You are on page 1of 11

REPUBLIC OF THE PHILIPPINES

KOLEHIYO NG LUNGSOD NG LIPA


MARAWOY, LIPA CITY
COLLEGE OF TEACHER EDUCATION

Paaralan Pinagtongulan Integrated National Seksiyon Grade 7


High School
Guro Maurene V. Aranda Asignatura FILIPINO
Petsa/ Markahan Ikatlong
TALA SA Oras Pebrero 12, 2024
PAGTUTURO

I. LAYUNIN
A. Pangkaisipan/ Conitive F7PB-Iiid-e-16
Nasusuri ang mga katangian, kaugalian at uri ng
Kuwentong Bayan at iba’t ibang paraan ng
pagpapahayag ng emosyon at damdamin.
B. Pandamdamin/ Affective Natutukoy ang iba’t ibang pinagmulan ng mga
bagay tulad ng elemento ng mito, maikling-
kuwento, kuwentong bayan.
C. Saykomotor/ Psychomotor Nakapagbibigay ng iba’t-ibang emosyon at
damdamin ang mga mag-aaral mula sa
talakayan.
II. NILALAMAN KUWENTONG BAYAN (SI MALAKAS AT SI
MAGANDA)
IBA’T IBANG PARAAN NG PAGPAPAHAYAG NG
EMOSYON AT DAMDAMIN

III. KAGAMITANG PANTURO


A. Mga Sanggunian
1 Mga Pahina sa Gabay ng Guro MELC FILIPINO G7Q3, CURRICULUM GUIDE
2 Mga Pahina sa Kagamitang Pangmag-aaral Panitikang Rehiyonal 192-197
3 Mga Pahina sa Tesbuk
4 Karagdagang Kagamitang mula sa Portal ng https://www.youtube.com/watch?v=YvlO3vTlFNc
Learning Resources
B. Listahan ng mga Kagamitang Panturo para  Powerpoint Presentation
sa mga Gawain sa Pagpapaunlad at  Kagamitang pampagkatuto at
Pakikipagpalihan  Laptop, HDMI, at Projector
IV. PAMAMARAAN
Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral
A. Panimulang Gawain
Bago natin simulan ang ating talakayan tayo
muna humingi ng panalangin sa poong
maykapal. Ang lahat ay inaanyayahang tumayo
para sa panalangin.
REPUBLIC OF THE PHILIPPINES
KOLEHIYO NG LUNGSOD NG LIPA
MARAWOY, LIPA CITY
COLLEGE OF TEACHER EDUCATION

(Inaasahang tatayo ang mga mag-aaral at


mananalangin)
(Ipapakita ang bidyo ng panalangin)

1.Pagbati
Isang mapagpalang araw sa inyong lahat! Mapagpalang araw din po Ma’am.

Maaari na kayong magsiupo. Salamat po.

2.Pagpuna sa kaayusan ng silid-aralan.

Para sa masaya at makabuluhang talakayan,


narito ang akronim ng “PANINIWALA tsek ”
na dapat ninyong sundan at tandaan:

P- anatilihin ang kalinisan at maging


komportable sa inyong upuan.
A- lisin ang ano mang maaaring makasagabal
sa talakayan.
N-awa’y ang atensyon ng lahat ay nasa unahan
lamang.
I- sipan ay patakbuhin nang pag-uwi ay
marami kang madadala.
N-itong aking talakayan ay maging inyo isaisip
at isapuso.
I-imik lamang kapag may itatanong ang guro.
W-ag makipagusap sa katabi kung hindi
naman kinakailangan.
A-ktibong pakikilahok ay inyo gulaiin.
L-ahat ng distraksiyon ay atin munang iwasan.
A-tensyon ng inyong sarili ay ihanda na
sapagkat tayo ay magsisismula na sa
panibagong talakayan.

Maliwanag ba ang PANINIWALA tsek? Opo. Ma’am

3.Pagtatala ng liban sa klase

Para sa sekretarya ng klase sinong liban (Inaasahang tatayo ang sekretarya ng klase
ngayon araw? upang sabihin ang liban)

Maraming salamat.

