You are on page 1of 38

“Batang Bata

Ka Pa”
Ng:
Apo Hiking Society
ILARAWAN MO
‘KO!
Panuto: Pagtapat-tapatin ang mga salitang magkasingkahulugan. Gamitin ito sa pangungusap .

1. Paraiso a. Karanasan
2. Musmos b. Kinatatayuan
3. Pagraranas c. Bata
4. Kinalalagyan d. Tama
5. Wasto e. Magandang
lugar
f. Kinakapitan
“Batang Bata Ka Pa”
Ng:
Apo Hiking Society
Batang-bata ka pa at marami ka pang
Kailangang malaman at intindihin sa mundo
Yan ang totoo
Nagkakamali ka kung akala mo na
Ang buhay ay isang mumunting paraiso lamang

Batang-bata ka lang at akala mo na


Na alam mo na ang lahat na kailangan mong
malaman
Buhay ay di ganyan
Tanggapin mo na lang ang katotohanan
Na ikaw ay isang musmos lang na wala pang alam
Makinig ka na lang
Makinig ka na lang
Ganyan talaga ang buhay lagi kang nasasabihan
Pagkat ikaw ay bata at wala pang nalalaman
Makinig ka sa 'king payo pagkat musmos ka lamang
At malaman ng maaga ang wasto sa kamalian

Batang-bata ako nalalaman ko 'to


Inaamin ko rin na kulang ang aking nalalaman
At nauunawaan
Ngunit kahit ganyan ang kinalalagyan
Alam ko na may karapatan
Ang bawat nilalang
Kahit bata pa man
Kahit bata pa man
Nais ko sanang malaman ang mali sa katotohanan
Sariling pagraranas ang aking pamamagitan
Imulat ang isipan sa mga kulay ng buhay
Maging tunay na malaya sa katangi-tanging bata

Batang-bata ka pa at marami ka pang


Kailangang malaman at intindihin sa mundo
Nais ko sanang malaman ang mali sa katotohanan
Batang-bata ka lang at akala mo na
Na alam mo na ang lahat na kailangan mong malaman
Sariling pagraranas ang aking pamamagitan
Nagkakamali ka kung akala mo na
Ang buhay ay isang mumunting paraiso lamang (la la)
La la la la la la
Mga Katanungang Inihanda:

1. Ano ang pamagat ng awit na tinalakay?


2. Sino ang umawit ng kanta?
3. Sino-sino ang bumubuo ng Apo Hiking
Society?
4. Tungkol saan ang awit na ito?
5. Paano inilarawan ng awit na ito ang tungkol
sa pagkabata?
6. Sang-ayon kaba sa paglalarawan ng awiting
ito tungkol sa pagkabata?
7. Sa linyang “may karapatan ang bawat nilalang
kahit bata” ano sa tingin ninyo ang tinutukoy na
karapatan ng mga bata?

8. Ang mga karapatang ito ba ay inyong nararanasan


o natatamasa sa bahay bilang mga bata?

9. Sa kabuuan, ano ang mensaheng nais iparating ng


awiting ito sa mga kabataan ngayon?

10. Bilang isang bata paano ninyo maisasabuhay ang


mensahe ng kanta?
E. Ebalwasyon/Pagsusulit:
I. Panuto: Punan ang kakulangan sa bahagi ng
kanta.
1. _______________ lang at akala mo na
Na alam mo na ang lahat na kailangan mong malaman
Buhay ay di ganyan
Tanggapin mo na lang ang katotohanan
Na ikaw ay isang 2._________ lang na wala pang alam
Makinig ka na lang
Makinig ka na lang
Ganyan talaga ang buhay lagi kang 3. ____________
Pagkat ikaw ay 4. ______at wala pang nalalaman
5. _________________ pagkat musmos ka lamang
At malaman ng maaga ang wasto sa 6. ____________.
 
II. Panuto: Sagutan ang mga sumusunod, isulat
ang tamang sagot sa patlang.
_____7. Ano ang pamagat ng awit na tinalakay?
a. Heto na b. Batang-bata ka pa
c. Bata d. Bata at matanda
_____8. Anong pangalan ng pangkat na umawit?
  a. Apolinario Hiking society b. Apolinario Mabini society
c. Apo Hikesd. Apo Band
_____9. Patungkol saan ang awit?
  a. Sa paalala sa mga matanda b. Sa mga hayop
c. Sa mga buntis d. Sa paalala sa mga bata
____10. Ano ang aral ng kanta?
a. Pagsunod sa payo ng nakatatanda
b. Pagsuway sa payo ng nakatatanda
c. Pagtigil sa pag-aaral
d. Pagsira ng kapaligiran
IV. Kasunduan

Panuto: Sumulat ng isang sanaysay


patungkol sa inyong pagkabata. Isulat
ito sa isang malinis na papel.

You might also like