You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

Department of Education

Banghay-Aralin sa Filipino 7

Asignatura: Filipino 7 Petsa: Enero 20, 2023


Baitang/Seksiyon: 7 – STE 2:00-3:00

Pamantayang Pangnilalaman:

Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga akdang pampanitikan


ng Luzon

Pamantayan sa Pagganap

Naisasagawa ng mag-aaral ang komprehensibong pagbabalita (news casting)


tungkol sa kanilang sariling lugar

Pamantayang Pangnilalaman: (Mula sa MELCs)

Pagkatapos ng Ikapitong Baitang, naipamamalas ng mag-aaral ang


kakayahang komunikatibo, mapanuring pag-iisip, at pag-unawa at
pagpapahalagang pampanitikan gamit ang teknolohiya at iba’t ibang uri ng teksto
at akdang pampanitikang rehiyunal upang maipagmalaki ang sariling kultura,
gayundin ang iba’t ibang kulturang panrehiyon.

Mahalagang Kasanayang Pampagkatuto (MELCs):

F7PB-IIId-e-15
Nasusuri ang mga katangian at elemento ng mito, alamat, kuwentong-
bayan, maikling kuwento mula sa Mindanao, Kabisayaan at Luzon batay sa paksa,
mga tauhan, tagpuan, kaisipan at mga aspetong pangkultura (halimbawa:
heograpiya, uri ng pamumuhay, at iba pa)

I. Layunin:

Sa katapusan ng aralin ang mga mag-aaral ay inaasahang:


1. Nakikilala ang katangian at elemento ng isang mitolohiya.
2. Nabibigyang halaga ang mga diyos at diyosa sa mitolohiyang tagalog at ang
kahalagahan ng nito sa pagpapaunlad ng panitikan.
3. Naisasakatuparan ang mga gawaing inihanda ng guro.

II. Paksang-Aralin:
Paksa: Pagkilala sa Mitolohiya
Sanggunian: Pinagyamang Pluma 7 pp. 267-289; Panitikang Rehiyonal pp.
192-199
K to 12 Gabay Pangkurikulum sa Filipino 10 (MELCs)
Budget of Work (BOW)
Kagamitan: Aklat, yeso, pisara, internet, laptop, LED TV

III. Pamamaraan:

A. Panimulang Gawain:
 Panalangin
 Pampasigla (Energizer)
 Pagtatala sa mga pumasok at lumiban (Checking of Attendance)

Pagganyak:

Gawain: SINO SILA?

May ipakikitang apat na larawan ang guro. Huhulaan ng bawat mag-aaral ang
tamang terminolohiya para sa apat na larawan.

https://www.pinterest.ph/pin/2744449743337335/ https://www.freepik.com/free-photos-vectors/king-character
B T A A H I

https://www.freepik.com/free-vector/queen-wearing-red-gown_22725127.htm https://www.pinterest.ca/pin/749356825495000581/

R Y A D I A A

Pag-aalis ng Sagabal:
B. Panlinang na Gawain (4As)

1. Mga Gawain: (Activity)


TARA NOOD TAYO!
 Magpapanood ang guro sa mga mag-aaral ng isang video clip mula
sa youtube ng isang halimbawang mitolohiya.

SI TUNGKUNG LANGIT AT ALUNSINA


(Kung Bakit Umuulan)
https://www.youtube.com/watch?
v=H0l0X_zdCjw

2. Pagsusuri: (Analysis)
Pagpapasagot sa mga katanungan:

1. Sino-sino ang mga tauhan sa kuwentong pinanood? Sino ang tauhang


higit mong nagustuhan? Bakit?
2. Maituturing bang akdang pampanitikan ang mga akdang gumagamit
ng mga diyos, diyosa, bathala at diwata bilang mga tauhan? Ano ang
tawag dito?
3. Ibigay ang pangkalahatang tema ng mitolohiya bilang isang akdang
pampanitikan.
4. Paano ito nagkakapareho at naiiba sa ibang akdang pampanitikan?
5. Makatutulong ba ang mga akdang mito sa pagpapaunlad ng
panitikang Pilipino? Paano?

3. Paghahalaw: (Abstraction)
LARAWAN-ILARAWAN:
Pagbibigay ng mga larawan ng mga diyos at diyosa sa bawat pangkat.
Pagkilala at paglalarawan ng mga mag-aaral sa mga katangian na
taglay nila sa harap ng klase.

4. Paglalapat: (Application)
Kung ikaw ay isang diyos o diyosa na magiging tauhan sa isang
mitolohiyang Tagalog o sa sarili nating mitolohiya, anong kapangyarihan
mayroon ka? Bakit ito ang iyong napili?

C. Paglalahat:
Ano ang natutunan niyo sa leksiyong ating tinalakay?

IV. Pagtataya:
Maikling Pasulit:
WORD HUNT
Panuto: Hahanapin ng mga mag-aaral sa loob ng kahon ang mga
salitang kukumpleto sa pangkalahatang kaisipan ng aralin.

Ang _______ay karaniwang tumatalakay sa mga kwentong may


kinalaman sa mga _______, _______, at mga kakaibang _______ na may
_______.

Sagot: Ang mitolohiya ay karaniwang tumatalakay sa mga kwentong may


kinalaman sa mga diyos, diyosa, at mga kakaibang nilalang na may
kapangyarihan.

V. Takdang-Aralin:

1. Magsaliksik ng isang mitong mula sa ating bayang Habongan at ibigay


ang kapangyarihang taglay ng mga diyos at diyosa na mula rito.
2. Ano ang alamat at kuwentong bayan? Paano ito maiuugnay sa
mitolohiya?

VI. Puna:

Inihanda ni:

Sinuri ni:

Inaprobahan ni:

You might also like