You are on page 1of 16

Republic of the Philippines

Department of Education
Regional Office IX, Zamboanga Peninsula

7
ZestforProgress
Z P
eal of artnership

FILIPINO
Filipino
Ikaapat nana
Ikaapat Markahan – Modyul
Markahan – Modyul 7 7
PAGSULAT NGIskrip
Pagsulat ng ISKRIP

Name of Learner: ____________________________


Grade & Section: 1 ____________________________
Name of School: ____________________________
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Mary Roten B. Naranjo

Editor:

Tagasuri: Charity D. Rim / Perla A. Galon

Tagaguhit/Tagakuha ng Larawan:

Tagalapat: Helen D. Paraiso

Tagapamahala: Majarani M. Jacinto, EdD, CESO VI


OIC, Schools Division Superintendent

Visminda Q. Valde, EdD


OIC, Assistant Schools Division Superintendent

Raymond M. Salvador, EdD, CESE


OIC, Assistant Schools Division Superintendent

Juliet A. Magallanes, EdD


CID Chief

Florencio R. Caballero, DTE


EPS – LRMDS

Josephine L. Tomboc, EdD


EPS – Filipino

2
Alamin
Pamantayang Pangnilalaman Pamantayan sa Pagganap
Naipamamalas ng mga mag- Naisasagawa ng mag-aaral ang
aaral ang pag unawa sa Ibong malikhaing pagtatanghal ng ilang
Adarna bilang isang Obra Maestro saknong ng kuridong naglalarawan
sa panitikang Pilipino. ng mga pagpapahalagang Pilipino.

Magandang buhay kaibigan! Binabati kita sa iyong pagdating sa


ikapitong modyul. Tiyak kong ang dami mo nang natutuhan. Panibagong
aralin na naman ang ating tatalakayin sa loob ng modyul na ito. Tiyak na
mawiwili ka sa pagsagot sa mga gawaing inihanda ko para saiyo. Halika’t
sabay nating alamin.

Ang araling ito ay sadyang inihanda upang matulungan ka para sa


ibayong paglinang ng iyong kasanayan sa pagsulat ng iskrip. Inilalahad sa
araling ito ang mahahalagang proseso at elemento sa pagsulat ng iskrip na
dapat mong isaalang-alang.

Pagkatapos ng modyul na ito, ikaw ay inaasahang:

• Nakagagamit ng angkop na mga salita at simbolo sa pagsulat ng iskrip.


(F7PT- Ivc-d- 23)
• Nakagagamit ang mga salita at pangungusap nang may kaisahan at
pagkakaugnay-ugnay sa mabubuong iskrip. (F7WG-IVj-23)

PAALALA: HUWAG SULATAN ANG MODYUL NA ITO. MAGHANDA NG SARILING


SAGUTANG PAPEL.

3
Aralin Pagsulat ng Iskrip
7

Balikan
Gawain A: Panimulang Pagtataya
Naaalala mo pa ba ang tinalakay sa nakaraang modyul? Ang dahilan ng
pagkasira ng relasyon ng magkakapatid na sina Cain at Abel ay “Inggit at
Kasakiman”.

Si Cain at Abel
Genesis 4:1-16
http://www.bible.com/bible/1264/genesis4:1-16

Kung ikaw ang nasa sitwasyon katulad nina Cain at Abel, ano ang magagawa mo
upang mapabuti ang samahan ninyong magkakapatid?

Tuklasin
Sa bahaging ito ng modyul ay babasahin mo ang unang bahagi ng “Poot ng
Naunsyaming Pag-ibig (saknong 1429-1442) Unawain itong mabuti at sagutin ang
mga gawain na inihanda para sa iyo. Ngunit bago iyon ay sagutin mo muna ang
gawaing ito upang lubos mong maunawaan ang nilalaman ng akda.

Panuto: Basahin ang saknong sa bawat bilang at piliin ang kasing-kahulugan ng


salitang may salungguhit. Isulat ang titik ng tamang sagot sa inyong
sagutang papel.

