You are on page 1of 14

Republika ng Pilipinas

Kagawaran ng Edukasyon
REHIYON – X NORTHERN MINDANAO
DIBISYON NG ILIGAN CITY
MASUSING BANGHAY-ARALIN SA PAGTUTURO NG
FILIPINO- BAITANG 7
S.Y. 2021-2022
I. Layunin:
A. Pamantayan Pangnilalaman

Naipamamalas ng mga mag-aaral ang pag-unawa sa Ibong Adarna


bilang isang obra maestra sa Panitikang Pilipino.

B. Pamantayan sa Pagganap
Naisasagawa ng mga mag-aaral ang malikhaing pagtatanghal sa
piling saknong ng Ibong Adarna.

C. Kasanayan sa pagkatuto
(F7PB-IVg-h-23)

D. Mga Layunin

Nasusuri ang mga katangian at papel na ginagampanan ng


pangunahin at pantulong na tauhan.

II. Nilalaman:

Paksa: Katangian at Papel na Ginagampanan ng mga Tauhan


(Ibong Adarna)

III. Mga Kagamitang Pampagkatuto:

a. Sanggunian: Ibong Adarna


Karapatang Ani 2009, interpretasyon nina Gladys E. Gimena at
Leslie S. Navarro
Kapitbisig.com
https://you.te/KT1UN-4o2U
https://m.facebook.com/story.php?story=fbid

b. Iba pang kagamitan Panturo: Laptop, telebisyon, Cartolina, illustration


board at iba pang kagamitan panturo
IV.Pamamaraan
Gawain ng Guro Gawain ng mga Mag-aaral
Panimulang Gawain

Panalangin
Bago tayo magsimula sa ating panibagong talakayan Inananyayahan
ko ang lahat na magsitayo para sa panalangin.

Hazel, maaari bang pangunahan mo ang panalangin.


Ama naming nasa langit, maraming
salamat po sa araw na ito, sa mga
biyaya, at pagpapala na aming
natatanggap araw-araw. Nawa’y
bigyan niyo po kami ng lakas, pag-
unawa sa aralin na tatalakayin ng
aming guro sa araw na ito.
Maraming salamat Amor!
Pagbibigay-bati

Muli magandang umaga sa sa atin lahat. Magandang umaga binibining


Wasquin.

Bago kayo tuluyang umupo tignan ninyo muna ang sahig sa inyong (Pupulutin ng mga mag-aaral
tapat kung may mga basura ba kung meron pulutin ito at itapon sa ang mga papel na nakakalat
basurahan at aayusin ang upuan)
Magandang Umaga mga mabubuti kong mag-aaral.

Maari na kayong umupo.

Salamat Po!
Pagtawag ng pangalan ng mga mag-aaral

Tinatawagan ko si Aslainie bilang kalihim sa klase upang tingnan kung


sino ang wala sa klase ngayon.

Aslainie, may lumiban ba ngayon sa klase natin Aslainie: Wala po Maam!

Magaling! Lahat ay may pagkakataong matuto. Bigyan natin ang ating


sarili ng dalawang bagsak para sa kompletong atendans. (Palakpakan ang lahat)

A. Balik-Aral sa nakaraang aralin/o pagsisimula ng bagong aralin.

Mula sa tinalakay natin noong nakaraang araw napag-


usapan natin ang tungkol sa pagsulat ng iskrip.

Amor: Ang iskrip ay naglalaman ng


Amor, maaari mo bang banggitin ang kahulugan ng iskrip? dayalogo o usapan at ito din ay tala
ng kanilang mga sasabihin ganun din
kung ano ang kanilang “role” o
gampanin sa kanilang pagtatanghal.
Hindi lang sa dulang pampelikula at pantelebisyon makikita ang
gampanin ng mga tauhan, kundi maging sa mga tula na babasahin ay
mayroon ding papel na ginampanan ang mga tauhan.

