You are on page 1of 1

IKATLONG MARKAHAN

IKA-ANIM NA LAGUMANG PAGSUSULIT SA FILIPINO 5

Pangalan: ____________________________________________________________ Iskor: _________

Panuto: Basahin at unawain ang bawat bilang. Isulat ang titik ng tamang sagot sa
puwang.

_____1. Ano ang tawag sa mga salitang magkapareho ang ibig sabihin?
A. kahulugan B. kasingkahulugan C. kasalungat D. katunog
_____2. Alin sa mga sumusunod ang tumutukoy sa mga salitang magkabaliktad ang
kahulugan?
A. kahulugan B. kasingkahulugan C. kasalungat D. katunog
_____3. Ang karamdaman ay naging laganap sa nayon. Alin sa mga sumusunod ang
kasingkahulugan ng salitang nasalungguhitan?
A. kumalat B. napigilan C. sumabog D. nawala
_____4. Hindi naging mabuti ang kalagayan ng prinsesa nang dumating ang matinding
taggutom. Alin sa mga sumusunod ang kasalungat ng salitang nasalungguhitan?
A. sumama B. lumisan C. pumunta D. lumapit
_____5. Alin sa mga sumusunod na mga salita ang magkasingkahulugan?
A. matangkad-pandak B. tamad-masipag
B. payak-simple D. bawasan-dagdagan
_____6. Alin sa mga sumusunod na mga salita ang magkasalungat?
A. Masarap-malinamnam B. dukha-mayaman
B. Peligro-panganib D. magarbo-marangya

Panuto: Hanapin sa pangungusap ang kasingkahulugan ng mga salitang may diin.


Salungguhitan ang mga ito.

7. Matalim ang tinging ipinikol ni Nardo sa kanyang kaaway kaya’t nanlilisik ding mga
tingin ang ipinukol nito sa kanya.

8. Naramdaman niya ang sobrang pag-aaruga ng kanyang mapagmahal na ina kaya naman
inaalagaan niya ito hanggang sa huling sandali ng buhay nito.

Panuto: Suriin ang mga sumusunod na mga salita sa bawat bilang. Tukuyin kung ang
mga ito ay magkasingkahulugan o magkasalungat. Isulat ang sagot sa patlang.

_______________________9. maputi – makinis maganda – marikit


hinagupit – sinalanta dukha – mahirap

_______________________10. mabagal – matulin mahirap – mayaman


dagdagan – bawasan mahinahon – galit

____________________________________
Pirma ng Magulang

You might also like