1. Sa palasyo’y anong saya a. nakita


lahat doon ay masigla, b. nawala
tiwala ang hari’t reynang c. naunsyami
ang ulap ay naparam na. d. nadaig

4
2. Natalos ni Donya Maria a. naunawaan
sa tulong ng dunong niya b. nalimutan
ang prinsipeng kanyang sinta c. naiwan
nakalimot nang talaga. d. nabanggit

3. Ang taksil ay magbabayad a. malimot


kataksila’ymauutas b.magsimula
pag ang tao’y laging duwag c. patuloy
kakaning-itik ang labas. d. matapos

4.Sa karosa ay lumulan a. sumakay


naliligid ng utusan b. alindog
sanghaya’y pagkakamalang c. bumaba
buwan sa lupa’y dumalaw. d. pumanaw

5. Hindi nila nababatid a. natutunaw


na sa nayo’y may ligalig, b. nababasa
ito’y apoy na sasapit c. nalalaman
sa palasyong nagtatalik. d. nalalapit

Mahusay kaibigan!
Ngayon, basahin mo nang mabuti at unawain ang bawat saknong.

Poot ng Naunsyaming Pag-ibig


(Mga saknong 1429-1442)

1429 Sa palasyo’y anong saya


lahat doon ay masigla,
tiwala ang hari’t reynang
ang ulap ay naparam na.

1430 Hindi nila nababatid


na sa nayo’y may ligalig,
ito’y apoy na sasapit
sa palasyong nagtatalik.

1431 Natalos ni Donya Maria


sa tulong ng dunong niya
ang prinsipeng kanyang sinta
nakalimot nang talaga.

1432 Ang pangakong babalikan


nang araw ding magpaalam,
inabot nang tatlong araw
pangako’y bulang natunaw.

1433 Natalos ding sa palasyo


kasayahan ay nagulo,
nang maayos naman ito’y
may kasalan na sa Linggo.

5
1434 Ikakasal ay di iba’t
si Don Jua’t si Leonora,
ang higanti ay handa na’t
gagawin ni Donya Maria.

1435 Ang taksil ay magbabayad


kataksila’y mauutas
pag ang tao’y laging duwag
kakaning-itik ang labas.

1436 Araw nga ng pagkakasal


dumating ang hinihintay,
sa prinsipe’y katuwaa’t
sa prinsesa’y kapanglawan.

1437 Singsing niyang may mahika’y


hiningan ni Donya Maria,
isang sasakyang karosang
walang kapantay sa ganda.

1438 Saka isang kasoutang


sa emperatris na tunay,
dikit ay nakasisilaw
sa madlang nasa kasalan.

1439 Lahat ng kanyang hinihiling


sa sandali ay dumating,
pati ibang gagamitin
ibinigay na ng singsing.

1440 Si Donya Maria’y nagbihis


gayak niyang emperatris
ganda sa matang tititig
serafin mandin sa langit.

1441 Sa karosa ay lumulan


naliligid ng utusan
sanghaya’y pagkakamalang
buwan sa lupa’y dumalaw.

1442 Karosa’t mga kabayong


maghahatid sa palasyo
sa malayo kung tingnan mo’y
yaong kay Venus de Milo.

Alam kong nagustuhan mo ang binasa mong akda. Sa puntong ito, nais kong
malaman kung tunay mo bang naunawaan ang iyong binasang akda. Sagutin mo
ang mga sumusunod na mga tanong sa ibaba. Isulat ang iyong sagot sa sagutang
papel. Handa ka na ba? Kung handa ka na, maaari ka nang mag-umpisa.

6
Mga Susing Tanong:

1. Ano ang ginawa ni Donya Maria upang madalo sa kasalan nina Don Juan at
Leonora?
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________.