B. Paghahabi ng layunin ng aralin


Tulad ng nakagawian natin bago magsimula ang aralin dapat alamin ng
bawat isa ang layunin sa pagkatuto sa umagang ito. Kaya ibig kung
basahin ninyo ang layuning nakapaskil sa pisara. Inaasahang makamit
ninyo lahat matapos ang talakayan.

Walida, pakibasa mo nga ang layunin na nakapaskil sa pisara. (Binasa ni Walida ang layunin
nakapaskil sa pisara)

Layunin: Nasusuri ang mga katangian at papel na ginampanan ng Layunin: Nasusuri ang mga
pangunahing tauhan at mga pantulong na tauhan. katangian at papel na ginampanan ng
pangunahing tauhan at mga
pantulong na tauhan.
Mula sa binasang layunin ni Walida

Ano-ano ang mga salitang hindi ninyo naintindihan.

Walida,maaari mo bang banggitin ang salitang ito. Walida: Maam ang salitang nasusuri
po.

Ang salitang nasusuri ay nasisiyasat ayon sa mga pamamaraan na


kadalasan ay tumutungo sa konklusyon, interpretasyon at
pagpapaliwanag.
Ronyiel: Maam ang salitang
Ronyiel,ano pa ang salitang hindi ninyo naintindihan mula sa layunin
katangian.
na binasa kanina?

Ang katangian ay tumutukoy sa pag-uugali ng tao kung paano ito


kumilos na naayon sa kaniyang pagkatao.
Amor: Maam papel na ginampanan.
Amor, maari ka bang tumayo at sabihin ang salitang hindi mo
naintindihan sa layunin.

Ang papel na ginampanan ay role na isinasadula ng tauhan. Maaaring


siya ay isang ama, ina, panganay na anak, bunso, kaibigan, lolo at lolo
atbp.

May salita pa ba kayong hindi naintindihan sa layunin?


Saliha: Maam pangunahing tauhan at
pantulong na tauhan.
Saliha,ano kaya ang salitang ito

Ang pangunahing tauhan ay nagsisilbing pinakabida. Sa kaniya rin


umiikot ang kwento.

Samantalang ang pantulong na tauhan sinasabi natin na mga


supporting actress/actor sa Ingles. Sila yung may maliliit ang papel na
ginagampanan sa isang akda o kwento ngunit kahit maliit ang kanilang
mga ginagampanan ay malaki din ang tulong nila sa kwento o sa isang
Lahat: Opo Maam
akda at sa pangunahin tauhan. (brainly.ph)

Naintindihan na ba ninyo ang mga salitang binigyan natin ng


kahulugan.

C. Pag-uugnay ng halimbawa sa bagong aralin


Magpapanood ng isang bahagi ng video clip mula sa pelikulang
“Bata-Bata Paano ka Ginawa”.Tatawagin natin itong “PANOORIN
NATIN TO”

Gabay na Tanong:

1.Ano ang katangian ipinakita ng bawat tauhan sa napanood nating


video clip ?
Amor: Para po sa akin ang
Ikaw Amor may ideya ka ba kung anong katangian ang ipinakita ng katangian na ipinapakita ng
bawat tauhan? bawat tauhan sa pelikula
tulad ng ina ay pagiging
huwaran nito, at ang anak
naman ay ang pagka walang
Magaling Amor! galang nito sa kanyang ina.

2.Sa inyong palagay, ano ang papel na ginagampanan ng bawat


tauhan?

Baka naman may opinyon ka Rean kung ano ang papel na Rean: Ang papel na
ginagampanan ng tauhan sa pelikulang napanood? ginagampanan ng bata po ay
(Tatayo si Rean upang sumagot) bilang isang anak
samantalang ang babae
bilang isang ina po ma’am.
Tama! Magaling Rean

3. Sa inyong palagay sino ang maituturing na pangunahing tauhan at Ella: Para po sa akin ang ina
pantulong na tauhan mula sa pelikula? ma’am ang pangunahing
Ella at Claire maaari niyo bang sagutin ang katanungan? tauhan.