Mahusay! Dahil walang liban ngayong araw


patunay lamang ito na kayo ay nananabik na
muling matuto ng panibagong aralin. Halina
buksan ang isip, talasan ang pandinig at
paningin.
REPUBLIC OF THE PHILIPPINES
KOLEHIYO NG LUNGSOD NG LIPA
MARAWOY, LIPA CITY
COLLEGE OF TEACHER EDUCATION

4. Paglalahad ng Layunin (Babasahinng ng mga mag-aaral ang tatlong


Para sa layunin ng ating aralin inyong layunin.)
pakinggan at unawain. Matapos ang aralin na
ito, kayo ay inaasahang:

 Masusuri ang mga katangian, kaugalian


at uri ng Kuwentong Bayan at iba’t
ibang paraan ng pagpapahayag ng
emosyon at damdamin.

 Matutukoy ang iba’t ibang pinagmulan


ng mga bagay tulad ng elemento ng
mito, maikling- kuwento, kuwentong
bayan.
 Makapagbigay ng iba’t-ibang emosyon at
damdamin ang mga mag-aaral mula sa
talakayan. Opo, Ma’am.
Nauunawaan ba ang tatlong layunin?

Bago tayo tuluyang magsimula sa ating


talakayan, tayo munang magkasiyahan.

Pagsasanay 1:
Panuto:
Para sa gagawin ito tatawaging natin “HULA MO,
PANIWALAAN MO” para sa mekaniks ng gawain ito
hahatiin ko ang klase sa apat na pangkat upang (Babasahin ng isang mag-aaral ang Panuto)
isagawa ang kanilang gawain na ibibigay ng guro na
kung saan kailangan lang nila ito buuin mayroon
lamang sila limang minuto upang mabuo ang
kanilang gawain.

Handa na ba ang lahat?

Kung ganon tayo na magsimula.

Opo ma’am nauunawaan po namin.

PIYESTA Mahal na Araw


REPUBLIC OF THE PHILIPPINES
KOLEHIYO NG LUNGSOD NG LIPA
MARAWOY, LIPA CITY
COLLEGE OF TEACHER EDUCATION

Sa aking pong palagay, ang mga larawan na


aking nakita ay isang kultura o tradisyon na
PASKO PAGMAMANO ginagawa ng mga tao at sa kasalukuyan ngayon.

Batay sa mga larawan na inyong nakita ano


kaya ang ipinahihiwatig nito sa atin?

(Inaasahang gagawin ng apat na pangkat ang


inatasan gawin.)

Talaga namang makikita sa inyong mga mukha na


kayo ay nasiyahan sa ating ginawa gawain.
C. Analisis
Pagtalakay sa Kuwentong Bayan (SI MALAKAS
AT SI MAGANDA) at iba’t ibang paraan ng
pagpapahayag ng emosyon at damdamin.

Ngayon naman ay mayroon ako ipapanood sa


inyo na bidyo clip na may kinalaman sa atin
talakayan ngayon araw.
(Inaasahang ang lahat ng mga mag-aaral ay
nakikinig sa kanilang pinapanood na patungkol
sa KUWENTONG BAYAN na pinamagatang Si
Malakas at Si Maganda)

(Ipapanood ang bidyo clip sa mga mag-aaral.)

Tanong: POSIBLENG KASAGUTANG:


1. Sino ang pangunahing tauhan sa pinanuod 1. ang pangunahing tauhan po sa aming
sa akda? Ilarawan ang bawat isa. pinanood ay si Si Malakas at Si Maganda.
2. Ano-ano ang katangian at paniniwala ng 2. Ang katangian po nina Malakas at Maganda ay
tauhan sa akda? sila po ay nagmamahalan sa isa’t isa na parang
sila adan at si eva. Ang paniniwala na
nagpapaliwanag na sina Malakas at Maganda ang
mga unang tao sa bansa.
REPUBLIC OF THE PHILIPPINES
KOLEHIYO NG LUNGSOD NG LIPA
MARAWOY, LIPA CITY
COLLEGE OF TEACHER EDUCATION

Batay sa napanood nyo ano kaya uri ng teksto


ang binasang akda? Batay po sa aking pananaw, ay pumapatungkol
po ito sa Kuwentong Bayan.

Tumpak ang iyong kasagtan! Kaya naman


inaan yahan ko ang lahat na tumayo upang
ating sya palakpakan gawin lamang aking (Inaasahang gagawin ng mag-aaral ang palakpak
sasabihin 1,2,3 123, ANG GALING MO. Maari na tinuro ng guro).
na kayo magsiupo.