2. Sino ang tinutukoy ni Donya Maria na taksil at bakit?


__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________.

3. Sa iyong palagay, tama ba ang desisyon ni Donya Maria na dumalo sa kasalan?


Pangatuwiranan ang iyong sagot.
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

Suriin
Nasagot mo na ba ang lahat ng tanong? Kung oo, aba’y napakagaling mo.
Ipagpatuloy mo lang ang ganyang gawain. Bago magpatuloy sa susunod na gawain,
halina’t ating pag-aralan ang tungkol sa Pagsulat ng Iskrip.

PAGSULAT NG ISKRIP
Isa sa pinakamahalagang sangkap ng dula ay ang ISKRIP. Ito ang nakasulat
na bersiyon ng mga salitang dapat sabihin o batayan sa pagganap ng mga aktor sa
dula. Ginagamit ito sa produksiyon ng programa. Mahalaga ang ISKRIP dahil ito ang
gabay ng mga tagaganap o aktor, direktor at tagaayos ng musika, editor at maging
ng technician.
Sa pagsulat ng ISKRIP ay mahalagang isaalang – alang ang mga bagay na ito.
Kailangang maging malinaw ang banghay, tauhan, tagpuan at ang mahahalagang
kaisipang hatid nito sa mga manonood.

a. BANGHAY – ito ay pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari sa isang kuwento.


b. TAUHAN – ito ay nagbibigay buhay sa kuwento o aktor.
c. TAGPUAN – ang lugar na pinangyayarihan sa kuwento.

Yamang maliwanag na sa iyo ang kahulugan ng mga elementong ito ay dapat


mo namang alamin ang tatlong bahagi ng pagsulat ng ISKRIP.

1. Pre-writing Stage – ay ang baagi ng pag-iisip at pagpaplano. Dito


binubuo ang konsepto ng kuwento,sino ang mga tauhang gaganap
kabilang ang bida at kontrabida, saang lugar o tagpuan gagawin, at
anong banghay ang gagamitin.

2. Writing Stage – ito ang pagsisimula sa pagsulat ng iskrip. Sa simula ng


pagsulat ng iskrip ay makabubuting sumulat muna ng sentence outline.

Ang sentence outline ay isang di-numerong pagkakasunud-sunod ng


mga pangyayari sa kuwento. Hindi mga deskripsyon, hindi mga iniisip ng
tauhan, kundi ang eksena.
7
Halimbawa ng sentence outline:

Nasa nayon si Maria Blanca at nalaman niya sa pamamagitan ng


kanyang mahiwagang singsing ang nalalapit na pag-iisang dibdib nina
Don Juan at Donya Leonora .
1. Humiling si Donya Maria sa kanyang mahiwagang singsing ng isang
magandang karosa at kasuotang pang-emperatris.
2. Umalis si Donya Maria Blanca sakay ng magandang karwahe.
Kapag nagawa na ang sentence outline ay repasuhin ito at pinuhin. Sa
bahaging ito ay maaari nang buoin ang iskrip kasama ang tauhang magsasalita, mga
props, eksena at iba pa.

2. Rewriting Stage – ito ay ang pagsulat muli upang maging malinaw at


madali itong maitanghal.

HALIMBAWA NG ISKRIP:

(Unang bahagi ng Poot ng Naunsyaming Pag-ibig)


Saknong 1429-1442
Tauhan:
* Donya Maria, makapangyarihan, matalino, at magandang prinsesa

Tagpuan:
* Panahon: umaga, maliwanag ngunit maulap
* Tagpuan: sa nayon, kung saan iniwan ni Don Juan si Donya Maria

Pagkahawi ng tabing o sa pagliliwanag ng tanghalan ay makikita ng madla si Donya


Maria suot ang isang magandang damit habang malungkot na nakatingin sa
kanyang singsing.

Maraming mga puno sa kanyang paligid at ipakita ang isang munting tahanang yari
sa bato sa kanyang likuran.

DONYA MARIA: Don Juan, ako’y talagang iyo nang nalimot. Paano na ang iyong
mahal na prinsesa kung ikaw ay magpapakasal kay Donya Leonora?

Mamamasdan ang singsing at hihiling sa kanyang singsing na tila naiiyak pa.

