillantes, Rodney M. Ballaran, Carissa M. Calalin,
Jouilyn O. Agot

Division of Puerto Princesa City-Learning Resource Management Section (LRMS)


Sta. Monica Heights, Brgy. Sta. Monica, Puerto Princesa City
Telephone No.: (048) 434 9438
Email Address: puertoprincesa@deped.gov.ph
Aralin 1
Pananaw at Paniniwala ng mga Sultanato
sa Pagpapanatili ng Kanilang
Kalayaan
MELC: Naipaliliwanag ang pananaw at paniniwala ng mga Sultanato (Katutubong Muslim)
sa pagpapanatili ng kanilang kalayaan AP5KBIVe-3

Mga Layunin:
1. Natutukoy ang mga pananaw at paniniwala ng mga Sultanato sa pagpapanatili ng
kanilang kalayaan
2. Nailalarawan ang mga katangian ng mga Sultanato sa pagpapanatili ng kanilang
kalayaan
3. Naipaliliwanag ang mga pananaw at paniniwala ng mga Sultanato sa pagpapanatili
ng kanilang kalayaan

Subukin Natin
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat tanong at isulat ang letra ng
tamang sagot sa patlang bago ang bilang ng aytem.

_____1. Ano ang dahilan ng Digmaang Espanyol-Muslim?


A. Hindi kinikilala ng mga Muslim ang kapangyarihan ng Espanya.
B. Nagrebelde ang mga Muslim dahil sa kalupitan ng mga Espanyol.
C. Gusto ng mga Espanyol na sakupin ang teritoryo ng mga Muslim.
D. Gustong makuha ng mga Muslim ang makabagong armas ng mga
Espanyol.

_____2. Anong katangian ang ipinamalas ng mga Pilipinong Muslim sa


pakikipaglaban sa mga Espanyol?
A. Kasipagan C. Katalinuhan
B. Katapangan D. Pagkakaisa

_____3. Bakit nakikipagkasundo ang mga Espanyol sa Sultan ng Jolo?


A. Upang mahinto ang labanan
B. Upang malinlang nila ang mga Muslim
C. Upang mahikayat ang mga Muslim sa relihiyong Katoliko
D. Upang kilalanin ng Muslim ang kapangyarihan ng Espanya

_____4. Bakit hindi tuluyang nasakop ng mga Espanyol ang Maguindanao?


A. Dahil malawak ang lugar na ito
B. Dahil hindi interesado ang mga Espanyol dito
C. Dahil walang sasakyan ang mga Espanyol patungo rito
D. Dahil nagkaisa ang mga Muslim laban sa mga Espanyol

1
_____5. Bakit pinayagan ng mga Espanyol na magkaroon ng kalayaan ang mga
Muslim?
A. Dahil mayaman ang mga Muslim
B. Dahil masunurin ang mga Muslim
C. Dahil hindi nagpasupil ang mga Muslim
D. Dahil hindi nila inabot ang lugar ng mga Muslim

_____6. Ano ang relihiyon ng mga katutubong Muslim?


A. Animismo C. Relihiyong Islam
B. Paganismo D. Relihiyong Katoliko

_____7. Ano ang tawag sa makasaysayang digmaan sa pagitan ng Muslim at


Espanyol?
A. Digmaang Katutubo C. Digmaang Moro
B. Digmaang Makabayan D. Digmaang Muslim-Espanyol

_____8. Bakit takot ang mga Espanyol na kalabanin ang mga katutubong Muslim?
A. Dahil marami silang kakampi
B. Dahil mas marami silang pera pambili ng lupang sasakupin
C. Dahil mas maraming malalakas na armas ang mga katutubong Muslim
D. Dahil sa hindi matinag na paniniwala at katapangan ng mga katutubong
Muslim

_____9. Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng pagtutol ng mga katutubong


Muslim sa mga dayuhan?
A. Pagkilala ng ibang relihiyon maliban sa relihiyong Islam
B. Pagsalakay sa mga dayuhan upang simulan ang digmaan
C. Pagbabayad ng malaking halaga ng pera kapalit ng kanilang kalayaan
D. Patuloy nilang ipinaglaban na mapanatili ang kanilang teritoryo at
kalayaan

