You are on page 1of 2

IKATLONG MARKAHAN

IKAPITONG LAGUMANG PAGSUSULIT SA ARALING PANLIPUNAN 5

Pangalan: _______________________________________________________________ Iskor:


_________

Panuto: Basahing mabuti ang bawat aytem. Piliin ang letra ng tamang sagot at isulat sa
patlang bago ang bilang.

_____1. Noong 1571 sinimulang sakupin ng mga dayuhan ang Mindanao, dito na
nagsimula ang digmaan. Ano ang tawag sa labanang ito ng mga Muslim at
Espanyol?
A. Digmaang Moro B. pakikipaglaban para sa kalayaan
C. labanan ng mga katutubong Muslim D. sagupaan ng mga Espanyol at Pilipino
______2. Kailan ipinadala ni Gobernador-Heneral Francisco Sande ang kauna-unahang
ekspedisyon sa Mindanao?
A. 1576 B. 1577 C. 1578 D. 1579
_____3. Sinalakay at pansamantalang inokupa ng mga kolonyalistang Espanyol ang Lanao
at Sulu noong 1637. Lalo nitong pinasidhi ang paglaban ng mga katutubong
Muslim sa Mindanao. Naglunsad si Muhammad Dipatuan Kudarat ng digmaan sa
mga Espanyol noong 1656. Ano ang tawag sa digmaang ito na inilunsad ni
Muhammad?
A. banal na kautusan B. jihad
C. pakikidigma D. pag-aalsa
_____4. Bakit hindi naimpluwensiyahan na maging Kristiyano ang ilang pangkat ng mga
Pilipino?
A. Sila ay mga pagano.
B. Sila ay mga dating datu at sultan.
C. Sila ay nanlaban at hindi maabot ang lugar.
D. Sila ay nanirahan sa mga lungsod at may armas.
_____5. Bakit hindi tuluyang nasakop ng mga Espanyol ang Mindanao?
A. malawak ang lugar na ito
B. hindi interesado ang mga Espanyol dito
C. walang sasakyan ang mga Espanyol patungo rito
D. nagkaisa ang mga Muslim laban sa mga Espanyol
_____6. Bakit napasailalim sa pananakop ng mga Espanyol ang mga Pilipino noon?
A. Marami sa mga Pilipino ay Muslim.
B. Gumamit ng dahas ang mga Espanyol.
C. Walang sariling relihiyon ang mga Pilipino noon.
D. Dati nang mga Kristiyano ang mga Pilipino noon.
_____7. Alin sa mga sumusunod ang tumutukoy sa paraan ng armadong pananakop ng
mga Espanyol sa mga katutubong pangkat ng Pilipinas?
A. Binigyan ng mga Espanyol ang mga katutubo ng mga regalo.
B. Nakipagkalakalan ang mga Espanyol sa mga katutubo mula sa iba’t ibang panig
ng kapuluan.
C. Malupit na sinalakay ng hukbong kolonyal ang mga magsasakang nag-aalsa sa
iba’t ibang kapuluan.
D. Tinuruan ang mga katutubo ng wikang Espanyol upang madali nilang
maunawaan ang mga pagbabagong hatid ng mga dayuhan.
_____32. Ano ang tunay na hangad ng mga Espanyol kung bakit gusto nilang sakupin ang
mga katutubo sa Cordillera?
A. ipalaganap ang Kristiyanismo at hanapin ang mga ginto sa Cordillera
B. makakatulong ang mga katutubo na gumawa ng mga armas para sa mga
Espanyol
C. nais ng mga Espanyol na kunin ang mga lupain ng mga katutubo upang
pagtaniman ng palay
D. gusto nilang pabagsakin ang pwersa ng mga katutubo dahil nakakasagabal sila sa
ginagawang pagsakop ng mga Espanyol sa bansa
_____9. Kung ikaw ay kabilang sa pangkat ng mga Muslim sa panahon ng kolonyalismong
Espanyol, paano mo lalabanan ang puwersa ng mga Espanyol na sumalakay sa
Mindanao?
A. Unti-unting salakayin ang kampo ng mga Espanyol
B. Umatras na lang dahil hindi kaya ang mga sundalong Espanyol
C. Hindi agad susuko at lalabanan ang pwersa ng mga Espanyol na sumalakay sa
Mindanao
D. Salakayin ang imbakan ng armas ng mga Espanyol para gamitin sa
pakikipaglaban.
_____10. Bilang miyembro ng katutubong Pilipino sa Cordillera, ano ang nararapat gawin
upang maiwasan ang hangarin ng mga Espanyol na kayo ay magapi at masakop?
A. Magkaisa at buong tapang na labanan ang mga Espanyol na nais sumakop sa
lugar
B. Bigyan ng ginto upang hindi na ituloy ang pagsakop at pagbibinyag upang maging
Kristiyano
C. Magbayad ng buwis na sinisingil ng mga dayuhan at naging masunurin upang
hindi na sakupin pa ng mga Espanyol
D. Isuko ang kalayaan at ipinagpalit ang kinagisnang pananampalataya at kultura
sa mga Espanyol para na pagmalupitan ng mga dayuhan.

________________________________
Pirma ng Magulang

You might also like