Magaling Ella at Claire bigyan natin sila ng dalawang bagsak. Claire: Siguro po ma’amyung
anak ang pantulong na
tauhan.
Tama ba kaya ang naging sagot ng inyong mga kaklase?
(Sasagot ang lahat) Opo ma’am.
Hindi po ma’am.

D.Pagtalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong


kasanayan #1

Upang mas lalong maunawaan natin ang daloy ng akdang Ibong


Adarna, balikan natin kung ano ang kahulugan ng mga salitang
pangunahing tauhan, pantulong na tauhan, katangian at papel na
ginagampanan.

Pangunahing tauhan o sinasabi natin na bida. Dito halos


umiikot ang pangyayari sa isang akda mula simula hanggang
wakas. (brainly.ph)

Pantulong na tauhan o sinasabi natin na mga supporting


actress/actor sa Ingles. Sila yung may maliliit ang papel na
ginagampanan sa isang akda o kwento ngunit kahit maliit ang
kanilang mga ginagampanan ay malaki din ang tulong nila sa
kwento o sa isang akda at sa pangunahin tauhan. (brainly.ph)

Katangian- ay tumutukoy sa pag-uugali ng tao kung paano ito


kumilos na naaayon sa kanyang pagkatao. Katangian na may
kabutihang taglay. May mga katangian mabuti at mayroon din
namang masama. (brainly.ph)

Papel na ginagampanan- Sa papel na ginagampanan ay tawag


sa tungkulin ng ginagampanan ng isang indibidwal o
organisasyon. Lahat: Opo Maam.

Naintindihan na ba ninyo ngayon kung ano ang kahulugan ng


katangian, papel na ginagampanan, pangunahin at pantulong na
tauhan.

Paghawan ng Balakid
Bago natin tatalakayin ang nilalaman ng unang bahagi ng Ibong
Adarna
alamin muna nating ang kahulugan ng salitang may salungguhit ayon
sa pagkakagamit sa pangungusap. Piliin ang tamang bituin na
1. magagaling
naglalaman ng kahulugan ng bawat salitang sinasalungguhitan sa
pangungusap. Idikit ang tamang sagot sa patlang.
___1.Ang mga anak ni Don Fernando ay magigilas. 2. mahinahon
magagandang lalaki masisipag magagaling

____2.Si Donya Valeriana ay malumanay magsalita. 3. marespeto


mahinahon mabilis masayahin

__3. Si Haring Fernando ay maginoo.

magalang maabilidad marespeto

Natapos na nating bigyang kahulugan ang bawat salitang


sinalungguhitan sa pangungusap ngayon kayo naman ang bubuo ng
Saliha: Ang mga anak ni Bongbong
pangungusap at isusulat ninyo sa pisara.
Marcos ay magigilas.

Saliha, maaari ka bang tumayo at pumunta sa harap gamitin mo nga


ang salitang magigilas sa pangungusap at isulat ito sa pisara. Amor: Si Robin Padilla ay maginoo.
Magaling Saliha! Aslainie: Malumanay magsalita si
Binibining Andrea.
Amor ,gamitin mo ang salitang maginoo sa pangungusap.
(Palakpakan ang lahat)
Aslainie, gamitin mo nga sa pangungusap ang salitang malumanay.

Magaling! Bigyan natin sina Saliha, Amor at Aslainie ng ang galing


clap.
Wala po ma’am tama po ang lahat
Tignan at basahin ng tahimik muli ang sinulat na pangungusap ng
inyong mga kaklase kung may mali ba dito. Salamat po ma’am.
Karlou,may mali ba sa pangungusap na binuo ng iyong mga kaklase?