_____10. Paano ipinakita ng mga katutubong Muslim ang pagmamahal nila sa


kalayaan?
A. Pakikipagkalakalan
B. Pagwawalang-bahala sa kalupitan ng mga dayuhan
C. Pakikipagkasundo at pakikipagkaibigan sa mga dayuhan
D. Pagtutol sa pananakop at paglaban ng kanilang paniniwala

2
Ating Alamin at Tuklasin

Sa mga nakaraang aralin, nabatid mo ang


mga naunang pag-aalsa ng makabayang Pilipino.
Nalaman mo ang naging dahilan ng kanilang pag-
aalsa laban sa mga Espanyol at ang kanilang
pagkabigo sa pakikipaglaban.
Sa araling ito, maipaliliwanag ang pananaw
at paniniwala ng mga Muslim sa kanilang
relihiyong kinabibilangan. Mahalagang malaman
at matukoy kung bakit naging matatag ang mga
Muslim na ipagtanggol ang kanilang relihiyon at
mapanatili ang kanilang kalayaan laban sa mga
mananakop.

Ano ang pamahalaang


sultanato?

Bakit nahirapan ang mga Espanyol sa


pagsupil sa mga Pilipinong Muslim?

Mga Katangian ng Sultanato at mga Pananaw ng mga Katutubong Muslim

 Ang sultanato ay ang pamahalaan ng Muslim sa Mindanao. Higit itong


malaki kaysa sa pamahalaang barangay.
 Pinamumunuan ito ng sultan. Organisado ang sultanato. Ito ang
tumakot sa mga Espanyol na sakupin ang mga Muslim sa Mindanao.
 Matatapang ang mga Muslim. Hindi sila basta nakikipagkasundo sa
mga dayuhan.
 Malaki ang pagmamahal nila sa kanilang pamahalaan at teritoryo. Ang
pagsakop sa kanilang teritoryo ay nangangahulugan ng malaking
digmaan hanggang kamatayan.
 Malaki rin ang pagpapahalaga ng mga Muslim sa kalayaan.

Ang Paglaban ng mga Muslim


Mula sa pagdating ng mga Espanyol hanggang sa sila ay umalis, naging
malaking hamon ang mga Muslim sa kanila. Maraming matatapang na Pilipinong
Muslim ang lumaban sa mga Espanyol upang hindi sila masakop ng mga ito. Sila
ay gumawa ng sariling armas na kanilang ginamit laban sa mga dayuhan.
May gobernador na nagpadala ng mga kawal upang sakupin ang Mindanao.
Nakapagtayo sila ng mga pamayanan at kuta sa Zamboanga, ngunit hindi
nagtagumpay ang mga Espanyol na lupigin ang mga Muslim at masakop ang buong
Mindanao. Hindi nasakop ng mga Espanyol ang lugar na ito dahil hindi nila
napasuko ang mga Muslim. Bilang paghihiganti, sinalakay ng mga Muslim ang mga
pamayanan sa may baybayin ng Luzon at Visayas.
3
Gumugol ang pamahalaang Espanyol ng malaking halaga upang matigil ang
gawaing ito ngunit hindi nila ganap na nasupil ang mga Muslim.
Noong 1851, nakipagkasundo ang mga Espanyol sa Sultan ng Jolo upang
mahinto ang labanan. Binigyan nila ng kalayaang manampalataya sa Islam ang
mga Muslim. Binigyan din ng pension ang mga sultan at datu at hinayaan ang
karapatan sa pagmamana ng mga anak at apo ng Sultan sa trono ng Jolo. Bilang
kapalit ng mga ito, kikilalanin ng mga Muslim ang kapangyarihan ng Espanya,
ihihinto na ang pananalakay ng mga Muslim at hindi makikipagkasundo sa ibang
bansa. Bagama’t nagkaroon ng kasunduan ang mga Espanyol at mga Muslim,
kailanma’y hindi nila napasuko ang mga Muslim.

Pagtutol ng mga Katutubong Muslim

 Noong 1565 may tatlong teritoryong Muslim – Maguindanao, Buayan,


at Sulu. Mayroon silang mga kaalyadong Muslim sa labas ng bansa.
 Noong 1578, tinangkang sakupin ng mga Espanyol ang Maguindanao.
 Unang sinalakay ng mga Espanyol ang Sulu, bagama’t natalo ay hindi
tuluyang nasupil.
 Isinunod na sinalakay ang Maguindanao, sa pamumuno ni Datu
Dimasancay, napilitang ipagpatuloy ng mga Muslim ang pagtatanggol
sa kanilang lupain laban sa Espanya.
 Noong 1597, natalo ang mga taga-Maguindanao sa pamumuno ni Datu
Buisan. Bunga nito, nakipagsundo sila sa mga Espanyol.

