You are on page 1of 4

Kagawaran ng Edukasyon

Rehiyon III
Sangay ng Lungsod ng San Fernando, (P)
Unang Markahang Pagsusulit sa Filipino Baitang 7
Taong Pampaaralan 2019-2020
STA.LUCIA INTEGRATED SCHOOL

Pangalan______________________________________________________ Petsa___________

Grado/Pangkat_________ Marka

Panuto: Ibigay ang kasingkahulugan ng mga salitang nakasalungguhit ayon sa pagkakagamit nito sa
pangungusap. Isulat sa patlang ang titik ng tamang sagot

______1. Hindi nakinig ang sultan sa pagsusumamo ng kanyang anak na dalaga.


A. pagdadabog B. pagkainis C. pagmamakaawa D. pagsigaw
_______2. Ang panangis ng dalaga ay hindi man lang pinansin ng ama.
A. pag-iyak B. pagkagalit C. panunuyo D. pagsigaw
_______3. Nagpupuyos ang sultan dahil sa ginawang pagsuway ng kanyang anak .
A. galit na galit B. nagmamalaki C.nanghihina D. nauupos
Panuto: Maghinuna sa kaugalian at kalagayang panlipunan ng pinagmulan ng kuwentong -bayan sa mga
pangyayari o usapan ng mga tauhan. Isulat sa patlang ang titik ng tamang sagot
______4. Ang binatang si Usman ay pumunta sa isang palengke malapit sa palasyo ng sultan. Manininuhang
ang lugar ng sultan ay…
A. ginagawang pasyalan ng iba pang mga tao.
B. Katatagpuan ng kayamanan at mahahalagang pilak
C. Tirahan ng mga kamag-anak at kaibigan ng binatang si Usman
D. Mas maunlad at may mas malaking palengkeng dinarayo ng mga tao
.
______5. “Para mon ang awa, ama, pakawalan mo si Usman.Wala po siyang kasalanan”. Pagmamaka-awa ni
Potre Maasita sa ama ngunit hindi man lang siya pinansin nito. Mahihinuhang si Sultang Zacarias ay…
A. mapaghiganti B. mapagtimpi C. matalino D. matigas ang kalooban
______6 Dahil hindi matanggap ng sultan ang kanyang itsura, nagpatupad siya ng kautusang ang lahat ng
mga lalaking nakakahigit sa kanya sa pisikal na anyo ay dapat kitilin at maglaho.Sinunod lahat at hindi man
lang ito tinutulan ng kanyang mga tauhan. Mahihinuha ang pahayag na ito ay….
A. Masipag at mapagmalaki ang sultan
B. Mayaman at maraming ari-arian ang sultan
C. Malapit sa kanyang mga tauhan ang sultan
D. Kinakatakutan at sinusunod ang makapangyarihang sultan
Panuto: Basahin ang sipi mula sa “Ang Pilosopo”. Isulat sa patlang ang titik ng tamang sagot.

Noong unang panahon, may isang bayan na ang naninirahan ay mga taong sunud-sunuran na lamang dahil
sa takot na masuway ang batas na umiiral sa nasabing bayan. Isang araw, namamasyal ang kanilang
pinunong si Abed sa mga kabahayan ng kanyang mga tauhan upang tiyakin kung sino sa kanyang mga
tauhan ang mga naghihirap upang mabigyan ng pagkain. Nang mapansin ni Subekat na lumilibot araw-araw
si Abed upang mamigay ng pagkain sa mga naghihirap ay kaagad kumuha ng bato at isinalang sa kalan
para mabigyan ng pagkain. Nang marating ni Abed ang kubo, binati siya ni Subekat. Luminga-linga si Abed
at nakita niya ang kaldero na may nilagang bato. Nung mapansin niya, sinabi ni Subekat na kunin
kinaumagahan ang kanyang parte dahil may inilaan sa kanya
_____7. Ano ang kalagayang panlipunan ng mga mamamayan sa akdang “Ang Pilosopo”?
A. dukha B. matalino C. matiyaga D.tamad
_____8. Ano ang katangian na ipinakikita ng mga tauhan na takot masuway ang batas na umiiral sa kanilang
bayan?
A. maagap B. masunurin C. matatakutin D. pasaway
_____9. Paano mo mailalarawan si Abed bilang pinuno ng kanilang bayan?
A. makasarili B. mapagmalasakit C. matalino D. matulungin