Salamat Karlou maaari kanang umupo

Sa oras na ito pakinggang mabuti at basahin ng tahimik ang Aralin 1


ng Ibong Adarna “Ang Berbanya” na makikita sa power point.
https://www.youtube.com/watch?v=pThCKsq3aMg
.
Matapos nating pakinggan at basahin ang ilang saknong mula sa Aralin
1 susukatin ko ang inyong kaalaman kung naintindihan ba ang binasa,
magkakaroon tayo ng “TANONG KO,SAGOT MO”
Marian:Opo ma’am ang mga tauhan na
Gabay na Tanong: binanggit sa Aralin 1 ay sina Don
1.Sino-sino ang mga tauhan na binanggit sa Aralin 1? Fernando,Donya Valerian,Don
Pedro,Don Diego at Don Juan po.
Marian,may sagot ka ba sa unang tanong.
(Palakpakan ang lahat)
Magaling !talong bagsak para kay Marian.

Aslainie, maaari ka bang tumayo at basahin at sagutin ang Aslainie: Ma’am dahil siya ay isang
pangalawang katanungan. mabuti at maginoong hari.
(Tumayo at binasa ang tanong)
(Palakpakan ang lahat)
2.Bakit maraming tumitingala kay Don Fernando bilang isang hari ng
Berbanya? Ronyiel: Ma’am ang paggalang sa
kanila at pag-aalaga ay isa sa maraming
Bigyan natin si Aslainie ng very good clap. paraan na aking ginagawa upang
maipakita ang aking pagpapahalaga sa
3. Paano ninyo pahalagahan ang inyong mga magulang gaya ng aking mga magulang.
pagpapahalagang ipinakita ni Don Pedro,Don Diego at Don Juan?
Jonel: Ang pagiging isang mabuting tao
Ronyiel,may opinyon ka ba sa ikatlong katanungan. at maaasahan sa lahat ng problema ng
ating bansa ma’am. Dahil bilang isang
mamumuno mrami kang mga bagay na
4. Kung ikaw ay isang ordinaryong mamamayan,kung ihahalintulad dapat ikonsidera, intindihin at bigyan ng
natin si Don Fernando sa mga taong namumuno ngayon sa ating bansa, solusyon. Bilang isang mabuting
ano sa tingin mo ang katangian nararapat taglayin ng isang pinuno mamumuno maiintindihan mo ang iba’t
lalong lalo na ngayon may pandemya? ibang sektor ang maaring matulungan sa
mga kinakaharap nilang problema.
Jonel,pwede mo bang sagutin ang ikaapat na tanong

Magaling Jonel!
E.Pagtalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong
kasanayan #2

Sa mga katangiang binanggit ni Jonel sa isang pinuno titingnan natin


ngayon kung ang mga nabanggit na katangian ba ay taglay din ng mga
tauhan sa Ibong Adarna, na susuriin natin ngayon. Ipapaskil sa pisara
ko ang tatlong saknong na kung saan susuriin ninyo kung sino ang
tauhan na tinutukoy, ano ang kaniyang katangian, papel na
ginampanan, kung siya ba ay pangunahin o pantulong na tauhan.
Babasahin ni Amor ang saknong 11.
Amor,maaari ka bang tumayo at basahin mo ang ika 11 saknong na
nasa pisara.

Saknong 11
Pangalan ng Haring ito
ay mabunying Don Fernando,
sa iba mang mga reyno’y
tinitingnang maginoo.

Mula sa saknong 11 sino ang tinutukoy na tauhan?


Diamon: Ang tauhan na tinutukoy sa
Diamon ,maari mo bang sagutin ang unang tanong. saknong 11 ay si Don Fernando po.
Diamon: Ang katangian na ipinakita
Ano ang katangian ang ipinakita ni Don Fernando sa saknong na ni Don Fernando ay ang pagiging
binasa? maginoo.

Diamon: Ang papel na


Ano ang papel na ginampanan ni Don Fernando bilang tauhan sa ginagampanan ni Don Fernando ay
nabasang saknong? hari ng Berbanya at ama ng tatlong
magkakapatid na sina Don
Pedro,Don Diego at Don Juan.