Pananalakay ng mga Muslim

 Panandalian lamang ang pananahimik ng mga Muslim.


 Sila naman ang sumalakay sa Luzon at sa Visayas bilang sagot sa
kanilang pagkatalo.
 Hindi naging ligtas ang mga Espanyol sa pananalakay ng mga Muslim
kaya nagpasya silang lusubing muli ang Mindanao.
 Dito nakilala ang kagitingan ni Sultan Kudarat ng Maguindanao.
 Tinawag sa kasaysayan na Digmaang Moro ang pakikipaglaban ng mga
Muslim sa mga Espanyol.

Mga Dahilan ng Digmaang Espanyol-Muslim o Digmaang Moro

 Gusto ng mga Espanyol na sakupin ang teritoryo ng mga Muslim


subalit dahil sa pagmamahal nila sa kanilang kalayaan, mas
gugustuhin pa nilang mamatay kaysa magpa-alipin sa mga dayuhan.
 Ang pakikipaglaban ng mga Muslim ay pagpapakita ng kanilang
pagtatanggol sa kanilang kinagisnang relihiyong Islam.

(Pinagkunan: Maria Analyn P. Gabuat, Michael M. Mercado, at Mary Dorothy dL. Jose, Pilipinas
Bilang Isang Bansa, Quezon City: Department of Education-Vibal Group Inc., 2016, 213-216.)

(Pinagkunan: “Pananaw at Paniniwala ng mga Sultanato sa Pagpapanatili ng Kanilang Kalayaan”,


CourseHero, Accessed March 18, 2021, https://www.coursehero.com/file/20765306/Pananaw-
ng-mga-Muslim-sa-Pagpapanatili-ng-kanilang-KalayaanLearners-Material-cora/.)

4
Tayo’y Magsanay
Gawain 1

Panuto: Lagyan ng tsek (/) ang bilang kung ang pangungusap ay nagpapakita ng
pananaw at paniniwala ng mga Muslim at ekis (x) kung hindi.

__________ 1. Malaki ang pagpapahalaga ng mga Muslim sa kalayaan.


__________ 2. Hindi sila basta nakipagkasundo sa mga dayuhan.
__________ 3. Ang pagsakop sa kanilang teritoryo ay nangangahulugan ng malaking
digmaan hanggang kamatayan.
__________ 4. Tinalikuran nila ang kanilang relihiyon at tinanggap ang relihiyong
Katoliko
__________ 5. Ang pakikipaglaban ay pagpapakita ng kanilang pagtatanggol sa
kanilang kinagisnang relihiyon.
__________ 6. Hindi nagpatalo ang mga Muslim sa sunod-sunod na pananalakay ng
mga Espanyol
__________ 7. Ang sultanato ay pinamumunuan ng kapitan.
__________ 8. Higit na malaki ang sultanato kaysa barangay.
__________ 9. Napilitang magpasailalim ang mga Muslim sa kapangyarihan ng mga
Espanyol.
__________ 10. Ang mga Muslim ay may matatag at malakas na mga sultanato.

Gawain 2

Panuto: Hanapin sa Hanay B ang konseptong tinutukoy sa Hanay A. Isulat ang titik
ng tamang sagot sa loob ng kahon.

Hanay A Hanay B

1. Pamahalaan ng mga Muslim sa Mindanao. A. Luzon at Visayas

2. Ugali ng mga Muslim na hindi sila basta B. Sultan Kudarat


nakikipagkasundo.

3. Pinunong Muslim na labis na kinatatakutan ng C. Sultanato


mga Espanyol.

4. Tawag sa pakikipaglaban ng mga Muslim sa mga D. Matapang


Espanyol.

5. Lugar na sinalakay ng mga Muslim bilang E. Digmaang Moro


paghihiganti sa mga Espanyol.