Panuto: Suriin ang bagong kahulugan ng salitang “ lamig” ayon sa panlaping ikinabit sa salita. Isulat sa
patlang ang titik ng tamang sagot

A. Ginagawa ng tao o hayop para guminhawa ang pakiramdam lalo na kapag mainit
B. Nagiging asal ng taong nagpapakitang ayaw na sa isang relasyon
C. Tumutukoy sa uri ng panahon o klimang nararanasan
D. Nararamdaman ng tao kapag nilalalamig
E. Taong madaling makadama ng lamig

_______10. Lamigin si Joana kaya lagi siyang nagdadala ng jacket.


______11. Malamig sa Baguio kaya maraming tao ang nagbabakasyon doon kapag tag-init.
______12. Nagpapalamig ang hayop kaya nakababad ito sa ilog.
______13. Hindi na madalas kasama ni Annie ang kanyang matalik na kaibigan sapagkat nanlalamig na ito sa
kanilang pagkakaibigan.
______14. Nilalamig si Mark kaya binalot niya ang sarili ng kumot.

Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na mga tanong nang buong pangungusap gamit ang mga salita o
ekpresyong nagpapahayag ng posibilidad. Bilugan ang pahayag na posibilidad na ginamit mo.
15. Saan ka kaya mag-aaral pagdating ng kolehiyo?

__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

16. Anong kurso kaya ang kukunin mo?

__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

17. Saan ka kaya magtatrabahi kapag natapos kana sap ag-aaral?


__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
Panuto: Kilalanin ang katagian ng tauhan batay sa kanyang sinabi sa akda. Isulat sa patlang ang titik ng
tamang sagot
_____18. “Huwag kayong mag-alala,hindi tayo pababayaan ni Allah at hindi ko kayo pababayaang magutom”
Wika ni Tulalang sa kanyang mga kapatid. Si Tulalang ay…
A. maawain na tao B. mapagmahal na kapatid C. mapagsipag na tauhan D. matapang na kapatid
______19. “Simula sa araw na ito ay huwag na kayong mag-alala sa inyong pagkain. Simula ngayon ay hindi
na kayo magugutom at anumang bagay na gustuhin ninyo ay mapapasainyo” ang tinuran ng mahiwagang
matanda. Ang mahiwagang matanda ay…
A. makapangyarihan B. maramot C. masipag D. mayabang

______20. “Tulalang, hinahamon kita! Kung hindi ka makikipaglaban sa akin ay sasakupin ko ang buo mong
kaharian” hamon ni Heneral Agio. Si Heneral Agio ay…
A. palakaibigan B. likas na matapang C. mahilig makipag-away D.mapagmahal sa kalikasan

______21. “Tulalang papayag akong magpakasal sa iyo upang magkaroon ng bagong hari ang aming
kaharian” ang sabi ni Macaranga. Si Macaranga ay mapagmahal sa….
A. kaharian B. kaibigan C. kalikasan D. sarili
Panuto: Piliin ang sanhi ng bawat pahayag mula sa akdang “Prinsipe Bantugan”. Isulat ang tamang sagot sa
patlang.
dahil sa matinding inggit dahil nabalitaan niyang Dulot ng matinding dahil sa katapangan at
namatay si Bantugan gutom at kalungkutan galing sa pakikipag
digma ni prinsipe
Bantugan

22. Walang nagtangakang lumaban at lumusob sa kaharian ng Bumbaran___________________________

______________________________________________________________________________________

23. Pinagutos ni Haring Madali na bawal makipagusap kay Prinsipe Bantugan ang kahit na sino …

______________________________________________________________________________________

Panuto: Isulat sa patlang ang tamang sagot

____24. Ito ang pinaka kapanabanabik na bahagi ng kuwento?


A. Kakalasan B. Kasukdulan C. Katapusan D. Tunggalian

____25. Tumutukoy sa panahon, oras o lugar na pinangyarihan ng kuwento.


A. Suliranin B. Tagpuan C. Tauhan D. Wakas

_____26. Tumutukoy sa paghaharap o pag-aaway ng mga karakter


A. Kakalasan B. Kaisipan C. Suliranin D. Tunggalian

_____27. Tumutukoy ito sa karakter na gumaganap sa kuwento


A. Banghay B. Paksang diwa C. Tauhan D. Wakas

_____28. Tumutukoy sa pagkasunod-sunod na pangyayari ng kuwento


A. Banghay B. Kaisipan C. Suliranin D. Tunggalian
B.
Panuto: Basahin at unawain ang texto sa ibaba at sagutin ang mga sumusunod na tanong.