Diamon: Batay sa binasang saknong


Si Don Fernando ba ay maituturing na pangunahing tauhan o at ibinigay na kahulugan sa
pantulong na tauhan sa tulang Ibong Adarna. pantulong na tauhan si Don
Fernando po ay pantulong na tauhan.
Magaling! Diamon.Palakpakan natin si Diamon. (Palakpakan ang lahat)

Saknong 12
Kapilas ng puso niya
ay si Donya Valeriana,
ganda’y walang pangalawa’t
sa bait ay uliran pa.
(Babasahin ni Norhaila ang saknong 12.
Norhaila, basahin mo nga ang saknong 12 na nasa pisara.
Hazel:Ang tauhan na tinutukoy sa
Hazel, sino sa tingin mo ang tauhan na nabanggit sa saknong 12? saknong 12 ay si Donya Valeriana.

Hazel: Ang katangian na ipinakita ni


Ano ang katangian ng tauhan na nabanggit? Donya Valerian ay ang pagiging
mabait.

Hazel: Ang papel na ginampanan ni


Ano ang papel na kaniyang ginampanan ? Donya Valeriana ay reyna ng
Berbanya ina ng tatlong
magkakapatid na sina Don Pedro,
Si Donya Valeriana ba ay maituturing na pangunahing tauhan o ang Don Diego at Don Juan.
pantulong na tauhan.
Hazel: Batay sa binasang saknong at
Tama! Magaling Hazel. Palakpakan natin si Hazel. si Donya Valeriana po ay pantulong
na tauhan.
Ronyiel, basahin mo nga ang saknong 15 na nasa pisara.
(Palakpakan lahat)

Saknong 15 (Babasahin ni Ronyiel ang saknong 15)


Ang pangatlo’y siyang bunso
si Don Juan na ang puso,
sutlang kahit na mapugto
ay puso ring may pagsuyo Aslainie: Ang tauhan na nabanggit sa
Sino sa tingin ninyo ang tinutukoy na tauhan sa saknong 15? sa saknong 15 ay si si Don Juan.

Aslainie: Ang katangian ni Don Juan


Ano ang katangian ipinakita ni Don Juan batay sa saknong na binasa? na nabanggit sa saknong ay ang
pagiging mabuting kalooban.

Aslainie: Ang papel na ginampanan


Ano naman ang papel na ginampanan ni Don Juan batay sa saknong ni Don Juan ay bunsong anak ng hari
15? at reyna isa sa tatlong prinsipe.

Aslainie: Batay sa binasang saknong


Si Don Juan ba ay pangunahing tauhan o pantulong na tauhan? pangunahing tauhan si Don Juan po
dahil sa kanya nakatuon ang daloy
ng pangyayari sa tula.
F. Paglinang sa Kabihasaan
(Tungo sa Formative Assessment)

Ang pangunahing tauhan gaya ng sabi ni Aslainie ay siyang bida sa


kwento at sa kaniya umiikot ang mga pangyayari. Gaya sa tulang ang
Ibong Adarna.

Sa oras na ito magkakaroon tayo ng pangkatang gawain ,ipapangkat ko


kayo sa tatlo, tatayo ang isang represintante ng bawat grupo bubunot
ng isang saknong na nakasulat sa meta cards.Bibigyan ko lang kayo
ng limang minuto ang bawat pangkat.upang mabuo ang Concept
Map. Suriin at basahin ng mabuti ang bawat saknong na inyong
hawak batay sa hinihingi sa Concept Map.Isusulat ang mga kasagutan
sa ibabahagi kong cartonila strips pagkatapos ididkit ito sa pisara at
ibabahagi sa klase ang sagot.Bago tayo magsimula sa pangkatang
gawain babasahin muna natin ang pamantayan sa pagmamarka upang
ito ang magiging gabay natinsa pagbibigay ng marka /iskor.

Pamantayan sa Pagmamarka

Kriterya Puntos Iskor


1. Naibabahagi 5
ang katangian
papel na
ginampanan,
pangunahin
at pantulong
na tauhan.
2. Tumpak ang 5
mga
impormasyon
batay sa nila
3. Malakas ang 5
boses sa pag-
uulat

Kabuuan 15

Ibong Adarna

Mga Tauhan Mga Katangian Papel na


ginampanan

Pangkat I
Ang tauhan na nabanggit sa saknong
ay ang haring Salermo.