Ano-ano ang dahilan ng mga Muslim sa hindi pagpapasakop sa mga


Espanyol?
5
Ating Pagyamanin

Gawain 1

Panuto: Binagong Tama o Mali. Isulat ang salitang TAMA kung tama ang
isinasaad ng pangungusap. Kung mali, palitan ang salitang may salungguhit upang
maitama ang pangungusap.

________1. Noong 1578, tinangkang sakupin ng mga Espanyol ang Maguindanao.

________2. Noong 1597, natalo ang mga taga-Maguindanao sa pamumuno ni


Sultan Kudarat. Bunga nito, nakipagsundo sila sa mga Espanyol.

________3. Noong 1851, nakipagkasundo ang mga Espanyol sa Sultan ng Jolo


upang mahinto ang labanan.

________4. Ang pakikipaglaban ng mga Muslim ay pagpapakita ng kanilang


pagtatanggol sa kanilang kinagisnang relihiyong Islam.

________5. Tinawag sa kasaysayan na Digmaang Moro ang pakikipaglaban ng mga


Muslim sa mga Espanyol.

Gawain 2
Panuto: Ipaliwanag ang iyong sagot sa tanong na nasa loob ng kahon.

Ano ang mga pananaw at paniniwala ng mga Sultanato sa


pagpapanatili ng kanilang kalayaan?

______________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________

Bakit nakipagdigma ang mga Pilipinong Muslim laban sa mga Espanyol?

6
Ang Aking Natutuhan
Panuto: Isulat ang salitang angkop sa bawat patlang upang mabuo ang pagbubuod
ng aralin.

PAGBUBUOD, BUBUUIN KO
Ang S_______________ ay ang pamahalaan ng mga Muslim sa Maguindanao.
Labis na pinahahalagahan ng mga Muslim ang kanilang t_______________
at k____________. Ito ang dahilan kung bakit hindi sila n___________________
sa mga Espanyol.

Ating Tayahin
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat tanong at isulat ang letra ng
tamang2 sagot sa patlang bago ang bilang ng aytem.

_____1. Ano ang relihiyon ng mga katutubong Muslim?


A. Animismo C. Relihiyong Islam
B. Paganismo D. Relihiyong Katoliko

_____2. Ano ang tawag sa makasaysayang digmaan sa pagitan ng Muslim at


Espanyol?
A. Digmaang Katutubo C. Digmaang Moro
B. Digmaang Makabayan D. Digmaang Muslim-Espanyol

_____3. Anong katangian ang ipinamalas ng mga Pilipinong Muslim sa


makipaglaban sa mga Espanyol?
A. Kasipagan C. Katalinuhan
B. Katapangan D. Pagkakaisa

_____4. Bakit hindi tuluyang nasakop ng mga Espanyol ang Maguindanao?


A. Dahil malawak ang lugar na ito
B. Dahil hindi interesado ang mga Espanyol dito
C. Dahil walang sasakyan ang mga Espanyol patungo rito
D. Dahil nagkaisa ang mga Muslim sa mga Espanyol

7
_____5. Bakit pinayagan ng mga Espanyol na magkaroon ng kalayaan ang mga
Muslim?
A. Dahil masunurin ang mga sila
B. Dahil mayaman ang mga Muslim
C. Dahil hindi nila inabot ang lugar nila
D. Dahil hindi nagpasupil ang mga Muslim

_____6. Ano ang dahilan ng Digmaang Espanyol-Muslim?


A. Hindi kinikilala ng mga Muslim ang kapangyarihan ng Espanya.
B. Nagrebelde ang mga Muslim dahil sa kalupitan ng mga Espanyol.
C. Gusto ng mga Espanyol na sakupin ang teritoryo ng mga Muslim.
D. Gustong makuha ng mga Muslim ang makabagong armas ng mga
Espanyol.