Ang PATALASTAS ay isang anyo ng media na naglalayong hikayatin ang mga tao na bilhin o
tangkilikin ang isang produkto o isang serbisyo. Mahalaga ang patalastas upang maging mulat ang
lahat na ang isang produkto o serbisyo ay may kalidad. Kadalasang gumagamit ng taglines sa
isang patalastas. Ang pagpapatalastas o pag-aanunsiyo (Ingles: advertising) ay isang uri o anyo
ng komunikasyon o pakikipagtalastasan para sa pagmemerkado o pagmamarket (marketing) at
ginagamit upang mahikayat o mahimok ang mga madla (mga manonood, mga mambabasa, o mga
tagapakinig; na kung minsan ay isang tiyak na pangkat) na magpatuloy o gumawa ng ilang bagong
kilos.

29. Ano ang paksa ng binasang texto? ________________________________________________________


30. Ano ang kahalagahan ng patalastas sa merkado ?____________________________________________
31. Mula sa binasang texto, magbigay ng isang kahalagahan ng Patalastas.
_______________________________________________________________________________________
Panuto: Ibigay ng posibleng kahihinatnan ng mga pangyayari. Isulat sa patlang ang tamang sagot
_____32. Kung magpapatuloy pa rin si Pilandok sa ginawang panlalamang o panloloko sa kapwa niya hayop...
A. Pupurihin ng mga hayop ang ginagawa niya sa kanyang mga kapwa hayop
B. Iiwasan siya ng mga hayop at wala nang makikipagkaibigan sa kanya
C. Mapipili siya bilang pinuno at gagayahin ng ibang hayop
D. Magkakaroon siya ng maraming kaibigan
______33. Naisahan na naman ni PIlandok ang buwaya. Ano kaya ang mangyayari sa susunod na mag-krus
uli ang landas ng dalawa?
A. Hindi na pakakawalan nang buhay ng Buwaya si Pilandok
B. Muli nanamang maiisahan ni Pilandok ang buwaya
C. Magiging magkaibigan silang dawala
D. Uutusan ni Pilandok ang buwaya
_____34. Pagkatapos ng pagkatalo ni Pilandok sa suso ay nangako itong magbabago na at hindi na
magloloko ng kapwa niya hayop. Ano kaya ang mangyayari pagkatapos niyang magbago?
A. Iiwas na si Pilandok na manlinlang ng kanyang kapwa hayop
B. Hindi na siya tatanggapin na manirahan sa kagubatan
C. Iiwasan siya ng lahat ng hayop sa kagubatan
D. Maglalaho si Pilandok sa kagubatan
Panuto: Suriin at isulat sa patlang kung ang pangungusap ay tama o mali batay sa kahulugan ng
salitang/katagang initiman sa bawat bilang. Ipaliwanag kung bakit mali o tama iyong sagot .
_____35. Nasugod ang lalaki sa tahanan nang malamang nanganak na ang kanyang asawa.
_________________________________________________________________________
_____36. Tumakbo ng mabilis ang mga tao nang magkaroon ng sunog sa kanilang lugar.
_________________________________________________________________________
_____37. Sumaya si Ana nang nalaman niya ang balita na hindi siya pumasa sa pagsusulit.
________________________________________________________________________
Panuto: Ilarawan ang ritwal /tradisyon ng mga Maranao mula sa “ Pangislam “
38-40 Isalaysay ang seremonyang isinasagawa Pangislam at kalian ito isinasagawa
38_Bang_________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
39__Penggunting__________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
40_Pangislam____________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________

Inihanda ni: Iwinasto ni:

Maureen Munda Marilen Calma-Muňoz


Guro sa Filipino Principal I

You might also like