Ngayon naman dadako na tayo sa ating


talakayan ito ay ang Kuwentong bayan.

Kahulugan ng Kuwentong Bayan

Ang mga kuwentong bayan ay bahagi na ng


panitikan ng mga Pilipino bago pa man (babasahin ng mag-aaral ang kahulugan ng
dumating ang mga kastila. Kuwentong Bayan)

May Apat na katangian ng kuwentong


Bayan:
1. Ito ay lumaganap at nagpasalin-salin sa iba’t
ibang henerasyon sa pamamagitan ng
pasalindila.
2. Ito ay nasa anyong tuluyan (dire-diretso o
hindi patula) at naglalaman ng kaugalian at
tradisyon ng lugar kung saan ito nagmula.
3. Ito ay naglalahad ng mahihiwagang bagay o
pangyayari katulad ng isang ibong nagingitlog
ng ginto, diwata, diyos o diyosa, anito kapre at
ipa pang elemento, sirena syokoy, atbp.
4. Ito higit sa lahat ay naglalaman ng gintong
aral na nagpapahiwatig ng mga bagay na
nagyayari sa paligid.

Halimbawa:
Mga Kuwentong Bayang Tagalog
Si Makiling
(Babasahin ng mag-aaral ang halimbawa)
Si Mariang Mapangarapin
Kung bakit umuulan

Maaari ka bang makapagbigay ng Kuwento


bayan na iyong narinig o nabasa
(Magbibigay ng Halimbawa ang mag-aaral)
Ang kuwentong bayan ay tinatawag natin na
matatandang anyo ng panitikan. Bukod dito
ay mayroon pang uri ng kuwentong bayan ang
alamat at elemento ng mito at maikling-
kuwento.
REPUBLIC OF THE PHILIPPINES
KOLEHIYO NG LUNGSOD NG LIPA
MARAWOY, LIPA CITY
COLLEGE OF TEACHER EDUCATION

Kahulugan ng Alamat:
Ang Alamat ay isang uri ng Kuwentong bayan
at panitikan na nagsasalaysay ng mga
pinagmulan ng mga bagay-bagay sa daigdig.
(babasahin ng mag-aaral ang kahulugan ng
Hal. Alamat)
Alamat ng Saging
Alamat ng Santan
(Babasahin ng mag-aaral ang halimbawa)

Maaari ka bang magbigay ng halimbawa ng


ibang pang Alamat? (Magbibigay ng Halimbawa ang mag-aaral)

Ang alamat ay isang uri ng panitikan na


naglalaman ng tungkol sa mga pinagmulan ng
mga bagay-bagay sa daigdig. Kung minsan
nagsasalaysay ito ng mga pangyayari hinggil sa
tunay na mga tao at pook. Tumatalakay din ito
sa mga katutubong kultura, kaugalian o
kapaligiran. Ito ay kadalasang mga kathang-
isip na nagpasalin-salin buhat sa ating mga
ninuno.

(Tatawag ang guro ng isang mag-aaral upang


makapagbigay ng hal.)

Kahulugan ng Elemento ng Mito o


Mitolohiya

Mito o Mitolohiya- tumutukoy ito sa kalipunan


ng mga mito mula sa pangkat ng mga tao sa (Babasahin ng mag-aaral ang kahulugan ng
isang lugar na naglalahad ng kasaysayan ng Elemeto ng Mito)
mga diyos-diyosan noong unang panahon sa
sinasamba, dinarakila ng mga sinaunang tao.
(Tatawag ang guro ng mag-aaral para basahin
ang kahulugan ng mito.)

Halimbawa:
REPUBLIC OF THE PHILIPPINES
KOLEHIYO NG LUNGSOD NG LIPA
MARAWOY, LIPA CITY
COLLEGE OF TEACHER EDUCATION

Ang mitolohiya ay isang koleksyon ng mga


kwento, alamat, at paniniwala na nagmula sa
iba’t ibang kultura at lipi.

Kahulugan ng maikling- kuwento

Maikling kwento-Ang maikling kwento ay


isang masining na anyo ng panitikan na
naglalaman ng isang maiksing salaysay
tungkol sa isang mahalagang pangyayari na
kinabibilangan ng isa o ilang tauhan. Nag-
iiwan ito ng isang kakintalan sa isip ng mga
mambabasa.
(Tatawag ang guro ng mag-aaral para ibasa ang
kahulugan ng Maikling Kuwento.)