DONYA MARIA: Mahiwagang singsing, ako’y bigyan ng isang magandang karosa.

Lalabas ang karosa. May labindalawang kabayo at labindalawang kabataang


lalaking maganda ang tindig nanakatayo sa tabi ng karosa.

8
Pagyamanin
Ngayong alam mo na ang proseso ng pagsulat ng iskrip, halina’t palawakin
mo pa ang iyong kasanayan, simulan natin sa pagbuo ng sentence outline. Galingan
mo!

PANUTO: Bumuo ng dalawang sentence outline bataysa mga larawan sa ibaba.

Source: telegraph.co.uk Source: nst.com.my

SENTENCE OUTLINE:

1. _________________________________________

2. _________________________________________

Source: cnn.ph Source: interaksyon.philstar.com

SENTENCE OUTLINE:

1.___________________________________________________

2.___________________________________________________

9
Isaisip
Magaling! Mukhang alam mo na kung paano ang pagbuo ng sentence outline.
Basahin mo pa ang mga karagdagang impormasyon upang mas lalo ka pang bihasa
at magsilbi itong gabay sa iyong pagsulat ng iskrip.
Tandaan, sa pagsulat ng iskrip ay mahalagang isaalang-alang ang mga
natutuhan sa gramatika at retorika. Ito ay mahalaga upang higit na maging mabisa,
makatotohanan, at malinaw ang pagbuo ng iskrip; at maiwasan ang maling
interpretasyon o di pagkakaunawaan bunga ng maling gamit ng mga salita o
pahayag. Mahalaga rin sa pagsulat ng iskrip ang paggamit ng angkop na salita at
simbolo.

Simbolismo–naglalahad ng mga bagay at kaisipan sa pamamagitan ng


sagisag at mga bagay na mahiwaga at metapisikal. Ito ay ordinaryong bagay,
pangyayari, tao o hayop na may nakakabit na natatanging kahulugan.

Halimbawa:
1. Silid-aklatan - karunungan o kaalaman
2. Gabi – kawalan ng pag-asa
3. Pusang itim – malas
4. Ahas – traydor o taksil
5. Bulaklak– pag-ibig

Panuto: Kilalanin ang kahulugan ng mga simbolong may salungguhit sa bawat


pangungusap.

1. Si Anna ay nanaginip ng isang napakalaking ahas.


a. malas
b. magandang balita
c. kamatayan
d. traydor
2. Laking tuwa ni Eva nang nakatanggap siya ng isang palumpon ng bulaklak.
a. pag-ibig
b. pag-angat ng posisyon
c. pagbati
d. pagsurpresa
3. Parang gabi na puno ng kadiliman ang naramdaman ni John nang mawala ang
kanilang ilaw ng tahanan.
a. pagdurusa
b. kawalan ng Pag-asa
c. paghihinagpis
d. pagkabigo
4. Bukas palagi ang silid-aklatan para sa mga taong gustong magkaroon ng
magandang kinabukasan.
a. kapayapaan
b. katiwasayan
c. karunungan
d. kaginhawaan
5. Muntik niyang nasagasaan ang pusang itim na biglang tumawid sa kalsada.
a. malas
b. sagana
c. babala
d. taksil

10
Tayahin
Halika kaibigan hasain pa natin ang iyong kasanayan sa gawaing ito. Galingan mo!

Pamantayan Laang Puntos Aking Puntos

Malinaw at wasto ang balarila o gramatika. 5

Nagagamit ang angkop na mga salita at


5
simbolo sa pagsulat ng iskrip.

Angkop at nakaugnay sa paksa 5


KABUUAN: 15

Sina Lulu at Lala ay matalik na magkaibigan. Nagkasundo ang


dalawa na supresahin ang kanilang guro sa kanyang kaarawan. Bago
sila pumunta sa bahay ng kanilang guro, dumaan muna sila sa isang
flower shop upang bumili ng bulaklak. Pagdating nila sa bahay ng
kanilang guro ay laking tuwa nito dahil hindi niya inaasahan ang
dalawang magkaibigan na magbibigay sa kanya ng bulaklak.

