You are on page 1of 3

DON GREGORIO O.

BALATAN INSTITUTE
Siramag, Balatan, Camarines Sur

PAUNANG BUWANANG PAGSUSULIT


Filipino 7
Pangalan: ________________________ Baitang: ________________
Petsa: ________________________ Iskor: ________________
I. Naibibigay ang kasingkahulugan ng salita ayon sa gamit sa pangungusap
(F7PT-Ia-b-1).
A. Ibigay ang kasingkahulugan (kaparehong kahulugan) ng mga salitang nakadiin
ayon sa pagkagagamit nito sa pangungusap. Bilugan ang titik o letra ng tamang
sagot.
1. Hindi nakinig ang sultan sa pagsusumamo ng kanyang anak na dalaga.
a. pagdadabog b. pagmamakaawa c. pagkainis d. pagsigaw
2. Ang panangis ng dalaga ay hindi man lang pinansin ng ama.
a. pagsigaw b. pag-iyak c. panunuyo d. pagkagalit
3. Nagpupuyos ang sultan dahil sa ginawa ng kanyang anak.
a. nagmamalaki b. nanghihina c. galit na galit d. nauupos
4. Ang malupit na sultan ay nasawi nang lumindol sa kaharian.
a. nasaktan b. nasugatan c. nahirapan d. namatay
5. Napagtanto ng lahat na mabuti palang tao ang kanilang bagong sultan.
a. naitanong b. nalaman c. napagpasiyahan d. napag-usapan
B. Naibibigay ang kasalungat (kabaliktaran) na kahulugan ng salita ayon sa gamit sa
pangungusap (F7PT-Ia-b-1)
Ibigay ang kasalungat (kabaliktarang kahulugan) ng mga salitang nakadiin ayon sa
pagkagagamit nito sa pangungusap. Bilugan ang titik o letra ng tamang sagot.
6. Matapang, malakas, mataas at kayumanggi ang binatang si Usman.
a. maitim b. matingkad c. maputi d. mapusyaw
7. Nais ng sultan na maglaho sa kaharian ang lahat ng binatang nakahihigit sa kanyang
kakisigan.
a. humayo b. lumisan c. manatili d. umalis
8. Gumawa ng paraan ang magkasintahan upang makalaya sila mula sa bilangguan.
a. makaalis b. makawala c. makulong d. mamalagi
9. Dahil sa pagkakakulong ay higit na naging malapit sa isa’t isa ang magkasintahan.
a. abot-kamay b. malayo c. nasa harap d. nasa tabi
10. Nakita ng mga mamamayang mapagmalasakit pala sa mga nangangailangan ang kanilang
sultan.
a. maaasahan b. maawain c. mahabagin d. malupit
II. TAMA O MALI
Isulat sa patlang ang salitang Tama kung wasto ang mga pahayag. Isulat sa
patlang ang salitang Mali kung hindi wasto ang mga sumusunod na pahayag.
_______________ 11. Ang kuwentong bayan ay bahagi ng katutubong panitikan.
_______________ 12. Ang layunin ng kuwentong bayan ay mang-uyam hindi manlibang sa mambabasa.
_______________ 13. Ang mga kuwentong bayan ay nasa anyong tuluyan.
________________14. Ang mga kuwentong bayan ay karaniwang naglalahad ng kaugalian at tradisyon ng lugar
kung saan ito nagsimula at lumaganap.
_______________ 15. Ang kuwentong bayan ay hindi mahalagang bahagi ng ating kultura.
________________ 16. Ang mga paksa ng kuwentong bayan ay kadalasan sa mga hindi karaniwang pangyayari
o kaya’y mga nilalang na may pambihirang kapangyarihan tulad ng Diyos at Diyosa, mga anito diwata,
engkantada, sirena, tsokoy at iba pa.
________________17. Bago pa dumating ang mga espanyol ay mayroon na tayong sariling panitikan.
_________________18. Hindi sinasalamin o walang sinasalamin na kultura, tradisyon o kaugalian ang kuwentong
bayan.
_________________19. Ito’y lumaganap at nagpasalin-salin sa iba’t ibang henerasyon sa paraang pasalindila o
pasalita.
________________20. May mga tampok o kilalang kuwentong bayan sa bawat rehiyon.

III. Ibigay ang hinihinging sagot ng mga sumusunod:

5 Lalawigan na matatagpuan sa Mindanao 5 Kuwentong bayan


21. ________________________ 26. ________________________
22. ________________________ 27. ________________________
23. ________________________ 28. ________________________
24. ________________________ 29. ________________________

25. ________________________ 30. ________________________

IV. PAGLALAHAD
Ilahad ang iyong sariling palagay sa mga sumusunod. 10 puntos
A. Magtala ng tatlong (3) ugali na dapat taglayin upang magkaroon ng mabuting
relasyon sa kapwa.
____________________________________
____________________________________
____________________________________
B. Magtala ng dalawang (2) pag-uugali na dapat iwasan sa ating
pakikipagkapwa.
____________________________________
____________________________________
C. Isang mensahe sa sarili na nagpapaalalang laging igalang ang kapwa tao
anuman ang kalagayan niya sa lipunan.

MC Anacin
Guro

You might also like