Ang katangian ng haring Salermong


Pangkat I nabanggit sa saknong ay marangal.
Saknong 1192
“Haring Salermong marangal, Ang papel na ginampanan ng tauhan
mamayapa ang kahilingan, sa tula ay isang hari.
kahit ko na ikamatay
Batay sa binasang saknong si haring
kayo’y di ko masusuway.
Salermo ay pantulong na tauhan.

Ang tauhan na nabanggit sa saknong


ay ang serpyente.

Ang katangian ng serpyente na


nabanggit ay matapang.
Pangkat II
Saknong 578 Ang papel na ginampanan ng
Di mo baga nalalamang serpyente ay bantay ng palasyo.
mapanganib iyang buhay,
sa Serpyente kong matapang Batay sa binasang saknong ang papel
alang salang mamamatay? na ginampanan ng serpyente ay
pantulong na tauhan.

Ang tauhan na nabanggit sa saknong


ay si Leonora.

Pangkat III Ang katangian ni Leonora ay


Saknong 659 matimtiman.
Nabihag ng kagandahan
ni Leonorang matimtiman, Ang papel na kaniyang ginampanan
ang Prinsesa kung titigan, ay isang prinsesa na ubod ng ganda.
titig na may kahulugan.
Sa binasang saknong si Leonora ay
pantulong na tauhan.

G. Paglalapat ng Aralin sa Araw-araw na Buhay

Sa mga ibinigay kung saknong nasuri niyo ito ng maayos, ang mga
tauhan, katangian, papel na ginampanan at pagkilala kung sila ba ay
pangunahing tauhan o pantulong na tauhan. Sa pamamagitan nito mas
naiintindihan natin ang daloy ng tula at role na pinoportray ng bawat
tauhan sa tula.
Ronyiel: Para po sa amin nararapat
Bilang mag-aaral dapat bang tularan ang katangian ni Don Fernando
pong tularan ang katangiang na
na isinalaysay sa Ibong Adarna ang magiging maginoo at mabuting
ipinakita ni Don Fernando sapagkat
hari/tao?
Ang pagiging mabuting tao ang
Magaling! Bigyan natin ng correct ni Kris Aquino clap si Ronyiel.
magiging daan para magkaroon ng
positibong pananaw sa buhay at sa
hinaharap.

Charlene, may maidagdag ka pa bang ideya tungkol sa katanungan Charlene: Bilang isang mag-aaral
kanina. mahalaga ang pagkakaroon ng
mabuting kalooban lalo na sa inyong
mga kaklase at guro. Upang ikaw ay
Magaling Charlene! Bigyan natin ng Mosquito Clap. magkaroon ng kaibigan na
gagalangin ka at rerespetuhin ka sa
kabila ng inyong pagkakaiba.

Mahalaga sa bawat tao ang paggalang sa kapwa.


Mula sa bersikulo na nasa bibliya 1 Pedro 2:17 na nagsasaad na (Palakpakan ang lahat)
“Igalang ninyo ang lahat ng mga tao. Ibigin ninyo ang pagkakapatiran.
Mangatakot kayo sa Dios. Igalang ninyo ang hari”.

Gaya ng inihayag sa bibliya ang paggalang ay isang importanteng


katangian. Na sa kabila ng ating pagkakaiba patuloy pa rin nating
galangin at respetuhin ang ating kapwa. Kung ginawa ng Panginoon
kaya rin nating gawin bilang tao.

H. Paglalahat ng Aralin

Sa kabuuan alam ko na naiintindihan na ninyo ang ating aralin. Mula


sa inyong natutunan magkakaroon tayo ng gawain natatawagin nating
“Fill in the Gaps”. Na kung saan dudugtungan ninyo ang sasabihin ko .