_____7. Bakit nakikipagkasundo ang mga Espanyol sa Sultan ng Jolo?


A. Upang mahinto ang labanan
B. Upang malinlang nila ang mga Muslim
C. Upang mahikayat ang mga Muslim sa relihiyong Katoliko
D. Upang kilalanin ng Muslim ang kapangyarihan ng Espanya

_____8. Bakit medyo takot ang mga Espanyol na kalabanin ang mga katutubong
Muslim?
A. Dahil maraming silang kakampi
B. Dahil mas marami silang pera pambili ng lupang sasakupin
C. Dahil mas maraming malalakas na armas ang mga katutubong Muslim
D. Dahil sa hindi matinag na paniniwala at katapangan ng mga katutubong
Muslim

_____9. Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng pagtutol ng mga katutubong


Muslim sa mga dayuhan?
A. Pagkilala ng ibang relihiyon maliban sa relihiyong Islam
B. Pagsalakay sa mga dayuhan upang pagsimulan ng digmaan
C. Pagbabayad ng malaking halaga ng pera kapalit ng kanilang kalayaan
D. Patuloy nilang ipinaglaban na mapanatili ang kanilang teritoryo at
kalayaan

_____10. Paano ipinakita ng mga katutubong Muslim ang pagmamahal nila sa


kalayaan?
A. pakikipagkalakalan
B. pagwawalang-bahala sa kalupitan ng mga dayuhan
C. pakikipagkasundo at pakikipagkaibigan sa mga dayuhan
D. pagtutol sa pananakop at paglaban ng kanilang paniniwala

8
Susi sa Pagwawasto
Tayo’y Magsanay Ang Aking Natutuhan Ating Subukin
Gawain 1 Gawain 2 Ang sultanto ay ang pamahalaan ng 1) C 6) C
1) / 1) C mga Muslim sa Maguindanao. Labis 2) B 7) B
2) / 2) D na pinahahalagahan ng mga Muslim 3) A 8) D
3) / 3) B ang kanilang teritoryo at kalayaan. Ito 4) D 9) D
4) x 4) E ang dahilan kung bakit hindi sila 5) D 10) D
5) / 5) A nagpasakop sa mga Espanyol.
6) / Ating Tayahin
7) x 1) C 6) C
8) / 2) C 7) A
9) x 3) B 8) D
10) / 4) D 9) D
5) D 10) D

Ating Pagyamanin
Gawain 1 Gawain 2 (maaring kasagutan)
1. TAMA • Nais sakupin ng mga Espanyol ang teritoryo ng mga
2. Datu Buisan
Muslim ngunit matindi ang pagmamahal nila sa kanilang
3. TAMA
4. TAMA kalayaan kaya’t lumaban sila at hindi nagpa-alipin sa
5. TAMA mga dayuhan.
• Ang pakikipaglaban ang pagpapakita ng mga Muslim sa
pagtatanggol sa kanilang kinagisnang relihiyong Islam.

Sanggunian
Aklat

Gabuat, Maria Annalyn P., Michael M. Mercado, at Mary Dorothy dL. Jose. Araling
Panlipunan Pilipinas Bilang Isang Bansa. Quezon City: Department of Education-
Vibal Group, Inc., 2016.

Website

CourseHero. “Pananaw at Paniniwala ng mga Sultanato sa Pagpapanatili ng Kanilang Kalayaan.”


Accessed March 18, 2021. https://www.coursehero.com/file/20765306/Pananaw-ng-
mga-Muslim-sa-Pagpapanatili-ng-kanilang-KalayaanLearners-Material-cora/.

9
FEEDBACK SLIP

A. PARA SA MAG-AARAL

Maraming salamat sa paggamit ng CLAS na ito. Hangarin nito


ang iyong lubusang pagkatuto sa tulong ng iyong kapamilya. OPO HINDI

1. Kontento at masaya ka bang natuto gamit ang CLAS na ito?

2. Nasunod at nagawa mo ba ang mga proseso at pamamaraang


nakasaad para sa iba’t ibang gawain para sa iyong pagkatuto?

3. Ikaw ba ay ginabayan o sinamahan ng sinuman sa iyong


kapamilya para sa pag-aaral gamit ang CLAS na ito?

4. Mayroon bang bahagi sa CLAS na ito na ikaw ay nahirapan


(kung Opo, ano ito at bakit?)

B. PARA SA MAGULANG O TAGAPATNUBAY

Suhestiyon o Rekomendasyon para sa mas maayos na serbisyo


at pagkatuto ng inyong anak gamit ang CLAS na ito?

Mayroon (Pakisulat sa nakalaang guhit)

Wala

Contact Number : __________________________________

PANGALAN NG PAARALAN:

Pangalan at Lagda ng Guro:

Pangalan at Lagda ng Magulang


o Tagapatnubay:

Petsa ng Pagtanggap ng CLAS:

Petsa ng Pagbalik ng CLAS:

10

You might also like