Panuto: Bumuo ng iskrip batay sa sitwasyong ibinigay.

Sentence Outline: 1. ____________________________


2. ____________________________
3. ____________________________

Mga Tauhan: 1. ____________________________


2. ____________________________
3. ____________________________

Tagpuan: 1. ____________________________
2. ____________________________

11
PAGSULAT NG ISKRIP:
(Isulat ang iyong mabubuong iskrip sa isang malinis na sulatang papel.)

_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________

Karagdagang Gawain
Mahusay! Talagang pinahanga mo ako sa ipinakita mong kagalingan sa
pagbuo ng iskrip. Ngayon naman hasain pa nating muli ang iyong kasanayan sa
pagbuo ng iskrip batay sa mga larawan.

PAGBUO NG ISKRIP
Panuto: Gamit ang mga sumusunod na mga larawan, bumuo ng iskrip batay sa
sentence outline na iyong mababasa sa ibaba. Gumamit ng isang malinis na
sulatang papel.

Narito ang pamantayan sa pagkuha ng puntos.

Pamantayan Laang Puntos Aking Puntos

Malinaw at wasto ang balarila o gramatika. 10

Naaangkop ang iskrip sa ipinapahiwatig ng bawat


5
larawan.

Tamang paggamit ng bantas. 5


KABUUAN: 20

12
Sentence Outline:
1. Nakita ng mga magulang na may ginawang mali ang kanilang
anak.
2. Pinagsabihan nila ito.

Source: brainly.ph

Sentence Outline:
1. Nasaksihan ng guro na nag-aaway ang dalawang mag-aaral sa
loob ng silid-aralan.
2. Inawat ng guro at tinulungang makatayo ang isa.

Source: brainly.ph

13
14
Karagdagang Gawain
Sentence Outline:
1. Nagkasundo ang dalawang matalik
na kaibigan.
2. Bumili ng Bulaklak.
3. Pumunta ang magkakaibigan sa
bahay ng kanilang guro.
Tauhan:
1. Lulu
2. Lala
3. Guro
Tagpuan:
1. Flower Shop
2. Tahanan ng Guro
Iskrip:
Maaaring magbago-bago ang sagot ng mga
mag-aaral para sa gawaing ito.
TAYAHIN ISAISIP
Maaaring 1. D
magbago-bago 2. A
ang sagot ng 3. B
mga mag-aaral 4. C
para sa 5. A
gawaing ito.
PAGYAMANIN TUKLASIN
Mga posibleng sagot
1. B
(Unang dalawang larawan) 2. A
1.Matinding pinsala ang idinulot ng baha. 3. D
2. Nagtutulungan upang madaanang muli 4. A
ang mga pampublikong lugar. 5. C
(Ikatlo at ikaapat na larawan)
1. Pagkuha ng temperatura bago sumakay ng
bus.
2. Tamang pagsunod sa health protocol kung
sasakay sa pampublikong sasakyan.
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian
“[Mask and faceshield inside the bus]” Accessed December 2020.
https://www.google.com/search?q=mask+and+facesheid+inside+the+bus&tb
m=isch&ved=2ahUKEwj49ei2jcXtAhU1NaYKHcuiBD4Q2-
cCegQIABAA&oq=mask+and+facesheid+inside+the+bus&gs_lcp=CgNpbWcQ
AzoECAAQQzoFCAAQsQM6AggAUIbkK1iD1Cxg0dYsaABwAHgFgAHrE4gB12e
SAQ8wLjEuNS0xLjMuMS4xLjOYAQCgAQGqAQtnd3Mtd2l6LWltZ7ABAMABA
Q&sclient=img&ei=W_fSX7jcB7XqmAXLxZLwAw&bih=657&biw=1366&hl=en
#imgrc=iWI-KfTtu6r5DM.