Halimbawa:

Ngayon naman tayo na dumako sa ating sunod


na talakayan ito ang Iba’t ibang Paraan ng
Pagpapahayag ng Emosyon at Damdamin

May apat na uri ang Pagpapahayag ng


emosyon at Damdamin.
1. Mga pangungusap na padamdam
- nagsasaad ng matinding damdamin o
emosyon, bantas na tandang padamdama.
2. Maikling Sambitla
- Nagsasaad ng matinding damdamin o
emosyon o dalawang pantig.
3. Mga pangungusap na nagsasaad ng tiyak (Babasahin ng mag-aaral ang apat na uri ng
na damdamin o saloobin ng isang tao. pagpapahay ng emosyon at damdamin)
REPUBLIC OF THE PHILIPPINES
KOLEHIYO NG LUNGSOD NG LIPA
MARAWOY, LIPA CITY
COLLEGE OF TEACHER EDUCATION

4. Mga pangungusap na nagpapahiwatig ng


damdamin sa hindi diretsahan paraan.

Maraming paraan ng pagpapahayag ng


emosyon, o damdamin. Isang paraan ang
paggamit ng padamdam na pangungusap na
nagsasaad ng masidhi damdamin, gayundin
ang mga pahayag na nagtatanong.

Hal.

1. PAGHANGA: Wow! Ganda! Galing!


2. TUWA: Yehey! Salamat!
3. PAGTATAKA: Bakit! Talaga!

Maari kaba makapagbigay ng masidhi –ng


damdamin na PAGKATAKOT?

(Tatawag ang guro ng dalawang mag-aaral na


makapagbigay ng halimbawa ng masidhing (Magbibigay ng Halimbawa ang mag-aaral)
damdamin na Pagkatakot)

Ang isa pang paraan ng pagpapahayag ng


emosyon o damdamin ay pangungusap na
tiyakang nagpadama ng damdamin ng (Babasahin ng mag-aaral)
nagsasalita.

Hal.
1. Totoong galit na galit ako sa iyo. Magbibigay ng Halimbawa ang mag-aaral)
2. Sa ginawa mong pang-iiwan sa akin,
nagtatampo ako sa iyo.
3. Naawa ako sa mga batang lansangan.

(Maaari ka baang magbigay ng halimbawa ng


pagpapahayag ng emosyon at damdamin gamit
sa pangungusap)

Naunawaan ba?
Opo, ma’am

Mayroon ba kayong nais linawin o tanungin?


Wala po.

Tila nga naman kayo ay may nauwaan sa ating


REPUBLIC OF THE PHILIPPINES
KOLEHIYO NG LUNGSOD NG LIPA
MARAWOY, LIPA CITY
COLLEGE OF TEACHER EDUCATION

tinalakay ngayon araw?

Dumako na tayo sa ating sunod na gawain ito


ay pangkatang gawain.

Panuto: Hahatiin ko ang klase sa apat na


pangkat. Kinakailangan lamang nila gawin ang
inaatasan na gawain bawat grupo. Sa paggawa (Babasahin ng isa mag-aaral ang panuto para sa
ng ay bibigyan lamang kayo ng limang minuto pangkatang gawain).
upang ito gawin.

UNANG PANGKAT:
Suriin ang sinalungguhitang salita o
pangungusap.

Ganda! Ubod ng ganda!


Batay sa salita na may salungguhit ano kaya
ang gusto ipahayg nito?

IKALAWANG PANGKAT: (Ang bawat pangkat ay maghahanda na at


Para sa ikalawang pangkat magbigay ng sisismulang gawin ang napaatang sa kanilang
sariling pangkahulugan ng Kuwentong Bayan. gawain)

IKATLONG PANGKAT:
Bumuo ng limang pangungusap na
nagpapahayag ng iba’t ibang emosyon at
damdamin. Gawin ito sa pangungusap.

(Pagkatapos ng limang minuto ay magpreprenta


na ng bawat pangkat ng kanilang inihandang
IKAAPAT NA PANGKAT: presentasyon).
Gamit ang graphic organizer ay suriin ang
ugnayan ng tradisyon at akdang panitikan
batay sa napanood na kuwentong bayan.