Amor,maari ka bang tumayo at dugtungan mo ang sasabihin ko.


Ang katangian ay___________ Amor: Ang katangian ma’am ay
tumutukoy sa pag-uugali ng tao kung
paano ito kumilos na naaayon sa
Diamon, maari ka bang tumayo at dugtungan ang salita na aking kanyang pagkatao.
sasabihin.

Ang papel na ginampanan__________ Diamon: Ang papel na ginampanan


ay tawag sa tungkulin na
Magaling Diamon! ginagampanan ng isang indibidwal o
organisasyon.

Ronyiel, maari mo bang dugtungan ang salita na aking babanggitin.

Ang pangunahin tauhan at pantulong na tauhan________ Ronyiel: Ang pangunahing tauhan ay


ang sinasabi nating bida. Sa kanya
umiikot ang kwento. Samantalang
Magaling Ronyiel! Palakpakan natin si Ronyiel. ang pantulong na tauhan ay maliit na
papel ang ginampanan sa akda o
kwento.
I.Pagtataya
Sa oras na ito susukatin ko ang inyong kaalaman sa paksang
tinalakay, magkakaroon tayo ng isang maikling pagsusulit . Ang
gagawin ninyo ay piliin lamang ang letra ng tamang sagot batay sa
ibinigay test paper na kung saan ibabahagi ko isa isa sa inyo.
Panuto:Basahin at unawaing mabuti ang bawat saknong, suriin ang
tauhan, katangian at papel na ginagampanan. 1. D
1. Kung gayun ay sabihin mo,
prinsipe ang sadya dito,
kung sa akala’y kaya ko.
ako’y handang sumaiyo.

Ano ang katangian ng tauhan sa nabanggit na saknong.

A. maasahan B. maramot C. matulungin D. maunawain


2. A
2. Bunsong anak kung Don Juan,
ang sagot ng haring mahal,
kung ikaw pay mawawala’y,
ay lalo kung kamatayan.

Sino sa tingin ninyo ang tauhan na nagsalita sa saknong.

A. Don Fernando B. Don Costavo C. Don Philip D. Don


Crisostomo
3.B
3. Nabigla itong prinsesa
sa taong kanyang nakita,
si Don Jua’y napatanga
sa palasyong pagkaganda.

Ano ang papel na ginampanan ng babae sa saknong na


nabanggit?

A. mag-aaral B. prinsesa C. mambabasa D. Asawa

J. Karagdagang Gawain/Takdang-Aralin

Magbibigay ako sa inyo ng takdang aralin at isusulat ninyo ang inyong


sagot sa sangkapat na papel.

Panuto: Batay sa saknong na aking ipinasulat sa inyo sa inyong mga


kuwaderno, basahin at suriing mabuti ang saknong na aking inilagay.
Tukuyin kung sino ang tauhan na tinutukoy, katangian papel na
ginampanan at tukuyin kung ang nabanggit na tauhan ay pantulong o
pangunahing tauhan.

Gayunpama’y tignan natin


sa bago kung hihilingin
sa bigat nito’y marahil
buhay niya’y makikitil
V. MGA TALA
VI. PAGNINILAY
A. Bilang ng mga-aaral na nakakuha ng 80% sa pagtataya
B. Bilang ng mag-aaral na nangangailangan ng iba pang
gawain para sa remediation.

C. Nakatulong ba ang remedial? Bilang mag-aaral na


nakaunawa sa aralin.

D. Bilang ng mga mag-aaral na nagpatuloy sa remediation.

E. Alinsa mga estratehiyang pagtuturo na nakatulong sa tulong


ng aking punongguro at superbisor?

F. Anong suliranin ang aking nararanasan na solusyon sa


tulong ng aking punongguro

Inihanda ni: Isinuri ni:


WASQUIN, MAILA B. CHERRYL M. CINCO

Minasid nina: EDARLINE E. QUIAPO EMMA ZALSOS


Punong Departamento
Grade 7 and 8 BSED Programme Head

You might also like