You are on page 1of 13

Ibong Adarna

Nadaig ang Lihim


1286
Karaniwan ang balita sa hindi na maghahaka,
isipin mo’y talinghaga na may lungkot at may
tuwa.

1287
Kalungkuta’y makikita sa ginawi ng Prinsesa, sa
pagdalaw, bakit baga parang ngayo’y hinawa na?

1288
Dati-rati kung dumalaw ang Prinsipe’y ayaw iyan,
inaaliw kung may lumbay ay kaytamis na
suyuan.
1289
Maghinampo’y di magawa na Prinsipeng
namamangha, alam niya’t di kailan sa Prinsesa
siya’y mutya.

1290
Kaya ba naipalagay na baka ang amang mahal
mabigat ang karamdaman dapat niyang alagaan.

1291
Katuwaan nama’y ire: Ano kayang pangyayari
sa palasyo’y minabuting pumanhik na ang
Prinsipe.
1292
Himala ng kapalaran sa isa ngang naghihintay,
diyata’t ang kapaitan tatamis na’t lilinamnam?

1293
Mahirap nating matiyak ang ibabalita bukas,
anuman ang nasa hagap ipaghintay ng liwanag.

1294
Ang umaga ay bumati kay Dong Juang
nagwawari, makailan pang sandali nagpasundo
na ang Hari.
1295
“Bati ko sa kamahalan.” ang pahayag
ng utusan, “sa palasyo’y naghihintay
ang magandang kapalaran.”
1296
“Bili’t bilin po ng Hari kayo sana’y
magdumali pagkat bago mananghali
gagawin na ang pagpili.”
1297
“Pagpili, pagpiling ano?” Aywan ko
po, maginoo.” “Binibiro yata ako?”
“Hindi po’t siyang totoo.”
1298
Humayo na ang dalawa sa lakad ay
patakbo pa ibong lumilipad tila nag
nais ay sumapit na.
1299
Sa palasyo ay dinatnan daming taong
naghihintay, naroon ang karamihan na
sa Haring maga kawal.
1300
Ang kalihim, kasangguni kamag-anak
nitong Hari, naroroong nakalimpi kay
Don Jua’y nakangiti.
1301
Takang-taka si Don Juan sa kanya nang
namamasdan Hari ay may karamdaman
ngunit mayr’ong kasayahan.

1302
Hiwaga ng mga tao hindi niya
mapagsino, maging ano pa man ito,
naroon na’y managano.
1303
“Haring makapangyarihan, “ unang bati ni Don
Juan, “handog ko po ay paggalang, sa utos ay
nakalaan.”

1304
Tugon ng Hari’y ganito: “ Paumanhin ang hingi
ko sa pagtanggap ko sa iyo pagtanggap di-
maginoo.

1305
“Ako ngayon, O, Don Juan, may bahagyang
karamdaman, masasakit ang katawan, ulo ko’y
may kabigatan.
1306
“Gayon pa ma’y ninais ko magkapulong ngayon
tayo akong may utang sa iyo makaganti kahit
pa’no.

1307
“Kawalang utang-na-loob ng sarili, kung
malimot itong iyong paglilingkod na matapat
nama’t lubos.

1308
“Kaya naman naririto nakahanda ang
handog ko, buksan ngayon ang dibdib mo ang
pagpili’y nasa iyo.”
1309
Hari agad nang nagtindig sa kanyang
pagkakahilig si Don Juan ay kinawit
humarap sa tatlong silid.

1310
Tatlong silid ay may butas sa pintua’y
namamalas naroroo’y tatlong anak mga
talang sakdal dilag.

1311
Sa butas ang nakalitaw mga hintuturo
lamang, upang hindi mahulaan sa tatlo
ang mahihirang.
1312
Gayon pa ma’y natalo rin ang Hari sa
kanyang lihim, si Don Juan ay magaling
tumiyak sa pipiliin.

1313
Una’t pangalawang silid nilampasang
walang imik, sa pangatlo nang tumitig
natiyak ang kanyang ibig.

1314
Hintuturong nakasuot pinigilang buong
lugod “Mahal na Hari,” ang luhog, “narito
ang aking irog.”
1315
Hindi na nga binitiwan habang hindi binubuksan,
nabunyag sa kalahatan ang Prinsesang minamahal.

1316
Hari’y hindi nakahuma dila ay parang napatda,
mahal pa naman sa kanya ang ngayo’y mawawalay
na.

1317
Walang daan na bawiin at kung mayroo’y
gagawin hindi niya aakalain madaig sa kanyang
lihim.
1318
Ngunit yamang naroon na sa sarili
ay magbata, ang anak na sinisinta, kay
Don Jua’y pinasama.

1319
Ang magkasi’y nagpaalam ang
palasyo ay iniwan ngunit
nagugunamgunam, ang ama ring
nagdaramdam.

You might also like