Narito ang Pamantayan sa Pagmamarka:


REPUBLIC OF THE PHILIPPINES
KOLEHIYO NG LUNGSOD NG LIPA
MARAWOY, LIPA CITY
COLLEGE OF TEACHER EDUCATION

Pamantayan Indikador Puntos

Nilalaman Maayos ang 10


pagkakabuo ng
ideya
Kaangkupan ng May 10
Ideya kaugnayan sa
balita ang
nabuong ideya
Presentasyon Maayos ang 10
paglalahad ng
sariling
konsepto
Kabuuan 30

(Pagbati ng guro sa matagumpay na (Pagbibigay ng magsigabong palakpakan sa


presentasyon ng bawat pangkat. kahusayan ng bawat isa.)
D. Abstraksyon
Tanong: POSIBLENG KASAGUTANG:
1.Ano ang katangian ng kuwentong bayan? 1. Ang katangian ng kuwentong bayan ay
magbahagi ng isang kalinanagan na binabahagi
ng isang particular na pangkat ng mga tao.
2. Ang iba’t ibang uri ng Pagpapahayag ng
2.Isa-isahin ang iba’t ibang uri emosyon at Damdamin ay Mga pangungusap na
ngPagpapahayag ng emosyon at Damdamin. padamdam, Maikling Sambitla, Mga
pangungusap na nagsasaad ng tiyak na
damdamin o saloobin ng isang tao, Mga
pangungusap na nagpapahiwatig ng damdamin
sa hindi diretsahan paraan.
3.Bilang isang mag-aaral, bakit kinakailangan 3. Sa aking pong palagay, kinakailangan
pahalagahan ang mga pagpapahayag ng pahalagahan ang mga pagpapahayag ng emosyon
emosyon at damdamin. at damdamin sapagkat ang emosyon po ay sya
nagpapakita ng pahayag o reaksyon ng isang tao.
Ang damdamin naman po ay nakakatulog ito
upang malaman natin ang nararamdaman ng
isang tao.
E. Aplikasyon

Batay sa larawan, sumulat ng iba’t ibang


pahayag na nagpapakita ng emosyon o
damadamin. Gawin ito sa inyong Journal
Notebook.
REPUBLIC OF THE PHILIPPINES
KOLEHIYO NG LUNGSOD NG LIPA
MARAWOY, LIPA CITY
COLLEGE OF TEACHER EDUCATION

V. PAGTATAYA
Ebalwasyon
Mahusay! Talaga namang ang inyong utak ay
hitik na hitik sa karunungan at nasagutan ang
mga katanungan. Ngayon upang malaman at
mataya ang inyong mga natutunan halina’t
sagutan ang inihanda kung pagtataya na
naglalaman ng katanungan.

Panuto: Basahin ang pangungusap at tukuyin


ang isinasaad. Isulat ito sa malinis na papel.

1-2. Ibigay ang dalawang uri ng iba’t ibang uri


ng pagpapahayag ng emosyon at damdamin? SUSI SA PAGWAWASTO
3. Ito ay bahagi na ng panitikan ng mga 1. MGA PANGUNGUSAP NA PAMDAMDAM
Pilipino bago pa man dumating ang mga 2. MAIKLING SAMBITLA
kastila? 3.KUWENTONG BAYAN
4. Ito ay isang uri ng Kuwentong bayan at 4. Alamat
panitikan na nagsasalaysay ng mga 5. MATATANDANG ANYO NG PANITIKAN
pinagmulan ng mga bagay-bagay sa daigdig?
5. Ano pang tawag sa Kuwentong Bayan,
Alamat, Mito, at Maikling Kuwento?

Batid kong lubos ninyong naunawaan at


naintindihan ang tinalakay natin ngayong araw
kung kaya bago ako magpaalam narito ang
inyong takdang-aralin.

VI. TAKDANG ARALIN


GUMAWA NG SARILING KUWENTONG NA
NAGPAPAKITA NG IBA’T IBANG EMOSYON
AT DAMDAMIN. GAWIN ITO SA BOND
PAPER.

Inihanda ni:
MAURENE V. ARANDA
Gurong Nagsasanay

Iwinasto ni:
RECEL L. PILASPILAS, LPT
Gurong Tagapagsanay

You might also like