After typhoon cleanup picture. Accessed December 2020.


https://www.google.com/search?q=after+typhoon+picture+cleaning+the+roead&tbm=isc
h&ved=2ahUKEwiitoeSlt7tAhVQCaYKHWmXD74Q2-
cCegQIABAA&oq=after+typhoon+picture+cleaning+the+roead&gs_lcp=CgNpbWcQA
1DtV1iHamD_amgAcAB4AIAB5gGIAf4OkgEDMi05mAEAoAEBqgELZ3dzLXdpei1
pbWfAAQE&sclient=img&ei=7xvgX-
KCGdCSmAXprr7wCw&bih=657&biw=1366&hl=en#imgrc=jfyfWlqI7cik5M.

CNN Philippines Staff. “Face shields required for public transport passengers starting August
15.” Published August 5, 2020. https://www.cnn.ph/news/2020/8/5/face-shields-required-
public-transport.html.

Julian, Ailene. Pinagyamang pluma 7 (ikalawang edisyon). Quezon City:


Phoenix Publishing House, Inc., 2018.

Julian, Ailene. Pinagyamang pluma 7. Quezon City: Phoenix Publishing House,


Inc. 2013.

Pagbuo ng iskrip gamit ang sumusunod na larawan. Accessed December 2020.


https://www.google.com/search?q=paggawa+ng+iskrip+&tbm=isch&ved=2ahUKEwjZ8
fuLgMXtAhVQA6YKHQofAMYQ2-
cCegQIABAA&oq=paggawa+ng+iskrip+&gs_lcp=CgNpbWcQAzIECAAQHjIGCAAQ
BRAeMgQIABAYMgQIABAYOgQIABBDOgIIADoFCAAQsQM6CAgAELEDEIMB
UPuVtAFYlb60AWDJzLQBaABwAHgDgAHpAYgByh-
SAQYwLjMxLjKYAQCgAQGqAQtnd3Mtd2l6LWltZ7ABAMABAQ&sclient=img&ei
=X-
nSX5nGJNCGmAWKvoCwDA&bih=657&biw=1366&hl=en#imgrc=bafybel8qALftM.

The telegraph. “Philippines flooding: torrential monsoon rains bring Manila to a standstill.”
Accessed December 2020.
https://www.telegraph.co.uk/news/picturegalleries/worldnews/10251861/Philippines-
flooding-torrential-monsoon-rains-bring-Manila-to-a-standstill.html.

15
Region IX: Zamboanga Peninsula Hymn – Our Eden Land

Here the trees and flowers bloom Gallant men And Ladies fair
Here the breezes gently Blow, Linger with love and care
Here the birds sing Merrily, Golden beams of sunrise and sunset
The liberty forever Stays, Are visions you’ll never forget
Oh! That’s Region IX

Here the Badjaos roam the seas Hardworking people Abound,


Here the Samals live in peace Every valleys and Dale
Here the Tausogs thrive so free Zamboangueños, Tagalogs, Bicolanos,
With the Yakans in unity Cebuanos, Ilocanos, Subanons, Boholanos,
Ilongos,
All of them are proud and true
Region IX our Eden Land

Region IX
Our..
Eden...
Land…

The Footprints Prayer Trees by Joyce Kilmer


One night I had a dream. I dreamed I think that I shall never see
that I was walking along the beach A poem lovely as a tree.
with the LORD.
A tree whose hungry mouth is prest
In the beach, there were two (2) sets Against the earth’s sweet flowing
of footprints – one belong to me and breast;
the other to the LORD.
A tree that looks at God all day,
Then, later, after a long walk, I And lifts her leafy arms to pray;
noticed only one set of footprints. A tree that may in Summer wear
A nest of robins in her hair;
“And I ask the LORD. Why? Why?
Why did you leave me when I am Upon whose bosom snow has lain;
sad and helpless?” Who intimately lives with rain.

And the LORD replied “My son, My Poems are made by fools like me,
son, I have never left you. There But only God can make a tree.
was only one (1) set of footprints in
the sand, because it was then that I
CARRIED YOU!

16

You might also like